Download App
50% The Wedding Prophecy (Tagalog) / Chapter 10: Kabanata 10 - She's Annoying

Chapter 10: Kabanata 10 - She's Annoying

Matapos kumain ni Marco ay agad siyang nagdesisyon na iligpit ang mga pinggang iniwanan ng kanyang mga kasamahan sa lababo. Bagamat balak sana niyang pahirapan si Phoebe kapag dumating ito ay wala naman siyang ibang alam na pwede niyang gawin. Halos natapos na rin kasi niyang pinanood ang lahat ng mga dinownload niyang palabas sa kanyang laptop. Kung pag-uusapan naman ang social media ay wala siyang interes na mag-scroll ng kanyang news feed dahil alam niyang puro mga kalokohan lang naman ang nandoon.

Inis pa siya dahil sa kung ano-anong mga update ng kanyang mga kakilala na wala namang kakwenta-kwenta. Kaya naman paghuhugas ng pinggan at paglilinis ng apartment ang siyang nakikita niyang paraan upang maalis ang kanyang nararamdamang stress na malapit nang humantong sa depresyon.

Alas-onse pasado na nang mapagpasyahan niyang mag-shower. At hindi naglaon matapos niyon ay agad siyang dumiretso sa kanyang kwarto upang maghanda ng matulog. Ngunit kasabay ng kanyang paghiga ay saka naman siya nahinto nang may marinig siyang katok mula sa pinto ng apartment. Sa isip-isip niya ay baka dumating na ang kanyang mga kasamahan ganon na rin ang babaeng lubos niyang kinaiinisan. Ngunit para sa kanya ay parang napakaaga pa para dumating ang mga ito.

Kadalasan ay umuuwi ang mga iyon ng pasado alas-dose o di kaya ay alas-dos ng madaling araw. Pero siguro ay napaaga ang mga ito dahil baka wala sila sa mood o umandar na naman ang kakuriputan ng isa sa kanila upang magbigay ng treat.

Kaya naman sa mga sandaling iyon ay hindi na siya nagdalawang-isip na buksan ang pinto. Kanina pa rin kasi siya naboboring at ngayon ay gusto niyang magkaroon naman ng kausap kahit walang kakwenta-kwenta ang sasabihin ng mga ito. Pero sa kasamaang palad ay hindi iyon ang kanyang inaasahan. Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay agad na bumungad sa kanya si Phoebe na tila ba kadarating lamang mula sa North Pole.

Ang dami nitong plastic bags na dala na tila ba siya ang inatasang magbitbit ni Santa Claus ng mga iyon.

"Anong ginagawa mo rito?" Bungad niyang tanong dito na agad naman nitong ikinanuot-noo. "Akala ko ba sumama ka do'n sa tatlong musketeers papunta sa club sa Makati?" tanong niyang muli na ikinailing nito.

"Bakit naman ako sasama sa mga 'yun?" anito at pagkuwan ay tinaasan siya ng kilay. "At kailan pa 'ko sumama sa kanila? Kapag si Klesha nga ay tinatanggihan ko sa mga ganyang bagay, sila pa kaya?"

Sa sinabing iyon ni Phoebe ay mas mabilis pa sa alas-kuatrong hinigpitan ni Marco ang kanyang pagkakahawak sa door knob. Naisahan na naman siya ng mga lintik at paniguradong nagsisilabasan na ang bituka ng mga iyon dahil sa tuwa ng mga ito sa ginawa nila sa kanya. Kaya naman habang inaalala niya ang paulit-ulit na pangungumbinsi ng mga ito kanina ay ganon na lamang ang kanyang inis dahil agad niyang pinaniwalaan ang mga ito.

Kung pwede lang sana niyang totohanin ang kanyang mga sinabi kanina na ililipat niya sa kabilang building ang gamit ng mga ito ay ginawa niya na. Pero sapat na siguro ang malamig na pakikitungo niya sa mga ito sa isang linggo para sa ginawa nila sa kanya.

"Shocks!" Maya-maya'y ani Phoebe sabay sampal sa kanyang noo. "Ang hirap talagang iwanan sa bahay ang lalaki dahil hindi man lang marunong magluto. Pa'no kaya kayo nabubuhay, 'no?" Nakangisi nitong anas na ikinatitig lang sa kanya ni Marco.

Napailing siya. "May easy-to-cook food naman na pwedeng pagtiisan kaya kahit papano ay nakaka-survive pa kami," Sarkastiko niyang anas sabay upo sa couch.

"Hindi naman pwede na 'yun lang ang alam niyong kainin. Baka mamaya niyan ay madapuan pa kayo ng sakit," anito at umupo rin sa tabi ng binata. "Ikaw? Diba marunong kang magluto? Ipagluto mo kaya ako?" Nakangiti nitong anas at pagkuwan ay agad na ipinukol ang tingin sa kanya.

Kunot-noo siyang napabaling sa dalaga kasabay niyon ay ang pagsalubong niya ng mga titig nito. "Mukha mo! Ano ka sinuswerte? Bakit kaya hindi nalang ikaw ang magluto at para may silbi ka namang nakikitira rito?"

Napamaang ito. "Sa ilang araw kong pananatili rito ay wala akong ibang ginawa kundi ang pagsilbihan kayong mga palamunin kayo. Tapos katiting lang na hinihingi kong pabor ay hindi niyo pa magawa? Wow! You're unbelievable,"

Napailing si Marco.

Hindi nalang niya inintindi ang mga pinagsasasabi nito. Sa katunayan ay palagi naman niyang binabalewala ang dalaga kahit noong hindi pa ito nakatira sa kanyang apartment. So, what if he's the rudest man in the room? He doesn't care as long as he knew that Phoebe won't pass the line.

Matapos ang ilang minutong katahimikan ay napagpasyahan ni Marco na magtungo sa kanyang kwarto upang matulog na. Hindi rin naman kasi niya gusto ang kanyang kausap at paniguradong mag-aaway na naman sila kung magkataon. Ngunit akmang bubuksan niya na ang pinto ng kwartong iyon ay saka naman siya nahinto nang muling magsalita si Phoebe.

"Pwede mo ba 'kong samahan dito na mag-ayos ng mga invitations?" anito habang abalang hinahalukay ang mga plastic bags na nasa harapan nito. "Kailangan kong matapos 'to ngayon dahil bukas ay idi-dessiminate na ito sa mga ninong, ninang at mga guest. Ayoko namang mapagsabihan ng kung ano-ano no'ng bride dahil baka magparetoke muna siya bago siya um-attend sa kanyang sariling kasal," Dagdag pa nito.

Napatikhim siya. "Tinanggap mo ang trabaho 'yan, bakit hindi mo panagutan?" aniya na agad nitong ikinalingon sa kanya.

"Alam mo, ikaw? Minsan nakakasagad ka na," Tila ba gigil nitong anas sabay bato sa kanya nito ng isang piraso ng invitation. "Di ba pwedeng samahan mo nalang ako rito?"

Pagak siyang natawa. "For what reason? May matatanggap ba 'ko kapag tinulungan kita? Mabuti sana kung-"

"Wag kang mag-alala dahil kapag malaki-laki ang matatanggap ko rito ay tiyak na makakabayad na rin ako ng bill ng apartment namin ni Klesha," Mabilis nitong putol sa kanya. "At kapag kompleto na ang bayad ko ro'n ay siguradong wala ka nang kaiinisang Phoebe Ramirez na umaaligid dito sa apartment mo. Iyon ay kung ayaw mo 'kong umalis dito. I would be glad to take these invitations and throw it on the window," Huli nitong sambit at pagkuwan ay tinapunan siya ng nakakalokong tingin.

Hindi kaagad siya nakasagot ngunit sa huli ay sang-ayon din siya sa sinabi nito. At kung pwede lang na tulungan niya ito sa kahit na anong paraan ay gagawin niya, tuluyan lang itong mawala sa kanyang landas.

Kaya naman sa mga sandaling iyon ay dali-dali siyang umalis sa kanyang kinatatayuan at pagkuwan ay tinungo ang dalaga. Hanggang sa hindi naglaon ay napatitig nalang siya sa pinaggagagawa nitong pag-aayos sa mga invitations. Bagamat labag sa kanyang loob ang tumabi rito at makasama ito ng matagal ay titiisin nalang niya para kahit papaano ay mabawasan ang kanyang problema.

"Paano kaya kung ikaw nalang ang magsulat ng pangalan nila tapos ako nalang ang mag-ayos? Just make sure that you write it clean and neat or else baka ipahiya na naman ako ng babaeng 'yun," Maya-maya'y anito at pagkuwan ay agad na iniabot sa kanya ang sign pen. "Maganda naman ang sulat mo saka mapagtitiisan na rin,"

Bahagya siyang nahinto at pagkuwan ay pagak na natawa. "Aba! Kung makapagsalita ka parang ang ganda ng sulat mo. Ni hindi nga maitatangging parehong-pareho kayo ni Orlando ng sulat na parang hinukay ng manok,"

Napailing ito. "Whatever! Magsulat ka nalang at nang hindi kita mabatukan," anito at muling itinuon ang atensyon sa kanyang ginagawa. "Sa dami nito ay baka hindi tayo matapos hanggang kinabukasan. Ang hirap pa namang makiusap sa babaeng 'yun - katulad ni Aleman na ang hirap umintindi,"

He shook his head. Ngunit habang abala si Phoebe sa ginagawa nito, sa mga sandaling iyon ay hindi naman mapakali ang kanyang mata na mapatitig sa malamyong mukha nito.

Although, he's damn uncomfortable at that point, he has no idea why he keeps on smiling while staring at her. Kaya imbes na mahuli pa siya nito ay napagdesisyunan nalang niyang ituon ang kanyang tingin sa pagsusulat. Pero ang problema ay siya ang nakahuli ng mga mata ni Phoebe na sa puntong iyon ay tila ba hindi maalis ang pagkakatitig sa kanya.

"Problema mo?" tanong niya rito na ikinangiti lang nito.

Napailing ang dalaga at napabaling sa kanyang mga ginagawa. "Say, if Yella doesn't come into our life, do you think we're still together?" She took a deep breath. "Do you think we would be staying in this apartment and making the most out of our life?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Bakit mo naman natanong 'yan?" aniya. "Hindi pa ba sapat 'yung mga sagot ko noon sa'yo at inuulit mo na naman?"

"Bakit? Bawal ba ulit magtanong?"

Saglit siyang napatitig sa dalaga. "Hindi. Sadyang nakakairita ka lang," aniya sabay abot dito ng natapos niyang invitation. "Saka pwede bang tapusin mo nalang 'yang mga trabaho mo at nang pati ako ay makatulog na? Ang dami mong tanong, mga wala namang kwenta,"

Sinamaan siya nito ng tingin. "Kung para sa'yo, walang kwenta ang mga 'yun. Para sa'kin ay mas importante pa 'yun sa kapatid ko," Masungit nitong sambit at pagkuwan ay napailing. "Ano bang magagawa ko kung hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na balang-araw ay babalik ang dating relasyon natin? Wala naman sigurong masama kung aasa ako diba?"

Muli ay napailing siya. Ngunit di kalaunan ay isang tanong ang siyang binitawan niya na naging dahilan ng tuluyang paghinto ni Phoebe sa ginagawa nito.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C10
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login