Download App
89.47% Reaching My Dream / Chapter 17: Chapter 16

Chapter 17: Chapter 16

Hindi ko inakalang 'tong nararamdaman ko ay magiging ganito katotoo. I never imagine falling in love with a shy girl like her, I always dream the talkative ones para walang tapon ang usapan. Totoo pala talaga 'yung ideal ay ideal lang, hindi natin matuturuan ang puso kung sino ang gusto niyang mahalin.

Best university games ko na yata sa taon na 'to! Our college is the back-to-back champion, pangatlo ang college nila Ailyn. Hindi nga lang kami ang champion sa volleyball, CBEA ang nakakuha ng championship.

Finals week na ang sumunod kaya naging busy din kami. Hindi kami masyadong nagkikita ni Ailyn dahil palagi kaming nasa dorm nila Andrew para sa mga school works namin. But I always make sure that I update her from time to time though hindi siya laging nagrereply dahil hindi naman siya pala-load na tao tsaka hindi din siya masyadong nagchi-check ng mga messages niya sa messenger. Wednesday to Friday ang schedule ng finals namin.

To: Ailyn

Hey! Good morning. God bless and good luck sa exams mo today. Simba tayo later? Paramdam ka naman dyan.

From: Ailyn

Hi! Katatapos lang ng first exam namin. May dalawa pa. Good bless and good luck din sa exams. 4-5 pa last exam ko. Kita na lang tayo sa simbahan?

To: Ailyn

Sabay na tayo, hintayin na lang kita. Puntahan kita sa college niyo. 2-3 last exam ko today.

Pagkatapos na pagkatapos ng exam nagmadali na akong lumabas ng exam room para pumunta sa college nila.

"Laxamana, ano may hinahabol ka?"

"Mag-aaral na ako para bukas."

"Lib ka?"

"Tanga, Justin mukha ba akong dead sayo?"

"Puta ka! Sa library ka?"

"Hindi. Sa study buddy ko." sigaw niya sa akin.

Nagtawanan na lang 'yung mga nakarinig. Maraming taga-ibang college ngayon dahil may mga scheduled exams siguro sila ng GE subjects na nasa college namin ang room assignments.

To: Ailyn

Omw.

From: Ailyn

Huh? Gagawin mo dito? Wrong send ka ba?

To: Ailyn

Hintayin na lang kita dyan sa may stone table or sa terminal. Mag-aaral din naman ako para sa exam ko bukas.

From: Ailyn

Nasa terminal 1 kami.

Dumaan muna akong CAFSD para bumili doon ng paborito nilang lumpianada ng mga kaibigan niya. Nakita ko agad sila dahil sila lang naman 'yung pinakamaingay na nag-aaral sa Terminal 1. Lumapit na ako sa kanila.

"Oh, Laxamana. Ganap mo dito?" tanong ng kaklase niya na ka-team ko sa volleyball.

"Give space! Magsilayas kayo sa upuan," biro ni Faye na umalis na sa tabi ni Ailyn.

"Sana all, inspired!" sigaw naman ni Aira na kadadating lang galing cafeteria ng college nila.

Tumabi ako kay Reanne at binigay sa kanya 'yung lumpianadang dinaanan ko sa CAFSD tsaka Smart C+ Lemon na pinabili ko kay Karl kaninang nagpunta silang 7-11.

"Ay may pakain pa si Mayor! Parang gusto ko na din ng Engineering," biro ng isang kaklase nila.

"Hindi ka ba pinapakain 'nung taga-CHS mo ha?"

"Mag-review na nga kayo," si Ailyn na nagbabasa na ulit sa modules na hawak niya ngayon.

"Kumain ka muna," untag ko sa kanya.

"Akin na 'yung Smart C, after exam na ako kakain nyan."

Hinayaan ko na lang siyang mag-review, nakikipagdaldalan na lang ako sa isang team mate ko sa volleyball at nakikipag-usap sa mga nakikitang kakilala. 3:45 when they decided to go to their testing room.

"Mag-aaral ka? Sa reading center ka na lang."

"Wow, Ailyn a! Sayo para ibakod mo?" sabi ng isa niyang kaklase.

"Hindi pa ba akin sa lagay na 'to?" natatawang biro niya pabalik.

"Ay shems! Ikaw lang malakas!" natatawang sigaw niya.

I can't hide my grin, is she really giving us a chance? Though, wala pa siyang sinasabi, I believe that actions speak louder than words kahit may paninindigan siya sa don't assume unless otherwise stated. Tumayo ako.

"Saan punta mo?"

"Sa puso mo," sagot ko sa kanya.

Hinampas niya ako pero natatawa na siya sa sinabi ko.

"Hatid na kita sa room niyo."

Tumango na lang siya. Hinatid ko siya sa room nila tsaka ako bumalik sa terminal 1 para mag-aral. May ibang mga estudyante nang pumalit sa kanila doon. Lumipat ako sa may stone table malapit sa department nila para makapag-aral na ako. I patiently waited for her. Nag-aral naman ako so hindi naman ako nagsayang ng oras.

Laglag ang balikat niyang umupo sa tabi ko.

"Tara na?" walang energy din niyang sabi.

"Are you okay?"

Mas lalo lang naging gloomy ang atmosphere dahil sa tanong ko. Naiiyak siyang umiling.

"Tara na baka mag-simula na 'yung misa."

"Mahirap ba 'yung exam?"

"Feeling ko babagsak ako."

"Feeling mo lang naman 'yun, bat di na lang 'yung feelings mo para sa akin ang mukmukan mo kaysa dyan sa exam mo. Take the exam, know your score, move on."

Ngumiti lang siya sa sinabi ko. I know mahirap para sa kanya 'yung 'take the exam, know your score, move on' dahil aim niyang makapagtapos with honors. Na-kwento niya sa amin dati na unang tapak niya pa lang sa university ay sinabi na niya gagawin niya ang lahat para grumaduate with flying colors.

"Cheer up na. Para ka namang hindi masaya na kasama ako."

"Oo na!" she smiled fakely at me.

Umiling na lang ako, ang hilig niya talagang mag-pretend na okay lang ang lahat kahit hindi naman. Nag-simba kami, hindi ko na siya kinulit pa dahil ayoko namang sabihin niyang pakialamero ako. Pero ako ang nahihirapan para sa kanya. We ate at Jollibee tapos umuwi na naming dorm.

"Sana all, inspired mag-aral. Bebe girl! Hanapan mo nga akong bebe girl," si Justin na nakatambay sa labas ng dorm.

Tumawa lang si Ailyn sa kanya, "Bili kang bebe girl mo."

"Ay bad ka girl! Di ako ganun, I don't play."

"Okay."

"Hatid na kita?" tanong ko sa kanya.

"Makabakod ka naman Laxamana, ang lapit lang ng pupuntahan niya," sigaw ni Justin na tumakbo na sa basketball court.

"Usap muna tayo."

"Okay ka lang ba?"

"Hindi. I hate seeing you comfortably talking to other girls, especially when they are your age. Feeling ko isang araw wala nang Nigel na susundo sa akin, bibilhan ako ng pagkain most especially maiintindihan ako."

"Why are talking like that?"

"I think I'm falling for you but I am not yet ready for a relationship, you know my reasons," malungkot na saad niya.

"It's okay, I understand you. Hindi din naman ako nagmamadali," I explained to her.

She sighed, "Ano kayang ginawa kong mabuti na ganito ang reward ni God sa akin?"

"He sees you as His child, the best reason He is giving us a chance to let our feelings talk for us. You deserve me and I deserve you too."

"I hope you can still wait until I am fully ready to commit my all to you."

"Oo naman, I'll wait for you kahit gaano pa katagal 'yan. My feelings are true and I never felt this in love before."

Hinatid ko na siya sa building nila and bid her good night.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C17
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login