"Where the h*ck are you going to take us?" tanong ko kahit na sobrang kinakabahan ako. Parehong nakagapos ang kamay namin ni Zelle sa likuran namin at kinuha nila ang compound bow nito pati na rin ang gauntlet ko.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang intension nila sa amin ni Zelle. I'm not sure kung balak lang nila kaming nakawan ng gamit or what, but knowing na hindi pa nila agad kami pinatay ay medyo nakakawala ng kaba at nakakabuhay ng pag-asa.
Zelle nudged me and gave me a glare that says shut-the-f*ck-up. Nagkibit-balikat lang ako bilang tugon bago ibinalik ang tingin sa harapan namin.
Nasa harapan namin ang isang babae at isang lalaki, nasa likod naman namin ang tatlo pang lalaki na mahigpit na nakabantay sa bawat gawin naming galaw. Kanina pa kami lakad ng lakad simula ng kaladkarin nila kami palabas ng Cyberspace, at hindi ko mawari kung saan nila kami dadalhin.
Pero sa tingin ko ay sa tuktok ng bundok nila kami balak dalhin dahil paakyat na kami ngayon ng bundok. Tirik pa rin ang araw ngunit hindi na gaanong nakakapaso sa balat, all thanks sa mga matatayog na punong ito na hinaharangan ang sinag ng araw.
Tahimik lang ang lahat sa paglalakad at tanging huni ng ibon ang maririnig. Nagfocus ako sa dinadaanan ko at may napansing maliliit na red beads sa nadadaanan namin. Pasimple akong lumingon sa likuran at meron ring mga red beads.
"Anong tinitingin-tingin mo?" masungit na tanong no'ng isang lalaki na may mga dagger na nakasabit sa belt ng uniporme niya. Nagpilit ako ng ngiti bago ibinalik ang tingin sa daan na hanggang ngayon ay may beads.
What are these for?
Kahit nagtataka sa kung para saan ang mga beads na iyon ay nagkibit-balikat na lang ako at palingon-lingon na lang sa paligid habang kami ay naglalakad.
After quite some time, maybe an hour has passed already, they decided to rest under a big tall tree. Uupo na rin sana kami ni Zelle sa harapan nila ngunit pinigilan nila kami at sinabing manatili kaming nakatayo. Nagkatinginan na lang kami ni Zelle at sumunod nalang, kesa naman patayin kami, diba?
"Boss, saan ba natin dadalhin ang mga ito?" tanong ng lalaking may hawak na crossbow sa lalaking espada ang hawak.
"At the summit of this mountain," malamig na sagot ng boss nila, tinapunan niya kami ng tingin na para bang basura ang tingin sa amin. Tumayo siya dala dala ang isang bottled water at binuksan 'yon.
Akala ko ay papainumin niya kami ngunit napatiim-bagang ako ng bigla niyang tanggalin ang pang itaas na saplot ni Zelle saka ito binuhusan ng tubig. Naka sports bra na lang ngayon na pang itaas ang kasama ko, at basa na ang ulo niya pababa ng leeg.
"WOOOOOO!" malakas na hiyawan ng mga kasamahan niyang lalaki.
"D*amn you!" angil ko at susugurin sana siya ngunit isang kamao ang sumalubong sa akin, nakita ko na lang ang sarili kong natumba sa lupa bago pinilit ang sariling tumayo. Hindi pa ako tuluyang nakakatayo ng may humawak sa buhok ko at hilahin ako patayo.
"Manahimik ka lang diyan, ha? Nagkakasiyahan pa kami eh," inis niyang saad, 'yong lalaking may sibat ang nakahawak sa buhok ko.
"Argh!" sigaw ko ng bigla niyang tusukin gamit ang kaniyang sibat ang sugat ko sa tagiliran. Hindi napigilan ng luhang pinipigilan kong kumawala sa aking mata dahil sa nararamdaman. Hindi pa siya nakuntento at tinusok pa ng sibat ang kabila ko pang tagiliran hanggang sa dumugo ng dumugo. Bale, kabilaang tagiliran ko na ngayon ang may sugat.
Pabalibag na binagsak niya ako sa lupa bago bumalik sa mga kasamahan niya na ngayon ay pinag pipyestahan na ng mga mata nila ang pang itaas na katawan ni Zelle. Nagtama ang aming paningin, walang bakas ng takot o ng kahit ano mang emosyon ang mata niya. Pipilitin ko sanang tumayo ngunit pasimple siyang umiling.
Gusto kong takpan ng kamay ko ang sugat sa magkabila kong tagiliran upang tumigil sana ang pagdurugo ngunit hindi ko magawa.
"Let's get going. Nicka, patayuin mo 'yan, or kaladkarin mo kung gusto mo," saad ng boss nila. Nagsimula ng maglakad ang may hawak ng espada, nakasunod naman sa kaniya ang tatlong lalaki na titig na titig sa katawan ni Zelle.
I'm getting angry now, but I can't do nothing. Isa lang akong basura kapag wala ang gauntlet ko. I can't fight them and can't save Zelle. Little by little, I'm losing hope.
Lumapit sa akin ang babae na tinawag niyang Nicka, at inilahad ang kamay niya na tinitigan ko muna ng ilang segundo. Tiningnan ko lang iyon dahil hindi ko naman matatanggap ang tulong niya upang makatayo.
Hindi ko alam kung nakikipaglokohan ba ang babaeng ito sa akin o kaya naman ay nalimutan niya lang na siya pa ang nagtali ng kamay ko sa aking likuran.
Para bang nabalik siya sa katauhan niya dahil agad niyang binawi ang nakalahad niyang kamay at tinulungan na lang akong makatayo. Labag man sa aking kalooban ang tulong niya ay hindi na ako nagmatigas pa dahil hindi ko rin naman kayang tumayo sa sarili kong mga paa ngayon.
Paika-ika akong naglakad dahil binitawan na ako ng babae, ayaw ko siyang tawagin sa pangalan niya mismo dahil isa siya sa mga nangkidnap sa amin ni Zelle. And yes, I call this kidnapping.
Hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ng dugo na nanggagaling sa sugat ko. Kapag nagpatuloy pa ito at hindi natakpan agad, baka sa kaubusan ng dugo ako mamatay hindi sa mismong test na ito. Sana lang ay makaisip ako or si Zelle ng paraan para makawala kami sa grupong ito.
Pumasok muli sa isip ko sila Felice, kamusta na kaya sila? Nasaan kaya sila? Ano kayang ginagawa nila gayong nawawala ang mapa sa kanila, na kinuha lang naman ni Zelle? And lastly, are they also thinking what our status could be, if we're safe and kickin?
Speaking of the map...hindi ko alam kung saan nilagay ni Zelle iyon. Ang naaalala ko lang ay inilagay niya iyon sa bulsa ng kaniyang coat, na ngayon ay naiwan na sa pinagpahingahan ng mga kupal na ito.
So, if ever na makatakas kami, we need to get back doon sa pinagpahingahan nila para maituloy pa rin namin ang paghahanap sa pieces.
"Anong iniisip mo?" tanong ng babaeng nasa likod ko, mahina lang ang pagkakasabi niya no'n ngunit sapat lang para ako lang ang makarinig.
"It's none of your business," sagot ko. Rude na kung rude sa babae, but wala akong planong respetuhin siya dahil kasabwat siya ng mga lalaking ito kahit pa babae siya. They didn't respect Zelle, so who are they to gain my respect? Matanggal ko lang talaga ang gapos sa kamay ko, lagot sila. Pagbabayarin ko sila.
"Kung pinaplano mong tumakas, 'wag mo ng ituloy dahil mas masasaktan ka lang," saad niya. Nagpanting ang tenga ko ng sabihin niya iyon. Gusto ko siyang harapin at sagutin ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Kinalma ko na lang ang sarili ko at hindi na siya pinansin.
Mas mabuti ng subukang tumakas at mabigo, kesa naman totally na wala akong gagawin at hintayin lang na patayin nila kami. We can't just die here, may misyon pa kaming kailangang gawin. At kailangan pa naming bumalik sa kagrupo namin, kailangan pa naming maka survive sa test na ito, at lalong kailangan ko pang mabuhay para makita pa ang kapatid ko.
I. Cant. Just. Die. Here. Period.
Pagod, uhaw, at panlalamig, 'yan ang nararamdaman ko ngayon matapos ang halos tatlong oras na pag-akyat namin ng bundok. Nandito na kami sa tuktok, tulad nga ng sabi ng boss nila.
Tirik na tirik ang araw kanina na talaga namang nagdadala ng mainit na hangin, ngunit ng makarating na kami dito sa tuktok ay nagbago ang ihip ng hangin, naging napakalamig.
Tinali nila kami sa magkatabing puno, nakatayo kaming itinali mula paa hanggang leeg. Talaga namang cautious sila na baka makatakas kami. And, 'yong sugat ko naman, kusang huminto ang pag agos ng dugo dahil ramdam kong nanigas ang dugo dahil sa mainit na weather kanina.
Liningon ko ang kasama ko, at naawa ako ng makita ang kalagayan niya. Wala pa rin siyang saplot pang itaas at nanginginig ang katawan niya. Ako nga na kumpleto pa ng suot ay nilalamig na, paano pa kaya siya, diba?
"Hey!" sigaw ko upang makuha ang atensyon ng grupong nagtali sa amin. Kumakain sila ngunit dahil nga sumigaw ako ay nagsilingon sila sa akin. Nakita kong sinenyasan ng nagsisilbing boss nila ang babaeng kagrupo nila na lapitan ako. Agad naman niya itong sinunod.
"Ano 'yon?" tanong niya ng makalapit sa akin.
"Please untie me for a while, tinatawag ako ng kalikasan," paki-usap ko sa kaniya. I am annoyed to her, I mean to all of them, but I need to prevent myself from annoying them kase baka bigla na lang nila kaming patayin.
Liningon niya ang mga kasama niya, ng makitang hindi sila nakatingin sa gawi namin ay nagdadalawang-isip siya kung gagawin niya ba ang request ko.
"Hey! What the f*ck are you doing?" Zelle hissed.
Liningon ko lang siya at nginitian. I'm not sure kung eepekto ba ang plano ko o hindi, pero sana ay umipekto. This plan will put me at risk, 75-25 kumbaga. As in, 25% lang na gagana ito, but I'd rather take that 25% chance than completely 0%.
Sana lang hindi malagay sa kapahamakan si Zelle sa gagawin ko.
Matapos ang ilang segundong pag-iisip ng babaeng nasa harap ko ay napag desisyunan niya ring gawin ang request ko. Nagtungo siya sa likod ng puno at ramdam ko na kinalag niya ang tali sa paa ko, tapos sa may dibdib at last ang tali sa leeg.
Naglakad ako palayo habang nakasunod siya sa akin, kahit nakatalikod ako ay ramdam ko na may nakatutok sa aking baril. Narinig ko rin ang pagkasa niya.
"Hey easy, I'm not trying to escape," saad ko. Nang medyo malayo na kami sa kinaroroonan namin kanina ay huminto na ako sa paglalakad.
Lilingunin ko sana siya ngunit pinaramdam niya sa akin ang ulo ng kaniyang baril na ngayon ay nasa ulo ko na.
"Wag kang gagawa ng dahilan para patayin kita," banta niya.
"Untie my hands then, paano ko maibababa ang pants ko kung nakatali ang kamay ko. Unless, gusto mong ikaw na ang magbaba ng pants and boxer ko," saad ko.
Narinig ko na nagbuntong hininga siya, nakatutok pa rin ang baril niya sa ulo ko ngunit ramdam ko na ang isang kamay niya ay nasa likuran ko at kinakalagan ang tali.
Hindi ko napigilang mapangiti dahil umaayon sa kagustuhan ko ang nangyayari, sana lang ay magtuloy-tuloy ito.
Nang maramdaman kong maluwag na ang tali ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Pagkalingon ko ay agad kong hinampas ang baril palayo kaya nabitawan niya ito at nahulog sa lupa.
Sinipa ko rin iyon palayo upang hindi niya agad mapulot.
"Ju-" sisigaw sana siya kaya agad akong nagpunta sa likuran niya at tinakpan ang kaniyang bunganga gamit ang isa kong kamay. Ang isa ko namang braso ay ginamit ko upang i-lock ang leeg niya.
Pero hindi ko inasahan ang gagawin niya. Ilang ulit niyang siniko ang magkabila kong tagiliran. Hindi ko napigilang mapadaing sa sakit at napabitaw ako sa kaniya.
"Tuso ka," pagkasabi niya no'n ay napulot niya na pala ang rifle niya. Akala ko ay babarilin niya na ako ngunit hindi iyon ang ginawa niya. Buong lakas niyang hinampas sa mukha ko ang rifle niya. Nakaramdam ako ng sobrang pagkahilo, at hindi pa siya nakuntento ay isang hampas na naman ang ibinigay niya sa akin.
Nawalan ako ng balanse at natumba, ang sunod na nangyari ay nagpagulong gulong ako pababa hanggang sa tumama ang ulo ko sa matigas na bagay na nagpawala ng aking malay.
Felice's POV
Life is so cruel isn't? Now you're enjoying every second of your life, then after a while, you'll just find yourself struggling every second of your life.
They say, life is like a tire...but, is it? If life really is a tire, then we should at least experience being at the top, right? But, why is it that most people are always at the bottom? Does that justify the saying?
Personally, I never believed such sayings. They're just mere sayings, after all. And where are we? Oldies generation? D*mn, wake up, we're already on the modern generation. Science gives definition to everything, and is proven.
But, is it really everything?
"Felice, you're zoning out again," I snapped back to reality as I felt someone poke my cheeks. I turned to my side and found Jairus staring at me with confused look.
"Oh sorry, just thinking about something," sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. Maaga kaming naglakbay upang puntahan na ang Cyberspace, buti na lang talaga ay namemorize ni Jairus ang daan papunta roon bago ninakaw ni Zelle ang mapa kaninang madaling araw.
Speaking of that certain girl, is it possible that she's with Jaiho now?
Ah, probably not. Kahit isang araw ko pa lang siya nakasama, may natutunan na ako about sa personality niya. She has this cold aura, and seems like she built a wall around her to bottle up her own emotions. I'm not sure, but I think, may trauma siya kaya ina-isolate niya ang sarili niya at kung maaari ay inilalayo niya ang sarili niya sa iba.
And, most of all... she has a bitchy personality. Kaya siguro hindi sila nagkakasundo ni Jaiho ay dahil sa ugali niya. Medyo bossy and 'yon nga, bitchy.
Just to clear myself, I'm not talking behind her back...maybe yeah, but...aish, just forget about it.
"Ouch!" daing ko dahil tumama ang mukha ko sa likod ni Khael ng bigla siyang huminto sa paglalakad. Sumilip ako sa harapan niya upang makita kung ano ang naging dahilan ng paghinto niya, ngunit wala naman akong nakita.
"Khael, why?" tanong ni Jairus sa kaniya. Inilagay niya ang daliri niya sa kaniyang lips at nag shh kaya tumahimik kami.
Mula sa 'di malamang direksyon, may narinig kaming mahihinang putok ng baril indicating na may kalayuan ito sa amin. Ilang sandali pa ang lumipas ay wala na kaming narinig na kahit na ano pa, muling pinagpatuloy ni Khael ang paglalakad at sinundan lang namin siya ng walang angal.
"I miss Jai," I unconsciously said.
Napatakip ako ng bunganga at nanlalaking matang tumingin sa katabi ko na nakatingin rin sa akin, nakangiti siya ng nakakaloko at pataas-baba ang dalawang kilay.
"Did you just say... you miss Jai?" nang-aasar na tanong niya. Tumikhim ako at tinaasan siya ng kilay.
"Yeah, why, don't you miss him?" tanong ko sa kaniya pabalik. Kalmado lang ang tono ko upang hindi niya ako mas lalong asarin.
At bakit naman ako ma-aapektuhan sa pang-aasar niya?
I admit that I miss Jai, 'coz he's my friend. Sino naman kaseng hindi makaka miss sa tulad niya. He's kind and caring, well unless pag si Zelle ang kaharap niya. He's brave and I admire him because of that. He is also gentle, but he can be scary sometimes.
Naalala ko noong nawalan siya ng kontrol sa sarili niya, yup, natakot ako sa kaniya no'n. Pero sumagi sa isip ko na dahil nga pala sa akin kaya siya nagkaganon. Kung sana lang ay kinaya kong protektahan ang sarili ko no'ng araw na iyon, edi sana hindi siya mawawalan ng kontrol, edi sana kasama pa rin namin siya ngayon.
But, what can I do? Nangyari na ang nangyari. Sana lang ay ligtas siya, and knowing him, I know he is safe and sound.
Si Zelle? She can be bitchy and annoying, but when he saved Jaiho from the bomber...I somehow felt a different aura from her. Caring din pala siya tulad ni Jaiho, siya lang talaga siguro ung tipo ng papakitaan ka muna ng attitude bago ka niya i-care.
"Uh...I miss him, too," sagot ni Jairus na pasimple pang nagkamot ng leeg. Alam kong nahihiya siyang aminin pero sinabi niya pa rin ang totoong nararamdaman niya.
Jairus, he's the typical type of guy but at the same time he's not. He acts normal actually, but there are times that I find him really weird. Just like, last night. I woke up at the middle of the night and found Khael and Zelle sleeping. Wala akong makitang Jairus kaya naman bumangon ako at hinanap siya sa labas ng bahay na pinagtulugan namin.
And guess what, I saw him standing outside, staring at the pitch black sky. Walang mga stars ng gabing iyon dahil siguro natatakpan ito ng makapal na ulap. Nilapitan ko siya at tinanong kung bakit nanduon siya. Alam niyo ang sinagot niya? Sabi niya ...
"I was waiting for constellation Aquarius to appear, and I'm also waiting for the sun to shine."
Isn't weird? And, kinda creepy?
Like, sinong nasa tamang pag-iisip ang maghihintay ng constellation eh natatakpan ng ulap ang kalangitan? And worst, maghintay pa ng sunrise sa kalagitnaan ng hating gabi.
Lagi rin siyang nakatitig sa akin, or minsan naman ay si Khael ang tinititigan niya. 'Yong seryoso, may crush ba 'to sa'min?
"Hey! Zoning out again," nagulat ako ng biglang nagsalita ng malakas si Jairus. Nahampas ko ang braso niya dahil do'n.
Ilang metro pa ang nilakad namin bago muling huminto si Khael na naging dahilan na naman para mauntog ako sa likuran niya. "Aray, ano na naman ba?" naiirita kong tanong. Sumilip ako sa gilid niya upang makita ang nasa harapan. Isang karatula ang sumalubong sa amin, ang nakasulat dito ay...
Cyberspace, 1 kilometer ahead
"Where almost there, let's keep moving," ma-awtoridad na saad ni Khael. Sumunod naman agad kami.
Khael, he may look very scary and cold, but yeah, he really is. Same with Zelle, he's also emitting this cold aura. But, even though he's approach is not that great, I know and I can feel that he is a good man. He is caring and being a leader suits him best. Para bang born to be wild na talaga siya- kidding, what I meant is, he's a naturally born leader. Iniisip niya rin ang kapakanan ng kasama niya bago ang sarili niya, and one more thing that I admired about him is that... he is determined in everything. Determinado siyang manalo at maka survive.
Almost 40 minutes na paglalakad ang lumipas ng huminto na naman si Khael, tulad nga kanina ay nauntog na naman ako sa likuran niya. Kung bakit naman kase bigla-bigla siyang humihinto ng walang pasabi.
"Ano na-"
'Di ko natapos ang sinasabi ko ng biglang takpan ni Khael ang bunganga ko at hilahin kami ni Jairus patungo sa likod ng isang malaking puno. Saka ko lang narealize ang nangyayari ng makarinig ako ng mga boses.
"What the h*ck?!" malakas na saad ng isang pamilyar na boses ng lalaki. Nanlaki ang mata ko at tinanggal ang kamay ni Khael na nakahawak sa akin, sumilip ako sa gilid ng puno na pinagtaguan namin at doon, nakita ko sila. Si Jaiho at Zelle ft. limang tao na 'di ako pamilyar.
Nakatali ang kamay nilang dalawa sa likod habang tinutulak tulak upang sumunod sa lalaking naglalakad sa unahan.
"Don't touch me!" masungit na sigaw ni Zelle sa isang lalaki na tinutulak-tulak siya.
Wala ng nagawa sila Jaiho at Zelle kundi ang sumunod sa lima. Nanatili lang kaming tahimik habang pinapanood ang nangyayari, ng medyo makalayo na sila ay hinarap ko si Khael.
"We need to save them," saad ko sa seryosong tono ng pananalita. Seryoso din ang mukha niya at andiyan na naman ung nakakatakot na aurang bumabalot sa kaniya.
"Yeah, whatever happened, they're still our teammates," segunda naman ni Jairus na seryoso rin.
"Kahit 'di niyo sabihin, 'yan talaga ang balak kong gawin," malamig na sagot ni Khael na nagpangiti sa akin ng lihim. Nakahinga naman ng maluwag si Jairus at tumingin sa gawi ko bago ngumiti.
"So, what's the plan?" tanong ko.
"For now, let's follow them. Let's maintain our 50 meters distance away from them. Saka ko na lang sasabihin kung kailan tayo aatake," paliwanag niya. Sumang-ayon naman kami at nagsimula ng sundan ang isang grupo na may hawak sa teammates namin.
(>-<)
"Hindi pa ba tayo aatake?" tanong ko. Nasa tuktok na ng bundok ang sinusundan namin at andito lang kami, may kalayuan nga lang ng ilang metro upang 'di agad nila kami mapansin.
Kanina pa kami dito, and sa totoo lang, kinakabahan na ako. Hindi para sa sarili ko, kundi para kila Jai at Zelle. Paano kung may nangyari na pala sa kanilang masama, tapos andito pa rin kami naghihintay ng tamang timing sa pag-atake?
"Let's wait until nighttime, that time, we can move freely with the lowest possibility for them to notice us," he answered, that made me frown.
"What? Paano kung sa oras na 'yon may nangyari ng masama?" inis kong tanong. "Hihintayin pa ba nating mag nighttime, knowing that there's a high possibility that those freaks will kill them?"
"Let's not conclude negatively, Felice. Let's be positive," sabat ni Jairus na hinimas himas pa ang likod ko pero marahan kong hinampas ang kamay niya palayo. I felt pissed and annoyed right now.
"How can I think positively, huh? Narinig mo ba si Khael? Gabi pa tayo gagawa ng aksyon! Ilang oras pa bago natin makita ang kalagayan nilang dalawa!" inis kong saad. Medyo napalakas ang pagkakasabi ko. "Sa ilang oras na 'yon, marami ng posibleng mangyari sa kanila. Now tell me, how can I think positive?"
"Easy, I'm not the enemy here. Don't be angry," saad niya sa mahinahong tono at itinaas pa ang kamay na tila ba sumusuko na siya sa pagtatalo namin. Kung pagtatalo ba na matatawag ito.
"That's the plan, Felice. And that's final," saad ni Khael. Wala na akong nagawa kundi padabog na sumalampak na lang sa lupa habang hinihintay ang right timing na pinagsasabi nitong si Khael.
Now, I take back lahat ng mga positive traits na sinabi ko kanina. Khael doesn't think about others! Sarili niya lang pala ang iniisip niya. I thought he's different from other guys, pero wala rin pala siyang pinagkaiba.
Naputol ang pag-iisip isip ko ng kung ano ano ng may marinig akong tunog. Hindi ko mawari kung ano iyon ngunit parang tunog iyon ng hinahampas.
"Did you guys hear that?" tanong ko sa dalawa kong kasama.
"Hear what?" nagtataka namang tanong ni Jairus.
"Shhh..." saway sa amin ni Khael. Nakatingin siya sa itaas na bahagi ng bundok at doon namin nakita ang nakatalikod na lalaki, sa harap niya ay isang babae na nakahawak ng rifle at hinampas nito ang hawak na baril sa mukha ng lalaki. Nawalan ng balanse ang lalaki at natumba, nagpa ikot-ikot pababa, palapit sa amin ngunit tumama ang kaniyang ulo sa malaking bato.
Nanlaki ang mata ko dahil saka ko lang na realize na si Jaiho pala ang lalaking iyon.
Nakita naming naglakad palayo ang babae, at ang sunod na nangyari ay ang naging cue para gumawa na ako ng aksyon.
"JAIHO!" malakas na sigaw ng isang babae, si Zelle. Sinundan pa ng ilang ulit niya na pagsigaw sa pangalan ni Jaiho.
Agad na akong tumayo at hinawakan ng mabuti ang rifle ko.
"Ano? Maghihintay pa kayo hanggang nighttime dyan?" masungit kong tanong sa dalawang lalaking kasama ko na nakaupo pa rin at mukhang 'di pa na- digest ang nangyari. Natauhan rin naman sila bigla at agad tumayo, si Khael ay nagmamadaling tumakbo palapit sa katawan ni Jaiho.
"J-jai..." tawag ko dito. Puro dugo na ang mukha nito at hindi siya gumagalaw. Sinubukan ko pang sampal sampalin ang mukha niya ngunit wala akong natanggap na response mula dito.
My vision became blurry and I feel like my heart was being ripped apart at the sight of him, not responding to us.
Hindi ko namalayan ang biglang pagtulo ng luha mula sa aking mata. Hinayaan ko na lang na umagos lang ang aking luha, iniangat ko ang ulo ni Jai at ipinatong 'yon sa aking lap.
"J-jai...pl-please wake u-up."
"He's still alive," biglang saad ni Khael kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Meron pa siyang pulso. Jairus come on, we need to save Zelle before something happens to her."
"Felice, bantayan mo na lang muna si Jai," wika ni Jairus sa akin at bahagyang hinawakan ang kamay ko at pinisil. Nagpakawala siya ng ngiti bago patakbong sumunod kay Khael.
Ibinalik ko ang aking tingin kay Jai, pinunasan ko na rin ang aking luha upang makita ko siya ng clear.
I caressed his face using may left hand while staring at his handsome face.
"H-hey, sabi mo kaya mong...p-protektahan ang sarili mo? Look. Look at yourself now," saad ko na animo'y kinakausap ko siya.
"I'll not let you fight on your own starting now, you broke the trust I had for you," dagdag ko pa at muling pinunasan ang luhang bigla na namang dumaloy.
F*ckin tears.
Puro sigaw at nagtatamang armas ang maririnig sa paligid, idagdag mo na rin ang huni ng ibon na nakatayo sa mga branches ng puno.
Tumingin ako sa kalangitan at bumulong.
"Please, be safe Khael, Jairus and Zelle. Please, wake up Jai, it's still too early for you to sleep."
'Di nagtagal ay nakarinig na ako ng mga yabag palapit sa amin. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang tumatakbong si Zelle palapit sa amin.
May mga sugat siya sa katawan, kitang kita dahil naka sports bra lang siya. Alam kong giniginaw siya pero parang wala lang ang lamig sa kaniya.
Agad agad ay nag kneel siya at nilapitan ang nakapikit na si Jaiho. Hinaplos niya ang mukha nito, habang pinagmamasdan ko siya ay nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya na agad niya namang pinunasan.
Tumingala siya upang pigilan ang pag-iyak bago tumingin sa akin ng diretso. Kita ko sa mga mata niya ang awa at paghihinagpis. Namumula rin ang mata niya at halatang nagpipigil.
"What happened?" tanong niya. Malamig ang tono niya at pinilit niyang maging kalmado. Ngunit, specialty ko na siguro talaga na mabasa ang tunay na emosyon ng tao kahit gaano siya kagaling magtago nito.
Ikinuwento ko sa kaniya ang nasaksahin naming pangyayari bago nabagok ang ulo ni Jaiho. Ang kalmadong mukha ni Zelle ay nabahiran ng pagkainis at parang hindi makapaniwala.
"And you did nothing?" inis niyang tanong habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming tatlo na para bang naghihintay ng sagot namin sa kaniyang tanong. Napayuko na lang ako at ganon din si Jairus, si Khael naman ay kalmadong nakatingin lang kay Zelle.
"You did nothing? Ha!" she scoffed. "I can't believe you guys," hindi makapaniwalang wika niya habang umiiling. Hawak hawak ang kaniyang bow at ang gauntlet ni Jai, tumayo siya at naupo ilang metro ang layo sa kinaroroonan namin.
Siguro ay pakakalmahin niya muna ang kaniyang sarili.
"We're going to spend the night here," wika ni Khael. Tumango lang ako bilang sagot dahil nakatitig lang ako kay Jaiho.
"I'm sorry. Sorry for doing nothing," bulong ko sa kaniya at hinaplos haplos ang buhok niyang basa ng dugo. Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ng uniform ko at inilagay 'yon sa sugat sa ulo niya.
(>-<)
"Hey, can I join you?" mahinahon kong tanong sa babaeng nakaupo lang sa gilid. Tulog na ang mga kasama naming lalaki dahil malalim na ang gabi. And si Jai, hindi pa rin siya gumigising hanggang ngayon kaya may kaba sa dibdib ko na 'di maalis-alis.
"Do what you want," malamig niyang sagot. Ngumiti naman ako kahit hindi siya nakatingin sa akin bago naupo sa tabi niya. Tumingin lang ako sa kailaliman ng gubat.
"I'm sorry," saad ko. Kita ko sa peripherals ko na bahagya siyang lumingon sa akin, ngunit panandalian lang iyon.
"Sorry for what? Sorry for just watching Jaiho fight the other girl? Or, sorry for not saving us immediately?" malamig niyang tanong. Tiningnan niya ako at tinaasan ako ng kilay.
Tumikhim ako dahil medyo nasaktan ako sa tanong niyang iyon. I know, it's our fault. But, kailangan pa talagang ipagduldulan?
"B-both," mapakla kong sagot.
"Apologize to him when he wakes up. Wala kang kasalanan sa'kin," saad niya bago tumayo at naglakad papunta sa isang puno. Doon siya sumandal at pumikit.
"That's why I want him to wake up as soon as possible," bulong ko bago tumayo at tumabi sa kung nasaan nakahiga ang kanina pang walang malay na si Jaiho.
Lumingon ako sa gawi niya at niyakap siya bago nagpaanod sa antok.
Please...gumising ka na.