Download App
60.2% The Actor that I Hate to Love / Chapter 115: Nobody Knew It

Chapter 115: Nobody Knew It

Shanaia Aira's Point of View

PAGDATING ko sa unit namin, nagulat ako sa taong naghihintay sa akin sa labas.Walang iba kundi ang asawa ko. Si Gelo.

" Saan ka galing? Umiiyak ka ba?" gusto kong matawa sa unang tanong nya. Hindi ba obvious kung saan ako galing dahil sa mga bitbit kong grocery bags? Gayunpaman, inignora ko yung mga tanong nya at sinagot ko sya ng tanong din.

" Bakit maaga ka? Sabi mo gagabihin ka? " parang disappointed pa sya na hindi ko sinagot yung tanong nya. Sa halip kinuha nya mula sa mga kamay ko ang mga grocery bags at nagpatiuna ng pumasok sa loob ng unit.

Umupo ako sa couch nung makapasok kami habang sya naman ay nagtuloy sa kitchen para ilagay yung mga pinamili ko sa ref at yung iba sa cupboard.

Pagkaraan ay bumalik din sya kaagad at tinabihan ako sa couch. Niyakap nya ako mula sa likuran.

" Hindi mo sinagot yung tanong ko kanina, bakit ka umiiyak, ano ang nangyari?" mahinahong tanong nya, nakaharap na sya sa akin at hinahaplos ang pisngi ko ng thumb nya particularly sa ilalim ng mata ko na medyo basa pa ng luha.

Humugot muna ako ng malalim na hinga bago ako nagsalita.

" Wala lang bhi, hayaan mo na yun. "

" Anong hayaan? Baby alam mo na ayaw kitang nakikitang umiiyak tapos sasabihin mo wala lang? Hindi ka iiyak kung wala lang yan. C'mon spill it." nag-aalala yung itsura nya kaya mapipilitan tuloy akong sabihin ang nangyari. Ayaw ko na sanang sabihin pa dahil alam kong magi-guilty na naman sya but he's asking for it and it left me no choice.

" Alright. Kanina kasi—may isang member ng Gelonatics ang nakasabay ko sa supermarket. I accidentally bumped her pushcart. Then ang dami na nyang sinabi, napagkamalan pa nga nya akong kasambahay. I don't mind about it naman kaya lang binati ako nung cashier and called me by my name kaya nakilala ako nung babaeng fan mo. So, hayun kung ano-anong panghuhusga at masasakit na salita ang inabot ko sa kanya. Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako habang pauwi dito. Kahit naman alam ko na walang katotohanan yung mga sinabi nya, nasaktan pa rin ako kasi hinusgahan nya ako in public. Hindi na ako magtataka kung isang araw kakalat na sa social media yung encounter namin. Mababalita na naman na si Aira Gallardo ay isang malaking epal sa love team na Gelo-Gwyneth. "

" Epal? "

" Yeah. That's what she said. Epal at malaking hadlang daw ako sa inyo ni Gwyneth . Hindi daw ako bagay sayo. Kaibigan lang daw ako na ipinagsisiksikan ang sarili ko sayo. My goodness bhi, sobra niya akong ipinahiya kanina. Panoorin mo na lang sa Youtube tiyak na may mag-uupload nyan, aakusahan na naman ako ng madlang people ng kung ano-ano. " nangingilid na naman ang luha ko habang nagsasalita. Pasaway na mga luha, ang sipag, kahit di mo utusan kusang lumalabas.

" Oh baby I'm so sorry. " sambit nya tapos niyakap nya ako ng mahigpit.

Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib nya saka malayang umiyak. Tanggap ko naman na ganito ang industriyang kinabibilangan ni Gelo. The people will judge you, call you names, and talked so many shits about you based on what they see and not base on who you really are. It's the sad truth.

I felt Gelo buried his face to my neck and inhaled deeply. Ito ang mga bagay na ginagawa nya na hindi alam ng publiko. Hindi nila alam na sobrang clingy nya sa akin, na hindi siya napapakali kapag hindi niya ako nakikita.

After a while hinarap ko na sya. Medyo nahimasmasan na ako at nawala na yung sama ng loob ko kanina. He is indeed my pacifier. Basta naramdaman ko na ang yakap nya, lahat ng bigat na nararamdaman ko, napapawi na.

" Bakit maaga ka nga palang umuwi? Sabi mo marami kang ite-take na scenes ngayon." naalala kong itanong.

" Na-pack up kami. Hindi dumating yung dalawang second lead, wala akong kaeksena. Nag-text ako sayo pero mukhang hindi mo nabasa. Nasamahan sana kita sa supermarket, hindi na sana nangyari yung kanina. "

" Hindi ko dala phone ko. Ayos na yon, mas mapapasama pa siguro kung kasama kita. Hindi ba pinapalayo ka muna sa akin ng management ninyo? " nagulat sya sa sinabi ko. Akala nya siguro hindi ko alam yung usapan nila ni mama D at ng agency nila.

" Baby hindi ganon yon. Medyo lie low lang tayo sa paglabas-labas para hindi tayo ma-tsismis. " paliwanag nya.

" Eh di ganon na rin yon. Buti na lang magkasama tayo sa bahay kundi madalang pa sa patak ng ulan kung magkita tayo." turan ko.

" Hindi naman ako papayag kung ganon nga. Isang oras lang kitang hindi makita hindi na ako mapakali yun pa kayang madalang, baka mabaliw na ako. "

" Weh? "

" Sus parang hindi mo naman alam baby. Nakakatampo ka ah. "

" Haha. joke lang naman bhi. Alam ko naman na adik ka sa akin. "

" Yan tama yan. Hindi lang adik, baliw pa. "

" Angelo nga! Sobra ka naman. "

" Totoo naman. Nobody knew it but that's the truth. "

" Oo na nga lang bhi. Tara na nga tulungan mo akong magluto ng dinner. " untag ko sa kanya.

" Huwag na. Magbihis ka, uwi na lang tayo ng Tagaytay. " yakag nya.

" Bakit? Wala ka bang shooting bukas? " nagtatakang tanong ko.

" Wala sa isang araw pa. Wala nga yung mga kaeksena ko. Yung ibang cast ang may shooting bukas. " sagot nya.

" Sige. Pero aayusin ko muna yung mga pinamili ko tapos alis na tayo. " sabi ko tapos dumiretso na ako sa kitchen.

" Okay. Maliligo lang muna ako. " sagot naman nya tapos pumunta na sya sa room namin.

Matapos ang kalahating oras ay pasakay na kami sa kotse niya para bumiyahe na papuntang Tagaytay. Nagbaon ako ng sandwich dahil paniguradong gabi na kami makakarating doon.

Habang bumibiyahe ay may napansin akong sasakyan na parang sumusunod sa amin.Kanina pa yun nung palabas kami ng Ortigas. Nakabuntot sya sa likod kaya sinabi ko na kay Gelo.

" Bhi parang may sumusunod sa atin. Kanina pa yan nung palabas tayo sa Ortigas. Hindi sya nagbabago ng lane, nasa likod lang natin. Pamilyar ba sayo yung sasakyan?" tumingin si Gelo sa side mirror at bigla syang napa-cuss nung makita nya.

" Sh**!" bigla nyang sambit.

" Bakit bhi? "kinakabahang tanong ko.

" Kotse yan ni Gwyneth! " sambit nya.

" What? Bakit nya tayo sinusundan? "

" Baka pag alis ko kanina sa location sinundan na nya ako. Niyayaya kasi nila akong mag bar, tumanggi ako. Sabi ko uuwi na ako para magpahinga. Baby hindi maganda ito, malamang nakita nya tayong magkasama. Bakit ba kasi hindi ako nag-ingat, nasundan tuloy ako. Huwag na kaya tayong umuwi ng Tagaytay, baka sundan din nya tayo. Ayokong malaman nya yung bahay natin dun at siguradong mabibisto na tayo. "

" Ano gagawin natin ngayon? " tanong ko.

" Sa inyo tayo dadaan para kunwari ihahatid lang kita. Hindi naman siya makakapasok sa village nyo dahil wala syang sticker. Tapos sa likod ng village tayo dumaan papuntang Pasay tapos coastal road na. "

" Wow! good idea. Sige bhi, ganun na lang. Malamang maghihintay yun sa paglabas mo ng village. Akala siguro nya hindi mo napansin na ini-stalk ka nya. "

Ganoon nga ang ginawa namin ni Gelo. Pagdating ng kanto ng Ayala kumaliwa kami papunta sa amin sa Dasma. Pasimple akong sumulyap sa likod at tama nga ang hinala namin, sumusunod pa rin si Gwyneth. Pagdating sa gate ng village namin, hindi nga siya pinapasok ng guard. Mahigpit talaga dito sa amin. Makakapasok lang kung susunduin ka sa gate ng taong pupuntahan mo. Tila nakikiusap pa sya sa guard ng lumingon akong muli. Kaya sinamantala naman yon ni Gelo para bilisan ang pagpapatakbo. Nilampasan namin yung street namin at dire-diretso kami sa likod ng village. Bihira ang dumadaan dito, yung mga tagarito lang sa village. Ang lusot kasi nito Pasay na.

Nakahinga kami ng maluwag nung tinatahak na namin ang daan papuntang coastal. Wala ng sumusunod na Gwyneth. Malamang nasa gate pa rin yun ng village at naghihintay sa paglabas ni Gelo. Kahit paano naman naaawa pa rin ako. Pero hindi pa rin namin inaalis ang posibilidad na baka isang araw siya ang makatuklas sa sikretong relasyon namin ni Gelo kaya kailangan naming mag-ingat sa kanya.

Hanggat maaari, kailangang manatiling sikreto ang relasyong ito. Hanggat hindi pa maayos ang lahat tungkol sa contract ni Gelo.

Ngunit hanggang kailan ito mananatiling lihim?

Sabi nga, walang sikretong hindi nabubunyag.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C115
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login