Kinakabahan ako dahil hindi ako ready para makita ang kanyang pamilya, pero lalakasan ko ang loob ko. Pagkakataon ko na ito para masabi sa magulang at buong pamilya niya na mabuti ang intention ko para sa kay Ailyn. Kasama naman namin si Ailyn pero hindi ko alam kung bakit gumagamit pa ng waze si Justin. Habang nasa byahe kami, ang tahimik lang naming apat kaya ako na ang pumutol sa katahimikan.
"Okay lang ba sayo na pupunta kami?" baling ko kay Ailyn na nakasandal sa bintana ng sasakyan.
"Uh... Okay lang naman. Hindi lang kami nakapaghanda ng marami dahil ang akala ko si kuya Justin lang. Pero I informed them naman na kaya lang baka kulangin pero gagawan na lang ng paraan."
"Don't worry, we got this. Nagdala kami pagkain and bigas. Pwede nang supply for one week na stay doon," birong sabi ni Macky.
"Ha? One week? Hala! Di kayo kasya sa bahay. Matutulog kayo dun?" natatarantang tanong ni Ailyn.
"Joke lang, you worry so much. Pwede makitulog sa inyo ngayon? Pasyal mo kami sa inyo," sagot ni Macky.
"Should I invite Nicole?"
"Hindi na, she doesn't know I'm in Ilocos Sur. Hindi na kami nag-uusap," malungkot na sagot ni Macky.
"Sinabi na niya sa'yo?"
"No, I just found out before nag-start OJT ko nagkita kami. I was playing on her phone and may nag-notif about flight details sa e-mail niya. I confronted her and she said wala naman kaming label to begin with."
Natahimik kaming lahat. Kaya pala medyo off ang mood ni Macky simula nung nagsimula ang OJT namin. Lagi din siyang nakatunganga na never naman nangyari sa kanya kahit bagsak pa ang exams niya.
"Huwag na kayong malungkot. I'm gonna let you guys try new things sa lugar namin," pag-alo ni Justin na parang siya ang taga-Ilocos Sur.
"Epal!" sigaw ni Ailyn samantalang binatukan naman siya ni Macky.
"Okay, brace yourselves people," si Ailyn na mukhang excited para sa amin.
Nakarating na kami sa lugar nila Ailyn at mas lalo lang akong kinabahan dahil hindi ko alam kung paano kami tatanggapin ng mga tao sa kanila.
"Hindi ako ng nagdadala ng friends sa bahay na puro lalaki kaya baka tingnan kayo ng matagal ng makakakita sa inyo, so, just brace yourselves. This is a new thing for everyone," sabi ni Ailyn ng malapit na kami sa bahay nila.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila, maraming nakatambay sa may waiting shed sa kanila. Mga kamag-anak din niya kaya pinakilala na din niya kami sa kanila. Nang pababa na kami sa bahay nila maraming mga bata ang sumisigaw ng 'ate Lyn' na parang ilang taon siyang hindi nakita. May nagpakarga agad sa kanyang batang nasa limang taong gulang.
"Ma, Pa, nandito na kami," sigaw niya habang dumiretso siya sa may kubo malapit sa bahay nila.
Nakatulala kaming tatlo nila Justin sa may daanan nila, hindi alam kung saan didiretso. Parang nakalimutan ni Ailyn na may kasama siya kasi nakipag-laro na siya sa kanyang mga pinsan na nasa kubo din.
"Lyn, papatayuin mo lang ba 'yung mga kasama?" tanong ng nasa 70's na babae.
Tumayo siya at nagmano muna sa matanda tsaka kami pinuntahan, "Wow, may hiya pa pala kayo? Bat kayo nakatayo lang dyan?"
"Bebe girl, mukha lang wala kaming hiya pero mayroon pa rin naman. Nangalay na kamay ko sa mga dala namin ha," sagot ni Justin na natatawa.
Lumapit si Justin sa matanda at pinakilala ang sarili, "Hello po lola, Justin po. Siya po si Nigel, future jowa ng apo niyo, at si Macky naman."
"Hello mga apo, upo muna kayo. Kukuha lang akong meryenda. Nanay na lang ang itawag niyo sa akin."
Lumapit ako kay Ailyn na nakangiti na lang sa ginawa ni Justin kasi inunahan na siya sa pagpapakilala.
"Kilala nila ako?" tanong ko sa kanya.
"Kilala nila kayo," pagtatama niya sa akin, "Kinukwento ko sa kanila ang mga ganap ko araw-araw sa university and I sent them pictures kapag kasama kayo kaya given na kilala na nila kayo."
"Nasaan magulang mo?" lumapit na bulong ni Justin kay Ailyn, "para maka-ready na kaming tumakbo kapag may dalang itak tatay mo para kay Nigel."
Nagulat ako sa sinabi ni Justin at mas lalo lang akong kinabahan samantalang tumatawa lang si Ailyn.
"Din, si mama at papa?" tanong niya sa batang kinarga niya kanina.
"Ah mga pinsan ko pala, guys, si kuya Nigel, Justin at kuya Macky."
"Bakit walang kuya sa akin ha? Ang special ko naman na di ako mukhang matanda," sabi ni Justin sabay labas ng mga chocolate na dala niya sabay pinamigay ito sa mga bata.
"Special ka naman talaga, special child nga lang." tumatawang sagot ni Macky.
Inaya kami ni Ailyn na pumunta muna sa bahay nila para makita din namin magulang nila.
"Ma, si papa?" tanong niya sa naglulutong nasa late forties sa loob ng bahay nila.
"Nasa bukid pa. Pasok kayo mga anak."
"Hello po tita, may mga dala po kami," sabi ko papasok ng bahay nila.
"Hala, nag-abala pa kayo."
"Peace offering po ni Nigel 'yan tita kasi pinaiyak niya po anak niyo. Kasi po hindi siya nagparamdam ng ilang araw na feeling ni Ailyn, na fall-out of love na si Nigel. E, patay na patay naman ang isang 'to sa anak niyo," walang hiyang sinabi ni Justin sa mama ni Ailyn.
"Huwag po kayong maniwala kay Justin tita. Ano pong pwede naming matulong tita?"
"Wala na 'nak. Malapit na din akong matapos dito. Lyn, sa kubo muna kayo. Magmeryenda muna kayo dun."
Ang saya ng pamilya nila Ailyn, maganda ang pagtanggap ng mga tita, tito, mga pinsan niya sa amin. Ang dali din nilang pakisamahan dahil mababait silang lahat.
"Sino sa inyo ang boyfriend ng pamangkin namin?" tanong ng isang tito ni Ailyn.
"Wal---" sasagot na sana si Ailyn pero sumagot ako ng, "ako po."
Nagkatinginan ang tatlo sabay nagsikuhan pa si Justin at Macky sa tabi ko.
"Hindi pa po ako sinasagot ng pamangkin niyo pero I consider myself her boyfriend na po. I have the purest intention for your niece, tito. Gusto lang po maging legal kami sa inyo kahit hindi pa niya ako sinasagot. Bawal pa po ba siyang mag-boyfriend?"
"Siya lang nagbabawal sa sarili niya. Hindi naman namin siya pinagbabawalan ng mama niya. Gusto ko na i-enjoy niya ang kabataan niya kaya lang masyadong niyang pine-pressure ang sarili niya para mag-aral," sagot ng kadadating lang na lalaki na nasa kanya early fifties, na alam kong ang papa ni Ailyn dahil nakikita ko na siya sa pictures sa cellphone ni Ailyn.
Nataranta akong lumapit sa kanya at nagmano, "Hello po tito, ako po si Nigel, ang manliligaw ng panganay niyo."
— New chapter is coming soon — Write a review