Download App
90% TIERRA DE DESEO / Chapter 9: Chapter 8

Chapter 9: Chapter 8

Hindi niya maiwasang mapakunot noo ng makita ang mga matang nasunod ng tingin sa kanila.

Nasa pamilihan pa rin sila at naglalakad lakad kanina pa rin niya napapansin na ang may mga ngiting labi ng kasama niya ay nawala at naging seryoso.

Kanina ay hindi niya pinakikinggan ang mga sinasabi sa paligid nila pero sa halos nag iisang oras nilang paglilibot ay ganun pa rin kaya nagpagpasyahan niyang magdahan dahan ng paglalakad at pakinggan ang mga sinasabi ng mga chismosa.

"Paanong ang bastardo ng dona ay nandito sa ganitong klaseng lugar."

"Diba't nararapat lamang na siya ay nasa taniman ng mga santos at magtanim duon"

"Hindi ko akalaing may binibining papatol sa kagaya niya"

Mula sa narinig niya iisa lang ang tumatak sa isipan niya, ang sinabi ng mga ito na bastardo at isa pa sino ang Dona Soledad na sinasabi ng mga ito.

Ito ba nag ina nito? o isa lang istranghero na inuugnay sa binata isa pa kung tama ang narinig niya ay isa itong bastardo na sa tingin niya ay hindi naman totoo dahil ang salitang iyon ay para lang sa mga hayop kung ituring ng magulang nito.

Isa pa wala namang masama punatol sa kagaya nito. Isa itong matipunong ginoo at mabait.

"Ginoo maaari na ba tayong umuwi?"Pag aaya niya dito para maka iwas sa mga mapanghusgang tingin ng mga tao sa kanila lalo na sa kasama niya.

Sa halip na sa bahay nila sila dumiretso ay niyaya niya ito sa lawa ng kahilingan para makapag usap sila. Gusto niya kase itong kausapin tungkol sa narinig niya.

"Ginoo nais ko lang malaman mo na ako ay para mo na ring kaibigan na maaari pagkatiwalaan"Hindi niya alam pero ng maupo sila sa gilid ng lawa at makita niyang malalim ang iniisip nito habang nakatingin sa lawak ng lawa naisip niya na baka, baka kailangan nito ng kaibigan na mapagkakatiwalaan at mapagsasabihan ng problema nito.

"Bata pa lang ako tingin na sa akin ng lahat ay isang bastardo, anak ng magsasakang indio"Hindi niya akalain na kahit pala sa panahon na ito hindi nawawala ang mga taong mapanghusga at mababa ang tingin sa katulad nila.

Nararamdaman niya ang nararamdaman nito. Yung pakiramdam na mag isa.

Napatingin siya dito ng bigla itong tumayo.

"Sandali"Agap niya dito at hinawakan ang braso nito ns tinanggal niya agad ng humunto ito.

"Binibini hindi mo ako kailangan na kaawaan, ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang pakiramdam na kinakaawaan."

"Ngunit ginoo kahit katiting hindi ako nakaramdam ng awa.Ang akin lamang ay ako sumahanga saiyo"

"Walang tao ang mananatiling tahimik lamang kapag sila ay tinatapak tapakan" Tiningnan siya nito ng may kakaibang tingin na agad namang nawala at napalitan ng isang totoong ngiti na hindi niya inaasahang gagawin nito.

Masaya siyang makakilala ng isang taong may lakas ng loob na humarap sa kahit anong problema.Iyong tipong haharapin nila ito ng walang takot at pangamba. Hindi katulad niya na may dumating lang na isang problema sa kanya ay tinakbuhan na niya.

Kagaya ng pag iwas niya na harapin ang mommy at daddy niya. Na naging dahilan kung bakit siya nandito sa panahon kung saan walang kasiguraduhan ang lahat, lalo na kung kailan siya makakabalik.

KANINA pa siya nasa dulo ng hagdan ng kanilang Hacienda. Gusto niyang tumawa ng tumawa sa nakikita niyang ginagawa ng kanyang kapatid, nasa sala kasi ito naka upo at parang baliw na nakangiti habang nagbabasa ng mga liham na padala dito.

Pagkatapos nilang mag usap ni Sixto ay sinabi nito na umuwi na siya kaya kahit ayaw pa niyang umuwi ay umuwi na siya dahil bilin din sa kanya ng kanyang kapatid at ama na maaga siyang uuwi.

Habang pinagmamasdan niya ang kuya niyang parang baliw sa kaka ngiti may narinig siya na parang may sumisinghot.

Dahil sa kuryusidad, dahan dahan naman siyang pumunta sa may kusina kung saan nanduon ang isang katulong, hindi siya napansin nito dahil ang atensyon nito ay nasa kuya niya habang nagpupunas ng luha at impit na pinipigilan ang pag iyak.

Kilala niya ito, ito iyong katulong nilang laging tahimik at laging nasa kusina lang o hindi kaya ay nasa hardin st nagawa ng gawain duon.

Tinakpan niya ang mga mata nito"Mas lalo ka lamang masasaktan kung titingnan mo iyan"Bulong niya dito. Naramdaman naman niya ang bahagyang pagkagulat nito.

"Seniorita"Mahinang sabi nito. Napasimangot naman siya.Inalis niya ang kamay mula sa pagkaka takip dito at nginusuan ito.

"Hindi tinatawag ng isang tao ng seniorita ang kaibigan niya"Nanlalaking mga mata naman itong napatingin at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

"A-ako ho inyong kaibigan?"Nauutal pa nitong sabi.

"Oo kaibigan kita gusto mo si kuya diba?"Ng marealize naman nito ang sinabi niya ay dali dali nitong pinahid ang natuyong luha sa mga pisngi nito.

"Wala akong kaibigan, kaya ikaw nalang ang kaibigan ko tutal gusto mo ang aking kuya at magaan na rin ang loob ko sa iyo."

Hindi niya alam ang gagawin ng tumulo ang luha nito.

"Aurora may nagawa ba ako?"

"Hindi mo ba nais na ako'y iyong maging kaibigan? Ayos lang sa akin" Napanganga naman siya ng yakapin siya nito.

"Masaya akong ikaw ang naging kaibigan ko seniorita"

"Sana hindi na bumalik ang iylng alala ng sa gayon hindi ka na bumalik sa dati."Dagdag nito na nahpagulo ng kanyang isipan.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C9
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login