REN'S POV
Kriiiiiing-----Kriiiiing
Tunog ng bell dito sa school, at ito ang hudyat na tapos na ang isang oras na subject ko, ang math103. Inaayos ko na ang gamit ko para makapunta na sa library dahil ito narin ang last subject ko sa araw na to.
"Besh!"
"Ay kabayong pangit!" gulat kong sabi
"Ahahah! Magugulatin ka talaga girl, yan kasi eh! Itigil mo na kasi pagbabasa ng mga libro, lalo na horror." pangsesermon ni Cheska sa akin.
"Ano namang konek sa pagbabasa ko ng libro aber?"
"Ah? Basta! By the way Besh, malling tayo, may sale kasi ngayon eh"
"Ayan ka na naman sa pagiging shopaholic mo, wag mo nga akong idamay dahil pupunta ako ng library at magbabasa. Kailangan ko tapusin basahin to. Masyado akong nabitin, nakatulog kasi ako kagabi. Hmmm ano na kaya nangyari sa bida? Kyaahhh!! Kinikilig talaga ako! Ako nalang kaya samahan mo?" Mahabang pagkasabi ko habang kinikilig.
"Hay naku! Ako ang wag mong idamay sa pagiging nerd mo. Maghahanap nalang ako ng ibang kasama. Mauna na ako girl. Wag ka magpakalasing sa mga libro, baka kainin ka niyan! Hahaha" pang-aasar na sabi ni Cheska.
"Baliw! Sige ingat ka." Sabi ko at nagtungo agad sa library.
Nakarating ako sa library at pumwesto sa favorite spot ko. Wala kasi masyado umuupo dito kasi nasa dulo na ito. Sinimulan kong basahin ang librong hindi ko natapos ng may biglang kuminang sa may bookshelves.
Hinanap ko ang kumikinang na iyon, maya-maya ay natagpuan ko ito. Isang libro na kumikinang ang nakita ko.
Totoo ba to? Nang mahawakan ko ang libro ay hindi na ito kuminang. Sa curiosity ko, binalik ko uli ito sa shelve, baka sakaling kuminang uli, pero hindi eh. Nahihiwagaan ako sa librong ito.
"NEO VERONA" pagbasa ko sa pamagat. Parang baliw yata author nito. Kasi nang buklatin ko ang libro, wala namang nakasulat. Hinanap ko sa book cover ang author, pero sa kasamaang palad, walang nakalagay kundi ang pamagat lang ng libro.
"Hoy Besh!"
"Ay palaka!" napasigaw ako sa gulat.
"Shhhhh!" pagsaway sa amin ng librarian.
"Ano ka ba Besh, wag ka kasi sumigaw." At ako pa ang pinagsabihan.
"Gaga! Ikaw kaya tong sumigaw at nanggulat."
"Ano yan? Bagong libro na namang kababaliwan mo?" sabi niya na nakataas ang kilay.
"Parang? Eh na curious ako eh, walang nakasulat."
"Walang nakasulat? Sigurado ka ba? Patingin nga?" sabay kuha ng librong hawak ko.
"Ou nga noh? Baliw ba author nito?" bulaslas niya sabay balik ng libro sa akin
"Teka? Akala ko ba magma-malling ka? Bakit ka nandito?" taas kilay kong sabi.
"Ah? Ehh? Heheh, Hindi natuloy, may naalala kasi ako. Pwede bang—"
"At ano na naman yun Juliet Chesk Crimson?" pagputol ko sa sasabihin niya
"Aish! wag mo nga akong tawagin sa buong pangalan ko.. Makaluma eh!" Maktol na sabi niya
"Anong makaluma don? Ang ganda nga ng name mo. Ano ba kasi kailangan mo at pumunta ka rito?" sabi ko sabay hatak sa kaniya papunta sa pwestong kinauupuan ko kanina.
"Kasi Besh! Diba nga absent ako nung nakaraang mga araw, tapos may quiz tayo bukas sa math? Ayaw ko namang mazero noh, kakahiya kaya yun. Tapos kanina wala akong naintindihan sa leksyon ni Maam Dimarunong. Kaya kung pwede ---"
"Magpapaturo ka sa akin at mag e-sleep over sa bahay para makita ang kuya ko? Tama ba ako?"
"Bingo! Manghuhula kana pala ngayun Besh?" tuwang sabi niya
"Hay naku! O siya, uwi na tayo para makapagreview." Sabi ko sabay tayo sa upuan at papuntang front desk ng library.
"At bawal landiin ang kuya ko." Dagdag kong sabi sa kaniya
"Grabe ka naman Besh! Hindi ko naman nilalandi kuya mo ah?" sabi niya na nakapout. Hahaha ang pangit ng Bestfriend ko.
"Ah, miss? Hihiramin ko po ito." Sabay abot ko ng school I.D sa librarian
"Ano namang mapapala mo dyan? Eh wala namang nakasulat." Sabi ni Cheska na may pagtataka
"Manahimik ka na nga lang." ayon tumahimik nga.
Bago kami umuwi sa bahay ay dumaan muna kami sa convenience para bumili ng makakain. At pagkadating namin ay agad kaming pumasok sa kwarto at nagsimula ng mag-aral. Hindi na muna ako nagpalit ng damit. Wash day kasi bukas kaya okey na di ko muna labhan ang uniform ko.
At si Cheska naman, kung nag aalala kayo, may gamit sya dito na sinadya niyang iwan para kung sakali dito sya matutulog, at magkapitbahay lang naman kami kaya pwede siya umuwi ng maaga bukas para makapagbihis.
"Besh? Pa'no ba to? Ang hirap naman nito, turuan mo naman ako oh? Nagbabasa ka lang ng libro dyan eh."
"Besh? Hoy!!" tawag niya sa akin sabay yugyug sa katawan ko.
"Sandali lang Besh."
"Ano ba kasi yan? Wala ka namang mapapala sa dyan eh, wala namang nakasulat dyan diba?" sabi niya sabay lapit
"Meron Besh, ito oh" sabay tinapat ko sa mukha niya
"Diba wala namang nakasulat dyan kanina? Ang creepy niyang book nayan ha? Isauli mo yan bukas. Baka may curse yan"
"Ano ka ba naman., kung meron man, damay ka narin. Hahaha"
"Anong damay pinagsasabi mo?"
Tok tok tok sabay bukas ng pinto
"Ren, kakain na daw tayo sabi ni mama."
"Ah, ok kuya. Tara na Besh." Sabi ko sabay tiklop sa libro
3RD PERSON'S POV
Naunang bumaba ang magbestfriend at naiwan si Leo sa may pinto ng kwarto ni Ren. Sinadya niyang magpaiwan dahil may kakaiba syang naramdaman sa hawak na libro. Agad niyang binuklat ito, at itinabi ang manga na hawak-hawak niya. Pagbuklat niya dito ay agad itong nagliwanag at sa isang iglap lang ay nawala na parang bula si Leo.
Sa kabilang dako, ay may isang babae rin na kumuha ng kaparehang libro katulad ng kay Ren. At katulad rin ni Leo, pagbuklat niya ng libro ay agad itong nawala ng wala man lang nakakapansin.
Matapos kumain nila Ren ay agad silang bumalik dahil nagtataka sila bakit hindi bumaba si Leo. At nang pumasok sila ay biglang nagliwanag ang libro dahilan para kunin ito ni Ren at buklatin. Papalapit naman si Cheska sa kaniya when suddenly the book turn its page on its own at agad napabitaw si Ren sa libro at napahawak kay Cheska. Bigla namang lumipad sa ere ang libro at lumiwanag, at sabay din sa liwanag na yun ay ang pagkawala ng magbestfriend.