Download App

Chapter 3: CHAPTER 2

Pagkarating ko dito sa bahay ng mga Samaniego ay agad nag gala ang mata sa kabuuan ng bahay nila. Hanep! Living room palang parang lobby na ng hotel. Pag pinagkumpara to sa bahay namin parang Kaha lang ng posporo yung bahay namin.

"Hmm!"

"Ay Palaka!" Napatalon pa ko sa Gulat ng humarang sa paningin ko yung Butler nila.

"Hinahanap ka ni Sir Ranz sa dining area, sumunod ka sakin." Masungit pang sabi niya. Dali-daling sumunod naman ako.

Namangha na naman ako ng bumungad sa paningin ko ang napakahabang dining table. Wala siguro silang paglagyan ng pera nila. Malaki rin ang bahay namin dati Pero hindi naman ganito kalaki na halos parang hindi na sila magkakakitaan.

"Hey Stupid Woman." Agad nabaling ang paningin ko sa nagsalita at nakitang si Ranz yon. Ano daw ako stupid woman?! Tss!

"Who is she Ranz? Girlfriend?" Napatingin pa ko sa batang katabi niyang kumakain. Hindi ba marunong gumalang tong batang to. Sa tingin ko ay nasa twelve years old na tong batang to.

"The hell! No!" Todo tanggi pa ni Ranz, parang talong talo naman to.

"Ah okay, I don't like her."

"Finish your food Niña, whe're going after this." Ang alam ko driver ako bakit ba kasi tinawag ako nito dito? "Hey you." Nag angat ulit ako ulo at napapalunok na tumingin kay Ranz. Damn! Bakit ang gwapo? "Do you know Ateneo?"

"A-Ahm. Yes Sir."

"How about Samaniego Company?"

"I know that too Sir."

"Good!" Bumaling pa siya sa batang katabi niya. "Are you done Niña?" Tumango lang yung bata. "Let's go." Tumayo sila at dali-daling nilagpasan ako. Inirapan pa ko ng batang kasama niya bago ako nilagpasan.

Mapagpasensya ako sa bata Pero ang isang to napakasutil mukhang kailangan kong pahabain ang pasensya ko sa isang to.

"Tatayo ka nalang ba dyan?" Masungit na Sabi ni Ranz na nilingon pa ko.

"Sorry Sir." Napapahiyang Sabi ko. At sumunod sa kanila. Pagkalabas namin sa likod ng bahay nila ay bumungad sa paningin ko ang napakaraming sasakyan.

"Here's the key." Agad na nasalo ko pa ang binato niyang susi. Pwede namang iabot. "That one." Turo niya pa sa Aston Martin na asul. "Ingatan mo sa pagdadrive mahal pa sa buhay mo yan." Hindi na niya ako hinintay sinagot at pumasok na sa loob ng sasakyan.

Wala bang magandang asal tong taong to kahit konti tss!

Dali-dali akong pumasok sa driver seat at ini-start ang sasakyan. Hinimas ko pa ang manibela at napangiti.

"She's Crazy Ranz, nginitian Niya yung manibela." Dinig ko pang Sabi ni Niña mula sa likod.

"Let her, ngayon lang yata siya nakahawak ng ganitong klaseng sasakyan." Sagot naman ni Ranz. Napangisi pa ko at nilingon sila.

"Please wear your seatbelts." Agad na minaniubra ko ang sasakyan at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

"WHAT THE FUCK!" Dinig ko pang sabi ni Ranz. Sampung minuto lang ang lumipas at nakarating na kami sa Ateneo.

"That was cool." Napapapalakpak pang Sabi ni Niña. Bumaba pa ko ng sasakyan at pinag buksan ng pintuan si Niña.

"I like you na, but not so much just a little. Teach me how to drive and I like you a lot." Natawa pa ko sa sinabi niya at makipag apir sa kaniya.

"Niña go to your class now." Masungit pang Sabi ni Ranz, dinilaan lang siya ni Niña at umalis na. "Next time drive safely hindi yung para kang nakikipag karera may kasama tayong bata." Salubong ang kilay na Sabi Niya pagkapasok ko ng sasakyan.

"Sorry Sir." Napapahiyang Sabi ko. Hindi niya ko sinagot at bumaling lang siya ng tingin sa laptop niya.

Maingat na kong nagmaneho at ng marating namin ang Samaniego Company ay walang sali-salitang bumaba na siya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Ay Palaka!" Gulat na napatingin pa ko sa salamin ng sasakyan ng kumatok siya. Sinenyasan niya pa kong bumaba ng sasakyan. Takang napatingin pa ko sa kanya ng ilahad niya sakin ang apat na lilibuhin. "Para saan to Sir?" Tanong ko pa pagkaabot ng pera.

"Pang lunch mo, 1 o clock susunduin natin si Niña and we will go home."

"Pero Sir, ang laking halaga nito." Ibabalik ko na sa sana sa kanya ang pera Pero mabilis niya na kong tinalikuran.

Napatingin pa ko sa perang hawak ko. May tinatagong bait pa rin talaga siya, ako yung may utang sa kanya Pero siya pa tong nagbigay ng pera. Napangiti pa ko sa isiping yon.

"Hindi naman siguro siya magalit kung aalis ako sandali." Tumingin pa ko sa sasakyan. "Hihiramin lang kita sandali ah." Pagkausap ko pa sa sasakyan. Pumasok ako sa loob at mabilis na pinaharurot yon.

Pagkapasok ko palang ng grocery store ay dali-dali akong kumuha ng basket at dumiretso sa cans and milk. Nang makuha ko na lahat ng kailangan ko ay dumiretso ako sa counter at nagbayad. Napatingin pa ko sa relo ko at Gulat ng makitang 12 o clock na.

Mabilis na pumasok sa sasakyan at pinaharurot yon. Pagkaparada ko sa parking ng Samaniego Company ay napatingin ulit ako sa oras at napangiti limang minuto walang mintis Zoey.

Napatingin pa ko sa wallet ko ng biglang kumalam ang sikmura ko. Naubos pala lahat pati yung sarili kong pera. Sa bahay nalang siguro ako kain Pag kauwi ko.

Tiniis ang pagkalam ng sikmura ko habang hinihintay na mag 1 o clock. Lumabas pa ko ng sasakyan para mag sindi ng sigarilyo.

Habang naninigarilyo ginala ko ang paningin sa labas ng  kabuuan ng Samaniego Company, napakalaki, napakaganda halatang mayaman ang may ari. Si Mayor Nathan Samaniego ang may ari nito. Marami kaya silang natutulungan? Sa lugar kasi namin ay wala silang natulungan maski isa na kahit ang daanan samin ay hindi pa nagagawa lubak lubak at makipot. Wala bang budget ang gobyerno para saming mahirap at gusto pa kaming patalsikin sa lugar na kinakatayuan ng mga bahay namin.

Alam ko na napaka-hirap pumasok sa Pag popolitiko dahil hindi lahat mabibigyan ng pansin pero sana naman unahin nila yung mga naghihikahos sa buhay hindi yung inuuna pa nila ay yung may mga kaya na sa buhay.

Bumuga ako ng usok at napabuntong hininga.

"Hindi ko Alam na naninigarilyo ka pala." Gulat na napatingin ako sa likuran ko at nakitang nakatayo na si Ranz don. Agad kong tinapon ang sigarilyo ko at tinapakan yon. "So..."

"Ano nga ulit yon Sir?"

"Hindi ko Alam na naninigarilyo ka pala."

"Hindi naman tayo close Sir para malaman mo kung naninigarilyo ako o hindi."

"WHAT?" Pasigaw at salubong na kilay na tanong niya.

"Sorry Sir."

"Let's go! Sunduin natin si Niña." Nagpatiuna na siyang pumasok sa loob ng sasakyan kaya pumasok na rin ako at nag simula ng mag drive. Napatingin pa ko sa kanya sa rearview mirror ng tignan niya kung ano yung mga nasa Plastic ng grocery. "What's this?"

"A-Ah... sorry Sir, nakalimutan Kong ilagay sa compartment."

"Hindi ko tinatagong kung bakit nandito to ang tanong ko ano to?"

"Yan Sir, mga pagkain Sir." Napatingin na naman ako sa kanya ng mapahawak siya sa bridge ng ilong niya halatang nagpipigil ng inis. "Sorry nga pala kanina Sir, nakasanayan ko na kasing sinasabi kung ano yung pumapasok sa isip ko." Hindi ko Alam kung ano ng reaction niya dahil tinutok ko na yung paningin ko sa daan.

"Where do you live?" Tinignan ko na naman siya mula sa rearview mirror Pero nung nakita kong makatingin siya sakin ay ako na agad ang nag ideas ng tingin at tinutok na ulit ang paningin ko sa daan. Hindi ko kayang tagalan yung titig niya.

"Sa Quezon City po Sir, sa bagong silangan."

"Squatter?"

"A-Ahm... Opo Sir."

"Kaya naman pala." Napataas ang kilay ko at tumingin ulit sa kanya.

"Anong kaya naman pala Sir?" Pigil ang inis na tanong ko.

"Kaya naman pala halatang wala kang pinag aralan sa mga kilos at mga lumalabas diyan sa bibig mo." Walang pakielam at nakatingin pa sa labas ng bintanang Sabi pa niya.

"Hindi naman po porket sa squatter nakatira Sir, ay wala ng pinag aralan. Wala naman sa yaman yan. Hindi tulad ng mayayaman na ang tinutulungan ay kapwa rin nila mayaman at mapangpuna saming mahihirap." Halatang inis na sagot ko pa sa kanya.

"By the way ginamit mo tong sasakyan ko para mag grocery nitong mga binili mo?" Pag iiba niya pa ng usapan.

"Oo." Inis na sagot ko at hindi namalayan ang sagot ko napatakip pa ko sa bibig ko at nahampas ang sarili kong noo.

"See... Hindi mo makuhang magpaalam sakin na mamimili ka pala ng grocery mo sa bahay na hindi nagpapaalam sa may ari ng sasakyan."

"Eh hindi naman para samin yan Sir."

"What?"

"Hindi naman po para samin yan." Pag uulit ko pa nakita ko na namang mapahawak sya sa bridge ng ilong niya at inis na tinignan ako. Ang gwapo Niya Lalo Pag ginagawa niya yon.

"Eh kanino to? Bakit nandito sa sasakyan ko baka mamaya marumi pa tong mga to."

"Pinamili ko yan Sir gamit yung perang binigay niyo Pero hindi para samin yan ng Mommy ko."

"Para kanino nga?" Inis na talagang tanong niya. Hahahahaha! Cute din pala nito mainis.

"Para po yan kila Mang karding sa kapit bahay naming may sakit hindi na po kasi siya nakakapag trabaho dahil may tuberculosis at ang dalawa niyang anak nalang ang kasama niya mula ng iniwan sila ng asawa niya."

"Paano sila nabuhay kung walang nag tatrabaho sa kanila? Paano nag aaral yung dalawang anak niya?" Halata ang pagka-curious sa boses niya.

"Every week dinadalan ko sila ng grocery tapos binibigyan ko sila ng allowance para sa Pag aaral ng dalawang anak niya na babae." Natahimik siya kaya sinilip ko ulit siya mula rearview mirror. Nakatitig siya Sakin at di ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya kaya nginitian ko lang siya.

"Saan ka kumukuha ng pera para sa pangangailangan nila?"

"Rumaraket ako Sir, kumakanta sa mga bar sa Gabi o kaya Pag wala talagang pera si Mommy binibigyan ako ng pera para ipabigay sa kanila."

"Saan naman kumukuha ng pera Mom mo?"

"May sari-sari store po kami Sir, minsan Pag wala ring benta dahil puro utang ng kapit bahay mga dilata nalang na galing sa tindahan yung binibigyan namin."

"Unbelievable! Paano niyo nagagawang tumulong kung pati kayo ay hirap din sa pera?" Bakas sa mukha niya ang hindi makapaniwala.

"Hindi naman kasi lahat Sir batayan ang pera pwedeng tumulong ng walang involved na pera." Hindi na siya sumagot at sakto naman na nasa tapat na kami ng school ni Niña.

Bumaba na ko ng sasakyan ng matanaw ko si Niña, kinawayan ko pa siya Pero inirapan niya lang ako na kinatawa ko.

Papatawid na siya ng mahagip ng paningin ko ang papadaan na truck kaya dali-dali akong tumakbo at kinuha siya napahiga pa ko at napatingin kay Niña na nasa ibabaw ko at nakapikit.

"Hey Niña, are you okay?" Bakas ang Pag aalala sa mukha ni Ranz, Nang mag dilat ng mata si Niña ay umiiyak na siya.

"K-Kuya." Palahaw pa ang iyak na yumakap siya kay Ranz.

"I'm here are you alright?" Inaalo pa niya ang kapatid na sabi niya.

"Yeah. But Ate Zoey looks hurt." Turo pa sakin ni Niña, Pero hindi ko napansin yon dahil sa pagtawag Niya sakin na ate.

"Hey Zoey, you're bleeding." Nag aalalang Sabi ni Ranz, napatingin pa ko sa tuhod ko na dumudugo.

"O-Okay lang po ako Sir." Pilit ang ngiting Sabi ko pa dahil biglang kumirot ang tuhod ko. Papatayo na Sana ako ng lumapit sakin si Ranz hawak sa kamay si Niña.

"You're not okay! Bubuhatin kita." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya tatanggi pa sana ako ng yumuko siya at binuhat ako ng bridal style. "Niña humawak ka sa damit ko."

Wala na don ang pansin ko nakatitig lang ako sa mukha ni Ranz amoy ko rin ang mamahalin niyang pabango at ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Wala na kong naririnig sa paligid ko kung hindi tibok lang ng puso ko. Nakatitig ako sa mata niya, sa ilong niya at bumaba pa to sa labi Niya parang ang sarap halikan.

"Hey Zoey."

"A-Ah S-Sir?" Tanong ko pa hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako sa passenger seat ng sasakyan at yumuko pa siya para ikabit ang seatbelt ko.

"Sabi ko ako na mag dadrive."

"P-Pro k-kaya ko naman Sir."

"No! Stay there." Wala na kong nagawa ng umupo siya sa driver seat at pinaandar ang sasakyan.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login