"The Zoolingualism""Madisson Rae"
Bumisita si Beam sa hospital kung saan naka confined ang kanilang kasamahan sa trabaho na si Madisson Rae.
"Miss Sirot, she's awake na po. Maari nyo na syang kausapin." Sabi nang nurse sakanya. Tumango lang si Beam at agad na pumasok sa silid.Nakita nya itong nakatitig lang sa Bintana at pilit na kinakausap ang Isang ibon na nakadapo sa Isang sanga malapit sa Bintana nya.
"Madisson?" Sambit nya at biglang lumapit ang alagang pusa nang babae. Na agad namang kinuha ni Beam at kinarga ang pusa.
"Kamusta na ang iyong pakiramdam?" Tanong ni Beam.
"Ate, ilang buwan mo na yang tinatanong saakin. Obviously, Hindi!" Sabay buntong hininga ng babae.
"Hayaan mo gagawa kami nang paraan para maibalik ang gift mo." Sabi ni Beam at lumapit ito sa bintana sabay bukas nito.
"Give us time, matutulungan ka naming ibalik ang gift mo." Sabi ni Beam sabay kumpas ng kanyang kamay at sa Isang iglap ay nagsilapitan ang mga ibon sa kwarto ni Madisson.
"Nararamdaman ni Marilyn ang emotion mo, wag ka namang panghinaan ng loob." Sabi ni Beam at tumitig ang pusa sa kanya sabay kaway ng kanyang buntot.
"Ate, pwde bang ma favor?" Wika nang babae.
"Sure ano yun?" Tanong ni Beam.
"Ikaw muna mag alaga Kay Marilyn habang Wala akong gift. Hindi ko sya maalagaan ng maayus sa hospital na ito. Besides, Wala na akong gift para kausapin sya." Mahinang Sabi ng babae. Tumalon papunta sakanya ang pusa at tumabi ito sakanya at mahimbing na natulog.
"Hindi mo man maintindihan si Marilyn dahil Wala na ang gift mo, pero siya naiintindihan ka nya. Hayaan mo mag reresearch ako sa gift archive kung papano maibabalik Ang gift na kinuha ng skin walker." Sabi ni Beam.
"Nahuli nyo na ba sya ate?" Tanong ni Madisson.
"Mahirap, at Hinding gumawa kami nang eksena sa office. Pero sinusubukan namin. Babalik Nako sa office bukas at makikibalita ako." Wika ni beam at lumapit ito sa pusa ni Madisson.
"Bantayan mo si Daisy okay? Sasusunod dadalhin ko si Marty dito."
Samantala sa Opisina..Inilapag ni Angel ang picture ng bagong biktima ng skin walker.
"Kendra De Guzman. May gift. At clairvoyant si Victim number 7." Wika ni Angel sabay upo katabi nila Leah at Dave.
"Clairvoyant? Anong uri nang clairvoyant?" Tanong ni Dave.
"Sabi sa investigation, nakakakita si Kendra nang mga nangyari sa nakaraan." Sabi ni Angel sabay kuha sa kanyang bag nang lipstick.
"Wait, nakikita nyo ba yung pattern?" Sabi ni Leah.
"Anong pattern?" Wika ni Angel.
"Si first victim isang clairvoyant din, yun nga lang future naman ang nakikita. While sa 6 victim si Daisy o Madisson. Isang Zoolingualism, may kakayahan din makakita nang mangyayari palang ang mga Hayop.So it means..." Excited na wika ni Leah.
"So it means na? Ano yang?" Tanong ni Angel.
"Means, ginagawa nya ang lahat upang Hindi makilala." Wika ni Dave at nakatulala ito habang nakatitig sa larawan ng pang pitong biktima.
"Anong nakikita mo?" Tanong ni Leah.
"Wag Naman dito sissy! Nakakaloka ka!" Sabi ni Angle at Sabay hawak sa Mukha ni Dave. Ang nakikita nang mga normal na tao ay nag uusap silang tatlo.
Biglang hinawakan ni Dave Ang kanilang kamay, at Sabay nilang nakita ang mga nangyari bago kinitil ang buhay ng Ika pitong biktima.
(Vision)Nag lalakad si Kendra sa hallway nang biglang nawalan ng Kuryente.
May napansing Isang anino ang babae na agad naman niya itong tinawag.
"Hello? May tao ba Dyan?" Sabi ni Kendra habang natatarantang kinukuha ang kanyang cellphone. Nang mailawan nya ito ay napasigaw Ang babae sa hilakbot nang Makita nya Isang nilalang na may nakakatakot na itsura. Mabilis siyang sinungaban ng nilalang at biglang dumilim ang lahat. kasabay ng pagdilim ng buong paligid. Nag balik Sina Angel, Dave at Leah sa totoong panahon.
"Bat parang iba nanaman ang skin walker na sumalakay Kay Kendra." Sabi ni Angel.
"Anong iba?" Tanong ni Dave.
"Oo nga, parang Hindi ito yung sumalakay Kay Madisson at sa mga nauna pang sumalakay." Dagdag ni Leah.
"Madami sila!" Wika ni Angel.
"Oo, Hindi lang si Bonch ang hinahanap natin. Maaring nililito lang Tayo ng mga Skin walkers. Dahil sa ginawa natin sa pag ligtas Kay Madisson." Sabi ni Leah.
"Talaga? Nakakaloka. Kung madami sila, pwdeng suspect ang lahat maging kapwa natin agent?" Sabi ni Dave.
"Di ko alam sissy, pero sana bumalik na si beam." Sagot ni Angel.
Bago umalis nang tuluyan si Beam sa hospital, nag tungo sya sa likod ng ospital at Doon mabilisan nyang ikinumpas ang kanyang kamay at lumapit ang mga Hayop sakanya.
"Inuutusan ko kayong bantayan si Madisson sa kwarto na Yan. Kung sakaling may masama Mang mangyari, kayo mga ibon ang mag uulat saakin." Utos nya sa mga Hayop na lumapit sakanya.
Bago pa makalabas ng gate si Beam may nararamdaman syang sumusunod sakanya.
"Sino ka?" Sabay pikit ng kanyang mga mata.Ngunit walang sumagot sa kanyang panawagan. Inimulat nya ang kanyang mga mata at tumitig sa mga puno sa paligid.
Hanggang sa dumapo ang tingin nya sa Isang malaking puno.
Lumingon lingon muna si beam bago sya lumapit sa malaking puno.
"Alam kung nandyan ka! Labas!" Matapang na wika nang babae kasabay nyan ay ikinumpas nya ang kanyang mga kamay. Unti-unting sumunod ang mga baging sakanya at nang akmang kukuluputan nya ng mga baging ang puno ay biglang lumabas ang Isang lalaki.
"Miss Beam. Ako lang po ito." Sabi ng lalaki.
"Pati ba naman sinusundan Moko?" Inis na Sabi ni Beam.
"Eh miss, utos ito nang mommy mo. Humihingi Kasi sya ng update sakin." Wika ng lalaki.
"Edi sabihan mo, nasa trabaho at super poor na." Sabi ni Beam habang naka taas ang kilay.
"Miss yan din Kasi ibinigay ko na update. Kaya bago nya daw ako e-fired. Kelangan ko na po sumunod." Sabi ng lalaki.
"Mommy!!!" Sigaw ni Beam.
Balik kay Madisson sa kanyang kwarto.
"Marilyn, naiintindihan mo ba Ako?" Sabi nya habang nakatitig sa kanyang pusa.
"Hindi naman nawala ang gift mo, natutulog lang ito. Antayin mong magising muli. Meow!" Sagot ng pusa.
"Marilyn? Naiintindihan na Kita.!" Masayang wika ni Madisson. Ngunit muli namang nagbalik sa dati. Tanging Meow lang ng kanyang alagang pusa ang kanyang naririnig.
Balik sa Opisina,"Sa Gift Archive?" Sabi ni Julianne. Habang kumakain.
"Kay gandang babae pero tingnan mo yung mga pangkain, pang pyesta na tapos di Naman tumataba. Sana lahat!" Sabi ni Angel.
"Actually, may kilala akong friend Doon sa gift archive. Just recently ko lang na knows. Kasi tinanong ko sa mama ko. Tungkol sa pagiging clairv~" bigla syang pinigilan ni Leah sabay takip na kanyang bibig.
"Clair ano?" Sabi ni Dave.
"Claire na shampoo po, may kilala akong distributor." Wika nya.
"Kinabahan kami Sayo.." wika naman ni Angel.