/ Urban / Shotgun Wedding [Tagalog]
Synopsis
Ang sabi nila, ang pagpuputa raw ang pinakamatagal na propesiyon sa mundo. Lumaki at namulat ang dalagang si Carmina sa lugar kung saan namumugad ang mga beteranang pokpok--ang Caloocan.
Sa lugar nila, walang mga bata o kapitbahay ang huhusga sa 'yo kung pagbibenta ng katawan ang ikinabubuhay mo. Talamak ang pagbibenta ng puri dito at halos lahat ay kapit-patalim, may maipanlaman lamang sa kumakalam na sikmura.
Kaya naman, nagawang ipangako ni Carmina sa sarili na hinding-hindi siya tutulad sa kaniyang ina na isang bayarang babae. Hinding-hindi niya ibibenta ang sarili kapalit lamang ng pera. Hindi siya papayag na mabuntis ng kung sinong lalaki at hayaang lumaki ang kaniyang anak nang walang ama.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, at ang trabahong isinusuka niya noon, ay ang mismong trabaho na kakapitan niya ngayon.
You May Also Like
Share your thoughts with others
Write a reviewAuthor Cinnamonxx
As a writer, myself. I know how hard it is to write a book. What's with the constant siege to writer's block plus the laziness breaking through our souls. So, I admire you for writing this story. It has potential. Keep writing!