Download App
0.87% The Stolen Identity / Chapter 1: Prologue
The Stolen Identity The Stolen Identity original

The Stolen Identity

Author: Dearly_Beloved_9088

© WebNovel

Chapter 1: Prologue

"Senyorita Lovan! Senyorita!" malakas na tawag ng isang yaya habang panay ang ikot ng paningin sa buong paligid ng bahay.

"Senyorita Lovan! Senyorita Lovan!" muli nitong sigaw nang 'di makita ang hinahanap.

Narito si Lovan, hinahayaang maabot ng tubig-dagat ang kanyang mga binti at nakatukod ang magkabilang braso sa puting buhangin habang nakaupo sa dalampasigan.

Ito ang ginagawa niya 'pag palubog na ang araw at tapos na ang trabaho niya sa loob ng bahay. Ganito rin ang ginagawa niya 'pag malungkot siya at wala si Zigfred para umalo sa kanya.

Napabuntunghininga siya at nanlulumong umayos ng upo saka ipinunas sa suot na palda ang magkabilang palad na puno ng buhangin sabay yukod para damhin ang lamig ng tubig na umabot sa kanyang binti.

Muli siyang napabuntunghininga. Birthday niya ngayon pero wala man lang makaalalang bumati sa kanya. Kahit ang kababata niya ay maghapong 'di nagpakita na araw-araw naman ay nagpupunta ito sa kanila para aliwin siya lalo na nang mag-asawa uli ang kanyang ama isang buwan pa lang ang nakararaan.

Namatay last year ang kanyang mama. At wala pang isang taon ay nag-asawa ang kanyang ama. Ang dati'y masaya niyang buhay sa piling ng mga magulang ay biglang naglaho nang mawala ang sariling ina at higit na naging magulo nang dalhin ng ama sa kanilang mansyon ang bago nitong asawa at ang kanyang kinakapatid na si Shavy.

Sa naisip ay nahila niya ang dalawang paa at itinukod ang mga tuhod sa buhangin, saka niyakap ang mga iyon at impit na napahikbi.

Mula nang dumating ang mag-ina sa kanilang bahay, lagi na lang siya ang mali sa paningin ng kanyang ama.

Dati, masaya pa siya kasi maganda makisama ang dalawa. Pero kalaunan ay ginagamit na ng kinakapatid ang kanyang mga damit na sa una'y hinayaan niya lang ngunit nang pati mga panloob niya'y pakialaman nito'y duon na siya nanita. Subalit, ito pa ang nagalit at nagsumbong sa kanyang papa, 'di daw niya ipinapahiram ang kanyang mga gamit. At dahil ayaw ng ama ng gulo, lahat ng mga gustong gamit ng kinakapatid na pag-aari niya'y ibinigay na dito ng una.

Wala siyang nagawa kundi ang umiyak. At nang kukunin na ni Shavy ang relong regalo ni Zigfred sa kanya, do'n na siya nagalit. Pero sa huli, si Shavy pa rin ang kinampihan ng kanyang papa.

Ang kanyang step-mother naman, mabait lang sa kanya 'pag nariyan sa kanilang harapan ang sariling ama. Pero 'pag nagpupunta na ito sa trabaho'y 'di na siya pinapayagang magpunta sa paaralan, ginagawa na siyang alila. 'Di siya pinapakain hangga't 'di siya natatapos magtrabaho sa buong mansyon. Pati ang gawain ng kanyang yaya ay siya ang pinapagawa.

Wala siyang magawa kundi magpunta sa dalampasigan at umiyak tulad ng ginagawa niya ngayon.

Mas maganda dito, walang makaririnig kahit humagulhol siya.

Napahagulhol nga siya nang iyak nang maalala ang huling nangyari sa kanila ni Shavy. Inutusan siya nitong magluto ng bacon sa pag-aakalang nakaalis na ang kanyang papa. Subalit kung kelan patapos na siya'y saka naman nito inagaw sa kanya ang chansi ngunit 'di niya iyon ibinigay, nag-agawan sila hanggang sa huli'y nadulas si Shavy at naihawak nito ang kamay sa mainit na kawali hanggang sa 'di inaasahang tumilapon ang kumukulong mantika sa mukha nito ngunit nakapagtatakang 'di man lang siya nasabuyan niyon gayong naruon siya sa harap nito ilang pulgada lang ang layo sa kawali.

Buong lakas na sumigaw si Shavy sa hapdi at sakit dulot ng nangyari sa mukha nito kaya nang makita sila ng ama, awtomatikong siya ang sinisi nito lalo na nang maghestirya na sa takot ang kanyang step-mother pagkakita sa anak na hinimatay sa magkahalong takot at sakit na natamo ng mukha nito.

Umalis ang tatlo at hanggang ngayon ay 'di pa bumabalik ang isa sa mga ito, isang linggo na ang nakararaan.

Muli siyang napahagulhol habang nakasubsob ang mukha sa kanyang mga tuhod. Dise-sais lang siya at ga-graduate pa naman ng high school pero ganito na katindi ang hirap na kanyang pinagdadaanan. Ang masaklap, wala siyang pagsumbungan ng sama ng loob. Ni 'di siya makapagsumbong kay Zigfred dahil pinagbantaan siya ng ina ni Shavy na papatayin pag may nakaalam sa ginagawa ng mga ito sa kanya. Kahit ang apat nilang mga katulong ay walang makapagsumbong sa ginagawa ng dalawa sa kanya. 'Pag ipinagtatanggol naman siya ng kanyang yaya'y nadadamay ito sa saklap ng buhay na kanyang pinagdadaanan.

"Lovan!"

Biglang bumalik sa kasalukuyan ang kanyang diwa. Awtomatiko siyang nag-angat ng mukha at nagpahid ng luha sa mga mata pagkarinig sa boses ni Zigfred.

Inayos niya ang itsura saka naghilamos ng tubig-dagat na 'di niya napansing abot na pala sa kanyang pwetan.

Niyakap siya agad ng binatilyo sa kanyang likuran nang makalapit na ito sabay bulong sa kanya ng--"Happy birthday..."

Napahagikhik siya. Akala niya'y 'di nito naalala ang kanyang kaarawan.

Maya-maya'y tumabi ito sa kanya sa pagkakaupo saka iniabot ang isang maliit na kahon.

Takang pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mukha ng binatilyo at sa kahon.

"Mommy and dad have just arrived from Saudi Arabia and they bought you a necklace for your birthday," wika nitong nakangiti.

Nagliwanag ang kanyang mukha at mabilis na binuksan ang kahon.

"Wow! Ang ganda." bulalas niya habang inilaladlad sa harapan ang 24 karat gold na kwintas.

Mahinang tumawa ang binatilyo saka kinuha sa kanya ang kwintas at may dinukot ito sa bulsa pagkuwa'y inilagay sa kwintas bilang pendant.

Lalong nanlaki ang kanyang mga mata pagkakita sa kumikislap na heart-shaped diamond.

"Pink diamond!?" bulalas niya uli, 'di makapaniwala sa nakikita.

Isinuot iyon ng binatilyo sa kanya.

"Maganda ba?" usisa nito. Ilang beses siyang tumango habang humahagikhik saka hinimas ang pendant ng kwintas.

"Ngayon lang ako nakakita ng pink diamond, Zigfred. Magkano bili mo nito?" sambit niya.

Umiwas ng tingin ang binata, nagtampisaw sa tubig na umabot sa may balakang nila ngunit tila balewala 'yon sa kanila.

"'Wag mong iwawala 'yan ha? I can't tell you the price but it's real. 'Pag ikinasal na tayo, 'yan ang gagawin kong singsing mo."

Namula agad ang kanyang pisngi sabay yuko.

Mga bata pa lang sila, napagkasunduan na silang ikasal ng kanilang mga magulang. Kaya nga umiiwas siya sa ibang kalalakihan sa school nila, wala ring nililigawan ang binatilyo maliban sa kanya.

Magkaklse sila ni Zigfred. Hindi naman sa pagmamayabang pero ang kanilang pamilya ng binatilyo ang pinakamayayamang pamilya sa Sorsogon. Ang kanyang ama ang may-ari ng KBL Manufacturing Inc., ang factory ng Libon sardines na nag-eexport sa iba't ibang panig ng mundo lalo na sa South-East Asia. Hindi lang sardines ang ini-export ng kompanya kundi mga snack foods.

Ang ama naman ni Zigfred ang CEO ng Arunzado Holdings Corporation. Nag-i-invest ang kumpanya sa iba't ibang maliliit na kompanya lalo ang mga papalago pa lang. Hawak ng pamilya ni ZIgfred ang dalawang bangko sa Sorsogon at ang isang Mall.

Magkakaibigan ang kanilang mga magulang na kahit namatay na ang kanyang mama at nag-asawa ang kanyang ama ay 'di pa rin nagbabago ang pagtingin ng pamilya ni Zigfred sa kanya.

"Lovan," untag ni Zigfred sa katahimikan.

Namumula ang pisnging nag-angat siya ng mukha at nahihiyang tumitig sa binatilyo.

"Will you marry me in the future?" lakas-loob na tanong nito.

Nag-blush na siya uli at yumuko kasabay ng isang tango ngunit nang panakaw siya nitong halikan sa pisngi ay muli siyang tumitig sa katabi. Nagtama ang paningin nila ngunit sa halip na matuwa ay bakit pakiramdam niya'y biglang bumigat ang kanyang dibdib?

"Senyorita Lovan! Senyorita!"

Magkasabay silang napalingon sa tumatawag, sabay ding tumayo nang makalapit na ang yaya ni Lovan.

"Senyorita, hinahanap ka ni Senyor Marcus. Nakauwi na siya!" humahangos na pagbabalita ng dumating.

Magkahalong kaba at saya ang kanyang naramdamdan saka kumaripas ng takbo pabalik sa kanilang bahay.

Naiwan ang dalawa sa dalampasigan. Hahabol na sana si Zigfred nang pigilan ng yaya niya.

"Hinahanap ka na din sa inyo. Umuwi ka na."

Sandaling pinagmasdan ng binatilyo ang yaya saka hinabol siya ng tingin na halos damit na lang ang nakikita sa layo na ng tinakbo niya.

Sari-saring emosyon ang bumalot sa knya habang walang kapagurang tumatakbo papasok sa bahay, dere-deretso sa kwarto ng kanyang ama, subalit sa pagtataka niya'y mukha ng step-mother ang bumulaga sa kanya kasabay ng malakas na paghambalos ng isang kahoy sa kanyang ulo dahilan upang mawalan siya agad nang malay at humandusay sa sahig.

------@@@@@--------

Sariling ungol ang nanggising kay Lovan mula sa mahimbing na pagkakatulog. Gusto niyang bumalikwas nang bangon upang alamin kung saan siya naroroon ngunit biglang sumakit ang kanyang ulo.

Kaya sa pangalawang beses na sinubukan niyang bumangon ay inilapat na niya ang isang palad sa parte ng ulong masakit saka iniikot ang paningin sa buong paligid.

Mula sa munting ilaw na nagmumula sa loob ng sasakyan ay nalaman niyang nakahiga siya sa likod ng driver's seat at tanging andar lang ng sasakyan ang ingay na kanyang naririnig.

Dumeretso ang tingin niya sa driver's seat at napamulagat nang malamang walang nagmamaneho sa sasakyang mabilis ang takbo na tila lumilipad sa ere.

"Papa!" Isang napakalakas na tili ang kanyang pinakawalan sa sobrang takot kasabay ng biglang panginginig ng kanyang katawan.

Sinubukan niyang buksan ang pinto ng kotse ngunit nakalock iyon na lalong naging dahilan ng kanyang paghehestirya sa takot.

"Mommyyy!!! Mommmmy!!!" sigaw niya nang maramdamang tila 'di umaapak sa lupa ang mga gulong ng sasakyan.

"Mommyyyy!!!" Isa pa uling sigaw ang buong lakas niyang pinakawalan hanggang sa maramdaman niyang nagpagulong-gulong ang kinalululanang kotse sa tila mga bato at tumama ang kanyang ulo sa bintana ng sasakyan hanggang sa mawalan na uli siya nang malay.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login