Download App
58.33% SHE'S A BOOK CHARACTER (Lesbian) / Chapter 7: Earth Element

Chapter 7: Earth Element

REN'S POV

Araw-araw kami nagsasanay sa paghawak ng espada, ganito ang naging buhay namin simula nung napadpad kami sa lugar nato. Ni hindi man lang nila kami pinasyal. Ilang buwan narin ang nakalipas, nababagot tuloy ako, gusto ko kasi ng break. Hindi rin mawala sa isip ko yung narinig kong pinang-usapan nina Claude.

"Kyaahhh… humanda ka Kia.. Ahahaha!!!" sigaw ni Cheska habang nag-eesparing sila ni Kia. Buti pa tong dalawang to, nag-eenjoy sa mga nangyayari. Ano na kaya nangyari sa mundo namin? Nag-aalala na siguro si mama at si kuya.

"Tulala ka dyan?" sabi nong lalaki na nagpabalik ng ulirat ko.

"Ikaw pala Claude, may iniisip lang ako." sabi ko na nakatingala sa langit

"May hinahanap ka sa kalangitan?" sabi niya at lumingon ako sa dako niya

"Baka kasi makita ko yung daan pabalik sa amin dyan sa langit" sabi ko na may ngiti dahilan para magbago ang ekspresyon niya

"Gusto mo na talaga makabalik sa inyo?" seryosong pagtatanong niya

"Ou, ayaw kong pag-aalalahanin si mama at kuya. Talaga bang wala ng paraan para makabalik kami? Hindi naman kami sanay sa mga ganito. Tingnan mo nga yung dalawang yun." sabi ko sabay turo kina Kia, tiningnan niya rin ito at ngumiti sya ng napakalapad.

"Nakangiti ka dyan?"

"Hindi nga kayo sanay humawak ng espada. Ganyan din ako noon, sampung taon rin akong nangsanay, dahil yun sa pagmamahal ko sa lupain ng Neo Verona. Araw-araw akong nagsasanay para pag dumating ang mga panahon ng pananakop ng taga ibang palasyo ay maipagtatanggol ko ito laban sa kanila." Seryosong sabi niya

"Gusto mo ipasyal kita sa buong lupain?" sabi niya at agad napalingon ako sa dako niya at ngumiti.

"Talaga!? Ipapasyal mo ko?"

"Ou, pero talunin mo muna ako." sabay hatak niya sa akin at hinagis ang espada. Umiwas ako ng ihagis niya ito, hindi naman ako magaling sumalo noh.. Hinamon pa ako ng kumag eh wala naman akong kaalam-alam nito.

"Baliw ka ba!? Bat mo hinagis? Pano kung natamaan ang maganda kong mukha!?" galit kong sabi

"Tss. Nakailag ka naman eh, at tsaka, hindi ko papayagan na matamaan yang mukha mo? Ayaw kong magpakasal sa taong walang mukha. Hahaha" pang-aasar niyang sabi. Nag init tuloy tong mukha ko. Kumag nato, nalala pa pala yung sinabi ko. Binabawi ko na yun… ayokong mamalagi rito.

"Tutulala ka nalang ba dyan o susugod ka?" sabi niya, my gosh.. ba't ang lapit lapit niya sa mukha ko, hindi ko namalayan yun ah. Ilang sentemetro nalang yata ang pagitan ng pagmumukha namin sa isa't isa.

fx *Boogsh….

"Ay sorry Be---" sabi ni Cheska ng makita kami ni Claude na…

"Manyak!!!" sigaw ko, at agad na bumangon.

"Anong manyak na naman pinagsasabi mo? Ikaw nga tong nanghalik tapos ako pa sasabihan mo ng manyak" sabi niya. Wala talagang matinong sasabihin ang pangit nato kaya ang ginawa ko

PAAAKKKK

Namumuro na sya sa pangmamanyak sa akin kaya nararapat yan sa kanya, hindi ba pangmamanyak tawag sa kanya kahit nakahawak sya sa dalawang hiyas ko, ou guys hawak niya dibdib ko habang ako nakapatong sa kaniya, and worst…naglapat ang mga labi naman…arghhh!… hindi na virgin ang lips ko.

O_O ganito ang reaksyon niya

-__- Kia

OoO Cheska

"Sis, wala naman syang kasalanan, nabangga kasi kita… sorry." sabi ni Cheska ng nakabawi na sa pagkagulat.

"Kasalanan niya yun be—" naputol ang sasabihin ko ng may patakbong sumisigaw sa dako namin.

"Claude!!! Huh---huh" hingal na sabi ni Rowan

"Ano yun Rowan?" sabi niya ng makabawi rin sa pananampal ko.

"Natagpuan na namin ang ika-apat na tagapagtanggol, ang earth element." sabi ni Rowan ng makabawi sa hingal niya sa pagtakbo.

"Talaga!? Ibig sabihin kumpleto na ang four elements?" masayang sabi ni Claude, at nagpangiti sa aming tatlo ni Kia

"Hindi Claude, mukhang hindi kailanman makukumpleto." sabi ni Rowan, agad akong kinabahan sa sinabi niya, di ko alam ang dahilan, parang kinukutubahan ako.

"Anong ibig mong sabihin?" sabay na sabi nina Kia at Cheska

"Hindi sya kapanig natin, andon sya sa northeast ngayon at kasalukuyang sinasalakay ang mga palasyong nandon, andon na si Rome at nakikipaglaban." Seryosong sabi ni Rowan

"Ano pang ginagawa natin dito, tulungan natin sila, ihanda ang mga mandirigma, tutulong tayo!" sigaw na sabi ni Claude, nang akmang aalis na sya ay pinigilan ko sya.

"Claude, sasama ako."

"Ako rin!" sigaw ni Kia

"Ano pa bang magagawa ko, damay na ako dito." Pagsang ayon ni Cheska

"Wag na Ren, hindi pa kayo handa, at higit sa lahat, hindi natin alam ang naghihintay sa atin doon, dito nalang kayo." pag-aalalang sabi ni Claude

"No! I insist. Ano pa't nagsanay kami kung di namin ito gagamitin." seryosong sabi ko

"Oo nga Claude, para narin makaranas kami ng digmaan at makapaghanda sa susunod kung mangyari man uli ito" – Kia

"Pero" –Claude

"No but's, tutulong din kami" – ako

"Claude, handa na ang mga kabayo, aalis na tayo!" Sigaw ni Rowan

"O sige, sumakay ka sa kabayo ko" Sabi ni Claude sabay hawak sa kamay ko at hila papunta sa kabayo na sasakyan namin.

"Rowan, isakay mo si Kia sa kabayo mo at ikaw naman Francisco isama mo si Cheska, bantayan nyo silang maigi, wag nyung iwawala ang paningin nyo sa kanila." Sabi ni Claude pagkalingon niya sa dako ni Rowan at nong lalaki.

"Ano? Isasama mo ang mga iyan? Ano namang maitutulong nila? Ni hindi nga sila marunong makipaglaban? Magiging pabigat lang sila Claude!" sabi ni Rowan na may halong galit

"Wala ng tanong tanong pogi, tara na baka wala na tayong maabutan don" sabi ni Kia sabay hatak niya kay Rowan, wala na itong nagawa kundi isakay si Kia sa kabayo, ganun din si Francisco.

Tinulungan naman ako ni Claude na makasakay sa kabayo niya. First time ko to. excited much.. Ano ba naman, nasa kalagitnaan kami ng digmaan kong makapagreact ako sa pagsakay ng kabayo.

"Kumapit ka ng maigi Ren." sabi ni Claude at agad pinatakbo ang kabayo ng matulin. Ang bilis ha, parang motor lang?

Ilang minuto lang ay narating namin ang lugar ng digmaan. Nakita namin ang mga tao, kanya kanyang takbuhan, may mga bata rin na umiiyak. Mukhang tama nga si Claude, hindi ko kaya ang mga nakikita ko.

Bumaba kami sa kabayo at agad agad ay may sumulong sa aming mga nakaitim na armor, buti nalang at namalayan iyon ni Claude at napatay. Kitang kita ko kung pano itinurok ni Claude ang espada niya sa kanyang kalaban, tinakpan ko nalang ang mga mata ko. Nakita ko rin sina Kia at Cheska na pinoprotektahan nina Rowan at Francisco.

"Rome!!!" Sigaw na sabi ni Claude sabay takbo sa kinaroroonan ni Rome, sumunod ako sa kaniya, at kita kong halos walang malay na si Rome at pinipilit magsalita.

"Claude, u-umalis na ka-kayo rito, ma-malakas siya. Bilisan nyo ba-bago pa mahuli ang la-lahat" sabi ni Rome na tuluyang nawalan ng malay.

"Claude, Ren!" sigaw ni Rowan, ngunit hindi pa kami nakapagreact ay bigla kaming tumilapon ni Claude

"Re-Ren? Ok kalang ba?" sabi niya ng nakayakap sa akin. Claude protects me by hugging me tightly. I saw blood escaping from his head. Sa pagkakataong ito, masasabi kong hindi niya ako minanyak, kundi sinisiguro niyang hindi ako masasaktan.

"Claude, bat mo ginawa yun?" sabi ko na puno ng pag-aalala

"I must protect you my priestess, your our only hope to defeat Dark King, I will risk my life for you, for the three of you."

Dug-dug dug dug parang wala akong narinig na iba kundi ang boses niya at kabog ng dibdib ko, samahan mo pa ng nakakaakit niyang mga ngiti. Ngingiti-ngiti pa tong kumag nato eh, napuruhan na nga. And my gosh, na hypnotize yata ako ah. Hindi ako makapag salita, dinala niya ako sa lugar na kung saan pwede akong magtago pero makikita mo parin ang mga nangyayari.

"Dito ka lang Ren, magtago ka, I will protect you, haharapin ko muna ang demonyong yan." sabi niya at akmang aalis papunta sa kalaban, na sa kasalukuyan ay nakikipaglaban sina Rowan at Francisco. Di ko Makita ang mukha ng kalaban nila dahil nakasuot ito ng itim na hood na may kapa.

"Claude, mag ingat ka." sabi ko ng may pag-aalala, nandito narin sina Kia at Cheska sa tabi ko.

"Ou naman! Magpapakasal pa tayo eh. Hahaha magtago lang kayo ha, Cheska. Itikom mo muna bibig mo, kahit anong mangyari wag na wag kayong lalabas at magpapakita sa mga kalaban, babalik agad ako rito, tatalunin ko muna sya." Sabi niya na may halong pag-aalala. Agad siyang umalis at pumunta kina Rowan.

Kasalukuyan silang nakikipagdigma sa kalaban, si Rowan at Claude ay nakikipaglaban sa taong may hood, siya yong sinasabi ni Rowan na earth element, kasi, kaya niyang pagalawin ang lupa pero hindi lang ito ang kaya niyang gawin, napapagalaw nya rin ang mga bagay sa paligid niya. Samantalang si Francisco at ang iba ay nakikipaglaban sa ibang mandirigma. Pinipigilan nilang malapitan sina Claude at Rowan dahil busy sila sa pakikipagtunggali.

"Owh Romeo, my Romeo, andito na ako, ang Juliet mo. Gumising ka na." sabi ni Cheska. Oo nga noh, kung ako tatanungin, si Rome ay si Romeo Capulet, samantalang si Cheska ay si Juliet Chesk Crimson, meant to be lang ang mga peg nila..

"Sira ka talaga Cheska, maya mo na landiin yan, nandito tayo sa kasagsagan ng digmaan, inuuna mo pa yang paglalandi mo." Pagsermon ni Kia

"Tsk, epal lang, wala kasing love life." sabi ni Cheska, napangiti nalang ako sa dalawa, lagi kasi silang nagbabangayan

"Oh my ghad, Claude!!!" sabi ni Kia, agad ako dumungaw sa tinitingnan niya

"Ren san ka pupunta, sabi ni Claude, kahit anong mangyari hindi tayo lalabas dito" pagpigil ni Kia sa akin

"Eh anong gagawin natin dito? Tutunganga habang si Claude at ang iba ay nilalagutan na ng hininga?"

"Besh?"

"Hindi ako magtatago lang dito, tingnan nyo si Rowan, nakahandusay na, si Claude? Pilit na bumabangon. Tapos ako? Maghihintay lang? Hindi ko magagawa yon" sabi ko sabay takbo papunta sa kinaroroonan ni Claude

"Claude!!!"

"Ren? ba-bat ka lu-lumabas? Kia? Cheska? Bakit?" sabi niya, sumunod rin pala sa akin ang dalawa

"Hahaha Ren, what a lovely scene. Hahaha" sabi nong demonyo habang hawak-hawak si Claude sa leeg. Tinawag niya akong Ren? Kilala niya ba ako?

"Wa-wag mo silang gaga-galawin" pautal-utal na sabi ni Claude

"At anong gagawin mo? Ipagtatanggol sila? hahaha hindi mo nga kayang ipagtanggol ang sarili mo laban sa akin. Hahaha ang tapang mo naman." tawang sabi ng demonyo, pero parang pamilyar sa akin ang boses niya, hindi ko lang matandaan.

"Hahaha wag kang mag-aalala, aalagaan ko sila ng mabuti. So this is goodbye for your prince charming Ren hahaha" sabi niya sabay tarak ng espada niya sa katawan ni Claude

"Claude!!!" sigaw naming tatlo

3RD PERSON'S POV

Tuluyan na ngang naisaksak ng kalaban ang kanyang espada sa katawan ni Claude. Walang malay namang hinagis niya ito. Habang sina Cheska at Kia ay di alam ang gagawin at natatakot.

"Ba't mo ginawa yun?" malumanay na tanong ni Ren

"Ganyan lang ba kadali sayo ang kumitil ng buhay!!!" galit nyang sabi at kasabay nito ay may enerhiyang bumalot sa kanya, para itong apoy na nakapalibot sa buong katawan nito. Nagulat naman sina Kia at Cheska sa nakita nila.

"Fire element, isa ka rin pala sa element na kinakailangan ko. hahahah" sabi ng lalaking nakahood.

"Magbabayad ka!!!" sigaw ni Ren na agad namang lumaki ang apoy na nakapalibot sa kaniya at may siyam na dragon ang lumabas dito. Nagulat naman ang lalaki dahil hindi ito ang inaasahan niya. Agad siyang sinulong ng mga dragon na lumabas kay Ren at nilamon sya nito.

"Ren? Bakit mo ginawa sa akin to?" sabi nong lalaki, matapos siya sulungin ng mga dragon, hindi sya masyado napuruhan dahil agad itong gumamit ng kapangyarihan, tanging ang damit niya pang itaas ang nasunog at may konting mga galos, naaninag ni Ren ang mukha nito. Nagulat siya, at dahil dito ay agad namang nawala na parang bula ang mga dragon at ang apoy na pumapalibot dito.

"Kuya/Leo?" sabay na sabi nina Ren at Cheska samantalang si Kia ay pilit sinisink in sa utak niya ang mga nangyayari.

"Ako nga ito Ren, kinakalaban mo na pala ako ngayon? Kala ko ba mahal mo ko? Diba magkapatid tayo, bakit Ren?" sabi ni Leo

"Kuya, hindi ko sinasadya." sabi ni Ren na mangiyak ngiyak, tila nakalimutan na ang nag-aagaw buhay si Claude, Rome at Rowan dahil dito.

"Okey lang yun Ren, halika dito, namiss kita, sumama ka sa akin, lipunin natin ang mundong 'to." nakangiting sabi ni Leo sa kapatid

"Hindi kuya! Itigil mo to! Hindi mo ba nakikita ang pinaggagawa mo? Maraming tao ang nadadamay sa kagagawan mo!"sigaw ni Ren na napagtanto ang ginawa ng kuya niya.

"Hahaha hindi Ren, naalala mo pa ba ang pangarap ko? Ang gusto ng Papa natin? Hahaha ito na oh, makakamit ko na, hahaha diba sabi mo tutulungan mo ako at susuportahan pero bakit ngayon? Kung tutol ka dito, kahit ikaw ay di ko sasantuhin kong pipigilan mo'ko sa mga gusto ko!" sabi nito at agad nabiyak ang mga lupa

"Kamahalan! Dumarating po ang ibang mga mandirigma sa iba't ibang kontinente ng silangan, at hilagang silangan, masyado po silang marami. Nangangalahati nalang po kaming tagasunod mo." sabi nong isang mandirigmang nasasakupan ni Leo

"Umatras na tayo, ayaw kong maubos ang mga tagasunod ko." Sabi ni Leo at humarap sa gawi ni Ren

"Ren, hihintayin kita sa timog, sa kaharian ko. Mahal kita kapatid ko, sana suportahan mo ako. Hanggang sa muli natin pagkikita." at agad itong umalis at naiwan sina Ren doon

"World domination" salitang lumabas sa mga labi ni Ren at nawalan na ito ng malay.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login