Download App

Chapter 10: CHAPTER 9

ZOEY'S POV

"Good morning Ate Zoey." Napadilat ako ng mata sa malakas na bati sakin ni Niña.

"Good morning." Matamlay na bati ko pabalik. Ramdam ko pa ang mamumugto ng mata ko. Tumayo na ko at dumiretso sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nag short nalang ako at tee shirt.

"Bakit ganyan ang suot mo Ate?" Tanong pa ni Niña.

"Masama pakiramdam ko Niña eh! Pwede bang 'to nalang?" Matamlay na sabi ko at binigyan siya ng pilit na ngiti.

"Are you okay Ate?" Bakas ang pag aalala na tanong niya pa na tinanguan ko lang. "Last day na natin dito Ate, mamayang gabi uuwi na tayo i-enhoy mo lang ha!"

"Hm! You too." Inaya niya na kong bumaba para makapag breakfast.

Pero ngayon palang ay gusto ko ng umuwi. Tangina! Unang beses ko palang mainlove failed agad. Pinagtitripan lang pala ako.

Ang tanga mo naman kasi Zoey eh! Natatawang napailing pa ko. Sa oras na makauwi na kami manghihiram nalang ako ng pera kay Sam para mabayaran na si Ranz. Hindi ko na kayang mag tagal na nakakasama siya. Parang dinudurog ako sa loob loob.

"Good morning Zoey." Sabay na bati la ni Boss Aki at Jefferson.

Napatingin pa ko kay Ranz at Sofia na nag susubuan ng pagkain. How sweet!

Naupo na ko sa tabi ni Jefferaon at tahimik na kumain. Hindi rin ako sumasagot sa mga tanong nila, kulang na nga lang lunukin ko nalang ang dila ko.

Nang matapos kumain ay nagyayaan na naman silang lumangoy pero hindi ako sumama at nag paiwan nalang dito sa Buhanginan. Hindi ko inaasahan na mag papaiwan din si Sofia.

Tahimik pa siyang umupo sa tabi ko. At nginisian ako ng mapang asar.

"Akala mo ba maagaw mo sakin si Ranz. Hahahaha! Nagpapatawa ka yata Girl." Natatawang sabi niya na hindi ko pinansin at dumistansiya pa ng konti mula sa kanya. "Alam mo bang hindi pumapatol si Ranz sa katulad mong basura." Sabi niya ulit pero nanatili akong tahimik.

"Alam mo rin ba ang nagustuhan ko kay Ranz?" Tanong niya pa. Napatingin lang ako sa kanya at hindi siya sinagot. "He's good in bed." Huminto pa siya at ngumisi sakin.

"Kaya sige! Pagbibigyan kitang maramdaman ang pagkalalaki niya sa loob ng isang araw. Hahahaha!" Natawa pa siya ng malakas.

This Girl is crazy!

"Wag ka lang magpapabuntis dahil magkakamatayan tayo." Napapailing nalang ako sa mga sinasabi niya.

Mahal niya si Ranz?! Paano niya nasasabi yung mga ganito?

"May parents ka pa ba?" Napataas ang kilay ko sa tanong niya.

"Yeah! Why?" Nakataas ang kilay at inis pang tanong ko.

"Balita ko kasi kayo nalang dalawa ng Mom mo. How about your Dad?" Napatayo na ko sa tanong niya, at ganon din ang ginawa niya at lumapit pa sakin.

"Its none of your business!" Alam kong konting konti nalang ay mapipugtas na ang pasensya ko. Kaya akmang aalis ng ko ng pigilan niya ko sa braso.

"Oh siguro malandi rin ang Mom mo at baka iniwan kayo ng Dad mo dahil sa paglalandi ng Mom mo."

"Idamay mo na lahat... lait laitin mo na ko wag mo lang pagsasalitaan ng malandi ang Mom ko." Nagdidilim na sabi ko pa sa kanya at tinignan siya ng masama sa mata kita ko pang napalunok siya.

"W-Why? S-Siguro totoong malandi ang Mom mo."

That's it!

Sa sobrang galit ko ay nasampal ko siya at malakas na naitulak.

"ZOEY." Gulat na napatingin pa ko kay Ranz dahil bakas sa boses niya ang diin sa pagkakabanggit ng pangalan ko at  galit. "Why did you do that ha?" Napaigik pa ko ng madiin niyang hinawakan ang braso ko.

"Siya yung nauna!" Pilit na pinapatatag ang boses na sabi ko pa.

"Talaga ba?! Kitang kita ng mga mata namin kung paano mo siya sampalin at itulak." Sigaw niya pa sa pagmumukha ko.

"Pinapaniwalaan mo pala yung nakita mo eh! Bakit nagtatanong ka pa!" Sarkastikong sabi ko pa, at kitang kita ko ang nag aapoy sa galit na mata niya.

"Ganyan ka pala talaga! Akala ko iba ka sa lahat pero mas masahol pa pala ang ugali mo."

"Hahahaha! Kung makapag salita ka parang kilalalang-kilala mo na ko ah! Parang ako na yung pinakamasamang tao sa paningin mo." Inalis ko na ang kamay niya sa braso ko akmang tatalikod na ko para hindi niya makita ang pagtulo ng luha ko pero napatigil ako sa sinabi niya.

"Ikaw na talaga yung pinakamasamang tao na nakilala ko." Hindi ko na napigilan ang luha ko at kusa na 'tong tumulo. Hindi na ko sumagot at dire-diretsong naglakad pabalik sa hotel room nakin ni Niña.

Umiiyak na ineempake ko na ang gamit ko ng biglang narinig na  bumukas ang pinto, at ng makitang si Niña yon ay binigyan ko la siya ng pilit na ngiti at itinuloy ang pag eempake ng gamit ko.

"Ate Zoey."

"Mag aayos lang ako ng gamit Niña ah! Anong oras tayo uuwi?"

"Ate Zoey sorry sa nasabi ni Ranz." Naramdaman ko na yumakap pa siya sa likod ko kaya tinanggal ko ang braso niya at hinarap siya.

"Hindi dapat ikaw ang mag sorry wala kang kasalanan."

"Pero alam kong nasaktan ka sa mga sinabi niya." Bakas pa ang pag aalala sa mukha niya. Umiling lang ako at ginulo ng bahagya ang buhok niya.

"Niña sorry."

"Ha bakit ikaw pa yung nag sosorry Ate?" Takang tanong niya.

"Sa tingin ko huling pagkikita na natin to. Hindi na ko babalik sa inyo para ipag drive ang kuya mo." Naluha naman bigla ang mata niya.

"Pero si Ranz at Sofia lang ang may kasalanan sayo Ate, bakit pati sakin di ka na makikipag kita."

"Baka pagalitan ka ng kuya mo pag nalaman niya eh."

"Hindi ko ipapaalam please Ate." Nagmamakaawa pa ang boses niya kaya lalong pumatak ang luha ko.

"Oo. Sige magkikita pa rin tayo." Tumatangong sabi ko pa.

"Pinky promise Ate?"

"Pinky promise." At pinagkrus pa namin ang hinliliit namin.

Nang makasakay kami sa eroplano ay wala ng kibuan ang nangyare parang kahit sino yata sa kanila ay takot na rin mag salita. Ako naman eto may nakapasak na earphone sa tenga at nakapikit na nakikinig ng kanta.

Tangina! Bakit naging ganito ka kahina Zoey?! Hindi ka ganito dati.

Pagkalapag palang ng eroplano ay nauna na ko sa kanila, walang lingon lingon na diretso ako sa sakayan ng Taxi at sumakay. Doon ko lang naramdaman na tumulo na naman ang luha ko.

Ayoko silang isipin! Si Ranz lang ang nakagawa sakin nito! Siya lang yung nakapag  paramdam sakin ng ganitong sakit. Tangina! Bakit sobrang sakit.

Nang makarating ako sa bahay ay sinalubong ako ni Mom, takang napatingin pa siya sa itsura ko.

"Bakit namamaga ang mata mo? Umiyak ka ba?" Hinaplos niya pa ang magkabila kong pisnge kaya hindi ko na napigilan at nag simula na namang tumulo ang luha ko.

Ganito pala magmahal sobrang sakit!

"Mommy, mahal ko si Ranz eh! Pero hindi kami pwede. Tingin niya sakin ako na yung pinakamasamang tao na nakilala niya." Humahagulgol pa na sumbong ko kay Mom.

"Shhh! I'm here lang Anak, sige iiyak mo lang." Niyakap niya pa ko at inalalayan papuntang kwarto. "You need to rest pagod ka sa byahe." Hinaplos haplos niya pa ang buhok ko na nagpagaan ng loob ko, at hindi namalayan na nakatulog na pala ako.

..............

Nagising ako sa pag vibrate ng phone ko at nakitang si Samanta ang nag text.

Are you okay Zoey? Sinabi ni sakin ni Tita yung nangyare.

3:30 am

Napangiti ako sa text niya pero hindi ko na muna nireplyan. Baka patulog na siya maistorbo ko pa.

Dinampot ko ang kaha ng sigarilyo sa lamesa at lumabas ng bahay. Umupo pa ko sa bangkuan sa labas ng bahay at nag sindi ng sigarilyo.

"Nakauwi ka na pala. Bakit gising ka pa?"

"Tss! Bigla ka nalang sumusulpot." Inis na sabi ko pa.

"Sorry na. Hahahaha! Nakauwi ka na pala bakit di ka nagsabi?" Natatawang sabi niya pa.

"Bakit naman ako magsasabi? Tss! Boyfriend ba kita?" Taas na kilay na sabi ko pa.

"Hindi nga pero as your friend sana."

"Alam mo naman na hindi ako mahilig mag text. Mommy ko nga hindi ko tinext na pauwi na ko ikaw pa, patawa ka."

"Kamusta nga pala ang pag babakasyon nyo?" Pag iiba niya pa ng usapan.

"Okay naman." Walang ganang sagot ko, na bumuga pa ng usok.

"Kakwentuhan ko Mommy mo kanina  sabi niya hindi daw naging maganda."

"Alam mo naman pala bakit nagtatanong ka pa?"

"Kaibigan mo ba talaga ako? Masyado ka kasing brutal pag kausao ako." Seryoso pang sabi niya.

"Kung hindi kita kaibigan wala ka ngayon sa tabi ko, baka hindi mo ko nakakausap ngayon." Pamimilosopo ko pa napatingin pa ko sa kanya ng hindi na siya sumagot at kitang kita ko pa ang lungkot sa mukha niya. "May tanong ako Aron."

"Ano yon?" Nakatingin sa malayong tanong niya pa.

"Pag pinagsasalitaan kita ng ganito anong nararamdaman mo?"

"Paanong ganito?"

"Pag pinopolosopo kita. Ang talino mo eh no." Inis na sabi ko.

"Nasasaktan." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Kasi may nararamdaman ako sayo eh! Tapos kung kausapin mo ko parang wala lang. Sayo siguro biro lang yon pero para sakin kasi may gusto ako sayo eh! Tapos kung tratuhin mo ko parang ako na yung pinaka bobong tao sa mundo ku g pilosopohin mo ko."

"Sorry." Seryosong sabi ko na ikinalaki ng mata niya.

"Paano kung makita mo kong masaya sa iba?"

"Hahayaan nalang kita. Kasi sa iba ka masaya eh! Hindi ka naman magiging masaya sa iba kung masaya ka sakin. Mahirap ipagpilitan ang sarili sa taong ayaw naman sayo. Parang jeep lang pag puno na wag mo ng ipagsisikan ang sarili mo kasi pag pinag siksikan mo ang sarili mo hindi lang ikaw ang mahihirapan pati yung mga tao sa paligid mo." Namangha ako sa sinabi niya at napangiti.

"So... wag mo na rin ipagpilitan ang sarili mo sakin Aron, maraming iba dyan at hindi ako yung nakalaan para sayo." Nakangiting sabi ko nagulat pa ko ng ngitian niya rin ako.

"Sorry Zoey kung nahirapan ka dahil sakin pinagulo ko pa yung isip mo dahil sa panliligaw ko, at tama ka nga baka pinagtagpo tayo para maging mag kaibigan lang."

"Tangina! Pinagulo mo isip ko? Gwapong gwapo ka sa sarili mo eh no! Eh hindi ko nga inintindi yung panliligaw na trip mo." Binatukan ko pa suya ng malakas sa kakapalan ng mukha niya.

"Aray! Tangina Zoey ang bigat ng kamay mo."

"Hahahahaha! Sige na sige na, matutulog na ko. Umuwi ka na rin at maligo ang baho mo." Natatawang sabi ko pa. Inaambaan niya pa ko kaya dali-dali kong sinarado yung pinto.

Humiga na ulit ako sa kama. Inisip kung paano ako mag sisimula ulit. Aayusin ko muna siguro buhay ko. Mag aapply ako ng regular na trabaho.

Sa sobrang pag iisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na ko.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C10
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login