@ International_Pen
((( SENA )))
Masaya ako kahit paano nabihag namin si Sean na kumanta. Hahaha… Yan nga. Hangang sa bigla na lang napa walk out . Kaya continue na lang kami ni Tang Ismael.
Thank you Sean. Hirap maging Bread Winner. Haist… Ayaw kasi niyang tulungan ko siya. Kasi alam namin na wala nga akong maitutulong sa kanya. Tulungan ko daw muna sarili ko. At may point doon si Sean. Kung sarili ko nga di matulungan, siya pa kaya.
((( SEAN )))
Kaharap ko ngayon ang kapatid ni Sena. Tanging mga tauhan ko lamang ang nakakaalam na naririto siya. Dahil minsan lang magpakita kay Sena ang kapaitid niya di kami nahirapan na itago ang katotohanan na nakakulong siya ngayon.
" Wala nga akong kagagawan sa pagkamatay ng Doktor. Bakit pinipilit ng mga tauhan mo na ako ang pumatay."
" Sayo nakaturo ang lahat ng ebidensya. Sa dampa din natagpuan yung ginamit sa pagsasak kay Dr. Defensor noong nakaraang linggo." Mahinahong sabi ng isa kong abogado.