Download App
76.53% Self Healing Magic / Chapter 75: Basura?

Chapter 75: Basura?

Hindi alam ni Yman kung bakit nasabi ni Uncle Sar na girlfriend niya ang apat. Sa totoo lang, sa panahon ngayon ay hindi bawal ang polygamy, dahil sa pagbaba ng populasyon noong kasagsagan ng trahedya sa nakaraang mahigit isa at kalahating siglo. Pero ni minsan ay hindi pumasok sa isip niya na magkaroon ng higit sa isang syota. Kung magkataon man na magkakasyota siya, ay okay na sa kanya ang isa. Basta mahal at totoo sila isa't isa.

|Madaling magkaroon ng crush, pero mahirap hanapin ang totoong minamahal. Erm... nagiging korni na yata ako. Hah.| Nagpakawala nalang siya ng hangin sa bibig dahil sa kakornihan ng iniisip.

Pero para kay Yman ay mahirap parin isipin na magiging girlfriend niya ang dalawa o kahit isa sa kanila. Lalo na't ang gaganda at mayayaman pa. Lalo na ang tomboy na ito. At hindi pa niya nakalimutan na naging friendzone siya kay Mina. At ayaw niya abusuhin ang kabaitan ni Rea. Si Maena naman, para sa kanya ay babae ata ang tipo ng tomboy na'to.

Kaya ayaw na niya umasa pa. At okey na sa kanya na maging kaibigan ang mga babaeng to. Sa ngayon ay uunahin niya muna ang pagpapalakas. Dahil nawala na ang pinapangarap niyang propisyon na Magic Doctor, ay mas mabuti pa sigurong magpapalakas nalang siya para magkaroon ng magandang trabaho pagkatapos niya ng Akademya. Baka maging miyembro pa siya ng Magic Association ng Pilipinas. O kung hindi man ay maging sundalong magician ng Pilipinas.

Sa isang silid naman ng Blue Horizon Inn, isang binata ang nakaupo sa tapat ng makintab na mesang parisukat. Sa kanyang kamay ay isang basong may laman ng likidong may matapang na amoy. Naniningkit sa galit ang kanyang hitsura na animo'y may bumabagabag sa kanya. Ilang sandali ay,

Pang!

Galit na sinuntok ni Undying ang mesa nang malaman na sumama ang tatlong babae kay Yman.

"Papatayin kita hayop ka!" Pinagsalubong niya ng malakas ang mga ngipin habang sinasambit ito. Kani-kanina lang ay tinawagan niya si Kesha at nalaman niya mula rito na sumama ang tatlo sa lalaking kakilala ni Mina.

"Ang lalaking yun nanaman! Ano bang meron sa lalaking yun at sunod ng sunod si Mina?!" Binato ni Undying ang hawak na baso sa sahig *Klang!* na sinundan ng malakas na ingay ng pagkabasag at natapon sa sahig ang laman nitong likido na mabilis na nag-evaporate. Naningkit ang kanyang mga mata at nagliwanag sa sobrang galit. Nung una ay hinayaan lang niya dahil akala niya pakikipagkaibigan lang ang gusto ni Mina sa lalaking ito. Pero nakakahalata na at kapansin pansin din na may gusto si Mina sa lalaking iyon! Una ay yung pagyakap ni Mina. Pangalawa sa party, bigla niya itong pinagtanggol at tanging ang lalaki lang yun ang hinayaan niyang makasayaw sa kanya. "Bakit Mina?! Nung niyaya kitang sumayaw ay tinanggihan mo ako sa malabong dahilan. Pero nung makita ang lalaking yan ay ikaw mismo ang nagyaya rito! At ngayon sumama ka nanaman sa lalaking yan!" Galit niyang sambit sa isip.

Malakas na kinuyom ni Undying ang kamao at halos hindi na maiguhit ang mukha sa galit.

"Dahil nalang lagi sa lalaking yan!" Para kay Undying, kung tutuusin mas lamang naman siya dun. Sa hitsura, sa yaman, at sa mahika. Pero bakit sa lalaking yun nahuhumaling si Mina? Na parang baliw sunod ng sunod! Hindi katanggap tanggap ito para kay Undying na matagal na, na may gusto kay Mina. Kaya sa puntong ito ay hindi na niya hahayaan pa ang lalaking tinatawag nilang Yman. Dito palang ay tatapusin na niya ito bago pa mahuli ang lahat at magiging dahilan kaya hindi matupad ang pinapangarap niyang Harem.

Sa kanyang isipan, na kung maangkin niya si Mina ay paparusahan niya ito. Gigil na gigil na siya sa babaeng yun.

Nag-isip muna ng maayos at kinalma ni Undying ang sarili. Dahan dahan ay kumurba paitaas ang kanyang bibig at dahan dahang sumisilip ang mga ngipin. Isang hindi magandang ngiti ang kanyang pinakawalan. At ang mga mata niya ay may makikitang pagkinang.

Ilang sandali ay binuksan niya ang kanyang Interface at may kinontak.

Dialing...

Dialing...

Click!

Hello?!

~~~~~~~~~~Okey!

Kasalukuyang nakikipag-usap si Yman sa ama ni Ras sa mga oras na ito. Sinabi niya na may isa siyang kondisyon. Tinanong siya kung ano ang kanyang kondisyon para pumayag sa alok nito. Hindi sumagot si Yman, ngunit may kinuha siya mula sa kanyang Cyber Storage.

"Eeeh, Ano ang mga yan? Basura?" Mula sa likod ni Yman ay dumungaw si Maena habang tinatanong ito.

"Hah, hindi yan basura." Sabi niya sabay pakawala ng hangin sa bibig.

"Yman, kung nangangailangan ka ng pera ay pwede naman kita pahiramin." Sabi ni Maena habang may lungkot at awa na makikita sa mga mata.

"Yman, kung gusto mo, bigyan nalang kita ng pera o di kaya ay magagandang equipments." Bigla namang sambit ni Mina nang marinig ang sinabi ni Maena. May lungkot at awa rin na gumuhit sa maganda niyang mukha.

Nagulat si Kesha sa sinabi ni Mina. Dahil ang bff pa talaga niya ang nag-offer. Napaisip tuloy siya kung sobrang sobra ba talaga ang pagmamahal ni Mina sa lalaking to. Pero kumunot ang kanyang noo nang malaman na nag-iipon pala ito ng mga basurang gamit. At lalo siyang nagtaka kung ano ang nagustuhan ni Mina sa lalaking to.

Kinamot nalang ni Yman ang pisngi dahil sa sinabi ni Maena at Mina. Nakadama tuloy siya ng pagka-awkward.

"Ano bang pinagsasabi ng dalawang to? Nasasayangan lang naman ako sa mga item. At tsaka pwede pa ito pagkaperahan o di kaya magamit." Sa isip ni Yman.

Hindi nagsalita si Rea dahil feeling niya may dahilan si Yman. At kung item ang pag-uusapan, sa tingin ni Rea hindi na kailangan ni Black Magician yan. Napaisip tuloy siya kung hindi ba alam ng mga kaibigan ni Yman ang tungkol sa pagiging Black Magician niya.

"Niloloko mo ba ako kid?" Bigla namang tanong ni Sar.

"Syempre hindi. Tingnan mo Uncle Sar." Sabi ni Yman habang dinampot ang isang piraso na sirang baluti. "Wala ka bang napapansin dito?" Sabi niya sabay pakita sa dinampot na baluti.

"Isang high grade armor?" Naningkit ng bahagya ang mga mata ni Sar habang sinusuri ng maigi ang mga sira sirang gamit na inilapag ni Yman.

"Oo, pero dahil sa sira sira na ang mga ito ay mahirap na mapansin ang kinang. Ang gusto ko lang Uncle Sar ay ibalik mo sa dating ayos ito. At mas mainam kung mas lalo mo pang pagandahin."

"So ito pala ang kondisyon mo?" Napaisip tuloy si Sar kung pulubi ba ang binatang ito. Bakit kaya pinag-aksayahan pa ng oras ng binatilyo na damputin ang mga ito. Ngunit habang tinitingnan ni Sar ang mga sirang armor, ay biglang may parang lumitaw na ilaw sa ibabaw ng kanyang ulo.

Tumango si Yman bilang tugon at nagpatuloy, "Kahit isa lang ang maisalba mo uncle Sar, okay na sa akin."

"Sige, tingnan ko kung may magagawa ako Kid."

Ang mga kinuha ni Yman mula sa kanyang Cyber Storage ay ang mga samot saring armor na kanyang nakuha mula sa mga bandido. Napansin niya na iilan sa kanila ay nakasuot ng mga high grade armor. Pero dahil gutay gutay na ang mga ito ay mahirap na mapansin ang pagiging high grade ng mga armor nila. At hindi lang yun, mababa narin ang durability ng mga armor.

Kinalaunan ay nagpatuloy na sila sa paglalakbay.

Biglang namula ang pisngi ni Mina nang mapalingon sa kanya si Yman at tinitigan siya ng saglit.

"Y-Yman, bakit?" Nahihiyang sabi ni Mina habang namula ng bahagya ang pisngi.

"Dumaan muna tayo sa pamilihan," sabi niya sabay ngiti ng bahagya. Kailangan nila ng mga potions pangkontra sa mga debuff ng boss. At kailangan din nila bumili ng ibang gamit. Lalo na't desyerto ang kanilang pupuntahan. At naisip ni Yman na hindi maganda para sa desyerto ang kasuotan ni Mina at lavender girl. Habang siya naman at si Rea ay nakasuot pa ng uniporme. Kailangan nila magpalit ng damit.

"S-Sure," tumango si Mina sabay ngiti.

Habang naglalakad sa pamilihan ay napalingon si Yman kay Maena. Nagpatakas nalang siya ng hangin sa bibig, dahil kapansin pansin ang bago nitong armguard at combat boots. Pero alam niya na hindi ang stats ang habol ng babaeng ito. Kundi ang porma at kulay. Bata palang sila ay paborito na ni Maena ang kulay ginto. Sabagay nagbabago naman ang tao habang lumalaki lalo na ang kanilang kinahiligan. Pero mukhang si Maena ay ganun parin.

"Maena," tawag niya.

"Bakit?" Lingon sabay tanong si Maena sa kanya.

"May baon kabang mga potions?" Tanong ni Yman.

"Kunti," sagot ni Maena sabay lagay ng daliri sa ibaba ng bibig habang inaalala kung may dala ba talaga siya.

"Mabuti kung ganun, ano anong potions ba meron ka?"

Sinilip ni Maena ang kanyang Cyber Storage.

"Hmmmn, wala pala kahit isa, haha." Sagot ni Maena sabay labas ng dila. Na may kasamang "Tee-hee".

"Haaays, walang pag-asa ang tomboy nato. At huwag kang magpacute hindi bagay sayo!" Sabi niya.

"Eh? Talaga ba? Baka mainlab ka sa akin niyan." Tukso ni Maena. Nagdevil mode naman ang mga mata ng dalawang babae habang nakikinig sa panunukso ni Maena.

Feeling ni Yman ay tumindig ang kanyang mga balahibo sa ginagawa ni Maena. Pero mukha namang sinasadya lang nito na tuksuhin siya. Siguro ganti ito ni Maena sa pagtawag niya ng tomboy sa kanya. Kaya hindi na niya sinabayan pa at nagpatakas nalang ng hangin sa bibig.

"Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang mapatay ka ng halimaw." Taas noong bulong sa kanya ni Maena.

Ahem!

Ehem!

Halos sabay na umubo ang dalawang babae para agawin ang atensyon ni Yman at Maena.

"Teka lang Kesha, bakit sa babaeng yan ka kumakapit? Sino bang bestfriend mo?!" Biglang sabi ni Mina nang mapansin na si Kesha ay nakakapit sa kaliwang braso ni Rea. Nasa gitna ni Mina at Rea si Kesha habang si Yman at Maena ay nasa kanilang unahan at nag-uusap ng kung ano ano.

"Eh, p-pero ang c-cute kasi ni Miss Ella at ang ganda pa." Feeling close na sabi ni Kesha.

Hindi rin alam ni Rea kung bakit biglang kumapit sa kanyang braso ang babaeng ito na fan daw niya. Pero mukhang mabait naman kaya hinayaan niya lang kahit naiilang siya at gusto niyang humingi ng tulong kay Yman. Pero busy ata ang lalaking to sa pakikipag-usap sa kababata daw niya.

"Idiot Kesha!" Sabi ni Mina sa kaibigan.

"Eh? Mukhang nagseselos ata ang bestfriend ko ah. Sige na nga." Sabi niya sabay hawak ng kanyang kaliwang braso sa kanang braso ni Mina habang nakahawak naman sa kaliwang braso ni Rea ang kanang braso ni Kesha.

"Humph!"

Gustong maiyak ni Rea sa kanyang kalagayan at humingi ng tulong sa lalaki na nasa kanyang harapan. Pero hindi... habang iniisip ni Rea na hindi manlang lumingon sa kanya si Yman ay bigla itong lumingon sa kanya. Hindi lang yun, kinabig pa siya papunta sa dibdib ni Yman. Nagulat si Rea sa ginawa niya pero bakit kaya masaya siya sa ginawa nito.

"Sino kayo?" Malamig na tinig na sabi ni Yman na umabot sa tenga ni Rea. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabig ni Yman. Pero parang galit ang tinig nito kaya dahan dahan siyang lumingon sa likod.

Nagulat siya nang makita ang nasa likuran. Mga nilalang na nakabalot ng tela ang buong katawan.

Habang naglalakad ay nakadama si Yman ng mga hindi magandang intent sa paligid. Ngunit nagulat siya dahil ang mga intent na ito ay nakatutok kay Rea?

"D'Chaos?" Napatanong nalang sa isip si Yman nang makita ang mga kasuotan ng mga nagtangka ng hindi maganda kay Rea. Base sa intent na pinakawalan ay mukhang balak nilang dukutin si Rea.

Hindi niya alam kung anong dahilan at kung bakit pinunterya nila si Rea. Pero isa lang ang nakikita niyang dahilan.

"Dahil kaya sa Cryst?" Pareho ang katanungan na lumalabas sa isip ni Rea at Yman.

Nagulat naman ang tatlo pang babaeng kasama ni Yman. Dali dali na tumabi sa kanya si Mina at Maena. Habang si Kesha naman ay tumabi kay Mina, na nasa kanan ni Yman. Sa kanilang harapan ay limang nilalang na nakabalot ng tela ang buong katawan. Sa kamay ng isa na nasa pinaka gitnang harapan ay may isang metrong manipis na espada. Kasing lapad lang ito ng dalawang magkatabing daliri. Nagreplika naman ang matinding liwanag nang matamaan ito ng matinding sikat ng araw. Nakatakip ang kanilang mga mukha kaya hindi makinlanlan ang kanilang pagkatao.

Napansin ni Yman na may apat pang kasama ang mga kalaban. Ang dalawa ay nasa rooftop ng gusali na makikita sa kanilang kanan. Ang dalawa naman ay nasa bintana ng gusali na makikita sa kanilang kalewa.

Napaisip siya kung pinaghandaan ba na ambangan sila rito.

*

*

*

*

*

Sa oras na ito naman sa Akademya ng EMRMHS, ay abala sa training ang mga estudyanteng magician. Yung iba ay abala sa pag-grind sa labas ng Human City. Habang ang mga instructor ay abala rin sa pagtuturo sa kanilang mga estudyanteng magician na tinuturuan. Bawat isa ay determinadong matuto ng mga bagong malalakas na mahika. Lalo na't palapit na ng palapit ang kompetisyon.

Dahil sa wala si Yman at umalis din si Maena ay kulang ulit ng isa ang grupo nila Bob at Chloe. Kaya naisipan ulit nilang makipag-allied party sa grupo ni Steph. Kasalukuyan sila ngayong naghahunting ng mga Mini Boss sa silangang bahagi ng Human City.


CREATORS' THOUGHTS
Fhrutz_D_Hollow Fhrutz_D_Hollow

Vote lang ng vote para maging contracted authors na akoooo!! Para rin araw-araw na ang update na may kasamang crazy update.

next chapter
Load failed, please RETRY

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C75
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login