Sinusundan siya ng tingin ni Strike habang paikot ikot siya sa harap ng salamin. Atras abante habang sinisipat ang itsura sa salamin. Kung nakakapagsalita lang sana ang aso, malamang sinabi na nitong nahihilo siya sa ginagawa ni Kim.
Sinubukan niya lahat ng nabiling bagong damit kahapon sa bayan. Parang wala siyang matipuhan. Hindi siya makapili. Sa wakas ay nakapagpasya na siya kung ano ang isusuot niya. Isa iyong floral yellow dress na above the knee ang tabas. Napangiti siya. Bagay iyon sa kanya, sa kanyang pananaw. Ngayon naman ang pinoproblema niya ay ang kanyang buhok. Ilulugay niya ba ito o itatali? Nagkalat na sa kanyang kama ang iba't ibang mga palamuti sa buhok katulad ng ipit at headband. Sa bandang huli napagpasyahan na lamang niyang itali pataas ang buhok upang maging maaliwalas lamang ang kanyang mukha.
Umikot siyang muli sa harap ng salamin. "OK na ba Strike?" tanong niya sa kanyang alagang aso. Ano pa ba ang inaasahan niya, syempre hindi sumagot ang aso.
Naabutan siya ng kanyang ate sa ganoong ayos. "Baka naman mabasag na 'yang salamin!" intrada nito. Napahiya naman sa sarili si Kim. Lumayo siya sa salamin at naupo sa kanyang kama. "Parang may dumaang malakas na bagyo ah! Ang kalat ng gamit mo!"
"Sorry po ate, ililigpit ko na lang!" aniya. Tumabi sa kanya ang kapatid at saka hinaplos ang kanyang buhok. "May napapansin yata akong iba sa bunso namin ah!"
"Wala!" tanggi ni Kim.
"Ano'ng meron?" nagtaas baba ang kilay ni Charmaine na tila nanunukso.
"Wala nga po! Sinubukan ko lang 'yong mga pinamili natin."
"Really?" natatawang wika ng ate niya na halatang ayaw maniwala. "Ah, OK. I see!"
"Si ate naman eh! Wala nga po, promise!"
"Oo na! Sabi mo eh." Natatawa parin ito. "Well, hindi kita masisisi, napakagwapo at napakacharming naman talaga ni Peter! Plus, mabait pa!" biglang wika nito.
Nagulat siya sa sinabi ng kanyang ate. Iba ang iniisip nito. "What?"
"OK lang 'yan bunso. Nagdaan din ako sa ganyan nang makilala ko si Kuya Bernard mo. Bigla akong naging conscious sa itsura ko. Iniisip kong dapat lagi akong maganda. Alam na alam ko 'yan bunso! Hindi mo na kailangang maglihim pa sa 'kin!"
Natatawa siya sa ate niya. Siguradong sigurado ito sa mga sinasabi niya. Ni hindi manlang siya pasingitin at pagpaliwanagin. "But ate--"
"Shh!! Believe me Kimberly, I understand! Parte yan ng pagdadalaga. You're already 17. Normal lang 'yan. Ako nga 13 pa lang may crush na. Ang late mo na nga sa lagay na yan eh. Basta moderate lang bunso ha? Dahan dahan lang."
"Ate, anong dahan dahan pinagsasasabi mo?" naiinis niyang wika.
"Don't give in too much! Huwag ka munang mag-invest ng masyadong malalim na emosyon or feelings. Ienjoy mo muna ang kilig." Napahilata ito sa kama niya. "Hay! I miss my younger days, when I was your age! Kung pwede lang sana ibalik ang nakaraan." Sumilay ang lungkot sa mga labi nito. "Basta bunso, mag-iingat ka sa love, delikado!" hinampas siya nito sa balikat sabay tawa.
"Si ate talaga parang baliw eh!" aniya. Pero ang totoo, kahit alam niyang tumatawa ito, malungkot ito sa kalooblooban. "Huwag kang mag-alala, I won't tell Peter!" panunudyo muli ng ate niya.
"I hate you ate!"
"Haha! Nagbablush siya! Totoo ba?" Inis na inis siya sa kanyang ate ngunit hinayaan na lamang niya itong iyon ang isipin. Mas maigi pa dahil baka pagbawalan siya nitong mamasyal kapag malaman nitong iba ang pinagkakainteresan niya. Iyon nga lang, maiilang na siya kay Peter. Bakit ba kasi naisipan ng ate niyang may gusto siya kay Peter?
"Wow, you look amazing!" nakangiting bati sa kanya ni Peter paglabas niya ng bahay. Nakikita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang malapad na ngiti ng kanyang ate na nasa tabi lang niya. Kinurot pa siya nito ng marahan sa tagiliran. "Thank you!" tugon niya sa binata. "Peter, I'm really sorry. Maybe some other days again?" aniya. Ang tinutukoy niya ay ang pag-aaral sa pangangabayo. Interesado naman siyang matuto pero mas interesado siya sa lalaking gumugulo palagi sa kanyang isipan.
Alam niyang nagtataka si Peter ngunit sa ngayon wala siyang pakialam. Iniisip din siguro ng ate niya na nahihiya lang siya kay Peter. Maganda rin palang excuse ang hinala ng kanyang ate. Lihim siyang nagpasalamat sa loob loob. "OK," tanging naisagot ni Peter. "I'll just go home instead and fix something." Tumango siya. Nakahinga siya ng maluwag.
"Ate, mamamasyal lang po kami ni Strike.OK lang po ba?" baling ni Kim sa kanyang ate makaraang makaalis si Peter.
"Bakit naman hindi? Sige, para hindi ka naman mabore dito. Basta, 'yong palaging bilin ko sa 'yo, huwag mong kakalimutan!"
"Opo ate! " nakangiting tugon niya. "Tara na Strike!" Mabilis namang sumunod sa kanya ang alagang aso at masigla silang naglakad palabas ng farm.
Napakaganda ng sikat ng araw ng umagang iyon. Iyong tipong hindi mainit sa balat. Napakaaliwalas pa ng hangin, kasing aliwalas ng kanyang pakiramdam sa mga sandaling iyon.
Habang naglalakad ay natanaw niya sa hindi kalayuan ang masungit na lalaking hindi niya pa alam ang pangalan. He was sitting by the river katabi ang alaga nitong aspin. Sa malayo ito nakatingin at tila ba'y may malalim na iniisip.
Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Napahinto siya saglit sa paglalakad at saka nasapo ang dibdib. Bakit ba sa tuwing makikita niya ito ay kinakabahan siya ng sobra? Katulad ng pakiramdam niya tuwing ipapaalam ng teachers niya na mayroon silang oral recitation sa klase kinabukasan. Sumasakit ang tiyan na hindi niya maintindihan kung naiihi ba siya o natatae. Nag-inhale exhale siya, ganoon ang ginagawa niya tuwing nininerbyos siya.
Si Strike naman ay nakaramdam muli ng sobrang excitement nang makita niya ang aspin na kasama ng lalaking iyon. Tumatahol itong tumakbo palapit sa kinauupuan ng lalaki at ng aso. Gustuhin niya mang pigilan si Strike ay wala siyang nagawa dahil napakabilis nitong tumakbo. Napailing na lamang siya at napakamot sa ulo. Pero iningatan niyang 'wag magulo ang kanyang nakataling buhok. Tinapik tapik niya pa ang pisngi upang humupa ang init doon. Huminga muli siya ng malalim.
Nang lingunin siya nang lalaki, tumayo ito at naglakad palayo. Hindi manlang nito tinawag ang alaga niyang aspin. Pinabayaan na lamang niya itong makipaglaro kay Strike.
Nakaramdam si Kim ng kirot sa puso. Bakit ba siya iniiwasan ng lalaking iyon? Iniiwasan nga ba siya nito o sadyang ayaw lang nitong makipag-usap kahit kanino? Hindi niya maintindihan ngunit nasaktan siya sa paglayo nito sa kanya.
"Wait!" aniya sabay takbo upang mahabol ang lalaki. She may look desperate pero pakiramdam niya ay may karapatan siyang malaman kung bakit ito lumalayo sa kanya. Hindi man lang ito huminto upang lingunin siya. "Hey! I said wait!" sigaw niyang muli. Ngunit dirideretso lang ito sa paglalakad hanggang makapasok sa bahay nito.
Subalit imbes na sumuko, lalo lang naging pursigedo si Kim na kilalanin ito. Pumasok muli siya sa bakod ng bahay nito kahit walang pahintulot katulad ng ginawa niya noong nakaraan. She doesn't care, basta makausap lamang niya ito. Kahit anong paraan, kahit sigawan siya nito at ipagtabuyan.
Buo na ang loob niya, kailangan sa araw na ito ay makausap na niya ang lalaki. Lumapit siya sa pinto ng bahay nito at sunod sunod na malalakas na pagkatok ang ginawa niya. "Hoy suplado lumabas ka diyan!" sigaw niya. "Bakit mo ba ako iniiwasan, wala naman akong nakakahawang sakit?" dagdag pa niya. Wala siyang natanggap na tugon. Nanatiling tahimik ang paligid. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap!" She crossed her arms below her chest. At saka kumatok muli at higit na mas agresibo. Kumatok siya nang kumatok, baka sakaling kapag nakulitan na ang lalaking iyon ay lumabas na ito at kausapin siya.
Hindi nga siya nagkamali. Bumukas ang pinto at napaangat siya ng tingin sa lalaki. Hanggang balikat lang kasi siya nito. Napalunok siya dahil sa talim ng tingin nito sa kanya at napakaseryoso ng awra. "What do you want?" tanong nito sa kanya. Hindi iyon ang unang beses na narinig niya ang boses ng lalaking iyon ngunit tila napapalundag ang puso niya tuwing maririnig niya itong magsalita.
"Talk to me!" sagot niya.
"Umalis ka na!" matigas nitong utos sa kanya.
"Hindi ako aalis dito hangga't di mo ako kinakausap," madiing saad niya.
"Hindi ka ba natatakot sa 'kin? Lalaki ako, at mag-isa ka lang! Sa liit mong 'yan madali lang sa 'kin ang buhatin ka at
itapon sa ilog!"
"Eh di gawin mo! And no, I'm not afraid of you!" mataray niyang tugon.
"Umuwi ka na. Wala kang mapapala sa 'kin!"
"Bakit mo ba ako iiniiwasan? I just wanna be friends with you!"
"Hindi ko kailangan ng kaibigan! Hindi lang ako ang tao dito sa lugar na 'to. Maghanap ka ng ibang kakaibiganin mo! Umalis ka na, ang pinakaayaw ko sa lahat ang makulit!"
"Really?" naghahamong wika ng dalaga. "Fine! Pahingi na lang ako ng mangga!" Nagpameywang siya.
"What?" salubong ang kilay na tanong ng lalaki.
"I said pahingi na lang ako ng mangga!"
"Marami pa akong gagawin. Hindi kita maikukuha!"
"OK lang. I'll do it myself!"
Napailing ang lalaki. "Bahala ka!" inis na wika nito at saka pumasok na muli sa bahay niya.
Sa totoo lang ay gustung gusto na talagang kumain ni Kim ng mangga nang mga oras na iyon. Naghanap siya sa paligid kung mayroon siyang makikitang panungkit ngunit wala siyang mahanap. Tinignan niya ang kabuuan ng mangga. Hindi naman ito kataasan kaya maaari niyang akyatin.
"Napaka ungentleman naman ng laking 'yon! Hmp!" aniya habang inaalis ang kanyang sandalyas. "Kaya ko 'to!" aniya.
Lumapit siya sa katawan ng punong mangga at saka nagsimula nang akyatin ito. She was wearing a dress ngunit may suot naman siyang shorts kaya ayos lang.
Hindi niya alam na pinagmamasdan lamang siya ng lalaki mula sa siwang ng pinto. Napapailing talaga ito sa katigasan ng kanyang ulo. Hindi pa siya nangangalahati sa pag-akyat. Mabuti na lamang at nakakahawak siya sa mga sanga ng mangga. May nakita siyang naninilaw nang bunga nito malapit sa
sangang kinakapitan niya. Sinubukan niya itong abutin. Kaunti na lang at mahahawakan na niya iyon.
"Aaahhh!!" nagkamali siya ng pagtapak sa katawan ng puno at nadulas siya. Nawalan na siya ng balanse at napabitaw siya sa kinakakapitang sanga nang makuha na niya ang mangga.
Maagap na nakatakbo palapit sa kanya ang lalaki at nagawa siyang saluhin bago pa siya bumagsak sa lupa. Napayakap siya dito at naramdaman niya ang paglapat ng dibdib nito sa katawan niya. Dinig ni Kim ang tibok ng
puso ng lalaki. Nag-angat siya ng tingin. Pinamulahan siya ng pisngi nang mapagtantong nakatitig pala ito sa kanya.
His brown eyes were the most beautiful set of eyes she has ever stared at. Totoo pala... Sa tuwing nakatitig ka sa taong gusto mo, pakiramdam mo ay wala ng ibang tao sa paligid kundi kayong dalawa lang. Everything around you vanishes at ang maririnig mo lang ay ang pintig ng puso mong nagwawala!
Napaaray siya ng bigla siyang ibaba nito. "Ang kulit mo kasi eh!" anito sa kanya. "Sabi ko sa 'yo diba umuwi ka na? Ang tigas ng ulo mo!"
"Kasalanan ko ba kung ayaw mo akong ikuha? Dapat kung ikinuha mo 'ko, hindi sana ako mahuhulog! Kasalanan mo!" ganti niya dito. "Gwapo sana masungit lang!" pabulong ang huling mga binigkas niya.
"What did you say?" kunot ang noong usisa ng lalaki.
"Wala! Kunyari ka pang di mo narinig, gusto mo lang ulitin ang sinabi kong gwapo ka eh!" Napatakip siya sa bibig. Pinansamaan siya ng tingin ng lalaki.
"Umuwi ka na kundi kakaladkarin kita palabas dito!"
"Grabe ka naman!" naiinis na wika niya. "Ang sama ng ugali!"
"Umalis ka na sabi!"
"Oo na, aalis na 'ko!" aniya. Pagtalikod niya ay napansin ng lalaki ang galos nito sa binti. Hinawakan siya nito sa braso upang pigilang umalis.
"And why?" mataray na tanong ng dalaga.
"May sugat ka, gamutin muna natin." Mahinahon na ang lalaki ngayon.
"No, thanks! Baka mamaya 'di lang sugat ang mapala ko sa 'yo, baka pilayan mo pa ako!" mariin niyang tanggi.
Akmang aalis na sana siya nang sapilitang buhatin siya ng lalaki. "Ibaba mo 'ko! Uuwi na 'ko!" nagpupumiglas niyang wika.
"Mamaya na 'pag nagamot na natin ang sugat mo!" wika ng lalaki habang papasok ng bahay nito.
Nanahimik na lamang si Kim. Besides, ang sarap sa pakiramdam na binubuhat siya ng supladong lalaking ito. I-enjoy niya na lang. "Nakonsensya ka 'no? Natakot kang magsumbong ako 'no?" nang-aasar na tanong nito sa lalaki habang nilalapatan nito ng paunang lunas ang sugat niyang galos lang naman.
Hindi ito sumagot. Sa halip ay kinuha nito ang kaliwang kamay niya. Mayroon pala siyang maliit na sugat sa may hintuturo. Hindi man lamang niya naramdaman. Tahimik lang ang lalaki habang ginagamot iyon.
Titig na titig naman si Kim dito habang seryoso itong ginagamot siya. Napapangiti siya. Sinusubukan niyang pigilan ngunit di niya kaya. Pakiramdam niya ay may kuryenteng tumutulay mula sa mga kamay ng lalaking ito patungo sa buo niyang katawan. Gusto niyang higpitan ang paghawak niya sa kamay nito ngunit hindi maaari. Sana pala mas madami siyang sugat sa kamay para hindi na siya bitawan nito.
"OK na! Next time, 'wag ka nang makulit. Yan ang napapala ng mga matitigas ang ulo!" pangaral nito sa kanya. "Umuwi ka na. Huling pakiusap ko na 'to sa 'yo. Please! Umuwi ka na," anang lalaki makaraang gamutin siya.
"OK, but just one more thing Mr. Sungit. Pangalan mo?" hirit pa ni Kim.
"Umuwi ka na!"
Kim rolled her eyes. "Para ka namang gasgas na plaka eh! Oo na, uuwi na 'ko?! Pero uuwi lang ako kapag sinabi mo na ang pangalan mo."
Halatang napipikon na ang lalaki at malapit nang maubos ang pasensiya. Bumuga ito ng hangin. "Lawrence! My name is Lawrence!"
Finally! Tuwang tuwa si Kim. Sa wakas, alam na niya ang pangalan ng lalaking hanggang sa panaginip ay dinadalaw siya.
— New chapter is coming soon — Write a review