''So ano ba ang napala mo sa usapan ninyo ni kuya, best?'' Puno ng kuryosidad na tanong ni Kim.
Pilit kong itinatago gamit ang makapal kong lipstick ang sugat sa aking mga labi. Dahil ito sa marahas na paghalik na iyon ni Crayon. I doubt, kung hindi ito napansin ni Kim. Kanina pa kasi siya nakatingin sa aking mukha, particularly to my lips.
''We're official.'' sagot ko at mariing napakagat-labi.
''WHAT?!'' bulalas niya.
''Grabe ang lakas ng boses mo, Kim.'' Pinandilatan ko siya ng mga mata. Marahan ko na lamang na isinara ang bintana ng aking kotse. Ayoko muna kasing may ibang makarinig o makaalam sa aming usapan ni Crayon maliban kay Kim. Late na kami sa P.E class namin, pero heto kami ngayon ni Kim sa loob ng aking Lamborghini Terzo Millennio 3000, chill na nagkukwentuhan. Ewan ko ba, pero parang tinatamad ako sa araw na ito. Dahil ba kaya ito sa ginawa ni Crayon? Sh*t talaga! Paulit-ulit ko na iyong naiisip. Erase! Erase! Kastigo ko sa aking sarili.
''Best, bakit mo nga ba jinowa si kuya?'' I know that kind of tone. Kim is trying to be a protective little sister to Crayon at the same time, being a concerned friend to me.
''I want to justify things. We had a truce with your big brother. We know the real score between the two of us, so you do not have to worry.''
I heard her sighed heavily.
''Honestly, I don't understand you. Akala ko ba ayaw mo na i-ship kita kay kuya, remember?'' aniya at humalukipkip sa aking tabi.
''Bakit?'' pasimple ko siyang tinignan. She did not answer.
Nakakunot-noo siyang nakatingin sa labas ng aking kotse at tila ba may gusto pang sasabihin sa akin ngunit mas pinili na lamang niya ang manahimik at pumikit.
''It's 3PM, Kim. Let's go. Late na late na tayo sa P.E.'' pag-iwas ko pa. I do not know why but parang naging awkward ang feeling ko sa inaasta niya. I think I just needed to get out of the situation.
Walang-kibo naman siyang tumalima at mabilis na lumabas ng aking sasakyan. Agad kaming nagtungo sa gym ngunit bago pa ako nakahakbang ng tuluyan papasok ay bigla niyang hinawakan ang aking kanang braso.
''Best, promise me one thing.''
Napatigil ako at tinignan si Kim. Seryoso ang kanyang mukha.
''What?''I asked calmly.
''Don't break my brother's heart, okay? Or else, I will distance myself from you, forever.'' aniya at nagpatiunang pumasok sa gate ng gym. What the heck? Ni hindi na niya hinintay pa ang aking sagot. Blood is thicker than water, nga naman talaga.
Napayoko ako.
I have to admit it, I was caught off guard by her words. I sighed heavily. Biglang sumama ang aking pakiramdam sa kanyang sinabi.
''I'm sorry, Kim. '' mahinang bulong ko sa kawalan bago sinundan ang aking kaibigan.
Hindi pa man ako nakakalahati sa aming spot sa gym, na kung saan kami mag a-activity ay narinig ko na ang maarteng sigaw ng isang babae sa dulo.
''Crayon my loves!''
Hindi ko na kailangang tingnan ang may-ari ng boses na iyon. It was Valerie. Muse ng basketball club nina Crayon. Nasa dulo sila ng gym as usual, habang kami ay nasa gilid lamang, di kalayuan sa spot nila.
Paismid na tumingin si Kim sa dulo ng gym at pasimple akong nginitian. Para bang may malokong binabalak.
''Taken na si kuya, Val!'' sigaw niya.
I was unprepared about that. Seriously, Kim?! Gusto niya bang malaman ng lahat ang tungkol sa amin ng kuya niya? Napatingin ako sa aming likuran. As expected, agad talagang nakakuha ng atensyon mula sa lahat ang sinabi niya. Nagsimula ng mag-usisa ng aming mga kaklase sa kanya. She smiled sweetly to me. Pairap ko naman siyang tinignan. I know, she would not let me down. I trusted her so much!
''Sino ang gf ng kuya mo Kim?'' dinig ko pa ang curious na boses ni Marites. Siya ang pinaka chismosa sa aming classroom. Ang laging nauuna sa latest chismis ng buong campus.
''Talaga, Kim? May gf na ang kuya mo?'' si Natalia naman na parang pinagbagsakan ng langit at lupa sa anyo at boses nito. I knew that she had a crush with Crayon.
''Ghurl! Share it!'' Pilit naman ni Lesley. Ang number one fan ng kuya niya pagdating sa basketball.
''Fake news ka na naman, baby girl.'' Si Valerie na mabilis pa sa kidlat na nakalapit sa aming kinaroroonan ni Kim. Nakataas ang kilay niya habang nakakibit-balikat. Halatang naiinis siya sa sinabi ng aking kaibigan.
May tiwala ako kay Kim. Hindi niya naman siguro balak na sabihin ng biglaan sa lahat ang relasyon namin ng kapatid niya. Not now!
Ngunit bago pa man nakasagot si Kim sa kanila ay bigla na lamang nagsalita si Crayon.
''Totoo ang sinabi ng kapatid ko. Everyone, I am already taken!'' Boses iyon ni Crayon sa dulo, ngunit kahit di iyon ganoon ka lakas ay dinig ko pa rin ang malokong tinig niya. Maging ang ngiti niyang nakakagago.
Malakas na hiyawan ang pumuno sa buong gym dahil sa sinabing iyon ni Crayon. He's really that famous! Pero imbes na kiligin, nagngingitngit pa tuloy ang aking kalooban.
Maya-maya ay dumating na aming professor na galing pala sa C.R. at agad nitong pinatahimik ang lahat.
''Best, sa bahay tayo later, ha.'' si Kim na halatang gino-goodtime pa ako. Kahit pawis na pawis na ito sa kakasunod ng bagong exercise ni professor Angel ay panay pa rin ang pangungulit niya sa akin. The usual Kim Cruz that I used to know. She's now back to her childlike attitude. Napatingin ako sa chickboy naming P.E teacher na halata namang nasisiyahan sa energy ng aking kaibigan. Napakamot-noo pa ako nung pinatahimik niya ang lahat sa gym. Inuna niya talagang sinita si Kim kanina. He made everyone stop as well with Crayon's help too. Well, dapat lang. Kasalanan niya naman ang pagkakagulo ng lahat kanina.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng tinapik ako ni Kim. Hinihintay niya pala ang sagot ko.
''Let's see.'' Walang kabuhay-buhay kong sagot.
Trying to make her feel na hindi ako okay sa ginawa niya. Saka hindi pa rin naman kasi mawala-wala sa aking isipan ang pag-amin ng kapatid niya.
''C'mon. 'Wag mo naman akong tiisin, best.'' Kim smiled sweetly and hug me from behind.
''Kim, magpalit ka nga muna ng damit mo. Baka humalo pa ang pawis mo sa katawan ng future wife ko!'' Nasa ganoong akto kami nang biglang dumating sa aming likuran si Crayon.
Future Wife? Baliw ba siya? Futuristic, yarn?
''Anong sabi mo?'' Nakapamewang kong tanong sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. Tumawa lang si Kim at walang paalam na kinuha ang bag niya sa locker.
Aba! Iniwan pa kami dito ni Crayon sa hallway.
Hinintay ko ang sagot ni Crayon sa tanong ko ngunit imbes na sumagot ay nahuli ko pa siyang nakatingin sa aking mga labi! Darn! Not again. I know what he's thinking! Gago talaga!
''Stop it!'' saway ko pa. Nakakailang ang ginagawa niya kaya tumalikod ako at sinubukang humakbang papalayo. Ngunit hindi pa man ako nakakatatlong hakbang ay walang babala na hinila niya ako. Nabigla ako sa kanyang ginawa at hindi agad nakapag react. Naramdaman ko ang marahan na paghapit niya sa akin papalapit sa kanya. Amoy na amoy ko ang mabangong-hininga niya at ang nakakabaliw na amoy ng pawis niya na humalo pa sa kanyang pabango. It's intoxicating. Pwede pala iyon?
Ni hindi pa ako nakahuma nang makita ko ang unti-unting paglapit ng mukha niya sa akin.
''Cray---''. I knew it! Hindi ko na naman natuloy ang aking sasabihin ay walang-sabi sabi na niyang sinibasib ng halik ang aking labi.
''Goodness! I am getting crazy, woman.'' tila nahihirapan niyang saad bago ako mabilis na pinakawalan. As if trying to stop himself. Mariin siyang nakapikit habang nakasandal sa pader ng hallway. Mabilis ko namang inayos ang medyo nagusot kong uniform at pinasadahan ng tingin ang dulo ng hallway. Cleared. Mabuti na lang at walang nakakita sa nangyari.
Gusto ko siyang sampalin sa ginawa niya na iyon ngunit tila ba hindi pa gumagana ang aking utak at katawan. Pati ang tibok ng aking puso ay hindi pa rin bumabalik sa normal.
What's happening to me?!
''I don't feel sorry. I have all the rights. You are mine.'' mayabang na aniya sa baritonong boses. Kahit nakapikit siya ay ramdam ko na nakikita niya ang reaksyon ng aking mukha ngayon.
''Ganyan ka ba sa lahat ng naging girlfriend mo? Ganyan ka ba sa kapatid ko?!'' Hindi sinasadyang napasigaw ako sa huling tanong na iyon.
Dahan-dahan siyang dumilat at ipinilig ang kanyang ulo habang nakapamulsa.
''You are my first and last girlfriend, Trish.'' pag-amin niya.
I was shocked! Anong pinagsasabi niya? Hindi ba naging sila ng kapatid ko dati? Is he trying to fool me with those words?
''Sa tingin mo ba ay maloloko mo ako?'' ani ko sa nanunuyang boses.
Pilit kong pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Don't believe him, Trisha Kate. I am trying to instill that into my mind.
''Tsk!'' aniya at walang sabi-sabing tumalikod. Kitang-kita ko ang nagbabagang anyo niya habang mariing nakakuyom ng kanyang mga kamao.
Hindi man lang nagpaalam at bigla na lamang umalis sa aking harapan.
''Bastard!'' inis kong sabi.
Napapahid ako sa aking mga labi at sinipa ang walang kamalay-malay na paso sa aking harapan. Natumba ito at nabasag. Uh-oh! Ang Peace lily sa loob ng paso pa naman ang paboritong halaman ni Professor Angel.
Lagot na!
Mabilis akong tumalikod at pinuntahan si Kim sa locker area. Bahala na si Batman sayo, Peace Lily!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!