Crissa Harris' POV
Kahit sobra akong naguguluhan sa nangyayari, na-manage ko pa ring itaas ang kamay ko para hindi nila kami barilin. Nakigaya nalang din sila Harriette sa akin.
"Sino sabi kayo e!?" sigaw ni Renzo sabay tutok ng baril kay Renzy. Aba aba! Kapatid mo yan loko! Napalunok tuloy si Renzy.
"Hindi kayo sasagot!? Babarilin ko tong babae na to!" tinutukan ni Alex si Alessa. Aba talaga! Kapatid mo rin yan, loko!
Teka. Hindi ba nila kami nakikilala? Dahil sa makeover namin? Tss. Ang tatanga naman nitong mga to. Lalo na si Alex at Renzo. Pati to si Christian. Hindi man lang ba nila kami nakilalang mga kapatid nila?
Di ko na tuloy napigilang matawa.
"Anong tinatawa-tawa mo ha!?" imbes na sagutin si Christian, mas lalo pa kong natawa.
"Pare, niloloko ka nalang. Barilin mo na." bulong ni Elvis. Aba! Isa pa to! Lintek lang ha. Parang hindi nya kami naging kaibigan ni Harriette simula palang ng mga fetus kami.
Bago pa may mabaril samin ng hindi sadya, nagdesisyon na ko na magsalita.
Wow. Rhyme! Hehehe!
"Kumalma nga kayo, pwede? Kami to no. Ang bobobo nyo. Buhok lang nabago samin, hindi nyo na agad kami kilala?" sabi ko na pilit pa ding nagpipigil ng tawa.
"Sino nga kayo!? E hindi naman nga namin kayo kilala!" sigaw ni Renzo. Nagulat nalang sya nang bigla syang batukan ni Renzy. Nabitawan nya tuloy yung baril nya.
"E yang ganyang klase ng sapak, hindi mo pa din ba kilala kuya!?"
"Wait. Ikaw ba yan Renzy?" binatukan sya uli ng kapatid nya. "Ay, oo! Ikaw nga! Ano namang nangyari sayo ha? Sinong naglaro sa buhok mo? Bakit naging ganyan kaiksi? Bakit kulay brown? Bakit ka nag bangs?"
Tinapik ng malakas ni Renzy yung kamay ni Renzo na humahaplos-haplos sa buhok nya.
"Ew! Wag mo kong hawakan! Matapos mo kong tutukan ng baril, ha!?" sigaw nya at ayun, kinaladkad nya na yung kuya nya sa may gilid saka pinagbubugbog.
Napatingin naman ako kay Alexander na gulat na gulat din na nakatingin dun sa babaeng may kulay red at pixie cut na buhok.
"Alessandra? Bakit sa lahat ng kulay, pula pa? Mukha kang pambura ng monggol na lapis."
"Oops! Wag mo kong lalapitan. Baka nakakalimutan mong pati rin ikaw, tinutukan mo ko ng baril?" nagtitimping bulong ni Alessandra saka piningot sa tenga yung kuya nya. At ayun, pinagbubugbog nya rin sa isang gilid katulad ng ginawa ni Renzy.
Natawa nalang ako sa itsura nung dalawang lalaki. Nabaling naman ang atensyon ko dun kay Harriette na kinukulit ni Elvis.
"Nice Harriette. San mo nalaman yang ganyang style ng buhok?"
"Si Crissa gumawa nyan. Galing no? Pero teka nga! Wag mong guluhin!" sigaw ni Harriette at itinulak palayo si Elvis. Umupo sya doon sa may couch pero sinundan pa din sya ng makulit na si Elvis.
Nilapitan ko naman dun si Christian na nakatayo lang sa may gilid at nakangisi sakin.
"Problema mo, Christian? Asan na ang twinepathy natin ha? Bakit di mo ko nakilala!" nagpapadyak ako sa harapan nya. Tumawa naman sya at ginulo ang buhok ko.
"Sorry. It is just that, your makeover is so effective and believing. You look so new. I didn't recognize you."
"Aba at umi-english ka pa ngayon ha!? Tinutukan mo din ako ng baril kanina e! Oh my God. Kung nalalaman lang yan ni Marion, tiyak sasapakin ka nun!"
"Hey, sorry na. Gumanda ka naman lalo.. Okay na yan pwe." niyakap nya ko pero tinulak ko sya palayo.
"Touch me not you creep! Naiinis ako sayo!" sabi ko sabay walk-out.
Humanap ako ng mauupuan ko. Letseng Christian yan. Tatawa-tawa pa doon. Sarap barilin.
Bigla naman akong napangiti dahil sumulpot din bigla ang isang gwapong nilalang at tumabi sakin.
"Crissa, you look so.." hindi na natuloy ni Sed yung sasabihin nya dahil may bigla nanamang umepal.
"You look so dairy cream. Para kang natapunan ng mantikilya sa buhok."
"Peste! Lumayo ka nga!" pagtataboy ko kay Tyron. Paano we, may patabi-tabi pang nalalaman. Ang epal epal! Kami lang dapat ni Sedrick ang magkatabi dito!
"Crissa, bagay sayo. You look fiercer."
"Talaga, Sed? Hehehe. Thanks." pabebeng sabi ko. E sino ba naman kasing hindi magiging pabebe sa harap ng gwapong to? Sa tabi pala.
"No. Mukha ka ngang palaman sa tinapay." sabat nung pakialamero.
Mahabaging langit at lupa. Pigilan nyo ko dahil baka masapak ko ng di oras tong lalaki na to. Pasalamat nalang talaga sya at nandun sa kwarto yung mga weapons ko kundi, paniguradong mahahataw ko sya ng di oras.
Pero teka. Diba pag-uusapan daw namin yung tungkol sa susunod na plano? E bakit pa kami nag-iinarte dito?
Kinuha ko yung atensyon nilang lahat. Nagets naman agad ni Christian kung bakit kaya lumapit na sila samin. Pinaliwanag na ni Christian sa amin kung ano yung susunod naming gagawin. Nakikinig lang kami habang nagsasalita sya.
"So you mean, yun ang susunod nating mission? Hahanapin natin yung mga pamilya natin?" medyo nabubuhayan na sabi ko. Yun kasi ang nabuong conclusion sa isip ko e.
"Exactly. Pero yung family natin ang huli nating hahanapin, Crissa. If that's okay with you.."
Bigla akong nalungkot sa sinabi na yun ni Christian pero pinilit ko pa rin na ngumiti. Sa totoo lang kasi, gustung-gusto ko nang hanapin din yung mga kapatid ko. Hindi ako mapakali kakaisip kung okay lang ba sila.
"S-syempre naman. Okay lang sakin no! Hehehe. So, sino ba ang uunahin nating hanapin?" pagkikibit-balikat ko.
"Family nila Alex at Renzo. Malapit nga rin kasi yung village nila dito diba?" pagpapaliwanag ni Christian. Tumango naman ako.
"Okay. So sino ng sunod?"
"Yung family ni Sedrick at Elvis, parehas na nasa ibang bansa katulad nalang ng parents natin. So, no need.. And next na natin ay yung kay Harriette at Ty."
"Yung kuya ko lang naman ang kasama ko diba? So sya lang hahanapin natin." sagot ni Harriette. Yung parents din kasi nya, nasa ibang bansa din. Kasama nung parents namin.
"Eh, ikaw Ty?"
"Yung kuya ko lang din ang kasama ko dito. At base sa pagkakatanda ko, nasa school sya the day before the apocalypse happened." pokerface na sabi ni Tyron.
"Okay. We're set. Huli na naming hahanapin ni Crissa yung mga kapatid namin. Pero I just want to remind you na, wag tayong umasa ng malaki na mahahanap natin sila.. ng buhay. And if ever na may mangyaring hindi maganda, we should make ourselves the priority. We won't hesitate to cancel our plans kapag nalagay tayo sa alanganin.." natahimik kami sa sinabi na yun ni Christian.
Tama naman yun. Wag kaming masyadong aasa na mahahanap pa talaga namin ng buhay yung mga hahanapin namin. It is just that we're only taking chances. Nagbabakasali lang na baka may himala nga. Na nakaligtas sila at buhay pa silang lahat.
At syempre, katulad nalang din nung sinabi niya dati, priority nga namin ang mga buhay namin. Kaya lahat ng pinaplano namin ay pwedeng mabali kapag nalagay kami sa alanganin.
"But syempre, that plan won't come easy. Masyadong mahirap at delikado kaya mag-iisip pa tayo ng eksaktong gagawin including kung sino-sino yung aalis at maiiwan na group. Kaya sa ngayon, magkakaron muna tayo ng preparations. For 4 days, we'll be having a training. Hand to hand combat, combat using a handgun, high caliber guns and even driving. Pagkakasyahin natin yun sa loob ng apat na araw para after nun, we'll be proceeding with our mission. Aight?"
Nag-agree kaming lahat kay Christian. Wala na kaming time pa para umangal dahil sa tingin ko yun naman na yung tama talagang gawin.
But speaking of, yung mga preparations daw. 4 days na puro training? Iniisip ko palang napapagod na agad ako. Pero mukha namang exciting e.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan ha?" tanong ng magaling kong kambal.
"Wala. Naeexcite lang ako sa sinasabi mong training." sagot ko.
"Wag kang masyadong maexcite dahil gaya nga ng sinabi ko, that plan won't come easy. So that only means na pati yung preparations at training na gagawin natin, hindi rin magiging madali. That's a serious thing. And I admit, that would really be so dangerous.."