Isang sunod-sunod na halakhakan ang siyang narinig ni Marco mula sa kusina paggising pa lamang niya nang umagang iyon. Kaya naman agad siyang napabalikwas ng bangon at pagkuwan ay napasandal sa headboard ng kanyang kama. Pasado alas-singko na pala at ito ang unang araw na nakaligtaan niya ang gumising ng alas-kuatro upang magtungo sa sementeryo. Paniguradong takang-taka ngayon ang kanyang mga kasamahan lalong-lalo na ang kanyang tatlong bodyguard na sanay na sanay na sa kanyang pang-araw-araw na habit.
Pero ano bang magagawa niya kung napasarap ang kanyang tulog kagabi?
Ilang minuto matapos ang kanyang paggising ay agad niyang isinindi ang table lamp na nasa may night table niya. Ngunit matapos niyon ay bahagya siyang nahinto nang maramdaman niya ang paggalaw ng isang babaeng nasa kanyang tabi.
Agad siyang napalingon doon at maya-maya ay isang matamis ng ngiti ang siyang sumilay sa kanyang mga labi. Napangiti rin ito sa kanya at kasabay niyon ay walang isang salita siya nitong ginawaran ng isang mariing halik sa labi.
"Good morning," Nakangiti nitong anas kasabay niyon ay ang pagbaling nito sa orasan na nakasabit sa may itaas ng pinto. "Himala yata at hindi ka nagpunta ngayon ng sementeryo? At anong himala at naunahan ka nilang gumising ngayon?" anito na para bang binibigyan ng diin ang kanilang mga kasamahan na mas maingay pa sa tunog ng kampana ng simbahan.
Napakibit-balikat siya. "Bakit? Hindi ba pwedeng mahuli ng gising kahit minsan?" tanong niya at muli ay napasandal sa headboard. "Saka hindi naman siguro magagalit sa'kin si Yella kung hindi ako nakapunta ngayon sa sementeryo. Kung bibisitahin niya 'ko rito, walang problema at pagkakapapehin ko pa siya," He said without even trying to hold back his stares at Phoebe.
"Well, that's creepy," She stares back at him. "Pero diba hindi ka sanay na inuumpsihan ang araw mo na hindi nagpupunta roon? Baka naman mamaya niyan ay kami pa ang pagbuntunan mo ng kasungitan mo?" Kunot-noo nitong anas. "Okay lang sana kung si Aleman lang ang makakaaway mo. Paano pala kung lahat kami damay?"
Sa sinabing iyon ng dalaga ay napailing lang si Marco habang sa kanyang loob-loob naman ay lihim nalang siyang natatawa.
Pero hindi iyon dahil sa sinabi nito tungkol sa kasungitan niya kundi sa inasta nito sa mga sandaling iyon. Hindi kasi lihim sa kanya ang pagseselos ni Phoebe kay Yella. Patay na ito ngunit hanggang ngayon ay tila ba hindi pa rin mawala-wala ang pagseselos nito sa kanilang dalawa.
It's pathetic. But for Marco, it was kind a cute.
Sa katunayan ay hindi niya alam kung hanggang kailan ba niya matitiis ang pagseselos nito. Pero siguro sa ngayon ay hindi na muna niya iintindihin ang tungkol doon, ang mahalaga ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makasamang muli ang babaeng pinakamamahal niya.
"I know that we already talked about this but I just can't help myself thinking about what happened to us last night," Maya-maya'y basag ng katahimikan ni Phoebe ilang minuto matapos nitong lumabas mula sa banyo.
"Anong tungkol do'n?" tanong niya na hindi man lang tumitingin sa kausap. "May nasabi ba 'kong hindi maganda habang ginagawa natin 'yun? O sinungitan kita?" aniya na bahagyang ikinapula ng pisngi ni Phoebe.
Napailing ito. "Wala," sagot nito. "Wala kang nasabing kung ano at hindi mo rin ako sinungitan,"
Napakunot-noo si Marco. "Then, ano 'yung tungkol sa nangyari kagabi na iniisip mo?" He curiously asked and after that took a deep breath when he heard Aleman's voice outside. "Kung nag-aalala ka na baka sabihin ko sa kanila 'yung nangyari sa'tin kagabi, hindi mo na kailangang mag-alinlangan dahil hindi mangyayari 'yun. Alam mo naman siguro na wala akong tiwala sa kanila, diba?" Ngiti niya.
Ngunit di kalaunan ay naglaho rin naman ang ngiti niyang iyon nang mapansin niya ang mabilis na pag-iwas ni Phoebe sa kanya ng tingin. Agad itong napaupo sa gilid ng kama at kahit pa abala itong nagsusuklay ng kanyang buhok ay kitang-kita niya ang kung anong lungkot sa mukha nito.
Kaya naman sa mga sandaling iyon ay agad niyang itiniklop ang kanyang laptop at pagkuwan ay nagdesisyon na harapin ang dalaga.
"May problema? Bakit parang bigla kang natahimik dyan?" Sunod-sunod niyang tanong na bahagya nitong ikinailing.
Napabuntung-hininga ito. "Hindi mo ba sasabihin sa kanila 'yung tungkol sa nangyari sa'tin?" tanong din nito sa kanya. "Wag mong sabihing matapos no'ng nangyari kagabi ay bigla mo nalang 'yung kakalimutan? Palilipasin na lang ba natin 'yung nangyaring 'yun?" Dagdag pa nito.
Bahagya siyang napatungo at pagkuwan ay muling itinuon ang kanyang tingin sa dalaga na tila ba hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa kanya.
"Phoebe, I-"
"It's okay," Agad nitong putol sa kanya na mabilis niyang ikinahinto. "Alam ko naman na do'n din hahantong 'to. Besides, it was only a one night stand. You cannot trust someone whom you've had sex for just one night, right? It's too impossible," Pilit na ngiti nito sabay tayo sa kinauupuan nito. "Mas mabuti pa siguro kung magluto na 'ko ng makakain natin para sa breakfast dahil paniguradong kanina pa nagwawala ang tyan no'ng mga nandon sa labas. Sumunod ka nalang kapag natapos ka na sa ginagawa mo,"
Sa sinabing iyon ni Phoebe ay hindi kaagad nakasagot si Marco.
Kita niya sa mukha nito na nag-uumpisa na naman ang inis na nararamdaman nito sa kanya. He was being a jerk again and he knew that that what she hates about him.
Pero sa kabilang banda naman ay ayaw din niyang mapunta sa wala ang pinagsaluhan nila kagabi. He want that moment to last but he has no idea what he should do.
Akmang tuluyan na sanang bubuksan ni Phoebe ang pinto ay saka naman ito nahinto nang marinig nito ang mga sumunod na sinabi niya. Mas mabilis pa sa alas-kuatro itong napalingon sa kanya at pagkuwan ay sinalubong ang kanyang mga titig na tila ba walang balak na kumurap.
"Anong sinabi mo?" Mahina nitong anas.
Napalunok siya at maya-maya ay humugot ng malalim na hininga.
"Would you stay with me?" aniya na hindi pa rin maalis-alis ang pagkakatitig sa dalaga. "Kagabi ko pa gustong itanong sa'yo 'yun pero hindi ko alam kung anong mapapala ko,"
Bahagyang napangiti si Phoebe kasabay niyon ay ang unti-unti nitong paglapit sa kanya. "Are you serious? O ginagawa mo lang 'to dahil ayaw mo 'kong magalit sa'yo?"
Natawa siya. "Sa pagkakaalam ko ay palagi akong gumagawa ng dahilan para magalit ka sa'kin at para sabihin ko sa'yo ay expert ako sa bagay na 'yun," aniya na siyang agad na ikinatawa ng huli.
Sa kalagitnaan ng eksenang iyon ay puno ng kaba ang dibdib ni Marco. Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang ginagawa o dapat ba niyang panindigan ang mga sinabi niya kay Phoebe. Kung tutuusin kasi ay hindi pa siya handa na pagkatiwalaang muli ang kahit na sino sa mga taong naging parte ng kanyang nakaraan.
Alam niyang masasaktan lang siya at makakasakit lang siya. Pero siguro ay bahala na si Batman sa kung ano mang mga susunod na mangyayari sa kanya at sa magiging relasyon niya sa dalaga.
"Would you stay?" Kunot-noo niyang tanong kasabay ng paghaplos niya sa pisngi ni Phoebe.
She took a deep breath. "Walang rason para tumanggi ako," Nakangiti nitong sagot. "Sabihin mo lang kung anong klaseng relasyon ang papasukin natin. Either it is fake dating or secret relationship. I don't care. Basta ikaw ang kasama ko, wala 'kong reklamo,"
Napatango siya at pagkuwan ay humugot ng malalim na hininga.
"Wala nang atrasan?" tanong niya na mas mabilis pa sa alas-kuatrong ikinatango ng dalaga. "Then, wish me good luck," He smiled.
"I will," anito at maya-maya ay mahigpit na napayakap kay Marco.