Download App
97.9% The Actor that I Hate to Love / Chapter 187: The Only One

Chapter 187: The Only One

Shanaia Aira's Point of View

NAGISING ako na nananakit ang buong katawan ko. Pahamak kasi itong si Gelo, sabi nya once lang namin gagawin, oo nga once lang pero anak ng tokwa hindi ko akalain na ganon siya ka-intense. Kakaibang level yun sa lahat ng pinagsaluhan namin.

Tumingin ako sa gilid ko. Mahimbing na natutulog ang damuho. Paano ba naman ginalingan ng husto, performance level, hayan tuloy plakda siya.

Dahan-dahan akong tumagilid para harapin siya. Malaya kong pinagmasdan ang mukha niya. Kahit talaga ilang taon na ang lumipas, yung kagwapuhan niya ay hindi nagbabago, lalo pa ngang nadepina nung mag-matured siya. Kaya nga marami akong naging problema noon at ngayon dahil marami ang nababaliw sa kanya.

Marahan kong hinaplos yung makinis nyang pisngi. Kahit kailan hindi yan nagkaroon ng pimple o kahit na anong sakit sa balat nung nasa adolescent stage kami. Naiinggit nga ako dati sa kanya kasi ako pag malapit na yung time of the month ko, may isang pimple na tumutubo. Pero nawawala din naman at hindi na dumadami kasi kapag tinatangka kong hawakan, pinipitik niya yung kamay ko.

Ngayon ko lang napagtanto talaga na sobrang ingat pala ni Gelo sa akin noon. Ultimong pimple hindi nagtatagumpay sa akin kasi ginagamot kaagad niya. Kahit konting gasgas lang sa balat ko, hindi niya hinahayaang lumala. Kapag time of the month ko, siya pa ang bumibili ng napkin ko kapag inabutan ako sa school, hindi siya nahihiyang bumili sa store. At pag may dysmenorrhea ako, nilalagyan niya ako ng hot compress sa may puson ko tapos hinihilot niya ang balakang ko.

Ngayon ko naisip yung maliliit na bagay na yon. But those little things mean a lot. Literal talaga na inalagaan niya ako. Lahat ginagawa niya para sa akin. Kahit nga naghiwalay kami, ako pa rin yung inisip nya nung ipagawa niya yung bagong bahay namin. Kahit galit siya sa akin dahil sa pag-aakala niyang pinalitan ko siya, hindi sya huminto. At ngayon nga, tinalikuran niya na ang pagiging artista niya para sa kaligtasan ko at ng aming mga anak.

Sa naisip ko para tuloy mas lalong nadagdagan ang pagmamahal ko sa kanya. Kailangan dagdagan ko pa ang pagsisilbing ginagawa ko sa kanya kasi deserved naman nya yon. Mula sa maliit hanggang sa pinaka malaking nagawa niya para sa akin mula noon hanggang ngayon pakiramdam ko kulang pa yung naibibigay ko pabalik sa kanya.

Napaka-swerte ko na ako yung minahal niya. Sa dami ng nababaliw sa kanya na puro magaganda at sexy at hindi basta-basta, wala siyang pinansin sa mga yun, all eyes sya talaga sa akin. Haba ng hair ko di ba?

Sa sobrang overwhelming ng nararamdaman ko, wala sa loob ko na pinanggigilan ko na palang halikan ang buong mukha ni Gelo.

" Baby, ano na namang sumapi sayo? Hindi ako makahinga." bulong nya. Napahinto naman ako.

Hala! nagising ko tuloy siya.

" Sorry bhi. Sige na tulog ka na ulit." sabi ko. Medyo nahihiya pa.

" Hmm. Bitin ka ba kaya pinanggigigilan mo na naman ako?" pilyong sambit nya.

" Hindi ah. Hinalikan ka lang, bitin na? Hindi ba pwedeng natutuwa lang ako?"

" Sige, kunwari kumbinsido ako dyan sa sinabi mo. Tulog na ulit tayo, madilim pa sa labas oh." sabi nya sabay hila sa akin para mayakap ako.

" Bhi?"

" Hmm?"

" Wala ka ba talagang ibang nagustuhan noon, maliban sa akin? "

" Ano namang tanong yan baby? Alam mo naman ang sagot dyan di ba? "

" Wala lang. Kasi iniisip ko yung past natin kanina, hindi lang ako makapaniwala na ako yung nagustuhan mo samantalang ang gaganda nung mga nabaliw sayo noon. " kumalas sya ng yakap sa akin tapos hinarap ako.

" Baby, nagiging historical ka na naman. Gusto ko talaga yung batang binigyan ko ng lollipop noong birthday ng ate nya. Pero nawala yung pagkagusto ko sa kanya kasi na-inlove ako dun sa best friend ko nung high school. Ngayon hindi na ako in-love dun kasi patay na patay ako ngayon dun sa doktor na may anak na kambal. " sabi nya tapos nginisihan ako ng pilyo.

" Tss, ako rin yung sinasabi mo eh. "

" Precisely, dahil wala naman talagang iba. Si Shanaia sa umaga. Si Aira sa tanghali at si Shanaia Aira sa gabi, sya lang sapat na sapat na. May hirit ka pa baby? "

" Enebe, kinilig ako." nagkatawanan kami tapos sumiksik na ulit ako sa kanya.

" Ginising mo ako kaya imeme mo ako baby. " ungot nya.

Tumalima naman ako tapos sinimulan ko ng tapikin siya pero ang kumag biglang humarap kaya ang natapik ko ay ang kamoteng kahoy nya na biglang nag-create ng tent sa kumot.

" Bwisit ka bhi!"

" Hahaha. "

KINAUMAGAHAN naging busy na ulit yung mga trabahador na gumagawa ng gate at bakod namin.

Dahil busy rin si Gelo sa pag - assist sa kanila, hindi na muna kami lumabas para mamasyal.

Tinuruan ko na lang yung mga bata na magsulat at mag-drawing para kapag nag-aral na sila next school year dito, may alam na sila.

After lunch ay pinatulog ko yung kambal. Dahil naiinip ako, nag log in ako sa Facebook account ko. Ang tagal ko kasing hindi na-oopen ito kaya naging sunod-sunod yung pag-pop ng notifications.

Ang daming friend request, pati yung mga nag-myday at mga memories. Dahil sa boredom, tiningnan ko lahat tapos nag-accept ako ng ilang friend request dun sa mga kakilala ko lang.

Ilang sandali lang ang lumipas nag may mag pop up na message sa messenger ko. Galing kay ate Shane.

Shane Gallardo Montero : mukhang hindi ka yata busy? may time mag fb.

Aira Montero : pinatulog ko yung kambal. wala akong magawa.

Shane Gallardo Montero : bakit, nasaan si besty?

Aira Montero : Sa labas, nagpapagawa kami ng gate at bakod.

Shane Gallardo Montero : Wow! yayamanin talaga kayo!

Aira Montero : hindi nman, para sa safety lang nung kambal. Kumusta kayo dyan?

Shane Gallardo Montero : Ok naman kami. May chika ako.

Aira Montero : nu yon?

Shane Gallardo Montero : pansamantalang nakapag-piyansa si Roxanne. Nagpunta dito, hinahanap si Gelo pero syempre hindi kami nagsalita. Nagpunta dun sa bahay ninyo, pinagbabato yung bahay , basag lahat ng salamin nung bintana. Hindi sya nahuli nung mga guard, nakatakas. Ni-report na ni kuya sa mga police tapos pinaayos na ni dad yung mga bintana ninyo.

Kinabahan ako sa balitang narinig ko mula kay ate. Talagang hindi pala nila kami titigilan. Paano kung hindi kami umalis at nandoon kami nung pinagbabato niya yung bahay? Malamang madamay pa yung mga bata. Ano pa ba ang gusto nila? Halos mapatay na nga nila ako. Ano ba ang atraso namin sa kanila?

May mga tao talagang puro kasamaan lang ang alam gawin sa kapwa nila.

Wala ba silang takot sa Diyos?

Nakakapanginig sila ng laman sa galit.

Mabuti na lang talaga, umalis na kami.

Mabuti na lang...


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C187
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login