Chapter 10
The trio
"Janice, kamusta naman yung nangyri kahapon?" I teased her at kita ko ang pamumula ng mukha niya, even though hindi ko alam ang buong history ay alam kong mas gusto pa niya si Kevin kesa sa ex niyang walang modo.
"Basta, nag-usap lang kami," with her smile alam kong may iba pang nangyari bukod sa pag-uusap nila.
"Then, how about you? Bakit gabi kana nakauwi kahapon?" Ysa raised her brows at sumandal sa pader kaharap namin. Nakaupo kami pareho ni Janice sa study table namin. Her voice is teasing me already.
Gabi na ako nakauwi kahapon dahil madami pang kwento si Zachariah sa ina niya. At doon ko nalaman na namatay ito dahil sa sakit na cancer sa dugo. Mahal na mahal talaga niya ang ina niya, ang tatay niya kasi ay busy sa pagtatrabaho kaya nagtatampo ito dahil iniisip niya na baka hindi na mahal ng tatay niya ang ina niya.
"Alam kong mahal ng tatay mo ang ina mo," lumapit ako sakaniya dahil nakaupo na ito sa damuhan. Kitang kita ko na malapit nang dumilim kaya mas lalong lumamig ang paligid.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito at yumuko. "I don't know, kahit anong gawin ko parang wala lang sakaniya. I'm not worthy."
Umiling ako at pumunta sa harapan niya at umupo sa damuhan. "Try asking him, alam kong stressed out ang tatay mo sa pangyayari. Tulad mo, na kung ano nalang ang pinanggagawa mo upang maiwala ang mga iniisip mo."
Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya na nakatukod sa tuhod niyo. Napatingin ito saakin.
"She's in a better place now." Ngumiti ako. "Try asking your father, walang masama sa pagtatanong at sabihin ano ang iniisip mo. I know nasasaktan ka, at mas lalong nasasaktan din tatay mo. Hindi niya lang sinasabi sayo dahil alam kong iniisip din niya na baka masaktan ka kapag inopen niya ang tungkol sa ina mo." Binitawan ko ito at tumayo.
"Sa sasakyan na ako maghihintay." Pagpaalam ko dahil natatakot na talaga ako, may araw pa kaya makakaya kong maglakad mag isa. Pagkatapos 'non ilang oras pa kami naghintay ni Manong bago ito nagdesisyon na umuwi.
Sana naman nakatulong yung sinabi ko sakaniya.
"Hoy!" Someone snapped her fingers na nakapagbalik sa reyalidad. Napatingin ako kay Ysa at Janice na naghihintay sa sagot ko.
Napailing ako at ngumiti. "Wala."
Tumingin ako kay Ysa at ngumuso. "What about you too? Anong meron sainyo ni Oliver?"
Nakita kong nanlaki ang mata nito at umiwas ng tingin. I heard Janice asked na ano daw meron kay Oliver.
"I heard you, kaninang umaga. Tinawagan ka ni Oliver and you were smiling like a lunatic." Asar ko sakaniya at kitang kita ko na lumalabas na ang pawis sa mukha nito at lumilikit din ang kaniyang mata na parang natatakot.
I laughed so hard dahil alam kong kinakabahan siya. I don't mind then telling their story, pero nasasayahan ako sa mga mukha nila na kinakabahan.
HABANG naglilinis kami sa kwarto namin ay biglang nagring ang cellphone ko.
Kinuha ko ito sa lamesa at sinagot ang tawag.
"Hello po?" Unrestricted number ang lumabas sa cellphone ko kaya hindi ko alam sino ang tumawag.
"Meet me downstairs. Asap."
Napaangat ang isang kilay ko. The hell? "Ayaw ko nga."
Ibaba ko na sana pero narinig ko uli itong nagsalita. "If ayaw mo, ako na ang aakyat diyan. Room number 498. Remember, within a minute dapat nakababa kana." Then he hung up.
Napairap ako sa kawalan at inilagay ang cellphone sa lamesa. In his dreams, anong akala niya sakin? Mauuto?
Bumalik ako sa gilid ng higaan at kinuha ang walis. Bago ko pa makuha iyon ay may kumatok ng malakas sa pintuan.
"Ano ba 'yan si ma'am, sinabing naglilinis tayo atat na atat mag inspect sa room," narinig ko ang bulong ni Ysa na may halong inis, siya na ang nagbukas sa pintuan.
Napailing ako, pinapalinis kasi kami ngayon sa may-ari ng dormitory dito sa school. Dahil every end of the week ay dapat malinis ang room dahil mag-inspect ito.
"Oh my gosh!" Tumili si Ysa kaya nagkatinginan kami ni Janice at agad tinakbo ang pintuan.
"Oh my, papable," bulong ni Janice. Kitang kita ko na parang pumupuso na ang mata ng dalawa.
Tinaasan ko ng kilay si Zachariah na nakangisi saakin sa pintuan. Ang cool ng looks niya at nadagdagan din ito ng short two-blocks cut, bagong gupit na ito. Kahit hindi na nilagyan ng gel o ano pa at kahit magulo ang buhok nito but still nakadagdag iyon sa looks niya. A pretty bad boy.
Lumapit ako sakaniya at hinila palabas at naramdaman ko naman na nagpapatianod ito sa pagkakahila ko.
Humarap ako sakaniya na nakahalukipkip. "What do you want? Naglilinis kami dito. Hindi mo kita?" My tone was very sarcastic.
"No, hindi ka busy. Enjoy kayo ha?" Ysa's head popped out on the door. Tinignan ko siya ng masama para pigilin ito sa balak niya pero kinindatan lang ako nito at sinirado ang pintuan.
What the hell?
"Let's go." Kitang kita ko na umigting ang panga nito dahil sa kakapigil ng ngiti. Tumalikod ito at hinawakan ang aking kamay, kaya napatingin ako 'don at hindi ko maiwasang maramdaman na may malikot na gumagalaw sa tiyan ko. Fudge, namamawis ang kamay ko.
"Totoo talagang sila na ni Zachariah."
"Oo nga, tignan mo sa site. Nandoon lahat ng picture nila."
Tinignan ko ng masama ang tatlong babae na nagchichismis sa gilid, I'm really not in the mood right now.
Nakababa na kami sa dorm at kanina ko pa tinatakpan ang mukha ko dahil halos lahat ng mga babae dito ay nakikichismis, kada daan din namin sa mga room ay may ulo na lumalabas para lang makita kami. Darn, famous pala itong kasama ko at lalo na bawal ang mga lalaki dito!
Pagkababa namin nakita ko na nasa lobby si ma'am kaya pilit akong nagtatago sa likuran ni Zachariah at pilit hinihila ang kamay ko.
"Ma'am thank you," I have a huge question mark on my face kaya sumilip ako sino ang kausap niya. To my horror si Ma'am Wena ang kausap niya. Nakita kong napatingin ito saakin kaya lumabas na ako sa likod, with my full force sa pagkahila ko ay nabitawan na ni Zachariah ang pagkakahawa niya sakin.
"I'm sorry Ma'am, babalik na po ako sa itaas," yumuko ako at tumalikod para bumalik sa room pero hinila uli ako ni Zachariah at ipinaharap kay Ma'am. Napapikit ako ng mariin at napabuga ng hangin. Ano ba ang trip ng lalaking to?
"It's okay Ms. Enriquez, nagpaalam na saakin si Mr. Mariano. Hindi ko alam na secretary kana pala. That's great!" Kita ko ang saya sa mukha ni Ma'am at ngumiti ito ng napakalaki.
"Ms. Enriquez that's a great job, sumali kana sa mga activities and you Mr. Mariano, mabuti ay pumayag kang may kasama ka sa mga trabaho mo." Hinakawan ni Ma'am ang baba nito at tinapik ang balikat ni Zachariah. "I don't usually see you with girls around." Aniya bago umalis.
Girls? Around? Tumingin ako kay Zachariah na nagpaalam ay Ma'am st lumabas sa dormitory. Sinundan ko ito at pilit tinitignan ang mukha niya.
"Anong pinagsasabi ni Ma'am? Ikaw? Walang babae?" I mockingly laughed. Hindi ako naniniwala na walang babae itong si Zachariah, lagi ko kasing naririnig na may ka fling ito at madaming girlfriend.
"I don't like girls," matigas nitong pagkasabi kaya napahinto ako.
What does he mean?
Sinundan ko ito uli at sumunod sakaniya. "Babae ako," it was a joke but half meant dahil babae naman talaga ako.
"No, you're a retard."
Tinignan ko siya ng masama, sisigawan ko na sana ito pero may tatlong lalali ang humarang sakin.
"Hello!" Masayang bati ng isa sakanila.
Tinignan ko sila na nagtatanong ang aking mata. Sino ba itong tatlong to?
"Ikaw ba ang bagong makakasama namin sa trabaho?" Tanong ng isang lalaki na may kulay ang buhok.
Napatikom ang bibig ko dahil hindi ko sila kilala.
"Retard, get in!" Napatingin ako kay Zachariah na nasa sasakyan na kaya tinakbo ko ito at lumapit sakaniya.
"You, three idiots. Get in." Sigaw niya sa tatlo at sumunod ito na parang mga batang naglalaro sa parke.
"Sister!" They said in unison habang nakangiti ng napakalaki.
Bakit masama ang pakiramdam ko sa tatlong to?