NAGISING si Leighana sa mahihinang katok, kasunod ng mahina ring pagtawag sa pangalan niya.
She recognized her mother's voice.
"Bukas po 'yan, Ma." mahina niyang tugon at marahang bumangon sa kinahihigaan at sumandal sa headboard ng kama.
Alas siyete. Iyon ang nakita niyang oras nang tumingin siya sa nakasabit na orasan.
Nakatulog pala siya.
Tatlong araw na mula nang bumalik siya galing Davao. At sa loob ng tatlong araw na iyon, aminin man niya o hindi, umaasa siyang bigla na lamang lilitaw sa pintuan nila si Ziv, kagaya ng sinabi ng Mama nito.
Ngunit bigo siya.
Sa loob ng tatlong araw, ni ha, ni ho, ay wala siyang narinig mula rito.
Diyata at sinukuan na siya nito.