Grabe ang labanan sa loob ng video na kanilang pinanood. Kitang-kita na ibang level ang labanan kung ikompara sa mga katulad nilang estudyante lamang.
Ang malaking ibon na nasa ibabaw ng ulo ng mama ni Mina ay isang Spiritual Beast. Isa itong uri ng spiritual na hayop na mula sa ibang dimension. Para mapaamo ang klase ng spiritual na hayop ay kailangan muna ng bawat isa na sumailalim sa isang kontrata.
Ang parang sunrays nitong atake ay sinusundan ang Devil Helly kahit saan man magpunta. Para itong nag-ricochet sa imbisibol na salaming pader.
Napakabilis nito at kitang-kita kung gaano kainit.
Ilang sandali...
Swoosh! Gek! Sa wakas ay nahagip nito ang isang braso ng Devil Helly kung saan siya'y napaiyak.
Agad itong nalusaw at nag evaporate na parang isang basong tubig na ibinuhos sa nagbabagang bulkan.
Napapigil sa paghinga ang mga nanonood habang iniisip na sana direktang tinamaan sa sintedo ang kalabang Grand Lord na halimaw.
Biglang nawala ang imahe ng Devil Helly at lumitaw sa medyo malayo sa dati nitong kinatatayuan.
Ngunit, bago pa ito makahing ng maluwag ay parating nanaman ulit ang parang nagliliyab na sunrays na atake ng Spiritual Beast na summon ng mama ni Mina, ang isa sa rank S magician ng pilipinas.
Bago tumama ang nagliliyab na sunrays ay nawala na sa kinatatayuan niya ang Grand Lord. Mabilis na naglaho ulit ang imahe ng Devil Helly at lumitaw sa malayo-layong parte.
Napangiwi ang Devil Helly nang napansin nito na walang patutunguhan ang kanyang pag-iilag.
Napasigaw naman ang mga nanonood ng video habang nagsisigaw na 'tapusin ang halimaw!'
Maya-maya ay itinaas nito ang isang natitirang kamay sa ere at bigla ay may parang dragon ang mabilis na lumipad sa kalangitan.
Nagulat si Mina, Kesha at pati narin si Maena dahil sa pamilyar na abilidad na ito.
Katulad ito ng atake ni Maena na tinatawag niyang Ice Drop.
Ngunit lingid sa kanilang inaasahan ay hindi nagtitigasang yelo ang sumunod. Kundi malakas na ulan. Dahil dito ay humina ang nag-aapoy na malaking ibon sa ulo ng mama ni Mina.
Nagulat ang lahat sa biglaang pag-ulan na animoy biglang bumagyo ng napakalakas.
Dahil dito ay mas lalong nahirapan ang mga sundalo na lumaban.
Patuloy parin ang labanan sa ibang parte. Ang grupo naman nila Captain BB Presyo ay kinalaban ang heganting buwaya habang pinipigilan itong sirain ng tuluyan ang pader.
Marami naring mga halimaw ang nakapasok at maririnig rin ang mga pagsigaw sa paligid.
Napakagat labi nalang si Kumander habang sumisigaw ng, "fire!"
Bang! Bang! Bang...
Mula sa mga magic array na makikita sa bunganga ng kanikanilang magic-based firearms, ay nagliparan ang iba't ibang kulay ng mga magical na bala patungo sa nakalutang na malaking octopus na animoy sarangola.
Mula sa katawan nito ay nagsitalunan ang mga maliliit na halimaw. Hindi lang yun, nagpapakawala pa ito ng kulay itim na likido mula sa parang hose nitong bunganga.
Medyo 1/4 na ng kabuuan ng siyudad ang nawasak dahil sa malawakang pag-atake ng mga halimaw.
Ngunit tanging mga sundalo lang ang kasalukuyang narito sa parting ito ng siyudad. Bago pa nagsimula ang laban ay agarang pinag-uutos ng mayor ng siyudad na ilipat sa evacuation center ang mga residente.
Takot na takot naman ang mga tao na nasa loob ng evacuation center. Lalo na kapag biglang lumindol. Iniisip nila na malapit na ang mga halimaw.
Sa totoo lang ay nasa tagong underground area ang mga residente.
Napayakap ng mahigpit ang isang batang babae sa kanyang ina habang sinasabing, "Huwag kang mag-alala ina, pinapangako kong proprotektahan kita!"
Hinimas ni Aling Marie ang ulo ng anak na si Yana habang pilit na nagpakawala ng ngiti. Ramdam din niya na nanginginig ito. Mukhang kahit takot ito ay pilit parin na pinapalakas nito ang kanyang loob. Hindi tuloy mapigilan ni Aling Marie na ngumiti habang nagdadasal na sanay maging okay ang lahat.
Na sanay mailigtas ang siyudad lalo na ang mga residenteng naninirahan dito. Pati narin ang mga sundalong pilit na nilalabanan ang mga halimaw.
Patuloy parin ang labanan at unti-unting nadidihado ang grupo ng mga sundalo.
Napakunot noo naman si Mina nang makitang ni-recall ng kanyang ina ang summon nitong nag-aapoy na ibon.
Marami sa mga sundalo narin ang binawian ng buhay at pinagpipistahan ng mga halimaw. At marami pa ang dumarating mula sa kalapit na siyudad para magresponde sa Sitona. Patuloy parin ang labanan habang marami na ang nalalagas sa grupo ng mga sundalo at mga halimaw.
Kahit si Manong Vlogger ay hindi nagpahuli at gumamit din ito ng pana. Makikita sa video na itinuon ni Manong Vlogger ang kanyang pana sa isang halimaw na may katawan at ulo ng isda ngunit mga kamay at paa ng tao. May hawak itong parang malaking tinidor na sandata. Habang pilit nitong isinaksak ang matutulis na dulo nito sa isang sundalong natumba. Makikita ang, [Abnormal Fish] na pangalan ng halimaw sa ibabaw ng ulo nito.
Bago pa nito tamaan ang sundalo ay pinakawalan ni Manong Vlogger na si NoToFakeNews ang palaso na kanyang hawak.
Ang palaso ay parang nababalutan ng liwanag. Pero alam ng lahat na isang high grade equipment ang pana ni Manong Vlogger. At mukhang may wind element ito.
Pagkatapos baybayin ang ere ay direkta itong lumanding sa isang mata ng isdang halimaw at tumagos sa kabilang mata. Dahil manipis ang ulo at katawan nito na animo'y isang 2d character ay nasa isang side ang isang mata at katapat naman nito ang isa pang mata sa kabilang side.
"Nice hit!" Nagthumbs up ang sundalo sa direksyon ni Manong Vlogger at bigla itong gumulong papunta sa kanyang sadata na nabitawan.
Tumango lang si Manong Vlogger habang pinunasan ang mukha na ngayon ay basang basa na dahil sa biglaang pag-ulan. Ito ay dahil sa abilidad ng Grand Lord.
Muling lumingon si Manong Vlogger sa paligid. At kitang kita na nalulugi na ang mga sundalo. Kahit na marami pang nagsidatingan.
May mga magician rin na dumating na mula sa sikat na guild ng pilipinas. Isa na rito ay ang guild ng GODKAH. Ang kanilang mga miyembro ay puro naka-topless na lalaking may bato batong katawan.
Bawat isa sa kanila ay hindi basta-bastang magician. Kaya lang, lahat sila ay tigasin lang ang katawan pero malambot ang puso.
Sa too lang ay, hindi lang ang kanilang puso ang malambot, pati narin ang pagkembot ng katawan ay malambot din.
Biglang kinilabutan ang isang sundalong napadaan nang hablutin ng isang miyembro ng GODKAH ang kanyang harapan.
"Hinayupa—" Galit na napalingon ang sundalo ngunit nang makita ang makapal na labi na nakalipstick pa na may kasamang makeup sa mukha. At bato-bato nitong topless na katawan. Ay biglang naputol ang nais nitong sabihin.
Biglang namutla ang sundalo at agad nahimatay.
"Healer! Healer! Medic! Medic!" Taranta namang napasigaw ang kasamahan nito.
Rinig rin ang paglunok ni Manong Vlogger nang kindatan siya ng isa pang miyembro ng GODKAH.
Limang [Abnormal Fish] ang tumalon mula sa itaas at lumanding sa harap mismo ng grupo ng mga miyembro ng GODKAH guild.
Ngunit parang nag-alinlangan ang mga halimaw na umatake. Siguro naisip nila na mga halimaw rin ang mga nasa harap nila.
Ngunit sabi nga nila, na sa magkagrupo ay may bida-bida. Isang [Abnormal Fish] ang humakbang sa unahan at itinutok nito ang hawak na malaking tinidor sa isang miyembro ng GODKAH. Sa kulay pink na boxer short nito ay nakasulat ang word na PINKY ng makapal.
"Sister Pinky, mukhang type ka ng isang lokaret na itits!" Malakas na bosses na bulalas ng kanyang katabi.
"Ara ara, how cute..." sabi ng lalaking may pangalang Pinky sa halimaw na nasa kanyang harapan.
Biglang may lumabas na malaking pawis sa ulo ng halimaw. Pero hindi ito nasindak at sumugod.
Isinaksak nito ang hawak na malaking tinidor sa kalaban at tumama sa 6 packs nitong abs na sinundan ng animo'y tunog ng bakal.
Ilang sadali ay ngumiti si Pinky at nagpakawala ng flying kiss sa halimaw. Biglang nawala ang imahe ng halimaw na kung saan napunta ay walang may alam. Pati narin yung apat pa na nasa likod nito ay nawala. At sa kanilang kinatatayuan may isang malaking butas ang makikita.
"Mukhang waley parin kakupas-kupas ang flying kiss mo Sister Pinky," bulong ng kanyang katabi habang niyayakap ang sarili na feel na feel ang pagiging sexy.
"Hi, pogi!" Sigaw ng isa pang miyembro na nagkindat kanina kay Manong Vlogger.
Biglang napalunok ulit si Manong Vlogger habang nag-alinlangan na mag-reply ng 'hello.'
Pero kahit papaano ay nagawa niyang mag-reply.
Buhay niya nakasalalay dito!(LOL)