Angelica pov.
Nandito ako ngayon sa kwarto ng hospital kung saan naka confine si agaser, madami akong pinirmahan para sa pag papaopera ng kapatid ko at sabi nila ay mamaya daw ay ooperahan na eto.
"Kayanin mo agaser ah" nakangiti ngunit umiiyak na sabi ko
"Oo naman ate, kayang kaya ko toh. Hinding hindi ko sasayangin yung pera na pinag ipunan mo noh" nakangiting sagot ni agaser.
'Kung alam mo lang agaser, siguradong ikakahiya mo ako bilang ate mo' sabi ko sa isip ko
"Bibili lang si ate ng mga pagkain natin ah, behave ka lang dito" pagpapaalam ko kay agaser
Nandito ako ngayon sa 7/11 para kumuha lahat ng mga kailangan ko ng matanaw ko na papasok sila rey at gail.
Umakto akong hindi sila nakita hanggang sa napansin nila ako.
"Yow angelica, nandito ka pala" bungad ni rey
'Ay hindi anino lang toh, humiwalay sa katawan ko." Ang gusto kong sabihin
"Yah, actually nandito ako para bumili ng mga needs ng kapatid ko. Nasa hospital kasi sya" sabi ko
"What happened?" Singit ni gail
"Ooperahan na kasi sya" maikli kong sagot
" its that so? Bibili lang kami ng foods ni gail and then sasama kami sayo" nakangiting sabi ni rey.
Ayoko namang tumanggi dahil makakatulong toh sa plano ko.
Pagkatapos naming bumili ay agad na kaming pumunta sa hospital.
"Hi agaser" masayang bati ni rey ngunit sa mata nya ay may halong lungkot na dinadala
"Kuya rey ikaw pala, bakit po kayo napadalaw dito" akward na tanong ni agaser dahil alam nya ang nakaraan namin nito, dahil sakanya ko lang lahat kwinento.
"Nagkasalubong kasi kami ng ate mo, ow by the way may binili kaming foods para sayo" masiglang sabi ni rey sabay lagay sa lamesa.
"Ehem" tikhim ni gail, nakalimutan namin na nandito pala sya.
"Ow agaser this is gail may girlfriend, gail this is agaser" pagpapakilala ni rey.
"Yah alam ko" walang ganang sabi ni agaser at tumingin sakin
Agad naman akong umiwas ng tingin dahil nasa akin yung tingin ng dalawang mag jowang toh.
Maya maya lang ay may tumawag sa phone ni gail, agad nya naman itong sinagot.
"Hello..ah yes..im comming..ok thanks bye." Ang saad nito.
"What happened?" Tanong ni rey
"Something bad happened sa company namin, ill call u later i need to go" nagmamadaling sabi ni gail at tinignan lang ako at tsaka umalis na.
"Bussiness again." Bulong ni rey
--
Ilang oras na at kinuha na si gail para operahan. Dalawa nalang kami ni rey dito, wala si gail kaya naman pwede kong magawa ang plano ko.
Tumabi ako sakanya at inabutan sya ng coffee na binili ko sa 7/11.
"Thanks" tipid na sagot nya
"Wala kapa bang balak umuwi?" Tanong ko
"Aantayin ko pa si agaser hanggang matapos syang operahan" ang sabi nya.
Hindi kona sya nasagot dahil pumunta syang cr, habang nasa cr sya ay nagbihis ako dahil madumi na ang suot ko hanggang sa bumukas ang pinto ng cr at natulala lamang kaming pareho.
Tanging bra at pang ibaba lamang ang suot ko, unti unti nya akong tinignan kaya naman ay napangiti ako.
"Nakita mona naman toh dati wag ka ng magulat haha" ang sabi ko at nagbihis na
At sa hindi inaasahan ay itinulak nya ako sa pader para halikan, hindi na ako umangal dahil makakatulong toh sa aking plano.
Hanggang sa sobrang pagod ay nakatulog na kaming dalawa.