Download App
9.09% Unforgotten past / Chapter 2: Chapter 2(Mistakes)

Chapter 2: Chapter 2(Mistakes)

Palabas na ng bahay si Arriane ng may mahagip ang kanyang paningin mula sa kabilang kalsada kung saan kaharap nila ang isang kulay pink na bahay.Napangiwi siya ng mapagtantong halos lahat yata ng pintura ng bahay ay kulay pink.Napaisip tuloy siyang baka bading ang nagmamay ari sa pink na bahay na yun.Pero binaliwala niya ang isiping iyon.Pakialam ba niya kung ano o sino ang nagmamay ari ng malaking kulay pink na bahay na yan..iba naman kasi ang hinahanap niya.

Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad ng biglang bumukas ang gate ng kaharap bahay nila at lumabas ang isang binata mula roon, at halos lumundag ang puso niya ng makita kung sino ang binatang iyon.

" A man of her dream!! halos gusto niyang tumili sa sobrang kaligayahan..akalain ba naman niyang kapitbahay lang pala nila ang binata.Parang gusto niyang batukan ang sarili!Kahapon pa siya naghahanap kung saan ito nakatira ,iyon pala nasa harapan lang nila.

Napakagwapo tingnan ng binata sa suot nitong fitted jogging pants at black fitted sweat sando.Lumabas ang kaputian nito.Lalo pa at may work out earbud ito na lalong nagpalabas ng pagiging masculine nito...

Hindi na niya napigilan ang sarili niya at agad na tinawag ang pangalan ng binata na agad naman siyang nakita.

"Hi Nathaniel!"masayang bati niya rito na agad namang ngumiti.

"Hhi"alangang bati nito at nakakunot pa ang noo."you are???"nakangiting tanong nito na malamang sinusubukan siyang alalahanin..

Gusto niyang mairita rito, pero inisip na lamang niyang hindi siya nito masyado napansin noong una silang nagkita dahil nga nagmamadali sila ng ate niya.

"its me arriane"'remember?"pakilala niya rito saka ngumiti ng pagkatamis tamis.

"iyong may ari ng dog na sinave mo the other day" dagdag pa niya ng makitang inaalala parin nito kung saan siya nakita.

"ahhh,, yeah!! yeah!!" Tinampal pa nito ang sariling noo ng mapagtanto kung sino siya.

"How is your dog?" anito na ikinainis niya. Buti pa ang aso kinumusta samantalang siya hindi..Pero dahil nga mahal niya kaya kahit naiirita na siya ay pinakitaan niya parin ito ng maganda.

"allie is fine anyway."aniya habang sinimulang ihakbang ang mga paa kasunod ang binata.

"Yung babae na kasama mo, is she your sister?"maya maya'y tanong nito habang naglalakad na sila.Malamang magkakasabay na sila sa paglalakad or sa pagjojogging dahil kapitbahay lang pala nila ito.At lahat gagawin niya para makasabay lamang ang binata tuwing magjojogging siya na hindi naman talaga niya ginagawa.

"hey!! nakikinig kaba?"pukaw nito sa kanya ng hindi siya sumagot sa tanong nito..

"uh huh??"" oh sorry, may iniisip lang kasi ako."palusot niya.

:hay naku, napakabata mo pa para mag isip ng kung anu ano,"dapat at your age, puro aral lang ang iniisip mo."natatawang wika nito sa kanya.

naiinis na talaga siya rito.. parang gusto pa yata nitong ipamukha sa kanya na ganun pa siya kabata at hindi pa pwedeng magmahal.

"kung hindi lang talaga kita love..""pabulong niyang wika sa sarili.

"may sinasabi ka??" kunot noong tanong nito sa kanya at kinuha pa ang earbud sa teynga nito.

"wala ah.. sabi ko.. takbo na kaya tayo.." palusot niya saka inunahan na ito sa pagtakbo.

Ilang oras na rin ang makalipas matapos silang maghiwalay ng binata mula sa pagjojogging.Marami silang napagkwentuhan at kung pwedi nga lang na hindi matapos ang mga oras na iyon.kaya lang nag alala siya na baka hanapin siya ng ate Monica niya pag nalaman nitong wala siya sa kanyang kwarto.At sigurado siyang mag tatanong na naman ito ng isang daang beses kung bakit siya nag jogging gayung ayaw na ayaw niya talaga magjogging dahil rason niya nga noon masakit sa katawan.Pero iba na ngayon, hindi baleng sumakit ang katawan niya basta ang mahalaga na kasama niya ang lalakeng nagpapasaya sa kanya.Never niyang mararamdaman ang pagod.

Dahil nga bakasyon, malaya si arriane na gumala at gumising anong oras man niya gustuhin.Ang ate Monica naman niya ay wala namang oras sa kanya dahil busy ito palagi sa negosyo at office.Kaya nga nakakapagjogging siya araw araw kasama ang binata.Ngunit kagaya ng dati, napapansin niyang ang ate Monica niya ang palagi nitong tinatanong.

Naiinis man ay pinilit pa rin niyang magkunwari na hindi niya nararamdaman na may gusto ito sa kapatid niya.Masungit lang kasi ang ate Monica niya at parang galit sa mga lalake kaya siguro natatakot itong magpapansin sa ate niya.

Nagseselos siya sa isiping iyon na may gusto ito sa ate niya.At gaya ng kinakatakutan niya ay nangyari nga ang mga bagay na ayaw niya.Dahil isang gabi late na dumating si ate niya.Nag aalala siya dahil kanina pa niya ito tinatawagan ngunit di naman ito sumasagot.Nagriring lang ang line nito.Malakas ang ulan at halos baha na sa ibang parte ng metro Manila kaya naisip niyang baka naabutan ng baha ang ate niya..Bihira kasi ito umuwi ng late at kung late naman ito umuwi ay tumatawag ito sa kanya. Pero ngayon halos mag hahating gabi na at wala pa ito. Kahit text wala.

wala pa naman siyang kasama dahil umuwi si aleng coreng sa probinsiya nito kaya siya lang mag isa ngayon.Panay kidlat at kulog pa naman.Pinipilit niyang makatulog ngunit hindi talaga siya dalawin ng antok.

Mag aalas dos na ng madaling araw nang may marinig siyang nagbukas ng gate,kaya dali dali siyang bumangon at bumaba para salubungin ang kapatid.

Narinig niyang may kausap ito kaya mas binilisan niya pa ang mga hakbang pababa.

Nakita niyang may lalakeng kausap ang ate niya, nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang lalake.Ngunit hindi maitago ang saya sa tinig ng kapatid habang nakikipag usap rito.Nakalabas na siya ng gate ngunit hindi parin ng mga ito napapansin ang presensiya niya.Medy malabo din ang pigura ng kausap nito dahil nga sa kakatila lamang na ulan at halos mahamog pa.Narinig niyang nagpasalamat ang kapatid sa naturang lalake at saka nagpaalam.Ngunit bago paman makahakbang papasok ang kapatid niya ay nakita niyang kinabig ito ng lalake upang halikan,at halos gumuho ang mundo niya ng mapagtanto kung sino ang lalakeng kausap ng kapatid.

"aate??""!!Nathaniel?""!!

halos gumaralgal ang boses niya dahil sa sobrang sama ng loob.Gulat na gulat naman ang dalawa ng makita siya. Kaya ang sanay paghalik nito sa kapatid niya ay naudlot dahil sa pagsigaw niya.

"Arriane, bakit gising kapa?" patay malisyang tanong ng ate niya.Pero hindi niya ito sinagot at sa halip ay binalik ang tanong sa mga ito.

"ikaw ate bakit ngayon ka lang?"Pagalit niyang tanong rito.Hindi na niya napigilan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan dahil sa sobrang selos sa mga ito.

"!Hinatid ko lang si Monica, arianne. Si Nathaniel na ang sumagot kaya mas lalo lang siyang nainis rito.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko!"pagalit niyang sita rito.

"arriane, anu ba? !!ganyan ka naba makipag usap sa mga mas nakakatanda sayo?"pagalit na sita ng kapatid niya sa kanya.

"Hinatid lang ako ni kuya Nathaniel mo dahil nasiraan ako!" dispensa nito.Ngunit wala siyang pakialam!!Magpaliwanag man ang mga ito ng ilang beses hindi niya ito pakikinggan dahil iba ang nakita niya.At tinawag pa nito ang binata na kuya daw niya!! Samantalang sampung taon lang naman ang tanda nito sa kanya.Sa halip na makinig sa sinasabi at paliwanag ng kapatid niya ay tinalikuran na lamang niya ang mga ito.Narinig pa niya ang pag hingi ng paumanhin ng ate niya sa binata saka ito nagpaalam.

Dali dali niyang nilock ang pintuan ng kwarto niya saka ibinagsak ang katawan sa kanyang kama ng makarating siya sa sariling kwarto.Kulang na nga lang na bumaha roon dahil sa dami ng niluha niya.Bakit ganun kasakit!Bakit parang hinihiwa ang puso niya habang paulit ulit na bumabalik sa utak niya ang mga nakita niya.all those days pala na akala niya close na sila ng binata ay way pala nito para mapalapit sa ate niya.Ibig sabihin noon matagal na ang mga ito na may relasyon at ayaw lang sabihin sa kanya.Iyon ang paulit ulit na pumapasok sa utak niya hanggang sa makatulog siya..Marahil ay may nangyari na sa kanila, iyon ang laging umuukilkil sa kanyang isipan maging sa kanyang panaginip.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login