Download App
86.36% Uno Amore (Tagalog-English) COMPLETED / Chapter 38: Chapter 36

Chapter 38: Chapter 36

Why are you here?

Zazdrick's POV

I didn't mean it. Na dala lang ako sa emosyon ko nang dahil sa lintek kong kapatid. So ano ang napala niya ngayon? Eh 'di siya naman ngayon ang tulala. Akala niya maaagaw niya talaga sa 'kin ang girlfriend ko? He wish.

"O, kuya, bakit parang busangot ka?" bungad ni Lishia.

"Don't talk to me right now. I'm pissed." Naglakad ako paakyat sa kwarto ko.

I laid my body to the mattress. Bakit gano'n? Kung tutuusin, masaya dapat ako kasi malapit na siya sa 'kin pero bakit ganito ang nararamdaman ko? I feel betrayed by my own brother.

My mind can't accept the truth I'm facing right now. I hope Amasia would remember me but when? 'Yan ang malaking tanong na gumugulo sa isip ko. 'Kailan?' Kailan niya ako maaalala?

I stood up and went to the balcony. I saw a rainbow. Someone says rainbow symbolizing hope. Should I wish that everything will be better? How ironic.

Nawawalan na ako ng pasensiya. I love Amasia so much pero sa sitwasyong ito, pinapahirapan ko lang siya.Tumunog ang telepono. Kinuha ko ito sa bulsa ko sabay sagot.

"Hello?"

"Hello Zazdrick. Miss me?"

Is this Cara? Why the voice so familiar? Sa isip ko.

"Who's this? How did you know my name?"

Narinig kong tumawa siya ng mahina. "You're funny Zazdrick. It's me, Cara. You're fianceè."

Fianceè? Is she serious with that? It's funny by the way.

"Fianceè? Are you kidding me?"

"I'm not joking Zazdrick. Ipinahanda na ni tita ang engagement party natin. Aren't you excited?"

Seryoso ba siya? Bakit naman ako pangunahan ni mommy sa desisyon ko? Hindi niya magagawa iyon.

"I don't believe in you. You're just seeking attention, right? Tsk. Attention seeker."

"Hindi ako nag-iimbento Zazdrick. Kung gusto mo, tawagan mo pa ang mommy mo. Go, I won't stop you."

Ibinaba ko ang telepono. Hindi puwede 'yong mga sinasabi niya. Hindi puwedeng mangyari iyon. Dinial ko ang numero ni mommy, agad naman itong sumagot.

"Yes anak?" pambungad ni mommy.

I sighed. "Mom is it true na magpapakasal kami ni Cara?"

I wait for her response but a few jiffies later sinagot niya ito na nakapagpa lumo sa akin.

"Yes, and it's ASAP."

No way, bakit naman ako magpapakasal sa 'di ko kakilala? Hindi ako tanga para gawin iyon. Anong silbi ng kasal kung 'di ko rin naman mahal ang papakasalan ko.

"Mom... I told you, 'di ba? 'Wag mo akong pangunahan."

"I know but it's for your own sake son. Nag-aalala lang ako sa 'yo."

Pumikit ako dulot ng iritasyon. "Nag-aalala ba ang tawag mo diyan sa ginagawa mo mom? You're harassing me."

"Ginawa ko lang ang nararapat para sa 'yo. This is for you son."

"I don't need your proposal mom. Trash it."

Hindi ko na hinintay sumagot si mommy. Pinatay ko ang telepono sabay hilamos sa mukha ko. Hindi ko talaga maintindihan si mommy. She's pusing me to marry Cara so that I will be happy? How ironic.

I stood up at naglakad palabas ng silid. Pagkababa ko, nakita ko si Amasia at si Stanford na masayang nag-uusap. What the heck is he doing? Seducing my girlfriend? Huh?

Tumunog ulit ang telepono ko. Kinuha ko ito sabay sagot. Ang kulit talaga.

"Ano?" naiirita kong tanong.

"Hey easy, I just call you to inform you that I'm on my way there."

Namilog ang mata ko sa gulat. "Ano?! Bakit ka naman pupunta dito?"

"I told you, 'di ba? May engagement party tayo at diyan sa mansion niyo gaganapin. Hindi ka ba is excited?"

Paano ako magiging excited kung ito ang maririnig ko galing sa kaniya. Bakit ba ako pinapangunahan ni mommy? Kainis. Ayokong pakasalan si Cara. I don't love her.

Hindi ko pinansin ang tawanan nila. Napansin ako ni kuya pero 'di niya ako binati. Akala naman niya, maalulungkot ako dahil 'di niya ako pinapansin. Neknek niya.

Nagkatinginan kami ni Amasia pero umiwas rin siya ng tingin. These past days, paiba-iba ang mood ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Naaapektuhan tuloy si Amasia sa paiba-iba ko ng mood.

Umupo ako sa sofa. Wala akong pakialam kung nagtatawanan sila sa gilid ko. Binuhay ko ang telebisyon at nanood ng paborito kong palabas. Linakasan ko ang volume para 'di sila magkarinigan.

Pumikit si kuya Stanford sabay tingin sa akin. "Can you please... lessen the volume. Kita mo naman sigurong nag-uusap kami, 'no? Or... sadiyang wala ka lang good manners."

Hindi ko siya pinansin. Nanood lang ako sa palabas. Wala akong pakialam kung magalit siya sa akin. Hindi ko siya uurungan kung sakaling magsisimula siya ng gulo.

Kinuha ni kuya ang remote at hininaan ang volume. Palibhasa pikonin. Inilagay niya ang remote sa center table. Nag-usap ulit sila ni Amasia. Kinuha ko ang remote at finull ang volume. Tignan lang natin ngayon.

Kinuha ulit ni kuya ang remote at hininaan ito. Matalim niya pa akong tinignan. Hindi rin ako nagpatinag, tinignan ko rin siya ng masama. Akala niya masisindak niya ako? Neknek niya.

Inilagay niya ang remote sa center table nang pagkalakas-lakas. Umiwas ako ng tingin sa inasta niya. Pikonin talaga. Nag-usap ulit sila ni Amasia. Kinuha ko ang remote at minaxx ulit ang volume. Tumayo si kuya at hinarap ako, tumayo rin ako at nakipagtaasan ng tingin.

"Ano bang gusto mo, ha Zazdrick? Gusto mo ba ng atensiyon? Zazdrick naman, hindi kana bata. Matanda ka na for heaven sake."

"Yes, I'm matured kuya. But how I would be that kind if you're stealing my happiness to me."

Tumawa siya ng peke. "Stealing your happiness? Huh? Sinabihan na kitang may gusto ako sa kaniya pero ano ang ginawa mo. You steal her from me."

"Kahit kailan hindi siya naging sa 'yo."

Magsasalita pa sana nang biglang may nag door bell. Dali-daling binuksan ni manang ang pintuan. Habang nakipagtaasan ako ng tingin sa kapatid kong walang hiya.

Pagkabukas ng pinto may narinig akong pamilyar na boses. Lumingon ako at nakita ko nga siya. Anong ginagawa niya dito? Tinotoo niya talaga 'yong sinabi niya? Sa isip ko.

Tumakbo siya papunta sa akin sabay halik sa labi ko. Nagulat ako sa ginawa niyang 'yon. Hindi ko inasahang magagawa niya 'yon.

"I miss you hon." Pumulupot siya sa leeg ko.

Umiwas ako ng tingin. "Why are you here?"

Hinawakan niya ang labi ko gamit ang isang daliri niya. "Hon naman, I told you, 'di ba? It's because of our engagement party kaya nandito ako ngayon."

"May hon ka na pala tapos may balak ka pang agawin siya sa akin. How dare you! Wala kang karapatang saktan siya, Zazdrick," sabat ni kuya Stanford.

Ano bang pinagsasabi niya? Anong sinasaktan? Hindi ko ginusto 'to. It is all because of mother's decision.

Tumingin si Cara sa akin. "So where's my room, hon?"

— —

ShineInNightt


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C38
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login