Download App
95% Protector's Love / Chapter 38: Chapter 38

Chapter 38: Chapter 38

"Everything's alright, Ma. Kailangan lang niya ng pahinga. Kapag maayos na ang pakiramdam niya ay babalik na kami diyan. Please tell everyone that she's fine." Kanina pa kinukulit ni Lucy si Luke na gustong makausap si Valerie pero kasalukuyang itong natutulog.

"Ma, the doctor said that she needs to rest para bumalik agad ang lakas niya. Tatawagan kita kapag nagising na siya. Bye, Ma." Tinapos na ni Luke ang pag-uusap nilang mag-ina dahil masakit na din ang tainga niya sa halos isang oras na pag-uusap nila sa phone.

Muling pinagmasdan ni Luke ang natutulog na dalaga. Kahit maputla ito ay litaw pa din ang ganda nito.

Dahil sa blood donation na ginawa ni Valerie kay Sophia ay bumaba ang kanyang hemoglobin at hematocrit pero sinabi naman ng doktor na tumingin sa dalaga na hindi na kailangan pang salinan ng dugo si Valerie, bibigyan na lamang niya ito ng vitamins.

Agad na lumapit si Luke kay Valerie ng magsimula na itong kumilos. Halos maghapon na din itong natutulog. Isang matamis na ngiti ang pinakita ni Luke sa dalaga ng magmulat na ito ng mga mata.

"I love you." Ngumiti si Valerie ng madinig ang sinabi ng boyfriend pero bigla ding napawi ng maalala ang lahat. Imbis na sagutin ang sinabi ng boyfriend ay agad itong tumayo mula sa pagkakahiga dahilan para siya ay mahilo. Mabilis ang naging pagkilos ni Luke at nasalo ang dalaga bago ito ma-out of balance.

"Easy lang, Hon." Sabi ni Luke habang inaalalayan ang dalaga. Inayos niya ang kama para makaupo ng maayos si Valerie.

"Si Sophia? Sila Hazel at Sarah? Sila Ka Mario?" Ngumiti si Luke dahil sa sunud-sunod na tanong ni Valerie. Imbis na intindihin ang sarili ay ibang tao pa din ang iniisip.

"Si Sophia ay nasa Recovery Room. Sabi ng doktor ay maganda na ang lagay niya. Sila Hazel, Sarah, at ang grupo nila Ka Mario ay nasa opisina ng PHOENIX." Nakita ni Luke ang pag-aalala sa mukha ng dalaga kaya bago pa ito magsalita ay sinundan na niya ang naunang sinabi.

"Kailangan nilang gumawa ng written report sa mga nangyari dahil magkakaroon ng problema sa mga higher officials kapag hindi nila ginawa iyon. Ayaw mag-file ng charges nila Hazel at Sarah at alam na alam namin ni Iggy na ganoon din ang gagawin mo. Habang nasa daan ay naikwento na sa amin nila Hazel at Sarah ang lahat mula umpisa hanggang sa pagdating namin kaya naging maliwanag na ang lahat. Hindi man sila makakasuhan ay kailangan pa din nilang gumawa ng community service. At kami? Isang katutak na papers works ang gagawin namin." Nagulat si Luke ng bigla siyang halikan at yakapin ng dalaga.

"Thank you, thank you." Sabi ni Valerie habang nakayakap ng mahigpit sa binata. Ngumiti naman si Luke at gumanti na din ng mahigpit na yakap sa dalaga.

....

"Hi." Bati ni Valerie kay Sophia. Isang matamis na ngiti naman ang sinagot ni Sophia at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng dalaga.

Matapos nilang mag-usap ni Luke ay hiniling niya sa boyfriend na gusto niyang makita ang bata. Noong una ay ayaw ni Luke pero sino ba siya para tumanggi sa naglambing na girlfriend.

"Kamusta ka na?" Tanong ni Valerie kay Sophia. Isang thumbs-ups ang sagot sa kanya ng bata. Binilinan kasi siya ng kanyang doktor na huwag munang magsasalita lalo at bagong opera pa lamang siya.

"Magpagaling kang mabuti. Gusto ko bago ako bumalik sa Manila ay nakalabas ka na dito sa kwarto na ito." Nakita ni Valerie ang lungkot sa mukha ng bata. "Don't worry, babalik ako sa inyo para dalawin ka." Isang matamis na ngiti ang muling nakita ni Valerie sa mukha ni Sophia.

....

Matapos makausap si Sophia ay bumalik na din sa kanyang sariling kwarto si Valerie. Halos kakapasok pa lang nila ni Luke sa kwarto ay may kumatok na sa pinto at isang gwapong lalaki na naka doctor lab coat ang pumasok.

Ngumiti ito pero sumimangot naman si Luke.

"Good evening, Dra. Villaflores. Totoo nga ang sabi nila, mas maganda kayo sa personal. Dr. Anthony de Guzman at your service." Lalong humaba ang nguso ni Luke. Gumanti naman ng ngiti si Valerie at tinanggap ang nakalahad na kamay ng doktor na kaharap.

Si Valerie na ang bumawi ng kamay niya mula sa lalaking kaharap dahil mukhang wala itong balak na bitawan ang kamay niya.

"About Sophia..." Hindi naituloy ni Valerie ang sasabihin dahil nagsalita muli si Anthony.

"I'm here for you. I'm your attending physician until you recover. Now, let's get your vitals..." Lalapit sana si Anthony sa dalaga pero tumayo si Valerie.

"Dr. De Guzman, right?" Ngumisi si Luke sa tono ni Valerie.

"Doktor din ako and I can tell you that I'm okay right now. Thank you for personally attending to me but for now, my concern is about Sophia." Para namang napahiya si Anthony sa nadinig mula sa dalaga. Nagdiwang naman ng lihim si Luke.

.......

Matapos pag-usapan ang lagay ni Sophia ay nagpaalam na agad si Anthony.

"Buti nga." Bulong ni Luke. "May sinasabi ka, Hon?" Tanong ni Valerie na kunyaring hindi napansin ang pagkainis ng binata sa doktor na kakaalis lang.

"Wala, sabi ko buti at umalis na siya." Nangiti si Valerie. "Selos ka?" Tanong ni Valerie. "Ako? Mas gwapo naman ako sa kanya." Muling ngumiti si Valerie.

"Actually gwapo naman talaga siya. Dagdag pogi points pa yung doctor lab coat." Gustong matawa ni Valerie sa itsura ng boyfriend. "Pero siyempre mas gwapo at mas matikas tingnan yung nakafatigue." Biglang umaliwalas ang mukha ni Luke at nakangiting panalo na lumapit sa girlfriend.

"Hon?" Nakangising sabi ni Luke na nakalapit na at nakaupo na sa kama ni Valerie. "Yes, Hon?" Sabi naman ni

Valerie na iniyakap ang dalawang kamay sa leeg ng binata. "I love you." Sabi ni Luke. "I love you too." Sagot naman ni Valerie. Maglalapat na sana ang kanilang mga labi ng bigla naman bumukas ang pinto.

"Ospital po ito mga madam at sir." Nakangising sabi ni Sarah. "Bawal po dito ang PDA." Dugtong naman ni Hazel. Kasunod ng dalawang dalaga ay sina Iggy at Andre. Bigla naman yumakap ng mahigpit si Luke sa dalaga.

"Huwag mo kong ibibigay sa kanila." Natawa sila Iggy at Andre sa kalokohan ni Luke. "Cap, maghapon ka ng tumakas sa trabaho kaya sinundo ka na namin." Nakangising sabi ni Andre. "Pero walang magbabantay kay Val." Lumapit sila Sarah at Hazel. "Kami na po ang bahala kay doktora." Sabay na sabi ng dalawang nurse. "Pero..." Hindi na naituloy ni Luke ang sasabihin dahil binitbit na siya nila Iggy at Andre. Naiwan ang tatlong dalaga na natatawa sa itsura ni Luke.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C38
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login