Download App
30.76% Sin Mideo A La Muerte (FILIPINO) / Chapter 8: Kabanata 5

Chapter 8: Kabanata 5

MANAKA-NAKANG ungol ang ginawa ni Carrieline. Nanatiling nakapikit ang mga mata nito, habang nakasandig ang ulo nito sa upuan ng kotse. Ramdam niya ang malamig na buga ng hangin ng aircon sa kaniyang mukha. Maski ang malakas na tugtuging pinapatugtog ng katabi niyang si Jared ay rinig na rinig  din niya. Nais man niyang dumilat, ngunit tila wala siyang lakas upang imulat ang talukap ng mga mata na nanatiling nakapikit. Tila siya hinihila ng banayad papunta sa kung saan. Hanggang sa tuluyan siyang namanhid at hilahin ang diwa niya sa kadiliman...

MABILIS niyang iminulat ang  nahahapong mga mata, pagkatapos ay mabiilis niyang iginala  sa kaniyang kinahihigaang maduming lapag. Ramdam niya ang mainit na dapyo ng apoy, kung saan kitang-kita niya ang patuloy na paglalagablab at pagtupok ng nangangalit na apoy sa buong kabahayan na kaniyang kinaroroonan.

Hindi siya pamilyar sa lugar, ngunit ramdam niya mula sa kaibuturan ng kanyang puso. Tila nanggaling na siya roon, hindi niya batid kung paano at kailan. Basta malakas ang puwersang bumubulong sa kaniyang may bagay siyang dapat alamin at tuklasin sa mga sandaling iyon.

Kahit nangangatog at natatakot sa mga oras na iyon ay mabilis na siyang napatayo. Kasabay ng kaniyang pagtayo ay ang pagbagsak ng umaapoy na kahoy galing mula sa kisameng tinutupok na ngayon ng apoy.

Kung hindi siya mag-iingat alam niyang maari siyang mamatay sa mga sandaling iyon. Kailangan niyang paganahin ang utak, huwag siyang papakain sa takot. Kailangan niyang magrelax, dahil lalo lamang siyang hindi makakalabas sa lugar na iyon. Kung pananatiliin niya ang takot na nag-uumpisa ng kainin ang sistema niya.

Mabilis niyang hinayon ang daan papuntang pinto na unti-unti na rin tinutupok ng nangangalit na apoy. Napayakap siya sa suot na jacket, upang hindi siya madilaan o mapaso ng apoy.

Pinatalas niya ang pakiramdam, lakad-takbo ang ginawa niya. Hinihingal man ay hindi siya nagpadaig hanggang sa marating niya ang pinakaibabang bahagi ng mansiyon.

Kitang-kita niya ang mga kabataan na nakalapag sa sahig, apat ang mga ito. Nagkandabuhol-buhol ang paghinga niya nang mapagmasdan niya ang mukha ng bawat isa. Kitang-kita niya ang paghihirap na dinanas ng mga ito bago mamatay. 

Ang isa ay basag na basag pa ang mukha, halos hindi niya makita ang itsura nito. Dahil sa labis na pagkawasak ng mukha nito, tila ba ilang beses na iniuntog iyon sa matigas na pader. Lumipat ang tingin niya sa mukha ng isa pang lalaki, labis siyang nangilabot ng makita niyang si Toushiro iyon. Katulad ng nauna labis din ang natamong sugat nito sa katawan, unti-unting nagmalabis ang luha sa mga mata ni Carrieline. Hindi niya mawari, pakiramdam niya'y may malaking bahagi ang nasaling sa puso niya pagkakita sa mga ito.

Labis siyang nagitla ng dumako ang kaniyang paningin sa mukha ng dalagitang katabi ng mga ito. Sa nanginginig na mga kamay, dahan-dahan siyang lumapit. Hinawi niya ang mahabang buhok na nakatabing sa mukha nito. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng isang mahinang singhap na nanulas mula sa kaniyang labi.

Hindi siya maaring magkamali, tila nakatunghay siya sa salamin. Kamukhang-kamukha niya ang babaing kasama ng mga binata roon. Napaatras siya habang hawak-hawak niya ang kaniyang dib-dib. Labis-labis ang kabang sumalakay sa kaniya sa mga sandaling iyon. 

Mula sa dako roon ay nakita niyang unti-unting bumangon sa pagkakadapa ang isa mga nakahigang binatilyo roon. Bigla siyang napaupo, mabilis niyang itinakip ang dalawang palad sa bibig upang hindi makagawa ng anumang ingay. Nakatalikod ito mula sa kaniyang kinaroroonan, kaya hindi niya makita ang mukha nito. Ngunit dinig na dinig ni Carrieline ang mga salitang ibinulong nito.

"Sa wakas. . . natapos na rin nang tuluyan ang lahat."

Akma siyang lalapit ng biglang may humawak sa mga paa niya, tuluyan siyang hinila papunta sa dilim. Isang matinis na tili nalang ang umalpas sa bibig ni Carrieline. Kasunod niyon ang pagkawala ng kaniyang ulirat.

RAMDAM niya ang malakas na pagyugyog ni Jared sa balikat niya. Napabalikwas siya kasabay ng pahinga niya sa paligid, nang bigla tumutok ang mata ni Carrieline kay Jared. Biglang napawi ang takot na namamahay sa kaniyang dib-dib. 

Abot-abot ang  paghinga nito sa paghahabol ng hangin, tila nanggaling ito sa mahabang pagtakbo. Pawisan na rin siya, kitang-kita ni Jared ang takot sa mukha ng dalaga.

"Are you okay Carrie, binangungot ka yata. Mabuti na lamang at nagising kita."puno ng pag-aalalang sabi ni Jared kay Carrieline na patuloy na pinagpapawisan. Kahit katapat lang nito ang aircon.

"Oo Red, hindi siya katulad ng lagi kong napapaginipan. Ibang-iba siya!"labis ang kabang binigkas ni Carrieline.

"Lagi ka lang magdasal, malay mo sa pupuntahan natin masasagot ang lahat. Kung bakit ka nanaginip ka ng kung anu-ano, basta lagi mo lang isipin..."pagpapayapa ni Jared sa dalaga , dahil kitang-kita niya sa mukha nito ang ligalig na umalipin rito. Ngunit, sa huling salita ay binagalan nito ang pagsasalita. Sinadiya pa niyang ibinitin ang mga nais pang sasabihin. Hanggang sa mapasulyap si Carrieline sa mukhang payapa ni Jared.

"... Basta lagi mo lang tatandaanan, narito lamang ako. Handa ka na laging samahan."

Kahit paano naramdaman niyang may kasama siya at hindi siya mag-isang tutuklas sa katotohanang bumabalot sa kaniyang mga panaginip. 

Ngunit bakit pakiramdam niya, hindi magiging madali at magiging kumplikado ang lahat. Lalo at nakita niya mismo ang sariling nasa lugar siya mismo ng misteryusong panaginip niyang patuloy na umaalipin sa kaniya magpahanggang ngayon...


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C8
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login