Download App
53.12% Red Thread / Chapter 17: Thread XVI

Chapter 17: Thread XVI

Ilang linggo ang nakaraan at ibinuhos ko ang sarili sa pagsulat ng balita. Marami na akong luhang pinahi, napagod ako. Pero patuloy pa rin ang agos ng buhay.

Itinuon ko ang atensyon sa mga mapanirang balita. Sa pagkakataong ito, wala na akong awa. Gumawa ako ng balita tungkol sa kabalbalan ni Ms. Palax, napatalsik siya. Nag-file din ako ng report ukol sa pagkain sa cafeteria, naipasa ito sa DOH at napag-alamang sila ay may paglabag sa Nutrition Standards na umiiral.

Mas naging bato ako, animo'y tuluyan nang nawalan ng konsensiya.

At ngayon, malapit na akong maging EIC. Kailangan ko ang posisyon na ito sa pagpapatalsik kay Mateo, ang Head Student na tinatawag na bayani.

Nagkakaroon kami ng interrogation sa pagitan ng Theater Club Adviser, Mr. Aquino. Ilang sandali pa at mapapatalsik na siya at magiging ganap na lider ako ng Diplomatic Urges.

May kinuha akong papel mula sa bag at inilapag ito sa lamesa, pinakita ito sa guro, sa financial head, at sa Chief Police.

"This was the financial report I made last August 9, 2020. The records were from last year. It says that the Theater Club has the major share to our fund since you always win in competitions. Pero hindi nagta-tally sa pinapasang report ng Faculty at ng Financial mula sa inyo, lumalabas dito na kayo ang may pinakamaliit na share. Nasa'n na 'to?" wika ko nang may awtoridad.

Pinanindigan ko na ang pagiging Stanford. Pinagmamalaki ko iyon kaya dapat na nila akong katakutan.

"I've told you many times, Mr. Stanford, we never received that big amount of money from contests," sagot ng kausap.

Si Financial Head, Semaning, ang nagsalita, "We got you a certificate." May kinuha siya sa kaniyang bag at inilabas ang sertipiko na patunay na sila ay nakatanggap ng pera. "You still won't admit it?"

Madiin ang pagkakatitig ni Mr. Aquino. Lakas-loob siyang umiling. Ngunit ito ay nawala nang magwika ulit ang FH, "Arrest him."

Umalis na ako sa eksena at nagsimulang sumulat ng balita tungkol sa nangyari. Masyadong madrama.

Pumunta ako sa club at doon nagpatuloy. Nilapitan ako ni Jeff. "Logan," panimula niya, "you're working too hard."

Pumasada ako ng tingin. "I'm doing this for the club. We needed to regain the throne we lost from DNS."

"I know," sagot niya, "but don't kill yourself from working hard. It won't do any better. You'll be our EIC. You have proven enough."

Itinigil ko ang pagsusulat. "Still lacking."

"I know you are doing this out of wanting to dethrone Mateo. He's been a good leader. Pabayaan na lang natin siya, puwede?"

Mahigpit akong umiling. "No, they are calling him a hero. Ridiculous!"

Sumagot siya, "That's because of Oliver."

"And we have a deal, Jeff. We can't back out now."

May bumukas na pinto mula sa Rest. Dumungaw ang lalaking pinag-uusapan namin. "What about me?"

Umigting ang panga ko dahil kay Oliver.

"Because of your news about blackmailing," si Jeff.

Tumugon ang kausap, "Still can't move-on from it?" Maikli siyang tumawa.

Binato ko siya ng tingin. "Kung hindi ka gumawa ng balita without my consent. This wouldn't happen."

Lumapit si Oliver sa may cubicle ko. Napaatras si Jeff.

"Natakot ka lang," panimula niya, "akala mo kasi pinagtrayduran na kita."

"Hindi ako natakot. Hindi lang ako nakapaniwala," sagot ko.

Sumabat si Jeff, "Oliver, that was an awful idea to frame-up Mateo. Pinagmukha mo pa talaga na siya ang nam-blackmail kay Ms. Palax. When clearly, it was Logan."

Bumalik naman sa alaala ko kung paano ako muntik na pagtaksilan ni Oliver.

"I thought, we could drag him down by fabricating information. But I really didn't know what happened, bigla niyang inamin na siya nga iyong nam-blackmail. And, students were stupid, they were praising and commending him from blackmailing that slut. As if Mateo did something lawfully heroic," dugtong ni Oliver.

Sumagot ako, "You made it worse."

Ngumiti siya sa akin. "I did it with enjoyment, unlike you."

Hinawakan niya ang frame ng kaniyang salamin bago muling ngumisi. Nagsalita siya, "So, how was our club doing?"

Few Weeks Ago.

Dinamayan ako ni Shion noong hapon ng Linggo habang lumuluha dahil kay Angela. Alam kong totoo ang sinabi na ayaw niya akong makita. Pero, hindi ko naman kasalanan iyon!

Nagalit ako kay Oliver. Sinuntok ko siya nang malakas nang magkita kami sa pasilyo. Mabuti na lang at hindi siya gumanti. Dahil magiging gulo iyon.

Nagpaliwanag siya na ginawa niya ang balita para pabagsakin si Mateo. Pilit niya akong pinakakalma ngunit hindi ko magawa dahil sa dayuhang galit na nararamdaman.

Pero iyon ay napawi nang mahimasmasan ako. Ilang araw muna akong nagkulong sa kuwarto, hindi ako pumasok. Hindi ako kumain. Maraming nangyari sa labas habang ako ay walang pake.

Ngunit napabangon din nang maungusan kami ng DNS. Bumaba ang rate ng Diplomatic Urges. Hindi ko alam kung sino ang nagbubulakbol sa mga kasamahan ko, dahil gumawa ng balita ang estasyon tungkol sa maduduming tactics ng pahayagan.

Muntik na kaming mabuwag. Tumayo ako at tumulong para maipagtanggol ang club. Kailangan ito. Alam naming bawat taon ay may binubuwag na club. At hindi puwedeng kami iyon.

Galit akong pumasok sa clubroom. Tahimik ang mga kasamahan ko. Masama ang loob ni Oliver. Wala akong ideya sa nangyayari maliban sa papalapit na katapusan namin.

Napag-alaman ko na kinabukasan ang araw nang pagpapasiya kung maaalis ang samahan namin. Masyadong madrama.

Habang nasa pintuan, ako ay nagsalita, "We need to move."

Lumingon ang labing-anim na kasamahan.

"There's no hope," sabi ni Angelyka. Siya ang pinakang apektado dahil binubuhos niya ang buong puso sa paggawa ng balita.

"Mayroon pa."

Wala si sir Willie, kasalukuyan siyang naka-leave nang isang buwan.

Nagpatawag ako ng meeting at sinabi ang kailangang gawain. Inilabas ko ang album na dala mula sa bahay namin.

"An album. Narito ang litrato ng first graduates ng Stanford," sabi ko. Kumunot ang kanilang noo.

"It was taken Year-2004. Nakasaad din dito na Year-2000 na-established ang Stanford," aking dugtong.

"Shoot. Ang daming paligoy-ligoy!" galit na wika ni Oliver.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at may ipinakitang litrato sa kanila. Ito ay ang Stanford's History First Edition, pinag-aaralan ni Khen.

"Stanford is hiding something. Lumalabas sa libro na Year-2004 naitayo ang paaralan. Pero naalala kong sinabi sa akin ni Mama na Year-2000 ito itinayo. May itinatago sila," wika ko.

Tahimik silang nakikinig habang tumatango. May idinugtong ako, "I will publish an article with regards of it. Ipapaalam natin sa buong Stanford ang tungkol dito."

Kagat-labi, kagat-kuko, kurap-mata. Lahat iyon ay ibinigay bilang reaksiyon.

"But just in case our club will be dissolved, join with me," sambit ko. Papaalis na dapat sila sa meeting area.

"Where?" tanong ni Jeff.

"On my secret club."

"What is the objective?" si Angelyka.

Sumagot ako, "Knowing the truth... and dragging down Mateo."

"What?!" mabilis na sabi ni Trisha, "hindi ka pa rin diyan tapos? Alam mo bang kaya napapahamak ang club natin dahil sa mga ginawa niyong balita ni Oliver? God! When will you guys stop!?"

Nagmartsa siya sa palabas ng pinto, padabog na sinaraduhan ito.

"Not interested," sabi ng mga kasamahan ko habang umiiling.

Maliban kay Oliver. "I'm in," sabi niya, ang mukha ay bahagyang naliwanagan.

"How about you, Jeff? Angelyka?" tanong ko sa dalawa.

Naghintay ako nang ilang segundo bago sila sumagot. Umuna si Angelyka, "I don't like the idea."

"Ditto," si Jeff.

Nagsalita ulit si Angelyka, "But I'll come. We fight as one. And I'm there only to give you advises, okay?"

Malawak ang ngiti ko habang tumatango.

"So, what's the name?" tanong ni Jeff.

"Hmm," sabi ko, "D 'Lit. Short term for: The Elite. Sound like: Delete, because we'll be erasing the existence of stupid assholes."

***

"It is doing fine, Oliver," tugon ko sa kaniyang tanong, "Khen is doing his best to find the diary."

Nagsalita si Jeff, "Ilang linggo na siyang kumakatok sa pader ng kuwarto mo, nariyan ba talaga? Baka naman naghahanap tayo sa wala."

Umiling ako sa sinabi niya. "I trust my guts."

Si Oliver naman ang nagwika, "Don't be too nega, Jeff. But, how about Sheryl? Aalis na talaga siya?"

Tumipa muna ako sa computer bago sumagot. Pinindont ko ang enter button at maya-maya pa ay published na ang ginawang balita para kay Mr. Aquino 2.0. "Ye. Nag-away siguro sila ni Khen."

"Talking about personal matters. TSK," si Oliver. Malaking tulong si Sheryl dahil nagagamit namin ang utak niya. Kaya naman ni Khen mag-isa, pero iba pa rin kapag may kasama.

"Alam mo namang crush ni Sheryl si Khen. Akala ko nga talaga si Logan na ultimate crush noon," natatawang sabi ni Jeff.

"Shut-up," sagot ko habang umiirap.

Ilang sandali pa at may narinig kaming bell. Mahabang bell na naghuhudyat na bigyang atensyon ang magsasalita sa speaker.

"Attention Stanford! This is the Faculty Teacher, speaking. We would like to inform you that one of our clubs— unfortunately, has been set to be dissolved. We are sending our regards for all members of Theater Club. You have been a good, ideal, and useful club in our school. But we had decided to drag it down. We are expecting you to understand. Thank you!"

May malaking ngisi ang lumabas sa akin matapos iyon marinig. "This is great!" sabi ko, "utay-utay na silang nawawala."

Nagsalita si Jeff, "Paano performance nila? September at malapit na ang Triumphic. Sayang lang sa pagod, ganoon?"

"We don't have to worry about that. I'm sure that they'll be performing. Hindi naman si sir Aquino ang umaakto," si Oliver.

"But he is— unfortunately, the director," tugon ni Jeff.

"Nakausap ko si mama the last time we talked about this. They are allowed to," sagot ko.

Nagsalita ulit si Oliver, "How about Shion. Isn't she mad? Member siya ng Theater Club, right? Masakit 'to for her."

Ipinatong ko ang kaliwang braso sa kanan. "Napag-usapan na natin iyan sa D 'Lit, she understands."

Tumango-tango silang dalawa.

Pagkatapos ay umalis na kami sa club para harapin ang aming trabaho. Ako ay bumalik sa dorm para kumustahin si Khen sa kaniyang paghahanap ng diary.

Pagkabukas ko nang pinto ay nakita ko siyang may kasamang lalaki, si Jay. Aktong nakayapos ang braso ni Jay sa palibot ng batok ni Khen habang sila ay nakaupo sa sofa at nanonood ng T.V.

Nagitla sila sa pagdating ko. Agad namang umayos nang posisyon ang dalawa at ipinatay ang telebisyon.

"Hey," bahagyang natatarantang sinabi ni Khen, "ang aga mo."

Hindi ako sumagot, pinasadahan lang sila ng tingin. Inilapag ko ang dala kong bag sa bakanteng upuan.

Sumingkit ang mata ko nang magsimulang mamuo ang butil ng pawis sa noo ni Jay.

Madalas na ang lalaki rito dahil sa naging 'magkaibigan' kami. Isinama siya sa club ni Khen at ni Sheryl. Wala naman iyang dulot, pero ayos din.

"Any news? Progress?" tanong ko.

Tumayo si Khen at pumunta sa loob ng kusina. Mukha ba talagang taguan ng gamit ang kusina ko?

Lumabas siya kasama ang dalang libro.

"What is that?" Malaki ang pagkakabukas ng aking mata. Kulay-lupa ang hawak niya at mukhang pinamahayan na ng alikabok.

"SHIT!" reaksiyon ko.

Ngumiti si Khen at nagsalita, "We found it. We already found it!" Muntik nang mapunit ang kaniyang labi dahil sa malawak na ngiti.

Matagal na panahon ang iginugol namin mahanap lang ang diary na ito! Hindi ko maipaliwanag ang tuwa ko. Totoo nga!

"Saan? Paano?" magkasunod kong tanong, hindi pa rin makapaniwala.

"Sa kubeta. Sa mismong inidoro mo!" sabi ni Khen, "not literally, pero doon sa dingding malapit sa inidoro."

Umawang ang labi ko.

"But it doesn't matter! Hawak naman natin siya," wika niya, nakangiti pa rin.

Tumayo si Jay at nakisabay sa pagngiti. "This calls for a celebration!" sabi niya. Nawala naman ang ngiti ko.

Sinagitsitan siya ni Khen nang makita akong masama ang tingin sa lalaki.

"Or maybe not..." dugtong ni Jay, nahihiya. Itinaas niya ang dalawang balikat.

"TSK," sabi ko.

Kinuha ko ang cellphone at sinimulang tawagan ang kasamahan sa D 'Lit.

"Hello," panimula ko, "meeting. Basement. Now."

(More)


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C17
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login