Download App
22.22% Stranger Babe (COMPLETED) / Chapter 4: Chapter 4: Shocked

Chapter 4: Chapter 4: Shocked

Pagkapasok ko sa isang beauty shop ay mabilis kong hinanap ang mga bibilhin ko. Saka lumabas at pumanhik sa Pandayan Store. Namili ng dalawang notebook at isang libro. Saka kumaliwa para makapasok sa Baker's. Bumili ng dalawang cheese bread at tatlong buns at tasty bread.

Nakakapagtaka. Aalis kami mamayang gabi. Ano kayang gagawin ni Mama sa mga tinapay na to?.

"Your name miss?.." tanong ng cashier. Tumaas na naman ang kilay ko.

Araw ko ba ngayon?. Bakit parang andaming gustong malaman ang pangalan ko?. Nilingon ko ang likuran.

Medyo mahaba ang pila kaya sinabi ko nalang.

"Mary Jane." Tamad kong sabe. Inabot ko ang isang libo pero tinanggihan ng babae sabay sabi ng

"You're bill is already paid, Ma'am."

Dumoble na ang pagtataka ko. "Already paid?. What?. Sino hong nagbayad?." ang swerte ko naman. Ang dami kong libre ngayon. Sana lang. Walang ibang kapalit.

"Eli.." maikling sagot ng babae sakin bago iniabot ang supot ng tinapay. May binigay pang sukli na halos anim na daan.

Hindi ako makagalaw. Para akong nabangag ng wala sa oras. Si Elijah?. Bakit?. Bakit nya ginawa yun?. Bakit kailangan nyang gawin ito?.

Lumabas ako ng Baker's. Tumunog ang telepono ko. Yung keypad.

"Ma."

"Pauwi ka na ba?."

"Di pa Ma. Kakalabas ko lang po ng Baker's."

"Ganun ba. May extra ka pang pera dyan. May ipapabili pa sana ako."

"Yup Ma. Text mo nalang po. Carl is calling."

"O sige."

Binaba nya agad. Saka ko naman sinagot ang tawag ng bunso kong kapatid.

"Ate." Bungad nya.

"Yes sir?." Sabay halakhak ko. Natawa rin sya. Sinaway pa ako sa pagtawag ko ng 'sir' sa kanya.

"Anong oras byahe nyo?."

"7pm."

"Hmm.. Asan ka den ngayon?."

"MOV. Why?." (Mall of the valley)

"May ipabili sana ako. Pakidala nyo nalang mamaya.."

"Okay. Text mo nalang. Maggrogrocery pa ako."

"Sige ate. Call you later.. Ingat dyan." Paalam nya.

Sana lang magkasya yung perang dala ko. Ang dami nilang pahabol. Nagpapanic buying ba sila?.

Maya maya, tumunog naman yung isa kong telepono.

Unknown number.

"Hello.." taka kong tanong habang naglalakad na patungong savemore.

"Hey, Mary.." dinig kong saad nya. Si Elijah.

Kumalabog ng dalawang beses ang dibdib ko.

Bakit sya napatawag?. Gusto kong itanong ngunit sinarili ko nalang para di nya sabihing assuming ako.

"Eli?."

"Yeah. Nakauwi ka na?."

Malapit na ako sa bungad ng savemore.

"Hindi pa. Maggrogrocery pa ako. Bakit?."

"Ganun ba. Where exactly are you?."

"On the way to savemore?. Tabi ng Mercury drugs.."

"Wait me there.." paalam nya bago ako pinatayan.

Nagmadali naman akong patungo roon. Pagkakataon ko na ring ibalik yung binayad nya para sa tinapay. Ghad!. Kailangan kong ibalik yun. Nakakahiya na masyado. Nilibre nya nga ako kanina tapos eto na naman.

What's with him?.

Pagkabigay sa mga karga ko sa gilid ay bumungad sakin ang mukha nyang pawisan. Mapula. At nakahood kahit mainit.

"Tumakbo ka?." Tumaas ang kilay ko sa pagtatanong. Tumango sya habang ngumingiti.

Yung ngiti nyang nakakaakit.

Pumasok na kami sa loob. Kumuha ako ng basket. Pero humila sya nang isang cart saka kinuha ang hawak kong basket at nilagay sa cart na tulak nya.

"Bat pumunta ka pa dito?. Kaunti lang naman bibilhin ko." tiningala ko sya dahil ilang pulgada ang agwat ng tangkad naming dalawa.

Di nya ako sinagot. Imbes,

"Let me see your lists. " anya. Binigay ko naman sa kanya ang cellphone ko. Noong una, nagduda pa ako. Pero dahil nagmamadali ako ngayon. Mag-aayos pa ako ng damit. Iniabot ko nalang. Binasa nya ang text ni Mama na puro mga pagkain.

Kumuha agad sya ng mga drinks. Yung apat na nasa listahan ginawa nyang walo. Actually, lahat ng nasa listahan naging walo. Tuloy noong nagbayad kami umabot pa sa dalawang libo ang bill. Nadagdagan na naman utang ko sa kanya.

"Sabi ko naman sayo. Sobra lahat ng kinuha mo."

"Okay lang yan.."

"Pero hindi okay sakin. Paano kita babayaran ngayon?."

"Just text me. That's fine with me.." sabay pa ng kindat.

Muntik na akong maihi sa kilig. Kumindat pa ang gwapo. Mas lalong gumwapo.

Nagpaalam ako ng saglit sa kanya para bilhin ang mga tinext ni Carl. Naiwan sya sa labas ng savemore.

Pagbalik ko, wala na sya. Natakot ako. Kinabahan. Nagtanong sa katabing nagtitinda kanina. Nagpaalam daw na may bibilhin. Napakalma naman ako.

Makalaan ang ilang sandali. Tanaw ko na syang may bitbit na supot ng McDo. Kumaway ito ng makita ako sa malayo.

Akala ko tinakbuhan na ako e. Nakahinga ako ng maluwag. Nasa kanya pa kasi yung phone ko. Di pa nya binabalik.

"For you.." bungad nya sakin ng huminto ito sa harap ko.

"For me?." Gulat ko pang tanong. Obvious na nga. Tinanong mo pa?. Hay Jane!. Nilagay nya agad sa kamay ko ang supot na may lamang fries, burger at float.

"E ikaw?." Tanong ko. Nagugulat. Bakit ako lang?. Paano ang sakanya?.

"I'm fine.." tinulak na nya ang cart patungong parking lot.

Ako heto. Tinatanaw ang kanyang likod. Nangingiti na nalilito sa mga ginagawa nya.

"Where's your car?." Lingon nito sakin. Hinabol ko sya saka tinuro ang itim na BMW.

Dumiretso sya doon. Pinatunog ko naman ito at binuksan. Sya pa ang nagpasok ng mga pinamili ko.

Bahagya kaming natahimik ng matapos nyang ayusin lahat sa likod.

"Ehem.." basag ko saming pagitan.

Naglinis pa muna sya ng lalamunan bago nagsalita.

"Uwi ka na talaga?." Nahihiya pa nyang tanong. Kamot ang buhok.

"Bakit?. Ayaw mo akong umuwi?." Tinawanan ko pa ang sinabi ko. Humalakhak rin sya.

"If only I had the choice.." tawa nya. Di ko mapigilang tumitig sa mukha nyang sobrang gwapo. Artista ba sya?.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login