Download App
12.5% The Dark School / Chapter 2: Chapter 1

Chapter 2: Chapter 1

Date & Time check: August 3, 2020 @4:00 am

"Jaiho!" rinig kong sigaw ni Hanna, base sa lakas ng sigaw at direksyon ng tunog masasabi kong nasa hagdan siya pataas ng second floor. Binitawan ko muna ang libro na binabasa ko at agad tumayo, ni-lock ko ang pinto para 'di niya mabuksan bago bumalik sa pagbabasa.

Gusto ko munang tapusin ang librong 'Whose Body' ni Dorothy Sayers bago kami magbiyahe papuntang Manila. Kung pwede lang sanang dalhin 'to sa pupuntahan namin ay walang problema, kaso hindi pwede.

Lahat ng students ay bawal magdala ng kahit na ano sa school na iyon. Yep, bringing stuffs with you is prohibited, it's against the rule kaya wala kaming choice kundi ang sundin iyon.

Based on our school manual that was handed to us last week - through delivery - the school will provide us anything that we need. Including clothes, food, money and personal things such as phones. I know it's weird and I feel like something is off, but I didn't care. As long as magiging normal ang buhay namin ni Hanna do'n, 'yon lang ang mahalaga.

Nga pala, dun rin kami titira hanggang sa matapos namin ang college, may dormitories do'n - nabasa ko sa manual. And the school will be the one picking us up, they said,, at exactly 6 am ay darating ang school bus namin para dalhin kami sa school.

Masyado silang ma-effort dahil kahit saang parte ka pa ng Pilipinas, susunduin ka pa rin nila. Like us, nandito kami sa Baguio but they will still pick us up at 6.

"Jaiho alam kong gising ka na, buksan mo 'tong pinto," wika ni Hanna na patuloy sa pagkatok sa pinto. "Nagbabasa pa ako," sagot ko naman. 3 pages more at tapos na ako, sana lang ay wag niyang maisipan na gamitin ang spare key at buksan ang pintuan ng kwarto ko para kaladkarin ako palabas.

Please...3 pages more...

"Mali-late tayo, ituloy mo nalang 'yan sa bus mamaya. Then throw it outside afterwards," wika niya. Napangiwi ako. Is she being sarcastic or is she serious?

Hindi na ako sumagot pa, ilang segundo rin ang lumipas bago ko narinig ang footstep niya na palayo sa pinto. I sighed in relief and finish reading as soon as I can. "Ah! Finally!" wika ko kasunod ng pag-inat inat. Natulog ako ng 12 kagabi at gumising ng 2 am para lang tapusin ang librong ito.

Tumayo ako at ibinalik ang libro sa mini shelf ko. Pinagmasdan ko ang aking maliit na library. Punong- puno iyon ng libro na sinulat nila Dorothy Sayers, JK Rowling's at Isaac Asimov. May mga light novels rin na gawa ng mga Japanese authors tulad ni Syougo Kinugasa at Hiro Ainana. Hindi ko pa tapos lahat ng libro na nasa shelf and I felt bad for it.

I will not be able to read them for the next 4 years. Ano na lang kaya mararamdaman ng libro kapag wala na ako na nagbabasa sa kanila.

Reading is one of my hobbies, and it makes me feel relaxed and I feel like I'm in a new dimension just by reading it. And because of that hobby, I started believing that books also have emotions. They are happy if a lot of people read them, but they feel sad if the opposite happens. I know that starting tomorrow, my books, my treasures will feel sad.

Slap!

"We'll be late because of you!" inis na wika ni Hanna, pasigaw na ang tono ng boses niya. "I'm already done preparing myself, how about you? Hmm? Imbes na mag-rush ka na, tinititigan mo lang 'yang bookshelf mo" dagdag niya pa bago padabog na umalis ng kwarto ko.

"Anong problema no'n?" tanong ko nalang sa sarili ko habang nakahawak sa braso ko na hinampas niya ng libro. Nanlaki ang mata ko at agad na pinulot ang libro ng Toradora na nasa sahig.

"Shhhhh. Don't cry don't cry, daddy's here," wika ko na animo'y kinakausap ko ang libro. Isipin niyo nang baliw ako pero 'di niyo matatanggal sa akin ang notion na "books have emotions". Maingat kong inilagay ang librong 'yon sa row na may nakasulat na Syougo Kinugasa. Nagtungo na ako sa banyo para maligo at magbihis.

Since I'm not that conscious about my appearance, it only took me 15 minutes to prepare myself. I'm ready to go, kulang na lang ay mag breakfast. Inilibot ko ang paningin ko sa huling pagkakataon sa kwarto ko. I'll probably miss this place. Napangiti ako bago ni-lock ang pinto at bumaba sa first floor para mag-breakfast.

Naabutan ko si Hanna na nakaupo sa sofa, hawak ang PS5 niya at malamang ay naglalaro na naman ng Sci-fi na video game. Nag-angat siya ng tingin sa akin ngunit ibinalik niya rin agad ang atensyon sa nilalaro. Magkaiba ng hobby, para ngang nagkabaliktaran kami eh. I'm more on books and she's more on video games, diba dapat baliktad? Dapat ako ang mahilig sa laro at siya ang mahilig sa libro, pero hindi 'yon ang nangyayari.

Sumilip ako sa nilalaro niya at nakita na nakikipaglaban sa 'aliens' ang character niya na may hawak na handg*n, kulay pink na nag-go-glow. Yuck! Sci-fi? Ewww.

"You should probably stop playing sci-fi games, they don't exist you know? I mean those aliens." I said. She then gave me a sharp glare so I stood back. "Eyy, easy Hanna. I'm just stating nothing but the truth."

"Pati naman yung mga binabasa mo ah, hindi totoo" bawi niya at itinuloy ang paglalaro. Nag- poker face ako pero 'di ko pinakita sa kaniya, baka ma-karate ako ng wala sa oras pag nahuli niya ako. Pumunta na ako sa mesa at nakita ko na nag-prepare na pala si Hanna ng breakfast ko. I sat and enjoyed my food.

Ng fully prepared na ako ay naupo nalang ako sa tabi ni Hanna, ipinikit ko ang mata ko habang hinihintay na mag ala-sais ng umaga. May 30 minutes pa kaya pwede muna akong matulog.

~•~

"Wake up, 5 minutes na lang nandyan na ang school bus," rinig ko na wika ni Hanna sa bandang kaliwa ko.

Kahit hindi ako nakamulat ay ramdam kong nakatingin siya sakin. Umupo ako ng maayos at inayos ang glasses ko na malapit ng mahulog. Tumayo ako at nag-stretching saglit.

Sabay na kaming lumabas ng bahay ni Hanna. Ni-lock niya ang pinto at lumuhod sa may carpet sa tapat ng pinto. Tinanggal niya iyon at binuksan ang maliit na chest na nasa ilalim, do'n niya nilagay ang susi bago ibinalik ang carpet sa tamang ayos. Lumabas na rin kami ng gate at do'n na kami naghintay, tutal ay bawal magdala ng kahit na ano, wala kaming dala ngayon...or should I say si Hanna lang ang walang dala ngayon?

May secret pocket ang coat ko sa likod kaya kung iche-check nila ako ay hindi nila iyon mahahanap.

Tulad ko, suot na rin ni Hanna ang uniform na galing sa school, through delivery ulit last week kasabay ng school manual. Black coat, black pants at black sneakers na may cyan blue na highlights sa gilid ang itsura ng uniform ko. Kay Hanna naman ay white coat, white pants and white sneakers na may pink highlights. Ang cool ng itsura, parang hindi ordinary uniform.

At exactly 6 am, may napakalakas na hanging dumaan, pareho kaming napatalikod ni Hanna dahil sa nagliparang alikabok ng kalsada.

"You are Jaiho Mikhael Martel and Jaihanna Mikaella Martel, I suppose" wika ng isang tinig. Dahan dahan akong lumingon at nakita ang isang lalaki, siguro ay around 30's ang edad niya. Nakasuot siya ng salamin tulad ko.

May hawak siyang see-through na gadget, hindi ko lang alam kung ano yo'n. Nakasuot siya ng uniform na tulad ng amin, pero walang highlights, black coat na may kulay brown sa shoulder part at pure black pants. Nang mapadako ang tingin ko sa sapatos niya ay mas lalo akong napanganga.

I-It's floating?

Nakalutang siya sa ere, siguro ay 1 ½ inch ang itinaas niya. Tinanggal ko ang salamin ko at kinusot ang mata ko dahil baka namamalikmata lang ako, ngunit ng ibalik kong muli ang aking salamin ay gano'n talaga. W-What the heck is this?

"Uhmm hello? Can you hear me?" wika niya habang kumakaway sa harap ko at sa harap ni Hanna. Gusto kong magtanong ngunit hindi bumubukas ang bunganga ko dahil sa labis na gulat.

"Woah! Is this for real? This is a holographic Tablet right? And this is an eyeglass hologram. And this is a hover shoes, right? Right?" manghang tanong ni Hanna habang iniikutan ang lalaking nasa harap ko. Itinulak niya ang salamin niya at ngumiti kay Hanna.

"How'd you know all of this stuff?" tanong niya.

"Well you see, I'm a star player in Alien Invasion. The game in PS5, know that?" sagot naman ni Hanna. Enjoy na enjoy niya ang nakikita samantalang ako ay hindi pa rin makapagsalita. Parang tuloy lang sa pag loading ang utak ko at ayaw tanggapin ang data na pilit sinasaksak sa utak ko.

"See Jaiho, those gadgets are re-Hey, you okay?" napalitan ng pag-aalala ang reaksyon niya. Agad niya akong nilapitan at hinawakan sa balikat, inalog-alog niya ang katawan ko pero ayaw mag respond ng katawan ko.

"Move a sec, I'll check him" utos no'ng lalaki. Lumayo ng bahagya si Hanna sa akin at hinayaang lumapit ang lalaki sa harap ko. May pinindot siya sa bridge ng salamin niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Walang mali sa katawan niya, so what's wrong?"

"Jones, come forth" wika niya. Nakalahad ang kanyang kamay at may nagpakitang concept ng isang drone. Maya maya , ang concept ay naging tunay na drone. Nanlaki ang mata ko, pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ko.

I didn't know what exactly happened after that. Ang huling naalala ko lang ay natumba ako sa sahig.

Maingay ang paligid, may mga nag-uusap, may naghihiyawan, may mga lakad ng lakad sa paligid ko at kung ano-ano pang ingay ang naririnig ko. Iminulat ko ang aking mata at umupo. Inilibot ko ang paningin ko ngunit blurred sa paningin ko. Basta ang alam ko ay may mga taong dumadaan at may isang tao sa tabi ko, nakaharap sa akin pero hindi nagsasalita.

Kinapa ko ang tabi ko ngunit hindi ko makapa ang salamin ko. Humarap ako sa taong nasa kaliwa ko, hindi clear ang mukha niya para sakin pero sigurado akong babae siya at nakatingin siya directly saakin.

"Uhmm, whoever you are,can you hand me my glasses please?" pakiusap ko. Mukhang naintindihan niya naman ako dahil gumalaw siya at may inabot sa likurang bahagi ko. Maya maya ay binigay niya ang aking salamin sa nakalahad kong palad. "Thanks"

Isinuot ko na ang aking salamin kaya naging clear na ang lahat. Una kong inilibot ang paningin ko sa kung nasaan ako ngayon. Nasa isang malaking tent ako - I mean kami ng kasama ko. May mga first aid kits sa mesa, may maliit na fridge at electric stove. May dalawa ring kama sa harap ko, isa sa tabi ko at itong kinauupuan ko, a total of 4 beds.

Nakabukas ang tent kaya tiningnan ko ang labas. Ganun rin, may mga katulad kong nakasuot ng uniforms na nag-uusap usap at may malalaking tents rin na tulad ng tent namin ngayon.

"Ah! Thank you again for handing me my glasses. You see, I cannot see clearly without this," nakangiti kong wika sa babaeng nasa tabi ko. Mahaba ang buhok niya na naka-ponytail, maamo ang mukha at mukhang mabait

at tahimik. Ngumiti siya pabalik.

"Anytime," maikli niyang sagot. 'Yong boses niya, napaka gandang pakinggan. Para siyang character sa binabasa kong libro, na kung saan yung babaeng bida sa kwento ay mukhang anghel.

Nailipat ko ang paningin ko sa drone na paikot-ikot sa tent. So, its real huh? Lahat ng nakita ko kanina ay totoo, ang hirap lang talagang paniwalaan na may ganitong mga equipments sa school na ito. Speaking of school, diba dapat nasa campus kami ngayon? Bakit nandito kami sa tent? Or don't tell me this is the 'dormitory' that they were talking about?

"Can I ask you something?" tanong ko sa babae.

"Yeah, what is it?"

"Did you happen to see a girl with me when they took me here? We're the same age." wika ko. Wala pang limang segundong pag-iisip ay sumagot agad siya.

"Yup. Tent 1001, I think," sagot niya.

"Ah. Thanks a lot," saad ko. Tumayo na ako at akmang lalabas ng tent pero huminto ako at hinarap muli ang babae. "Im Jaiho. Jaiho Martel, and you?"

"Jhanah. Jhanah Iyala" sagot niya. "Nice to meet you, Jaiho."

"The pleasure is mine. So, I gotta go. I'll be back later," wika ko. Tumango siya sa akin kaya tuluyan na akong lumabas ng tent. Napa -wow ako sa nakikita ko. Napakaraming tent at nasa isang city kami, parang ghost city. Sira lahat ng buildings, walang kahit na isang civilian na makikita at kakaiba ang aura ng city na kinalalagyan namin ngayon.

"Are we still in Philippines?" tanong ko sa sarili ko. Gusto ko muna sanang mag-explore pero kailangan ko munang hanapin si Hanna para malaman ko kung okay lang siya. Saan na nga ba yo'n? Tent 1001, huh?

Tiningnan ko kung anong Tent No. ang katapat ko sa kaliwa ngayon. T978 yan ang nakasulat, T stands for Tent. Tiningnan ko naman ang tent na nasa kanan ko at ang nakasulat ay T878. Dahil mas malapit ang T978 sa T1001 ay humarap ako sa kaliwa at tiningnan ang katabing tent. T979 ang nakasulat.

Probably, this way...

Dineretso ko ang daan ng hindi nag-iiba ng ruta. Tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng T1001. Sumilip ako sa loob pero walang tao, aalis na sana ako pero may nagsalita sa likuran ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong ng matipunong boses. Kalmado ko siyang hinarap at isang matipunong lalaki ang humarap sakin. Pineapple hairstyle and buhok niyang kulay pula, malamang ay nagpakulay siya ng buhok.

Mukha rin siyang siga at mayabang, masungit ang itsura, mas matipuno at mas matangkad siya sa akin ng 5 centimeters sa tingin ko.

"May hinahanap lang ako, may nagsabi sa'kin na dito ko siya mahahanap," kalmado kong sagot. Tiningnan niya ako ng may halong pagsususpetsa, pero ngumiti siya. Ngumiti siya?

"Ha ha ha. Wag kang matakot, sa inglishero lang ako galit kaya ligtas ka sa'kin. Ako nga pala si Kelvin, ikaw?" nakangiti niyang tanong, umakbay siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko.

Self, don't you dare speak in English in front of this cruel guy... "Ako si Jaiho," sagot ko naman.

"Jaiho,hmm. Ang gwapo ng pangalan. Ah, sino pa lang hinahanap mo, tulungan na kita," pagbabalik niya ng topic. Eksakto ring tinanggal niya na ang pagkaka-akbay sa akin kaya nakahinga na ako ng maluwag. Inayos ko ang uniform ko at ang salamin ko bago sumagot.

"May kilala ka bang Jaihanna Martel? Siya yung hinahanap ko," tanong ko. Nanlaki ang mata niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Kilala mo 'yon Jai? Yung 'ALite' na tinatawag nila?" mangha niyang tanong. "ALite? As in Ey-Lit?" pag-uulit ko sa sinabi niya. Inalis niya ang pagkakahawak niya sa balikat ko at umayos ng tayo.

"Kilalang- kilala siya ngayon Jai, kahit unang araw palang. ALite yung tawag nila sa kaniya dahil nalaman nilang siya yung idol nila sa Alien Invasion. Ang A ay Alien at Lite sa Elite." paliwanag ni Kelvin.

"Sabi din nila na dito ang tent niya pero 'di ko pa rin siya nakikita hanggang ngayon. Posibleng sa ibang tent talaga siya o pwede ring naglalaskwatsa lang muna," dagdag niya pa.

Jeez, that girl! Nagpakitang gilas na naman...

"Actua-eheem--- kapatid ko siya," wika ko. Buti na lang ay hindi ko na ituloy ang salitang 'actually', kung hindi baka nabugbog na ako dito.

"Woah! Talaga? Ipakilala mo nam-"

"Oiyy! Vin!" naputol ang sinasabi ni Kelvin at sabay kaming napalingon sa likuran niya. May papalapit na lalaki sa amin, kasing edad rin siguro namin. Slim, Pretty Boy and...kind, I guess.

"Bakit?" tanong ni Kelvin, nakataas ang kilay at hinihintay na sumagot ang lalaking kararating lang. Halatang pagod na pagod dahil tagaktak ang pawis at hinihingal.

"Si...si...si X-Xhianne...naki...kipag-away," putol-putol niyang sagot dahil hinihingal pa rin siya. Nagbago ang ekspresyon niya sa mukha at mukhang handa ng maki-giyera ng marinig niya yo'n.

"San?!"

"Halika," and in just a blink of an eye, they vanished through the thin air. Just kidding, as if that's possible. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa 'di ko na sila makita. Huminga ako ng malalim.

Akala ko pa naman kung tutulungan niya akong hanapin si Hannah...

Inilibot ko ang paningin ko, puro tent lang ang nakikita ko at mga students na naglalakad habang nag-uusap, pero walang Hanna. Saan naman kaya 'yon sumuot.

"Ah! Maybe I should call her," naalala ko na tinago ko nga pala sa secret pocket ng coat ko sa likod ang aking phone. Aabutin ko na sana pero naalala ko na iniwan nga pala ni Hanna sa bahay yung cellphone niya dahil ayaw niya daw lumabag sa batas.

Wait! Something's not right. Agad kong inabot ang secret pocket sa likod pero wala do'n 'yong phone. Nasaan na 'yon? Nakita kaya nila? Or nahulog no'ng hinimatay ako dahil sa gulat?

"YOO-hoo, Jaiho is that you?" nakingiting salubong sa akin ng babaeng kanina ko pa hinahanap. Okay na sana dahil nakangiti siya pero yung ngiti niya ay napalitan ng tawa.

"Ha ha ha ha! You're so pathetic Jaiho, you know that? Ha ha ha, ikaw palang ang nakita ko na hinihimatay dahil sa amusement," wika niya habang tumatawa.

"Tch!" wala akong masabi dahil totoo naman siya. Im worth to be called pathetic. Maybe I'm just the only one losing consciousness because of amazement and amusement.

Tuloy pa rin siya sa pagtawa kahit na pinagtitinginan na siya ng mga tao, nakahawak siya sa tiyan niya na mukhang masakit na dahil sa kakatawa niya.

"Hey, stop it. They're all looking at you. Shameless Sister," wika ko.

"Pathetic Brother," bawi niya naman. Napa-iling nalang ako dahil sa inaasta niya. Babalik na sana ako sa tent namin ngunit nahinto ako-kaming lahat dahil sa screeching sound na nagmumula sa ere. Halos lahat kami ay napatingin sa ere, at do'n namin nakita ang napakaraming drones na nakalutang.

Nakakabingi ang screeching sound na nagmumula sa kanila kaya ang iba ay napatakip na ng tenga. "Ano ba yan?"

"Ang sakit sa tenga!"

"Stop it already, please."

Puro reklamo ang maririnig kasabay ng screeching noise. Bakit 'di nalang sila manahimik para 'di sila makadagdag sa ingay, diba? Nagagalit sila sa ingay na nanggagaling sa drones pero sila rin mismo gumagawa ng ingay dahil sa pagrereklamo nila.

"Announcement?" nagtataka kong tanong.

"You're right, Jaiho," wika naman ni Hanna a.k.a "ALite" na nasa tabi ko. Nakatingin rin siya sa mga drones na nagkalat sa ere.

Tumagal ng halos isang minute ang screeching noise bago 'yon nahinto. Maya maya ay nakarinig kami ng boses ng isang lalaki, nanggagaling pa rin ang tunog sa mga nagkalat na drones.

They act as speakers?

"Sorry for that rude entrance, Ha Ha. Anyways, good afternoon students! Are you enjoying your stay? Are you enjoying the breathtaking view when you look around? Ow ow, don't be sad, you should be happy though," panimula ng nagsasalita. Base sa lalim ng boses niya, masasabi ko na nasa 30's palang siya, masasabi ko rin na hindi siya isa sa mga lalaki na malaki ang katawan at puro muscles.

"Okay, I'll explain everything just once so listen carefully. This will serve as your entrance examination. There are a total of 400 tents in your area, starting from T801 up to T1200, each tent there are 4 students, a total of 1600 students, quite a lot." dagdag niya.

Puro pagtataka ang makikita sa mukha ng mga students na tulad namin ni Hanna. Pati ako ay nagtataka sa kung ano ang ibig sabihin ng nagsasalita. Exam? Dito kami mag-e-exam? Sa ganitong lugar? Diba dapat nasa isang room kami at nakaupo, tapos saka nila kami bibigyan ng test papers na

sasagutan?

"Anong pinagsasabi niya?" rinig kong tanong ng isa sa may kaliwa ko, medyo malapit siya sa akin pero di ako ang kausap niya.

"Is this some kind of a prank?" tanong naman ng isa sa aking harapan.

"The heck? There's no way I'll be taking an exam in this place!" reklamo ng isang babae na nakatayo sa harap ng T1012. Napadako ang tingin ko kay Hanna, halata sa mukha niya ang pagtataka pero mas daig ng excitement ang pagtataka sa mukha niya.

"ALite, do you know something about this?" tanong ko sa kaniya, binigyang-diin ko rin ang 'ALite' para asarin siya pero mukhang hindi umepekto iyon.

"Ganito rin ang nangyari sa video game, Bro-thic. They enrolled themselves in a school full of unknowns, the entrance ceremony was exactly like this," wika niya. "The speaker told them that they are in the Lost City because this is where the examination will take place. And guess what? It turned out to be a Hunting-Examination. Aliens are lurking around the city, especially during nighttime. They're mission is to hunt aliens until sunrise, and the school will -"

"Wait wait wait. Aliens, you say? How many times should I have to tell you that aliens do not exist? And if you are saying that it's the same as your game, that's baseless," I cut her out.

"Aish! Well, it's your choice to believe me or not, Bro-thic," wika niya sabay wasiwas ng mahaba niyang buhok sa mukha ko. The f*ck!

"Bro-thic?"

"Stands for Brother-Pathetic...Bro-thic"

"Then I'll call you Sis-less or maybe Sha-ter"

"So~ lame~," pang-aasar niya. What? Lame? Mas lame kaya yung nickname na ginawa niya para sa akin. Magsasalita ulit sana ako pero 'di ko na tinuloy dahil nagsimula sa rin ulit sa pagbibigay ng instruction ang speaker.

"At exactly 7 pm, the special force will pick you up to take you to the hunting ground. You are all required to hunt whatever creature you face there. At 4 am, the special force will be bringing you back here to take a rest. At 11 am, I will be announcing the students that passed the exam. Only 400 out of 1600 will be passing the exam. Ha ha, that's it. You still have an hour and 30 minutes to prepare yourselves." Pagtatapos niya sa mahaba niyang instruction.

"Ah! I nearly forgot to tell you, this is an individual exam."

Umingay ang paligid matapos ang speech niyang iyon. Hindi makapaniwala ang iba sa klase ng exam na ito, yung iba naman ay ayaw talagang maniwala at sinasabi pa na "I quit."

"Told yah, we'll be hunting," wika ni Hanna matapos akong sikuhin para kunin ang atensyon ko.

"But you said we'll be hunting aliens, but the speaker said it clearly. We'll be hunting any creatures that we face."

"Tch, that's the same," wika niya bago naglakad pabalik ng tent niya na nasa likuran namin. Sinundan ko siya ng tingin bago nagdesisyong bumalik na rin sa tent namin para i-prepare ang sarili ko.

We'll be hunting, huh? Really, what is this school? Ghost-like City, futuristic equipment and gears, inordinary uniforms, drones, hunting exam...these cannot be seen in a normal school.

I'm having this feeling that this school is not teaching us lessons like a normal school should teach, but I guess, they're teaching something that is not for the brain, but for the body.

Ability Nurturing University, huh?

"Oh, you're back," bungad sa akin ni Jhanah na nasa tent pa rin pala. Nagjo-jogging in place siya ng pumasok ako, ngunit huminto rin agad. Inayos ko ang salamin ko at tiningnan ang dalawang tao na hindi ko nakasalamuha kanina.

Tumingin rin sila sa akin. Isang babae na mahaba ang buhok, braided and maliit na portion ng buhok niya mukhang masungit at walang pakialam sa mundo. Ang isang babae pa ay mukhang maamo naman, nakalugay lang rin ang kaniyang blonde na buhok.

"Uhmm, hi?" I said while waving at them. Nag-wave back 'yong blonde na babae, pero tinaasan lang ako ng kilay no'ng isa. Lumapit ako kay Jhanah na palihim na tumatawa.

"You know them?" mahina kong tanong. Ngumiti siya at umiling.

"I don't know if they're mute, but I haven't heard them talk since the time they came," sagot niya, tumango-tango nalang ako bilang sagot.

"Today's not my day, I guess. This morning I fell unconscious, just a while ago my sister teased me, and this hunting exam thing, and now...all my tent mates are girls," wika ko. Tumawa ng mahina si Jhanah, sinisigurado niya na hindi niya madi-distorbo ang dalawa pa naming kasama.

"Ah, right, wanna ask you something. Don't you find it odd? I mean this entrance exam?" seryosong tanong ko.

"Odd? Uhmm, yeah a bit. Oh not 'a bit', I mean, for me everything's odd. If we are required to hunt any creatures, shouldn't they be giving us weapons? Like a handg*n or a bow? It's just kinda...weird" seryoso niya ring sagot. I have the same question in mind, though.

"The question is, how are we supposed to hunt without using any hunting weapons?"

"Ahh. Anyways, wanna come with me?"

"Where?"

"Let's jog around this place, maybe we'll be able to find a place where we can get a weapon," sagot niya. I'm not against the idea but, if I were to grade my physical ability it is just a D+. I'm not the kind of guy with lots of sports as their hobby, I'm quite different. I prefer board games rather than outdoor games. Playing board games, playing instruments, singing and reading books are my only hobbies.

"Okay, I'll join you," sagot ko kahit sa totoo lang ay nahihiya akong makita niya na medyo lampa ako. Sabay na kaming lumabas ng tent, huminto kami sa tapat para mag warm up.

Ginagawa ko lang 'yong mga ginagawa niya like stretching at inhale-exhale. Hindi naman kami nagtagal sa pagwa-warm up, matapos ay nag-jogging na kami papuntang kanan.

Magkatapat lang kami habang nag jojogging, siguro ay binabagalan niya para di ako maiwan o sadyang parehas lang kami?

"By the way, is ALite your sister?" open ng topic ni Jhanah, tuloy lang kami sa pagjo-jogging. May mga nadadaanan kaming grupo ng mga estudyante na nagkukwentuhan tungkol sa announcement kanina.

Napapadako ang tingin nila samin pero hindi nila kami pinagtutuunan ng pansin.

"You got that right," sagot ko. Inayos ko ang pagkakasuot ko ng salamin dahil unti-unting nahuhulog.

"She's quite popular, isn't she? It only took her less than a day before everyone recognized her," wika niyang muli. Medyo nakalayo na kami sa tent namin, 'di kalayuan sa harapan namin ay papuntang kanan na ang daan.

"So you're one of those everyone?" nakangiti kong tanong. Pasimple siyang tumango, in-expect ko na na gano'n ang magiging sagot niya. That's one of Hanna's abilities, she can capture anyone's attention in just a snap of her finger. And I'm quite jealous about that. Gusto ko rin maging katulad niya na happy-go-lucky ang dating, ako kase, parang bookworm - or baka bookworm talaga, literal na book tapos worm.

"You have a bad eyesight, huh?" tanong niya na naman, eksakto rin na lumiko na kami pakanan.

"Sad but, yes. My eyesight started blurring when I was 7 years old, and right now, I can barely see without my glasses," sagot ko. Itinulak ko ang bridge ng aking salamin para muling ayusin.

"Let me guess, you...like reading books, am I right?"

"Wrong. I love reading books. 'Like' is an understatement," natatawa kong sagot. Napangiti siya kasabay ng pag-iling-iling.

"How old are you, by the way? Im 18," ako naman ang nagtanong. Hindi naman maganda kung siya lang palagi ang mag-o-open ng topic hanggang sa makabalik kami sa tent, diba?

"I'm a year ahead, 19. Hee hee," masaya niyang sagot. Owww, she's older than me then. Well, that's great! May matatawag na akong ate.

Sabay kaming nahinto sa pag-jogging ng makarating kami sa isang parte na walang nakatayong tent. Sa gilid lang may tent, kumbaga square shape ang naging arrangement ng mga tents, at kasalukuyang nasa gitna kami ngayon ni Jhanah.

Walang kahit na ano sa gitna, maliban sa isang body scanner, 'yong makikita sa mga sci-fi movies na kapag tumayo ka roon, i-scan ang katawan mo bago ka makadaan. Sa likod ng scanner ay isang malawak na istraktura, isang floor lang iyon pero napakalawak, sci-fi na naman ang dating.

May mga students na umaapak sa scan at papasok sa building. Nagkatinginan kami ni Jhanah. "Should we go inside, too?" tanong ko.

"Maybe it's worth a try," maikli niyang sagot.

Magkasabay kaming lumapit sa body scanner, hinintay muna namin na matapos ang mga nauna samin bago umapak si Jhanah. May LED blue light na in-scan ang katawan niya, mag mula ulo hanggang paa. Ng matapos siyang ma-scan ay bumukas ang pinto ng building at nagpaumuna na siyang pumasok.

"Guess it's my turn now."

Ako naman ang umapak, tulad ng nangyari kay Jhanah, may LED blue light rin ang nag-scan sakin mula ulo hanggang paa bago bumukas ang pinto. Walang ano anong pumasok ako at napanganga sa nakita.

W-W-W-Woah!! Is this for real?!

Napakaraming weapons ang nakadisplay dito. Nakalagay ang mga iyon sa isang glass. Bawat isang weapon ay nakalagay sa isang glass aquarium, sa babang parte ng glass ay may nakasulat na presyo. Or, is it really a price?

Seems like points though.

"I-I can't believe this," wika ko, nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Marami ring mga tulad ko ang hindi makapaniwala at manghang-mangha sa nakikita. "Everytime my sister talks about these things, I always tell her that such things don't exist. But now, I can see it with my own eyes. Ha, Hanna has been telling me the truth."

"Who would have thought that this things are real? I only see them on movies and video games," saad ng katabi ko na si Jhanah pala. Linapitan ko ang isang espada na nakakuha ng atensyon ko pagkapasok ko palang.

Kulay itim ang espada at may maroon na tribals sa gilid, napakaganda ng dating. Iba rin ang aura niya kumpara sa ibang espada na nandito. Sa katabi niyang glass ay may katulad na espada, parehas ng itsura. Ang pinagkaiba lang ay kulay blue-green ang espada at cyan blue ang tribals sa gilid.

Sa baba ng dalawang espada, may nakasulat na "3M DS".

"3 million DS? DS stands for what?" tanong ko sa sarili ko. Akala siguro ni Jhanah ay siya ang kausap ko dahil nagsalita siya. "Diamond Stone. It was written there," wika niya sabay turo sa itaas na bahagi sa kanan.

Napagawi ang tingin ko doon at nakita ang isang gigantic TV na nakadikit sa wall. Mababasa doon ang:

BC - Bronze Coin

SC - Silver Coin

GC - Gold Coin

RC - Red Coin

BLC - Blue Coin

RS - Ruby Stone

ES - Emerald Stone

DS - Diamond Stone

"Coins and stone, huh? So, how are we supposed to earn coins and stones?" tanong ko. Tanong ako ng tanong, as if naman alam rin ni Jhanah 'no?

"Who knows? Maybe we'll be able to find out soon," sagot niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawang espada na gustong gusto kong makuha.

"You're very expensive, aren't you? Maybe it will take me how many years, but don't worry. I'll be back to buy you, I promise," wika ko, kausap ang itim na espada.

3 million, huh?


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login