Download App
4.54% Uno Amore (Tagalog-English) COMPLETED / Chapter 2: Chapter 1

Chapter 2: Chapter 1

The Beggining

Amasia's P.O.V.

Umiinom kami ngayon ng kape ni Zazdrick Mel Faciano, my boyfriend. Mag-dadalawang taon na kaming mag jowa ni Zazdrick. Napaka bait ng lalaking 'yan. Wala akong masabi.

"Ngit, can we go for a date this coming... saturday? Free ako," sabi niya sabay kindat.

Hindi kami kagaya ng iba na ang tawagan ay common na sa pandinig namin o sa iba. We used this 'ngit' summon para maiba naman. Pinaikli lang ang word na 'pangit' kaya 'di masyadong halata.

"Puwede naman, pero baka may lakad kami with the family eh..."

He touched my hand at the same time, he stare at me na para bang kinakabisado niya ang kabuuan ng mukha ko.

"Okay lang, I know it is important with you."

Gusto ko talagang lumabas kami, kasi these past few weeks nawawalan na kami ng time para sa isa't isa. Pareho kasi kaming workaholic, pero hindi rin naman kami nawawalan ng communication sa isa't isa.

"Tatanungin ko muna sila papa at mama kung matutuloy ba."

Sumandal siya sa balikat ko sabay laro sa buhok ko. Ganiyan 'yan palagi, kaya minsan 'pag nasa isang fastfood chain kami tapos may makakakilala sa amin, aasarin nila kami.

Marami din ang nagsabing magpakasal na daw kami kasi napaka strong daw ng relationship namin. May plano naman talaga kaming magpakasal, pero hindi pa ngayon. Hopefully, when we turn 30 kasi 25 na kaming dalawa ngayon.

"Kung sakaling hindi man ngit, labas tayo. Punta tayo ng Duka Bay."

Ngumiti ako. Matagal-tagal na rin kaming 'di nakapag beach. Wala kasi kaming time para sa mga ganiyan. Kung sakaling 'di matuloy ang lakad namin ng pamilya ko. Sisiguraduhin kong pupunta kami ng Duka Bay at mag s-sleep over kami doon.

Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang telepono ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag sabay sagot.

"Hello ma," panimula ko.

"Anak, wala imong papa diri. Umalis siyang Cebu. Matatagalan pa bago siya makabalik."

Mukhang 'di nga matutuloy ang lakad namin ngayong sabado. Nakakalungkot, pero okay lang. Alam ko namang importante ang pinunta ni papa do'n eh.

"Gano'n ba ma...? Sige, ayos lang. Basta kung tatawag si papa sa 'yo, sabihin mong ingat siya palagi."

Pagkatapos naming mag-usap ni mama, binaba ko na ang telepono. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa kawalan.

Napansin naman iyon ni Zazdrick. Kasi siya 'yong tipo ng taong 'pag may problema ako, parang problema na rin niya.

"What happened?" nag-aalala niyang tanong.

Bumuntong hininga ako. "Umalis si papa. Pumuntang Cebu."

Ininom niya 'yong kape niya. "Kailan daw ang balik?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam."

Tumahimik na rin naman siya. Lumipas ang ilang minuto, binalot kami ng katahimikan. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga oras na gusto mong mangyari pero hindi naman ito pinagkaloob sa 'yo. Tapos 'pag 'di mo naman gustong mangyari ay kusa naman itong darating sa 'yo. Napaka gulo.

Pagkatapos naming mag-kape sa isang coffee shop na paborito naming puntahan t'wing pagod at stress kami, napag-pasiyahan na naming umuwi. He have his own car kaya palagi niya akong hinahatid-sundo.

Nasa tapat na kami ng bahay namin at hindi ko alam bakit parang ayaw kong bumaba.

"Ngit," pagtawag niya sa 'kin.

Lumingon ako sa kaniya. Hindi nawawala ang pag-aalala sa mukha niya. If I have a problem, he always used to it like everything I have, he has it also.

"'Wag ka ng mag-alala sa dad mo. Babalik rin 'yon, maybe not tomorrow nor today but your dad we'll back."

Ngumiti ako sabay haplos sa mukha niya. Palagi kong ginagawa iyon para iparamdam sa kaniya na okay lang ako.

"I know. So... punta tayong Duka Bay, ngit?"

"Sige ba, basta free ka. This Saturday. Free ka naman ngit, 'no?"

Tumango ako. "Yes."

"Alright, we'll go on a date," sabi niya sabay halik sa kamay ko.

Nasa loob na ako ng bahay. Si Zazdrick naman, umalis na kasi may gaganaping welcome party para sa mommy niya. His dad was an opulent italian business man, pero hanggang ngayon 'di pa rin siya sumusunod doon sa Italy.

"Kamusta ang trabaho, bunso?" tanong ni kuya sa 'di kalayuan.

"Okay naman kuya, masaya at the same time nakakapagod rin."

Lumapit siya sa 'kin sabay upo sa tabi ko. Nag-salin siya ng juice saka ininom ito.

"Bakit parang 'di ko nakita 'yong nobyo mo ngayon, bunso?"

Nag-salin rin ako ng juice sa baso ko. Si kuya naman, panay ang tingin sa akin na animo'y may kailangan akong ibunyag sa kaniya.

"May welcome party kasi sa bahay nila. Dumating kasi 'yong mommy niya. Kaya ayun, 'di na siya nakababa."

Tumango-tango si kuya. "Ah... welcome party."

"Sabihin mo sa kaniya, laro kami ng basketball 'pag pupunta siya dito."

Naglakad paakyat ng hagdanan si kuya. Habang ako naiwan ditong nakatunganga. Maya-maya, may narinig akong ice cream vendor na malapit lang sa amin.

Iniwan ko ang kinakain ko saka lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ng gate, nakita ko si manong sa tapat ng bahay namin.

Tumakbo ako papunta sa gawi ni manong nang may isang kotseng bumunggo sa akin. Biglang umikot ang paningin ko at unti-unti kong naramdaman ang pagbagsak ko sa lupa.

Mabilis namang kumumpol ang mga tao para maki-usyuso. I heard some chattering and some of them got worried about me. A few seconds, I heard kuya's voice.

"Bunso!"

Nakita kong papunta siya sa gawi ko. I saw my own blood and I can't help but to close my eyes.

"Bunso!" He held my head then he jogged it.

Naramdaman kong binuhat ako ni kuya. Ang sakit talaga, hindi ko na kaya. Buti may naaninag pa ako kahit papa'no.

"Tumawag kayo ng taxi!" sigaw ni kuya.

Nakita ko namang may ginang na nag tipa sa telepono niya. Tinignan ko si kuya na alalang-alala na sa akin.

Maya-maya, may dumating taxi. Mabilis akong pinasok ni kuya sa back seat. Sa front seat naman siya umupo.

"Paki bilisan po manong!" sigaw ni kuya.

Alam kong lubos siyang nag-aalala sa akin. Diyos ko, kung hanggang dito na lang talaga ang buhay ko. Wala po akong magagawa pero... sana po bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para mabuhay.

"Manong, ano ba?! Nag-aagaw buhay ang kapatid ko oh. Bilisan mo naman!"

Due to pain I've felt right now. I can say that I'm in a brink of death and survive.

Maya-maya, unti-unting sumara ang mga mata ko. Paalam, kuya. Ilang saglit lang ay sinakop na ako ng kadiliman.

— —

ShineInNightt


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login