Download App
The Fault In Our Stars The Fault In Our Stars original

The Fault In Our Stars

Author: _Peinstrories

© WebNovel

The Fault In Our Stars

This is it. Aamin na ko nang nararamdaman ko kay Zachary. First time kong magkagusto kaya hindi ko alam kung paano ba sasabihin ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako pero pakiramdam ko kailangan ko nang umamin dahil ayokong magsisi sa huli.

Papunta ako ngayon sa bahay nila. Nandon lang naman sya dahil kachat ko sya kanina bago ako magdesisyon na umamin na sa kanya.. ng personal pero hindi nya alam na pupunta ako ngayon sa bahay nila. Pinakilala na ako ni Zachary sa parents nya and they love me. I can feel it. Gusto nila ako para kay Zachary. Umuwi na din sya sa bahay nila dahil nagkaayos na sila ng parents nya.

I'm on my way, baby.

Nakangiti akong nagmaneho hanggang sa nandito na ko sa mansion nila. Pinarada ko sa labas ng bahay nila ang kotse ko at nakangiting lumabas. Nakita ko si Manang na may dalang trash bag. Mas lumapad ang ngiti ko nang nag angat sya ng tingin at agad na nakita ako. Ngumiti sya na agad kong nilapitan.

"Manang si Zach po?", nakangiti pading tanong ko.

"Nasa garden hija. Kasama yung kaibigan nyang si Blake. Puntahan mo nalang doon."

"Sige po, Manang. Salamat po", yun lang at naglakad na ko papasok ng gate nila. Nakangiti padin ako habang naglalakad papunta sa garden nila.

Nang marating ko na yon ay mas lalong lumapad ang ngiti ko. Nakita ko sya with his friend,Blake. Mukhang nag uusap sila ah!

Lalapit na sana ako sa kanila nang marinig kong sumigaw ang kaibigan nyang si Blake. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila mula sa kinatatayuan ko. Are they fighting?

"Damn it! Kailan mo sasabihin sa kanya ha? Zach naman! Huwag ka ngang magpakatanga dahil lang sa babaeng yon! Nakakalimutan mo na ba ang dahilan kung bakit niligawan mo sya ha!?", halatang galit si Blake habang hinawakan nito ang collar ni Zach.

"Shit! Blake tama na! Nagsisisi na ako! Nakokonsensya na ako! Tama na naman please lang!", inis din na sabi ni Zach.

Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Nagsisisi? Saan naman?

"Aminin mo na sa kanya! Kung nakokonsensya ka talaga, aminin mo na", pangungumbinsig sigaw ni Blake kay Zach, at hindi pa ito nakuntento at tinulak pa ito sa damuhan.

"Na ano? Na dare lang lahat to! Damn it! Shit! Ayokong mawala sya sakin Blake!"

"Oo! Yon ang dapat gawin Zach! Umamin ka sa kanya! Kapag hindi mo pa iyan sinabi, ako ang magsasabi. Huwag mo akong susubukan Zachary. Kilala mo ako. Kapag sinabi ko, ginagawa ko!",pagbabanta ni Blake. Nanginginig na ang kamay ko at nangingilid na ang mga luha ko. Nasasaktan na ako. Mali atang nagpunta ako dito.

"M-Mahal ko sya Blake! Mahal na mahal ko si Yvonne",he broke his voice while shouting to Blake. I feel my heart beat became fast, but I didn't care about it. Paano kung kasinungalingan din yan? Paano ko sya pagkakatiwalaan kung nagawa nya akong lokohin.

Naniwala ako sayo. Naniwala ako na hinding hindi mo ako paglalaruan. Nangako ka pa na hindi mo gagawin yon at hindi mo ako iiwan. Anong nangyari sa pangako mo?

Para akong sinaksak ng ilang beses dahil sa narinig ko! Hindi matanggap ng tenga ko ang narinig ko mula kay Zachary. So all this time dare lang to?

Napapailing akong di makapaniwala sa mga narinig ko. Kinukumbinsi sya ni Blake na sabihin sakin ang totoo habang si Zach naman, halatang ayaw sabihin dahil sa kung anumang pwedeng mangyari. Ayaw nyang mawala ako? Natawa ako ng mapait sa loob loob ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa pisngi ko.Umatras na lang ako hanggang sa makalabas ako. Parang umurong ang dila ko. Ano ba naman tong pinasok ko?

Nakita ko pa si Manang at ang kaninang ngiti nya ay napalitan ng pag aalala. Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa kamay. Walang emosyon akong tumingin kay Manang habang ang mga mata ko ay unti unti nang nanlalabo.

"Anong nangyari? Nag away ba kayo?", nag aalalang tanong ni Manang. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin si Manang. Humagulgol ako sa sakit na nararamdaman ko.

"Manang pwede po bang humingi ng favor?", humihikbing tanong ko kay Manang.

"Oo naman. Magsabi ka lang hija, kahit ano gagawin ko"

"Wag nyo nalang po banggitin kay Zach na nagpunta ako dito. Atin atin nalang po ito.", tumayo ako ng maayos at tumingin kay Manang na may pilit na ngiti sa labi.

"Ayun lang ba hija? O sige ako nang bahala. Hindi ko sasabihin kay Zach na nanggaling ka dito.",napangiti nalang ako ng tipid habang si Manang ay nag aalala parin. "Ano ba talagang nangyari hija? Nag away ba kayo? Naku pagpasensyahan mo na at laging stress ang batang yon. Laging mainit ang ulo at mukhang may dinadalang problema"

"Okay lang po kami Manang. Huwag po kayong mag alala sakin dahil ayos lang po ako. Tears of joy lang po siguro ito", pagbibiro ko.

"Naku bata ka! Nakakapagbiro ka pa nang lagay na yan."

"Sige na po Manang. Kailangan ko na pong umalis, nagtext po kasi sakin yung kaibigan ko. Nasa labas daw po sila ng condo unit ko", pagpapalusot ko. Feeling ko masosofucate ako. Hindi ako komportableng nandito ako.

"Ganon ba? Mag iingat ka hija. Sana ay maging okay ka na hija. Hindi bagay sayo ang umiiyak. Napakaganda mo pa naman.", nakangiting pagpuri sakin ni Manang. Hindi ko na magawang tumawa o ngumiti manlang dahil mas nangingibabaw sakin ang sakit. Nasasaktan ako.

Nang makapagpaalaman na kami ay sumakay na ko sa kotse ko. Napatungo nalang ako at hanggang ngayon naririnig ko padin lahat nang pag uusap nila.

"Hanggang dare lang pala talaga ako. Hindi na dadating ang panahon na may magseseryoso sakin", mapait akong napangiti sa naisip ko.

Hanggang laro lang... Walang seryosohan. Ibabalik ko na ang dating ako.

Akala ko may magmamahal na sakin ng totoo. Play girl ako, pero nagbago ako para sa kanya. Inaamin kong napamahal na ako kay Zachary at hulog na hulog na ako. Paano na ako babangon nyan?

Nagdrive ako papuntang condo unit ko. I need to chill. I need to relax. Ayokong magpadala sa emosyon ko. Marami paring tanong sa isip ko. Maraming what if ang kailangan ng sagot mula sa kanya.

What if mali yung narinig ko? What if ibang topic ang pinag uusapan nila at hindi ako? What if mali lang ako ng akala? What if we have same feelings for each other? Hindi naman siguro imposible yon, diba?

Niyaya ko si Cale sa condo ko at nagpalusot nalang na magcecelebrate kami. Makakagraduate na kami next month. Yon ang dinahilan ko. Wala na kasi akong maisip na matino. Magulo masyado isip ko. Occupied masyado.

Nag invite din ako ng iba kong kaibigan na lalaki. Kasama ni Cale si Tyler kaya dapat may kasama din ako. Ayokong maging third wheel noh!

I invite them and also Aaron, my ex fling. Yung pinagseselosan ni Zachary. Wala naman sigurong mali kung iinvite ko sya, diba? He betrayed me and yet, sya parin masusunod? Nah.

Tonight, I'll have fun with them and no one can stop me. Hindi porket nasasaktan ako e magpapakalugmok ako. It's not my personality.

Nag ayos na ako para mamaya. I already informed them about our hangout at my condo unit and Aaron and Cale comfirmed it. Sasama daw si Tyler para daw may kasama sya kung sakaling malasing sya. Magkalayo kasi kami ng condo. Malapit ang condo nya sa UP.

Ewan ko nga ba kung bakit roon nya napiling bumili ng condo, eh may malapit naman rito. Hinayaan ko nalang sya dahil pera nya rin naman ang gagamitin nya. Desisyon nya iyan kaya alam kong kaya nya nang magdesisyon para sa sarili nya.

As they arrived, inasikaso ko agad sila. Magkatabi si Tyler at Cale, habang katabi ko naman si Aaron. We drink and drink until I felt warm on my body. Idagdag mo pa na walang hingahan kaming shot ng shot ni Aaron, habang si Tyler naman nakaalalay na kay Cale. Pinagbabawalan na itong uminom dahil mababa ang tolerance nya sa alak. Madaling malasing ang gaga!

Tatayo sana ako para kumuha ng panibagong bote ng tequila nang umikot ang paningin ko. Medyo nahihilo na ako dahil sa tama ng alak pero masasabi kong hindi ako lasing. Inalalayan ako ni Aaron at sinamahan nya ako sa kitchen. Kumuha na ako ng bote ng tequila sa ref at nakalaukipkip lang si Aaron sa counter top habang naghihintay sakin.

Patumba tumba narin ako habang papalapit kay Aaron. Agad nyang nilahad ang kamay nya sakin at walang pag aalinlangan ko iyong tinanggap. Nagulat pa ako ng hilahin nya ako ng marahan palapit sa kanya at sumubsob ako sa dibdib nya. Palibhasa ay medyo matangkad sya sakin kaya hindi ako mahihirapan kung titingalain ko sya.

He held my chin for me to look up at his eyes. It's full of desire, full of emotion and I don't know if I'm mistaken but I can saw his eyes full of love for me.

Nang matauhan ako sa posisyon namin, agad ko syang tinulak na ikinabigla nya. Pinagkunutan nya ako ng noo sa ginawa ko. Walang pwedeng humawak sakin!

"What the fuck did you do that?",galit na tanong nya. Pinagtaasan ko sya ng kilay bago hawakan ng mahigpit ang bote ng tequila.

"Walang ibang pwedeng humawak sakin! Not you, not anyone",matigas na tugon ko sa kanya. Lalagpasan ko na sana sya nang hawakan nya ang braso ko. Nang lingunin ko sya, nasisiguro kong galit na sya at matalim ang mga tingin na ipinukaw sakin.

"Bitawan mo ko",utos ko sa kanya. Pero imbes na bitawan ako, mas lalo nyang hinigpitan ang paghawak sa braso ko. Dahil payat ako, mas lalong naiipit ang buto ko at nasasaktan na ako.

"Ano ganon ganon nalang yon? Do you think matutulak mo ako palayo sayo ng ganon ganon nalang?",galit na aniya. Wala akong pakielam kung magalit sya, layuan nya lang ako.

"Ano ba!? Nasasaktan na ako Aaron!",reklamo ko sa kanya. Ngumisi sya ng nakakaloko bago ako itulak. Humampas ang likod ko sa counter top at halos manalangin na ako na sana walang mangyaring masama sakin.

"Wala akong pakielam kahit masaktan ka pa! Ano Tatiana tingin mo ba ganon ganon nalang yon?",mas bumilis ang tibok ng puso ko nang maglakad sya papalapit sakin. Wala na akong magagawa.

"Huwag kang lalapit. Huwag kang lalapit!",sigaw na utos ko sa kanya. Natatakot ako sa kanya dahil alam kong agresibo sya. Lalaki sya at babae ako. Anong laban ko sa kanya?

I automatically close my eyes when I felt his breathing on my cheeks. I don't wanna see his face anymore!

Nanginginig na ang kamay ko nang hawakan nya ako sa chin ko at marahas na iangat iyon. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko dahil sa takot na nararamdaman ko.

"I'm sure marami ng lalaki ang nakatikim sayo. Play girl ka at alam kong nagpapagamit ka ng katawan mo. Alam na alam ko na yan Tatiana."

"Hindi ako ganon! Play girl ako, oo, pero hindi ako ganong klase ng babae!", malakas na sigaw ko sa kanya bago ko imulat ang mga mata ko. Agad kong nakita ang pagngisi nya at nanatiling matalim ang tingin sakin.

Marahas nyang hinawakan ang pisngi ko at agad akong umalma nang unti unti syang lumapit hanggang sa kaunti nalang ang space na meron kami.

"Edi ang swerte ko pala. Ako ang makakauna sayo, ganon ba?",matigas na tanong nya. Agad ko syang tinulak, pero walang naging epekto iyon.

"Itutulak mo ulit ako? Seryoso",tumawa sya na pang demonyo at naramdaman kong wala na akong kawala. Nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Ang tanging magagawa ko nalang ay manalangin sa diyos na huwag sanang matuloy ang binabalak ni Aaron at umiyak nalang.

"Please, huwag ganito Aaron. Please", garalgal na tinig ko na pakiusap sa kanya. Umaasa ako na magbabago ang isip nya. Iniisip kong maaawa sya sakin, pero hindi. Hindi sya lumayo sakin at mas inilapit pa ang katawan nya sakin.

"Umiiyak ka? Umiiyak ka!",napapikit ako nang malakas syang sumigaw. Siguro tulog na ang dalawa kong kaibigan dahil mga lasing ang mga iyon, kaya wala na akong magagawa kundi manatili dito hanggang sa hintayin na umalis na ng condo unit ko.

"Tama na Aaron! Tama na!",sigaw ko sa kanya at agad tumulo ang luha ko dahil sa matinding takot at galit. Hindi ko na kaya!

"Tandaan mo 'to. Hindi pa tayo tapos!",marahas na pagbabanta nya bago pabagsak na bitawan ang mukha ko mula sa pagkakahawak nya sa dalawang pisngi ko kanina.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng marinig ko ang pabagsak na pagsarado ng pintuan.

Ipinagpapasalamat ko sa Diyos dagil hindi nya hinayaang mapahamak ako sa kamay ni Aaron. Tumayo na ako at nanginginig na kinuha ang bote ng tequila sa countertop. Kumuha ako ng baso bago ako naglakad paalis sa kusina.

Nagtungo ako agad sa kwarto ko at naglock ng pinto. Umiyak ako ng umiyak habang umiinom ng tequila.

Nasasaktan ako sa nalaman ko tungkol kanina samin ni Zach. Dare lang pala lahat yon. Ako naman si tanga, naniwala agad.

Mag isa na naman ako. I'm not sad nor happy. Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko. My virginity ends here. It's my fault anyway. Nagpadala ako sa alak kaya ayon, yung pinakainiingatan ko, nawala na dahil sa isang gabi. Hindi lang naman iyon ang nawala sakin, kundi pati ang lalaking mahal ko.

Kung kailan ako nagmahal ng totoo, don naman ako ginagago. Pinikit ko ang mga mata ko at muling nagflash back sakin ang mga memories namin ni Zachary. Mula sa una naming pagkikita hanggang sa pinakita ko sa kanya ang totoong ako.

I remember his promise when Dad and kuya went to school. Sya lang yung nandyan noong sinaktan ako ng sarili kong ama.

"Hindi ako nakikipaglaro sayo, Yvonne. Lahat ng ginagawa ko, kusa ko tong ginagawa dahil gusto kita. Gustong gusto kita, matagal na. Kaya hayaan mo lang ako. Hayaan mo lang akong iparamdam sayo na hindi ka nag iisa. Hayaan mo lang ako na nandito sa tabi mo. Iwan ka man ng lahat, nandito ako. Hinding hindi kita iiwan. Pangako yan"

Hinayaan kong maglandas ang masasaganang luha sa aking mga mata pababa sa aking pisngi. Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko at 12 na nang madaling araw. Hindi ako makatulog dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Magulo man ang nangyari ngayon araw. Nasaktan man ako sa nalaman ko mula sa bibig nya ngayong araw, habang magkasiping kami ni Aaron, sya ang naiisip ko. Kaya hinayaan kong mangyari ito.

"Mahal na mahal kita, Zachary. Bakit mo naman nagawa to sakin?"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login