Kasalukuyang nagmamadali si Marga sa pagtipa sa kaniyang laptop sapagkat ngayon ang deadline ng kaniyang librong kailangan ipasa.
Limang araw na siyang walang tulog dahil hindi niya ito matapos-tapos.
"Send!" Masayang saad niya ng tuluyan na itong matapos.
Tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag ng matapos niya'ng masend ang huling chapter.
Agad siyang tumayo at napahilata sa kama sa pagod.
Napalingon siya sa kaniyang paligid halos hindi na ito matawag na kwarto sa dami ng nakakalat na papeles.
Mamaya niya na lang ito lilinisin dahil gusto na niyang pumikit sa sobrang pagod.
Biglang tumunog ang kaniyang cellphone at bumungad ang pangalan ng kaniyang editor na si Sam.
Sinagot niya ito at inilayo sa tenga, pinindot niya ang loudspeak sabay pikit.
"Hoy babae bakit ngayon mo lang ipinasa ang mga ito hindi mo din sinasagot ang telepono mo! Ang susunod mong gagawin ay-" Pinutol niya agad ang pagsasalita nito.
"I'll be leaving Sam hindi muna ako tatangap ng bago dahil wala na talaga akong maisulat pa. Meron akong mental block ngayon gusto ko munang magpahinga sinabihan ko na si Edmund tungkol dito." Paliwanag niya.
Edmund was his Boss at the same time nobyo niya.
Matagal na sila ni Edmund anim na taon na silang magnobyo nito. Subalit, lagi nalang itong busy sa nagdaang mga araw masyado din kasi siyang naging busy.
"Fine. Basta't wag mo namang tagalan alam mo naman yung mga fans mo." Sagot ni Sam at nagpaalam na.
Napag-isipan ni Marga na surpresahin muna ang kaniya nobyo bago umalis.
Wala pa siyang maisip kung saan siya pupunta baka isasama nalang din niya si Edmund pag hindi ito busy.
Nag-iwan siya ng mensahe sa dalawang kaibigan niya at dumiretso na sa banyo.
Matapos niyang magpalit ay agad siyang lumabas sa condo at pumunta sa parking lot.
Sumakay siya sa sasakyan at agad itong pinaandar bitbit niya ang paborito nitong sinigang.
Walang trabaho ngayon si Edmund kaya pupuntahan na niya ito sa bahay nito.
Ng makarating siya ay napansin niyang bukas ang pinto nito.
"Bakit bukas ang pinto may nakapasok ba?" Saad niya na may halong pagdududa.
Agad niyang binitbit ang kaniyang bag at pumasok sa loob.
Hindi niya alam kung bakit ngunit masyadong malakas ang kabog ng kaniyang dibdib.
Bigla siyang nakarinig ng pag-ungol sa may hagdan na ikinahinto niya.
Pinagpapawisan na din siya at nangingig ang kaniyang kamay habang papunta sa nasabing hagdan.
Walang tinig ang kaniyang hakbang hanggang sa umabot siya sa taas.
Rinig niya ang boses ng kaniyang nobyo at tinig ng isang babae.
"You are always on the game Sam unlike Marga lagi nalang itong walang oras sa akin. Daig niya pa si Maria Clara sa damit na suot niya, isali mo pa yung sinigang niyang sobrang alat." Pagrereklamo ng kaniyang nobyo.
Napatakip siya sa kaniyang bibig habang pinipigalan ang kaniyang paghikbi.
"Ako din pagod na akong makinig at makipagplastikan sa babaeng iyon kailan mo ba iiwan iyon babe. Sobrang tagal na natin ngunit nagmumukha akong-"
Hindi na niya nakayanan pa at agad na binuksan ng pinto na ikinagulat ng dalawa.
"Kabit,haliparot na mang-aagaw, higad na makati? Sobrang bagay nga sa iyo ang lahat ng iyon mga walanghiya kayo!" Sigaw niya at agad kinuha ang vase sa gilid at tinapon sa harap ng mga ito.
"Ang kapal ng mukha mo matapos kung iwan ang pamilya ko para tulungan ka tapos ito ang igaganti mo sakin?!" Sigaw niya at tinapon lahat ng gamit nito.
"Marga I can explain-"
"You can explain what! At ikaw babaeng haliparot ka dapat sayo sinusunog sa impyerno!" Galit na saad niya sabay hila sa buhok nito.
Kinaladkad niya ito'ng hubo't hubad pababa ng hagdan at palabas ng bahay sakto namang dumating sina Ally.
"Omy! Ano yan censored!" Bulalas ni Elle.
"Ouch, let go of me!" Sigaw ni Sam ngunit hindi niya iyon pinansin tinapon niya ito na parang basura.
"Girls sugurin niyo ang malandi na iyan!" Nangangating saad niya.
"Babe stop-"
Agad niya itong sinampal sa mukha at napaiyak na lamang siya.
"You don't know what I did for you Edmund you have no idea what I left for you." Saad niya at hinubad ang singsing sabay tapon nito.
Kinuha niya ang cake sa kotse ni Elle at inihampas sa mukha ni Sam.
Saktu namang nagvlovlog si Ally at agad itong nakuhanan.
"Para sayo iyan malandi ka." Mataray na saad niya at nagflip hair.
Seninyasan niya ang dalawa ngunit humarap din ang mga ito kay Edmund at sinampal din.
Hindi niya alam kung maiiyak ba siya o matatawa sa ginaw ng mga ito.
Agad niyang pinaharurot ang kotse at dumiretso sa Bar ni Elle.
Pagkapasok niya sa office nito ay tuluyan na siyang umiyak.
"Poor Marga, wag mong iyakan ang lalaking iyon dapat magpakasaya ka dahil wala ng mangagamit na gaya niya." Saad ni Elle habang binibigyan siya ng tissue.
"Speaking of mangagamit take back everything from him Marga. Ikaw lang naman ang isa sa pinakasikat na writer ng E's. Kung wala ka malaki ang luging makukuha nila at saka ikaw din ang nagrecommend ng cliente sa kaniya kung iisipin halos sayo lahat ang naipundar niya!" Pahayag ni Ally.
Napahinto siya ng magsink sa utak niya ang sinabi ni Ally.
"You are not a Cortez for nothing." Saad ni Ally.
Dahil sa tulong ng mga kaibigan niya she was able to live as a different person.
Matagal na niyang ibinaon sa limot ang lahat sapagkat malaki ang kasalanan niya sa kaniyang pamilya.
Tama ang mga ito sasaktan lang siya at gagamitin ni Edmund.
"Tama ka. I should take everything and even a single penny should be mine." Saad niya at agad na tinawagan kababata niya.
"Margareth Cortez is this really you?" Bulalas ni Acorn.
"Oo nga ako nga ito mamaya na ako magpapaliwanag kailangan ko ang tulong mo." Saad niya at pinaliwag dito ang lahat.
Kinabukasan ay nagtungo siya sa E's at pinatawag lahat ng empleyado.
Suot niya ang mga branded clothes niya at branded Shoes. Sobrang namiss niya ito dati halos mangiyak siya dahil hindi niya mabili ang mga ito.
She was always on the latest designs na marerelease ng mga ito. Ganun siya kalakas gumastos ngunit dahil hindi alam ni Edmund na mayaman siya at akala niya ay tangap siya nito kahit nagdukadukhaan siya.
Kita niya ang pagkalugi sa bagong dating na si Edmund. Rinig niya din ang bulongan ng mga empleyado.
"What is the meaning of this!" Saad nito sa kaniya.
Hindi niya ito pinansin sapagkat nandoon parin yung sakit sa pagtataksil nito.
"Let me introduce myself to everyone my name is Marga Cortez and from now on the owner of the E's. Sam and Edmund are publicly and officially fired if you want to ask more ang get fired then go I have here my lawyer Acorn Buenavista you can ask her." Saad niya at taas noong naglakad paalis.
"Ano?" Gulat na saad ni Sam sa kaniya.
Napangisi siya dito at kinuha ang sunglasses na suot niya.
"Oh dear me, hindi ka lang higad eh bingi kapa at puwede ba wag kang magharang-harang sa harap ko basura ka." Saad niya dito at pinakaladkad ito sa guards.
"Hon wait-" saad ni Edmund at hinawakan siya.
"Bakit Edmund? Magmamakaawa ka ulit sakin well sorry because I am no longer yours. Ayokonang makita pa ang pagmumukha mo." Saad niya at hinala ang kamay niya dito.
Sabay lakad sa elevator ngunit hinarang nito ang elevator at sapilitang pumasok.
"All this time tinago mo sakin ang lahat ng ito Marga." Galit na saad nito.
"Aba't ang kapal ng mukha ikaw pa ang galit." Sa isip niya.
"Hindi kana din na hiya sa pinagsasabi mo Edmund at puwede ba tigilan mo ako break na tayo." Naiinis na saad ko.
Napansin niyang tumigil ito na ikinakaba niya alam niya kung paano ito magalit.
"I won't." Saad nito at agad siyang hinalikan.
Hindi siya makagalaw sa lakas ng pagkakahawak nito sa kaniya.
Saktong bumukas ang elevator sa parking lot ay agad niya itong tinuhod.
Patakbo niyang pinuntahan ang kotse at pumasok sa loob.
Sobrang nanginginig ang kaniyang kamay habang pinapasok ang susi.
"Marga!" Galit na sigaw nito sa kaniya at pilit binubuksan ang sasakyan.
Buti nalang at umandor ito ay agad niyang pinaharurot paalis doon.
Akala niya ay makakahinga na siya ng maluwag ngunit hinabol pala siya nito.
Kinakabahan na siya sa possibleng mangyari sa kaniya. Agad niyang tinawagan si Ally ngunit hindi ito sumasagot.
Sunod niyang tinawagan si Elle ngunit hindi rin ito sumasagot.
"Damn!" Nagpapanic na saad niya.
Hindi niya namalayan ang paparating na sasakyan sa harap niya at tuluyan na siyang nabingi sa kasunod na pangyayari.
Isang boses ang kaniyang narinig na pamilyar sa kaniya.
"Margareth."
Hindi masyadong malinaw ang kaniyang paningin at nakikita niya ang isang lalaking nakatingin sa kaniya.
Mahirap makuha ang mukha nito sapagkat malabo talaga biglang nag-iba ang paligid na para bang may nangyari ng ganoon sa kaniya.
"Margareth." Nag-aaalalang tawag nito sa kaniya.
Unang napansin niya ay ang kakaibang paligid nito, hindi siya maaaring magkamali dahil parang antagal na ng design na iyon.
Tuluyan ng umitim ang paligid niya at nakain na siya ng dilim.