Download App
46.66% Terrified / Chapter 7: Chapter 7

Chapter 7: Chapter 7

Ilang sandali pa lamang ang nakalipas mula ng umalis si tito ay bigla na namang tumunog ang aking cellphone.

Another unknown number. This time, it is a text.

'Lot 105. Train station. Ring a bell, right? Wanna come?'

Namilog ang aking mga mata kasabay niyon ay ang panginginig din ng aking buong katawan. Doon naaksidente ang parents namin at si Kisha! ''Tita, I received a text.''

Agad naman akong nilapitan ni tita na kanina ay nakaluhod sa kanilang altar.

''What is it?''

Ipinakita ko sa kanya ang text na aking natanggap mula sa unknown number. Malakas siyang napasinghap.

''Tita. Is it possible, na mayroong kinalaman ang taong dumukot kay Kim sa pagkamatay ng parents namin ni Kisha? Pati na rin sa nangyari sa aking kapatid?''

''Malakas ang kutob ko, hija. Parang ganun na nga.'' Kumpirma niya.

''Tita, gusto ko pong pumunta.''

''Hija, no!'' Natatarantang saad niya.

''Tita, I want to give justice to my family's death.'' Determinadong saad ko. Gusto kong malaman kung sino talaga ang kriminal na pumatay sa aking pamilya. Oo. Alam ko na ngayon na hindi aksidente ang nangyari sa aking mga magulang lalo na kay Kisha.

''Leave it to them, hija. Ayokong may mangyaring masama pa sayo doon.'' She panicked.

Nakita ko ang pamumutla ng kanyang mukha. I know she doesn't want me to be there because of the danger, pero gusto ko talagang makausap ang kriminal na iyon!

''Okay, tita. I'll just stay here.'' I lied.

''Please do, hija. Hayaan mo na sina Crayon at ang mga pulisya na humuli sa taong iyon.'' aniya.

Tahimik akong tumango at may kinuha mula sa aking bag. Then, I give her a glass of water and put something in it. Buti na lamang at lagi ko iyong dala-dala. I'm sorry tita.

''Salamat, hija. Halika, doon tayo sa kwarto namin. Bigla akong inantok.'' aniya sa mapupungay na mga mata.

''Y-Yes po. Tara.''

Ang sleeping powder ni Kim na pabiro niyang ibinigay sa akin noong nagka insomnia ako ang inilagay ko sa baso ni tita. I know this is not right. But I really wanted to go. It is now or never!

Nang makita ko ang mahimbing na pagtulog ni tita ay agad akong nagtungo sa kwarto ni Crayon. Naalala ko dati na may tinatago siyang baril doon. Hindi ako marunong gumamit nun but I know it can help me protect myself when I get there.

I texted the unknown number back.

'I'm coming, bastard!'

Agad naman iyong nag-reply.

'I am waiting.'

Mariin kong naikuyom ang aking kamao. Should I call, Crayon first? Napailing-iling ako sa aking naisip. For sure, he wouldn't allow me to come. Instead, magagalit iyon sa akin. Kaya agad na akong lumabas ng bahay at kinuha ang susi ng aking kotse. Good thing at dito ko lang ito ipinarada sa garahe nila last week.

Madali kong narating ang abandonadong lote.

Nakita ko ang nakaparadang kotse ni Crayon at ni tito Dex. They must be here already, pero bakit ang tahimik ng paligid? How about the authorities? May mga pulis na rin ba kaya na rumesponde sa unahan ng lugar?

Hindi pa man ako nakakababa ng sasakyan ay nag text muli ang unknown number.

'Sa likod ka dumaan, Trisha.'

Oh my gosh! He knew me! Kilala niya talaga ako!

'Kasama mo ba sina Kim at Valerie?' Nanginginig ang mga daliri ko habang tinitipa ang tanong na iyon. Ayokong isipin na may ginawa siyang masama sa aking kaibigan.

'Yes. Buhay pa sila ngayon, kagaya mo.' Napasinghap ako sa salitang iyon. Balak niya talagang patayin kami.

'Baliw, nasaan ka?! Papatayin kita!' Gigil kong sagot sa text niya.

Hindi na siya nag reply pa. Kaya inihagis ko sa sobrang inis ang aking cellphone sa may upuan ng kotse. Damn him!

Mabilis akong bumaba ng sasakyan. Inilibot ko rin ang aking paningin sa buong lugar at isinuksok dalang baril sa likuran ng suot kong pantalon. Kaya ko 'to! Nilagpasan ko ang abandonadong bahay at dumaan sa likod ng lote. Hindi kalayuan sa railway ng train.

Nang makalapit ako ay nakita ko ang isang anino.

Akmang huhugutin ko na ang dalang baril nang maramdaman ko ang isang malakas na pagpalo mula sa aking likuran. Hindi pa man ako nakakalingon para tignan ang kung sinuman na gumawa niyon ay nasipa na niya ako sa damuhan. Nakaramdam ako ng matinding sakit sa parteng iyon ng aking katawan. No! I don't want to die like this! Pinilit kong idinilat ang aking mga mata pero masyadong malakas ang suntok na binitiwan niya sa aking bandang tiyan na siyang nagpawala sa aking malay-tao.

Mom, Dad, Kisha, Kim and Crayon... I'm...sorry.


CREATORS' THOUGHTS
drose31 drose31

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login