"Ang paglalakbay kasama ang kaibigan ay tila isang pagsuong sa panganib na may magandang karanasan."
------
KABANATA 2:
El Comienzo
Pabalik-balik lamang ang tingin ni Stella kay Aswell at sa nakatatanda nitong kapatid na si Azrael, Hindi niya kapatid sa dugo pero sa puso, Oo. Malaki ang kaibahan ni Ra kay Asi. Mabait ito at walang bahid ng kayabangan. Maalalahanin at Tila prinsipe dahil sa kanyang taglay na kabaitan. Matagal ng tagahanga ni Ra si Stella, Palihim niyang ninanakawan ng tingin ang binata kapag hindi ito nakatingin sakanya.
Kung papipiliin nga siya kung sino ang gusto niyang maging asawa, Ay walang dudang si Azrael ang isasagot nito.
"Pangalawang beses mo ng tinangkang magnakaw ng prinsesa, Asi."
"Bla bla bla.. Nasaan na ba si Itay? Kailangan na naming umalis, Maglalakbay kami."
"Asi! Pag-isipan mo namang mabuti ang desisyon mo. Hindi lang buhay mo ang mapapahamak, May kasama kang dalawang babae at isipin mong si Stella ay hindi pang karaniwan. Prinsesa siya ng Emerald, Ninakaw mo ang prinsesa ng emerald, Asi!"
Hindi naman nakikinig si Asi sa pangangaral ng kanyang Kuya. May sarili itong mundo. Ipinapasok ang pangaral sa kabilang tenga at ilalabas din naman sa kabila. Minabuti nalang ng dalawang dalaga na wag pansinin ang pagsisimula ng pag-aaway ng dalawa. Kumain sila ng kumain. Lalo na at masasarap ang nakahain na pagkain sa harap nila.
"Sus! Kung alam ko lang, Nagpapapansin ka lang kay Stella. Nagbabait-baitan ka lang kasi may gusto ka sa kanya. At ako na naman na gwapo ang magiging masama sa paningin ng lahat!"
Sabay na nabilaukan si Lira at Stella ng marinig na naman ang kayabangan ni Asi. Mabilis namang nilang inabutan ng tubig si Stella. Nag-aagawan pa kung sinong baso ang dapat na kunin ng dalaga. Nginisihan ni Asi si Ra ng kunin ni Stella ang baso niyang hawak pero agad din naman iyong naglaho ng ibigay iyon ni Stella kay Lira sabay kuha ng baso na hawak ni Ra at iyon ang ininom. Kumulo ang dugo ni Asi sa ginawa ng kaibigan, Humalakhak naman ng nakakaloko si Ra dahil sa inasta ng pinsan.
"Kita mo na! Nagpapapansin ka talaga! Kung gusto mo sumama ka narin sa paglalakbay namin ng sa ganon ay makasama mo pa lalo si Stella!"
Inis na inis na talaga si Asi. Hindi naman maiwasan ni Stella na mangunot-noo dahil sa inaasta ni Asi. Gusto niya sanang subuan ng tinapay para matigil sa kakadakdak pero wag na lang. Si Lira naman ay pinipigilan lang ang tawa, Mukha kasing may alam siya kung bakit ganoon na lang ang inaasta ni Asi.
"Salamat sa pag-alok, Mahal kong kapatid pero iyon naman talaga ang balak ko."
Mas lalong sumama ang titigan ng dalawang magpinsan dahil sa sinabi ni Ra. Binalot ng katahimikan at init ang loob ng silid. Hindi na nakakakain pa ng maayos si Stella dahil sa komosyon habang si Lira naman ay patago lang na nakangisi. Sa tuwing mapapansin ni Stella ang nakakaloko nitong ngisi ay mas lalo lang naguguluhan ang dalaga.
"Hindi ka pwedeng sumama, Masisira ang tiwala sayo ni Itay at baka masira ang imahe mo sa mga mamamayan kaya mas mabuting wag ka ng sumama."
"Mas mabuting sumama ako dahil hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sainyo."
"E, Ano naman kung may mangyaring masama saamin?"
Iba ang tinutukoy ni Asi na mangyayaring masama at batid kong naiintindihan iyon ni Ra. Maging si Lira ay naiintindihan din yon maliban na lang kay Stella na nakaawang na naman ang labi.
"Gusto mo bang mapahamak tayo, Asi? Mabuting sumama narin si Ra para may kasama tayong magaling mag-isip at hindi padalos-dalos ang desisyon."
Mas lalong nainis si Asi dahil sa komento ni Stella, Maging ito ay gustong makasama si Ra. Tama naman ang hangarin ni Stella. Magiging maganda kung isasama si Ra dahil ito lang ang nakakapigil kay Asi kapag may masa itong balak gawin.
-----
Gabi na. Tuluyan na ngang binalot ng dilim ang paligid. Kasalukuyang nagpapahinga sina Stella at Lira sa silid ni Asi. Hindi naman ito umangal dahil bago pa siya makapagsalita ay nakapasok na ang dalawa sa silid niya.
Lumabas muna siya at nagpahangin. Hindi niya muna gustong makita ang kapatid. Hindi sila madalas mag-away ng kuya, Kahit pa loko-loko siya ay mabait at masunurin naman siya sa Kuya at Itay niya sa ibang pamamaraan kaya nga nagtataka siya kung bakit ganoon siya makaasta kanina.
E, Ano naman kung gusto ng kanyang kuya si Stella? Inaalala niya ang magiging itsura ng mga pamangkin. Magiging kasing panget iyon ng mukha ni Stella, Isip-isip niya.
"Aba! Himala yata at malalim ang iniisip ng mayabang na si Asi." Nilingon niya ang babaeng nagsalita.
Si Stella, Nagpalit narin ito ng suot. Nagtataka siya kung bakit gising pa ito, Akala niya ay nagpapahinga na ito kasama si Lira sa kanyang silid.
"Tss. Bakit gising ka pa? Hindi ba natutulog ang mga panget? Hindi ba nila kailangang magpahinga?"
Paninimula nito sa pang-iinis. Tinabihan siya ni Stella. Naupo rin siya sa isang hakbang ng hagdanan na inuupuan ni Aswell. Malamig ang paligid kaya nga pinagsisisihan niyang hindi siya nagdala ng balabal upang panangga man lang sa lamig.
"Pumasok ka na, Malamig."
Gulat siya sa sinabi ng kaibigan. Hindi kasi siya sanay sa malumanay na boses nito. Ibang-iba ang Asi na kasama niya ngayon sa kaibigan niya, Naisip niya tuloy kung may problema ba ang binata o tuluyan na itong nasapian ng mabuting espirito, Sana naman!
"Hindi nakakaramdam ng lamig ang mga panget."
Pagsisinungaling niya. Umiling naman ang binata at inalis ang suot nitong balabal at inilagay sa likuran ni Stella. Bumilis na naman ang tibok ng dibdib ni Stella ng gawin iyon ng binata. Parang bumagal ang oras habang marahan iyong nilalagay ng binata sa likuran niya. Halos maglapit pa ang makuha nila dahil dito. Nahiya tuloy siya.
"Si Prinsesa Deviana ang may kapangyarihan ng yelo at hindi tinatablan ng lamig hindi ikaw."
Muli siyang nalungkot ng sabihin iyon ni Asi. Naisip niya kasi kung ano ang kapangyarihang taglay niya. Bawat isa sa mga Ina niya ay may taglay na mahika samantalang siya ay wala at hindi pa magaling sa pakikipaglaban. Naku! Pinagdududahan niya tuloy kung prinsesa ba siya o ordinaryong tao.
"Sa tingin mo, Ano kayang espesyal saakin bakit ako pa ang napiling maging ika-walong prinsesa samantalang wala naman akong pakinabang, Ni wala akong taglay na mahika na kagaya ng mga Ina ko."
Nakatingin lamang siya sa malayo habang si Asi naman ay tahimik lang siyang tinititigan. Ito ang isa sa mga tanong na bumabagabag sakanya dahil wala siyang makuhang sagot at iba ang tinatanong niya. Lihim naman na natatawa si Asi habang pinagmamasdan ang usok na lumalabas sa bibig ng dalaga dahil sa lamig.
"May mahika ka man o wala, Espesyal ka..."
Hindi sanay si Stella sa inaasta ng kaibigan. Iba ang nararamdaman niya habang sinasabi iyon ni Asi. May kung anong kiliti na kumalat sa buo niyang katawan ng mahuli niya ang binata na nakatitig sakanya. Mas lalo siyang sinunggaban ng hiya at nagkukumahog na naman ang puso niya sa hindi malamang dahilan.
-----
Samantala, Habang nag-uusap sina Stella at Aswell. Wala silang kaalam-alam na may isang tao na nakamasid sakanila. Nakangiti ang lalaki habang pinagmamasdan ang mga kilos ng dalawa.
"Saakin pa talaga tinutulak ng kumag si Stella, Samantalang siya naman ang may gusto rito."
Muli siyang natawa habang inaalala kung paano ang itsura ng kapatid kanina, Bakas ang selos sa mukha nito. At nasisiyahan siya habang nakikita na naiinis ang kapatid. Hindi niya ugaling manakit ng kapatid, Lalo na kung si Asi 'to. Masaktan lahat, Wag lang siya.
"Anak ng--"
Hindi na natapos ni Ra ang sanay pagmumura ng may matalim na espadang bumulusok sa harap niya. Hindi niya mawari kung nagmintis ba yung naghagis non o sinadya lang siyang takutin pero walang balak na saktan siya.
"Bakit mo pinagmamasdan ang Prinsesa? May balak ka bang masama sakanya?"
Walang ano-anong naitaas ni Ra ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko ng makita niya ang kaibigan ni Stella na si Lira. May hawak itong balisong at ito rin yata ang naghagis ng espada na kamuntikan ng kumitil ng buhay niya.
"H-Ha? A-Ano? Wala akong balak gawin kay Stella."
"Wag mo ngang tinatawag ang prinsesa sa pangalan nito! Isang kalapastanganan ang ginagawa mo, Wala kang galang!"
Halos ingudngod na ni Ra ang likuran sa may pader habang pilit na iniiwasan ang balisong na tinututok sakanya ni Lira.
"N-Naku! Maawa ka, Wala akong binabalak kay Ste-- este! Sa Prinsesa, Wala akong balak na masama sakanya."
Nanlaki ang mata ni Ra ng makitang unti-unti ng nilalapit ni Lira ang balisong sa mukha niya. Napapikit na lang siya at nagdarasal na sana ay hindi siya maihi sa salawal dahil sa takot tiyak kasi na pagtatawanan siya ni Asi.
"Alam ko naman yun, Nagbibiro lang ako."
Malumanay na turan ni Lira at humagalpak ng tawa. Marahas niyang binunot sa pagkakatusok ang espada na muntik pang dumaplis sa pisngi ni Ra mabuti at naiwasan niya ito.
"Hindi iyon magandang biro."
Inis na sagot ng lalaki at walang ano-anong nilisan ang lugar. Mukhang napahiya pa yata siya sa dalaga. Baka isipin nito na lampa siya at hindi kayang protektahan ang sarili nito. Masyado itong seryoso tapos malalalaman na lang niyang nagbibiro lamang ito?
Lintek na biro! Muntik na siyang mamatay!
----
Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw ay napagdesisyunan na nilang umalis. Bago pa dumating ang Itay nila Aswell, Kapag nalaman nila ang binabalak nitong gawin ay tiyak na tututol ito.
"Ito na ang magiging simula ng paglalakbay natin, Naway gabayan tayo ng mga tala at bituin. Naway ipakita saakin ni Bathala ang daan na dapat nating tahakin."
Tawang-tawa si Asi habang nakikita kung paano humingi ng basbas si Stella sa bathala na sinabayan pa ni Lira. Agad niyang sinamaan ng tingin ang binata pagkarinig nito sa tawa niya.
"Mukha kang timang, Panget!"
"Ikaw naman mukha kang tubol."
Nagsimula na naman ang asaran ng dalawa. Natapos narin sa wakas ang paglilipat ni Ra ng mga gamit. Ang karwahi parin naman na sinakyan nila kahapon ang sasakyan nila ngayon.
"Tara na, Baka abutan tayo ni Itay."
Aya ni Ra, Tumango naman si Lira at sinang-ayunan ni Stella habang si Asi naman ay bubulong-bulong lang sa hangin. Kung bakit daw kasi sumama pa ang kapatid samantalang kaya naman niya ang sarili.
"Sandali! Hindi ako makakapayag na isama niyo sa inyong paglalakbay ang mahal kong Asi!"
Nagulantang silang apat sa mabilis na pagsulpot ng isang babae. May dala itong malaking back pack at bagahe na dinaig pa ang bagahe ni Stella. Tumaas ang kilay ng dalaga ng makita niyang nakatingin sakanya si Stella, Nakita naman ito ni Lira kaya't kumulo ang dugo niya. Sa unang pagkikita pa lang nila ng babaeng 'to ay hindi na niya ito gusto. Kung makaasta pa ay akala mo may ipagyayabang.
Gusto niya tuloy itong balian ng buto.
"A-Aries! Anong binabalak mo? Bakit may hawak kang bagahe?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Asi, Nginitian naman siya ng babae na Aries pala ang pangalan. Nilapitan niya ito at agad na pumulupot sa kanyang bisig. Gusto mang alisin ni Asi ang paghawak ni Aries sakanya ay hindi niya magawa.
"Ano bang inaasahan mo, Mahal? Alangan namang pabayaan kitang umalis ng hindi ako kasama."
Halos masuka na si Stella pagkarinig sa tawag ni Aries sa kaibigan niya. Hindi niya rin mawari kung bakit sumama ang timpla ng mukha niya. May kung anong inis na namayani sa kaniyang dibdib. Hindi niya man ito ipahalata ramdam naman ito ni Ra kaya't natawa ito ng palihim.
"Oo nga, Asi. Pagbigyan mo na si Aries, At isa pa.. Makakatulong ang mga premonission niya sa ating paglalakbay."
Nakangiting tugon ni Ra sa kapatid, Inakbayan niya pa si Stella upang inisin ang kapatid. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ng kakaiba at may bumalot na hindi pamilyar na pakiramdam sa dibdib ni Stella. Para bagang siya ay nasa ulap habang nasa bisig ni Ra.
"Umalis na tayo bago pa dumating ang inyong Ama."
Turan ni Lira. Naunang maglakad si Stella, Sabay pang inabot nina Asi at Ra ang kanilang mga kamay upang alalayan ang dalaga sa pag-akyat. Binalot naman ng matinding inis si Aries na ngayon ay nanggagalaiti na.
Walang kamay na kinuha si Stella, Minabuti na lamang niyang umakyat gamit ang sariling mga kamay at paa dahil ayaw niyang makasakit na naman ng damdamin. Panigurado kay Asi yun.
Mas lalong umakyat ang inis ni Aries ng walang mag-abalang alalayan siya sa pag-akyat. Pinipigilan naman ni Lira ang pagtawa, napansin yun ni Aries kaya nagpalitan sila ng masasama at nakamamatay na titig.
Batid ni Stella na ito na ang magiging simula, El comienzo. Ang pagsisimula ng makabuluhang paglalakbay.
— New chapter is coming soon — Write a review