(F8 Private Room)
(Callix's POV)
To Pink Steno Diary,
Compilation No. 475:
Diary, tama pa bang itago ko ang tunay na pagkatao ko kay Miyaki? Kapag kasi nagpapakita ako bilang si Calla, doon ko lang siya nakakausap ng maayos. Doon ko lang nailalahad ang nararamdaman ko para sa kanya.
Ayoko nang magsinungaling pa sa babaing mahal ko. Ayoko na talaga.
Paano ko ba matatakasan ang pagiging Calla ko?
-Callix Jesh-
Pagkatapos kong isulat ang sentimyento ko sa diary ko ay itinago ko na ito sa bag ko.
Humiga lang ako sa sofa at dahil morning classes ay ayaw na ayaw ko talagang pumasok, idagdag pang absent ngayong araw si Miyaki, tiyak na mabo-bored lang ako sa loob ng classroom.
Dahil wala rin akong matinong magawa dito sa private room ay napagpasyahan kong matulog na lang hanggang break time.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Nasa kasarapan na ako ng tulog ko nang may biglang pumasok sa private room. Agad akong nagising dahil baka dumating na si Miyaki pero biglang napalitan ng inis ang pananabik ko nang si Aya ang tumambad sa paningin ko.
"What the hell are you doing here?" ang mahina pero sarkastiko kong tanong sa kanya.
"Wala. Kukuha lang ako ng mga libro sa locker." ang kalmado niyang sabi habang kinukuha niya ang mga libro niya sa locker. "Bakit di ka pala pumasok?"
"It's none of your business Aya. Wag na wag mo akong pakialaman."
"Callix, I'm just concern. Hindi kita pinapakialaman."
"REALLY?!!" sabay tayo ko sa kinauupuan ko. "Eh ang Kuya mo, yan din ba ang naramdaman niya nang masaktan niya si Miyaki?!! Naging concern ba siya sa feelings ng babaing mahal ko?! HINDI!"
"W-wag mong idamay dito si Kuya. Labas siya sa usapang ito." ang mahina pero matatag niyang sabi.
"Aya, pinagtatakpan mo na naman ba ang Kuya mo?! Tanggapin mo na lang kasi ang katotohanan na isang mangagamit at manloloko ang Kuya mo! At hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa babaing mahal na mahal ko!" ang sumbat ko sa natahimik na si Aya.
"S-sige, m-mauna na ako." at tila nanlalambot siyang lumabas ng room pero hindi ko pa rin siya tinigilang sumbatan.
"Kung nangangarap ka pa rin na matututunan kitang mahalin, isaksak mo ito sa utak mo, hinding-hindi kita magagawang mahalin. Si Miyaki lang ang mahal ko at sa kanya lang itong puso ko." ang sabi ko sabay balik ko sa sofa. Si Aya naman ay unti-unti akong nilingon at saka na siya umalis.
Kesa sa mas pakuluin ko pa ang dugo ko sa babaing iyon ay minaigi ko na lang na itulog ang lahat ng init ng ulo ko.
Aya Tomines is Earl Peter's sister. Sa umpisa pa lang ay ayaw ko na sa kanya, although may pagkakatulad sila ni Miyaki. At lalo ko siyang inayawan nang sinaktan at iniwan ni Earl si Miyaki. Masisisi kaya nila ako kung bakit ganito na lang katindi ang galit ko sa kanila? Mahal ko si Miyaki at masakit din sa akin ang nangyari sa kanya.
Kaya gagawin ko ang lahat para makalimutan na ni Miyaki si Earl at para tuluyan ko na ring maabot ang napakailap niyang puso.
(Female's CR)
(Aya's POV)
"Si Miyaki lang ang mahal ko at sa kanya lang itong puso ko."
Ang mga salitang ito ang tuluyan nang pumatay sa puso ko.
Nasa CR ako ngayon at kasalukuyang umiiyak. Masakit palang tanggapin ang katotohanan mula na rin mismo sa kanya. Oo't tanggap ko na si Miyaki talaga ang mahal niya pero ang sabihin pa niya yun sa harapan ko, mukhang hindi ko na yata makakaya pa.
Habang iniiyakan ko ang mga masasakit na sinabi niya sa akin ay may mga kamay na pumatong sa mga balikat ko. Napalingon ako sa harapan ako at nagulat ako nang makita ko si Miss Lanie.
"Aya, alam ko ang pinagdadaanan mo."
"M-Ma'am......" ang halos tulalang sabi ko habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.
"Aya, sabihin mo sa akin ang problema mo, at baka makatulong ako. Maling kimkimin ang iyong mga problema, lalo na kung ito ay mabigat at di mo na kayang pasanin pa. Wag kang mag-alala, hindi ko ipagsasasabi kahit kanino." and Miss Lanie smiled.
"T-talaga M-Ma'am? P-pwede po ba?" ang halos hindi makapaniwalang sabi ko sa kanila.
"Oo naman. Open akong magpayo sayo."
I breath deeply at sinimulan ko nang ikuwento ang tungkol sa buhay ko, sa nakaraan ni Miyaki at Kuya Earl pati na rin ang tungkol kay Callix. Habang nagsasalaysay ako ay matiyagang nakikinig si Ma'am. Nang matapos na akong magsalaysay ay mga unexpected words ang narinig ko kay Miss Lanie.
"Alam ko ang pinagdadaanan mo Aya. Sadyang may mga taong nasasaktan sa isang hindi inaasahang katotohanan, lalo na't kung ito ay isang masakit at masaklap na katotohanan. May mga taong hindi makalaya sa kanilang nakaraan. At may mga taong handang gawin ang lahat makamit lang nila ang isang bagay na kaytagal na niyang hinintay. Yan ang mapait na reyalidad ng buhay. May mga taong sadyang biktima ng mga ganyang pangyayari. At para lang matakasan nila yun, kinakailangan nilang hanapin ang taong gagamot sa sugat ng puso nila, na kung minsan ay humahantong pa sa paghihiganti. Pero Aya, eto lang ang maipapayo ko sayo. Wag na wag mong pag-iisipang gantihan si Callix o kahit pa si Miyaki dahil kataku-takot na consequences ang makakaharap mo. Puro malulungkot na consequences. Ang kailangan mo Aya, lumimot at magsimulang muli. Simulan mo ang buhay mo na wala nang iniisip pa sa nakaraan mo. Balang araw, may darating na lalaking magmamahal at mag-aalaga sa puso mo. Hindi man siya dumating ngayon, maaaring sa hinaharap ay makilala mo na siya." at napatayo na si Miss Lanie. "Oh, it's been a hour! May klase pa pala ako sa kabilang building. Sige, mauna na ako ha!" at umalis na sa CR si Miss Lanie. Habang ako naman ay halos matamaan sa sinabi ni Ma'am kanina.
Doon ko naalala ang salitang move on.
Dapat sana ay matagal ko nang ginawa ito.
Sawa na akong magdusa.
Sawa na akong masaktan.
At sawa na rin akong maghintay pa.
At para magawa ko yun.....
Kailangan kong umalis sa F8.
Masakit man sa damdamin kong gawin iyon ay napagdesisyunan ko nang ituloy ang balak ko. Dahil kapag hindi pa rin ako umalis sa F8, kataku-takot na gulo ang aabutin ng grupo nang dahil sa akin.
Ayokong magkawatak-watak sila nang dahil sa akin.
I really decided to split out with them.
Para na rin sa kapakanan ng lahat.
Lalo na ng taong mahal ko.