Third Person's POV
Sa edad na syete, kinahiligan ng batang babae ang apoy. Nasisiyahan ang dalawang mata niya sa apoy at ngayon ay kasalukuyan niyang tinitignan ang malaking apoy na nagmumula sa nasusunog na gazebo na pinagawa pa talaga ng mga magulang niya.
"Villaine! Hala jusko!" natatarantang sambit ng bagong nanny niya kasi walang nagtatagal. Sumigaw ito para humingi ng tulong sa ibang kasambahay para mapatay ang apoy. Nilingon siya ng batang si Villaine tsaka nginitian.
"Do you want to be on fire too Yaya?" and then the kid smirked at bago pa makasagot ang yaya niya, tinulak niya ito sa apoy bago lumakad paalis. Hindi namatay ang yaya niya pero nasunog ang iilang parte ng kanyang balat dahil agad naagapan ng ibang mga tauhan.
Alam niyang magagalit na naman ang mga magulang hindi lang dahil sa ginawa niya kundi wala na ulit siyang personal na yaya kaya lumisan ito sa kagubatan malapit sa kanila. Kung ibang bata siguro ay matatakot sa kagubatan pero iba ang batang si Villaine.
Naglakad siya ng may narinig siyang ingay na nagmula sa likod ng kahoy ng tumigil siya. Ng lumakad siya ulit, ramdam na ramdam niya na sumunod rin ito. Muling tumigil si Villaine.
"Lumabas ka." walang ganang sambit nito at hindi naman siya nabigo dahil sumulpot ang isang batang lalaki sa harap niya na dungis pa ang mukha dahil siguro sa paglalakwatsa niya o pagsunod kay Villaine.
"Ang galing mo bata! Naramdaman mo ako!" nakangiting sambit nito. "Ako nga pala si Ryce!" sabay abot ng kamay nito.
"Bigas? Ang panget ng pangalan mo. Tabi ka." sabay tulak ng bata patagilid kaya natumba ito pero tumayo din ulit.
"Sandali lang batang maganda! Laro tayo!"
May kinuha si Villaine sa bulsa niya. Isang maliit na patalim. "Gusto mo tamaan nito?"
Pero hindi din nagpasindak ang batang si Ryce kahit nasa may mukha niya na ang patalim. "Delikado iyan batang maganda. Gusto ko lang naman maglaro tayo eh."
Madaling mainis si Villaine sa kahit na kakarampot na dahilan. Itinagilid niya ang patalim at dadaplisan sana si Ryce sa braso....
...pero biglang tumilapon ang hawak niyang patalim sa damuhan.
***
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa anak natin Roy! Hindi naman tayo naging masamang magulang sa kanya!" naghe-hysterical na reklamo ni Ellaine sa asawa. Nilapitan siya nito at niyakap para pakalmahin.
"Alam ko El. Siguro hindi niya matanggap na.. na ampon natin siya kaya ganun na lamang ang pagrerebelde niya sa murang edad."
Hindi kasi sila magkakaanak dahil kay Ellaine at isang gabi, may sanggol umiiyak na iniwan sa labas ng gate nila kaya kinupkop nila ito. Nalaman ni Villaine na ampon siya nung anim na taon siya dahil sa chismisan ng ilang maids at nakumpirma nga siya sa mga magulang.
"Anong gagawin natin.."
"Let's give her time to grow up. Siguro tsaka niya na maintindihan iyon."
"I hope so Roy. I just hope.."
***
10 years later...
Villaine's POV
The fuck do I need school for. Puro satsat lang ang ginagawa ng mga guro at lahat ng mga kaklase ko bobo at mga tanga. Sunugin ko ang skwelahang 'to eh. Argh. Pero kailangan daw iyon dahil ganun ang sistema ng buhay kaya heto at college na ako. Pssh. Bullshit. Buti nakalampas pa ako ng highschool. What's the use of money and connections?
Tumayo ako sa upuan ko at kinuha ang bagpack ko para umalis.
"Where are you going Miss..?" tanong ng panget na professor.
"What do you think? Ang bobo mo naman para sa isang professor." and that sentence ticked him. Galit ang sinasabi ng mga mata niya. I like it.
"You do not question my profession kid. Ano bang pangalan mo?"
"Villaine and Evil is the nickname. Ever heard of it, Sir?" pagkasabi ko nun, nanlaki agad ang mata niya kaya napangisi ako tsaka siya nilampasan habang sinadya kong tamaan siya ng mabigat kong bagpack. I badly want to set some flames right now.
I'm a pyromaniac. Maybe a sanguinariancan but not totally. I don't like to drink blood but the sight of blood makes me feel.. sated. Bloodthirsty. Ganun pa din.
(A/N: Pyromaniac: the urge of purposely setting fire for self satisfactory.)
I don't know why I'm like this pero ganun na talaga. I guess I was born with this kind of self and I don't care about anyone or their side comments. Paki ko ba sa kanila. I can cut their tongues anytime kung gugustuhin ko as long as I see blood.
Just like the old times, a huge fire ignited in front of me making me smile in delight.
To be continued...