Download App
41.66% The Seven Nights / Chapter 5: FORTH NIGHT

Chapter 5: FORTH NIGHT

Habang kumakain, napansin niya ang mga kabataan sa kabilang bahagi na masayang kumakain. May pagkakatong naghaharutan ang mga ito! Dahilan para may maalala si Sarah. Napayuko nalang siya at tinitingnan ang kanyang pagkain na wari'y may kakaiba dito.

Gamit ang hawak na kutsara, tila pinaglalaruan nya ang kanin, isa isa niya itong pinaghihiwalay. Mamaya maya ay napaisip sya.

"Diba ganyan din tayo dati Mahal? Ganyan din tayo kasaya noon. Sobrang sweet natin. Andaming mga pangyayaring hindi ko makakalimutan kasama ka. Lalo pa nung nag Senior High tayo. Magkaklase pa rin tayo at hindi na tayo nahihiyang ipakita sa lahat kung ano ang nararamdaman natin."

"Mahal, naaalala mo ba yung mga araw na pinupunasan mo ang aking pawis? Ginagawa mo ito sa akin sa tuwing pinagpapawisan ako dahil magaslaw ako at malikot habang nag uusap ako sa aking mga barkada. Ayaw mo akong nakikitang pinagpapawisan dahil sakitin ako. Kaya palagi kang may dalang panyo para sa akin. Dahan dahan mong pupunasan ang aking pisnge at leeg. Pagkatapos nun, lalagyan mo ako ng panyo sa likod."

"Mahal, naaalala mo ba yung mga araw na hatid sundo mo ako sa bahay? Ginagawa mo ito dahil sabi mo gusto mo akong makasama. Sinusundo mo ako kahit may tampuhan tayo. Hinahatid mo ako kahit meron kang obligasyon sa bahay nyo. Sabi ko sayo na hindi mo naman kailangan gawin yun. Sabi mo naman na okay lang dahil choice mo 'yon."

"Mahal, naaalala mo ba yung mga araw na hinihintay mo ako hanggang matapos yung mga practice ko kahit pagod at gutom ka na? Sinabi ko sayo na huwag mo na akong hintayin dahil alam kong nagugutom at pagod ka na. Sabi mo naman na mas pagod ako at mas gutom. Kaya bibitbitin mo ang bag ko at yayayain mo ako sa canteen para kumain."

"Mahal, naaalala mo ba yung mga araw na malungkot ako kaya pasasayahin mo ako? Sabi ko sayo huwag mo akong kausapin kasi may iniisip akong problema. Pero hindi mo pa rin ako sinusukuan. Kukulitin mo ako hanggang sa ikwento ko sayo mga pinagdadaanan ko. Tapos magpapatawa ka! Minsan korny yung mga Tagalog banat mo (gaya nung sinabing mong simbango ng Rosas yung damit mo. Anong sabi ng Rosas?). Pero napapatawa mo pa rin ako!"

"Mahal, naaalala mo ba yung mga araw na nag aaway tayo? Yung sinusuyo mo ako. Yung kahit ako yung may kasalanan eh ikaw yung hihingi ng tawad. Tapos kung ikaw naman yung nagkamali, hindi kita papansinin. Hihi Tapos tatawag ka sa akin habang umiiyak."

"Mahal, naaalala mo ba yung mga araw na absent ako kasi may out of school na mga activities? Tuwing merong ganun, may dalawang choices ka palagi. It's either na samahan mo ako o puntahan kung saan man ako naroroon o hindi karin papasok dahil sabi mo tinatamad kang pumunta ng school kung wala ako."

"Mahal, naaalala mo ba yung araw na may isang banda na mag coconcert sa malapit. Gustong gusto ko nun pumunta pero andami nating gastusin sa school kaya walang budget. Kinomfort mo ako nun, sabi mo ikaw nalang kakanta sa akin ng libre basta mag request lang ako. Nag request ako ng Perfect at Photograph ni Ed Sheeran at kinanta mo naman kahit boses palaka ka. Simple pero kinilig ako nang husto."

"Mahal, naaalala mo ba yung ineregalo ko sayo noong Christmas Party? Haha The best na regalo yun ever. I love you so much!"

"Mahal, naaalala mo ba yung moment na pa simple mong hahawakan ang aking kamay? Yung susubuan mo ako ng pagkain habang nagsusulat ako? Yung ikaw magtatali ng sintas ko? Yung yayakapin ako tuwing nilalamig ako? Yung iinumin mo yung tagay ko? Kasi ayaw mong umiinom ako ng alak kaya palagi kang tumatabi sa akin tuwing may inuman yung section natin. Yung bilin mong huwag magpupuyat at kumain ng wasto? Paulit ulit na bilin na hindi ko naman nasusunod. Yung sa tuwing aangkas ako sa motor na gusto mong nakahawak lang ako sayo? Yung mag aasaran tayo? Aasarin kita nang matindi pero hindi ka pa rin nagagalit kahit alam kong pikon ka. Tapos noong ikaw naman gumanti mang asar, syempre galit ako. Eh yung kinakagat kita palagi? Ang kyut mo kase. Nagrereklamo ka na masakit na yung braso mo kaya ayaw mo magpakagat kaya mag iinarte ako tapos papayag ka din. Eh yung pangungulit ko sayo dahil gusto kong makita yung dimple mo? Palagi kang namumula kapag ginagawa ko yun. Yung bubulungan mo ako na akala ko importante yun pala magsasabi ka lang ng I love you? Mahal, naaalala mo ba lahat ng ito?"

"Mahal, naaalala mo ba yung mga araw na nagsisimba tayong magkasama? Oo, tuwing Linggo ay palagi tayong nagsisimba. Nagdarasal na sana magiging maganda yung future natin."

"Sabi nila andami nang nagbago sayo simula nung maging close ulit tayo. Hindi ka naman daw ganyan dati eh. Mabisyo ka, mabarkada, bulakbol at matigas ang ulo. Pero ngayon hindi. Itinigil mo na ang paninigarilyo gaya nang sabi ko kasi ayaw ko yun at umiinom ka lang minsan tuwing may okasyon at nagpapalam ka naman sa akin. Hindi ka na naging mabarkada, sa bahay ka lang ninyo. Tapos minsan naaawa naman ako sayo kaya ako na mismo sayo ang nag uutos na mamasyal ka. Bulakbol? Noon yun. Kasi nag rereview ka na at minsan ay sabay pa tayo. Nagpapatulong ka din sa mga projects mo para tumaas yung grades mo. At hindi na matigas yung ulo mo. Sinusunod mo na ang mga bilin ko gaya ng maging mabait na Kuya, huwag magpapagod, palaging magpaalam, huwag mag suot ng relo kung natutulog, magpagupit ng buhok at kahit magsuot ng cycling tuwing mag shoshort at lalabas ng bahay (ayaw ko kasing maging katulad ka sa ibang lalaki na naka jersey ng short tapos walang cycling, kita na yung ano). Simpleng bilin pero sinusunod mo."

"Parang ikaw na nga yung hinahangad na lalaki nang bawat babae. Almost perfect! Kaya ang swerte nang sino mang mapapangasawa mo."

"Yung mga kaklase natin pati adviser natin natutuwa sa pagbabago mo. Tinatanong nila ako kung paano ko daw yun ginawa sa'yo. Hindi ko nga alam kung paano yun nangyari Mahal eh."

"Ang sabi mo sa akin, dahil mahal na mahal mo ako at hindi mo ako iiwan. At ganon din ako, hinding hindi kita iiwan at mahal din kita bilang kaibigan. Oo, bilang kaibigan. Dahil natatakot akong kapag bigyan ko ng chance na maging higit pa sa pagiging mag kaibagan ang ating relasyon ay baka masira lang ito. Baka masayang lang yung mga memories natin. Kaya kahit mahal kita more than a friend ay mas pinili kong maging magkaibigan nalang tayo."

Natigil nalang si Sarah dahil bigla syang kinalabit ng Ate nya. Tinanong sya kung bakit parang wala namang bawas yung pagkain nya. Sagot naman nya, dahil mainit pa yung kanin. Nagtakang sumagot yung Ate niya na mas malamig pa daw sa yelo yung kanin nya. Agad namang sumagot si Sarah na wala daw siyang gana. Sabay subo nang isang beses at tumayo bitbit ang pinggan papuntang kusina. Pahabol namang sumigaw ang kanyang Ate na pagod lang yan, matulog ka na.

Pagkatapos ng nangyaring iyon ay inilapag ni Sarah ang kanyang pinggan sa lababo, uminom ng tubig at dali daling pumunta sa kwarto.

Binuksan niya ang kanyang cellphone, kinuha ang kanyang headset tsaka pinatugtog ang kantang Perfect ni Ed Sheeran. At nakatulog na nga siya.

Nagising na si Sarah pasado alas otso. Maganda ang gising niya dahil sa maganda din ang tulog niya. Gaya ng dati, almusal, nag ayos sa sarili at lipit ng mga kalat sa labas. Noong mga hapon na ay tumulong na din siya sa kusina. Habang naghihiwa ng carrots, tinawag siya ng kanyang tiya dahil kailangan nilang bumili ng bulaklak. Kaya naman agad agad siyang nagbihis at nagpasama sa kanya kuya at pinsan papunta sa flower shop.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login