Download App
53.84% Paint Me Red / Chapter 28: CHAPTER 27

Chapter 28: CHAPTER 27

HINILOT ni Aegen ang ilalim ng mga mata niya. Nanghahapdi ang mga iyon. He prefers to think it was because of his many sleepless nights rather than because he is being emotional over Hannah. Again. Ilang taon na ang dumaan mula nang mawala ito? Nagpakamatay, to be exact. Because he was unable to save her.

I did try, depensa niya sa sarili. Pero ang hirap maintindihan ni Hannah. Ni hindi nga niya masiguro kung girlfriend ba niya ito o hindi. Pumayag ito na maging sila pero sa kilos nito ay hindi niya sasabihin na nasa isang serious relationship sila. There would be times when she would disappear for days on end without him knowing where she is or what is happening to her. Hindi sa clingy siya. Gusto lang naman niyang malaman kung okay ito. At kapag nagkita na ulit sila ay ayaw nitong direktang sagutin kung saan ito nagpunta. And the worse thing is, she would have welts, bruises and sometimes even oozing wounds on her body. She would freak out when he questioned her about them.

But your effort wasn't good enough. You even gave up on her. Patuloy sa panunumbat ang konsensiya ni Aegen.

I did not give up on her. I just needed some space. Dumating ang punto na pinili niyang makipaghiwalay dito. Pero hindi naman niya ito inabandona. Nanatili silang magkaibigan.

Hindi nga lang niya nahalata na may balak magpakamatay ang dalaga.Hindi tuloy siya nakagawa ng kahit ano para pigilan ito. Doon siya talaga napu-frustrate.

He felt she was trying to tell him something. It was very cryptic. Iyon bang parang may gustong-gusto nang isiwalat si Hannah pero nag-aalangan din ito nang husto. And idiot that he is, he was unable to solve the puzzle. Hanggang ngayon ay clueless pa rin siya kung ano ang tinutukoy nito sa mga salitang manaka-naka ay binibitawan nito.

It was not as if I chose to be this way. I was made this way... Kung minsan nawawala ang choice sa mga kamay natin. Iyon bang parang nahulog tayo sa malalim na tubig at kahit anong gawin natin ay hindi tayo makaahon. So what do we do? We turn into slime...

Marami pa itong ibang sinabi. Sa tuwing uusisain ito ni Aegen kung ano ba ang tinutukoy nito ay tatawa ito saka iibahin ang topic. Until the next time she gets emotional again. Hindi niya ito maintindihan. Pero naisip niya, dapat siguro ay mas nangulit siya. Ang mas nagpapa-guilty sa kanya ay ang katotohanang natatakot siyang mag-usisa. Dahil baka hindi rin naman niya alam kung paano ito tutulungan. So he just helped her in the way he could. Through sex. She became his booty call. Kapag kailangan nito ng sex ay siya ang tumutugon doon. Because he knows that if he let her find somebody else, she might end up getting hurt.

Fuck shit! She still ended up getting hurt. Fatally. Because of him. Because he was leaving her when the point came that he couldn't handle it anymore. He is just a booty call to her but he is in-love with her. He feels he is losing his grief on himself. Nadedesperado siya na napu-frustrate. He needed to get away from her, even for just a while.

You are leaving me after making me fall in love with you? He could still hear the accusation in her voice. He could still clearly see the pain in her eyes when she said those words.

Hindi naman kita iiwan. I just need some space. Nagpaliwanag siya.

Okay, she answered. At sa sumunod na mga araw, inakala ni Aegen na naintindihan naman siya ni Hannah. They acted as the friends they once were. Then suddenly, she was gone.

Hindi makayanan ni Aegen ang bigat ng kaloobang dala ng nabuhay na namang mga alaala. Pakiramdam niya ay nasasakal siya. Napatayo siya. He looked crazily around the room. Malaki ang espasyo pero tingin niya rito ay isang hawla. Nagkukumahog niyang tinakbo ang pinto, marahas na hinila iyon pabukas saka siya nagtatakbo palabas na akala mo ay hihigupin siya ng kung ano para ibalik sa loob.

Tuloy-tuloy siya sa labas. He is running as fast as he could, feeling as if a horrible monster is on his heels. Ni hindi na niya napapansin ang kapaligiran. Basta't ang mahalaga ay matakasan niya ang mga alaala. Napatigil lang siya nang makita ang kawalan na muntik niyang mapuntahan. He discovered he was standing at the edge of a cliff. Sa ibaba niyon ay mga batuhan kung saan nababasag ang naglalakihang mga along humahampas roon.

And the thought entered his mind once more. I could end it right here.

SHIT! Gigil na napamura si Ruby. She is shaking. Alam niya ang dahilan. Nagke-crave ng illegal substance ang sistema niya. Hindi siya addicted. Madalas niyang igiit iyon kay Bianca, at sa sarili rin niya. She could stop if she wants to. Anytime she wants to. Or so she foolishly thought. Ngayon niya napatunayan na hindi iyon tutoo. Agitated din siya. Hindi siya makali. Parang may kailangan siyang gawin pero hindi naman niya matukoy kung ano iyon.

Palakad-lakad siya sa kuwartong ipinagamit sa kanya ni Aegen. Ilang beses niyang hinalungkat ang mga gamit niya, umaasa na may stash siya na hindi nakuha ng lalaki. Pero wala siyang nakita.

"Shit, shit, shit!" She wanted to cry. She wanted to scream while tearing her hair out. "Kasalanan mo ito, Doňa Henrie." Ni ayaw na niya itong tawaging lola. She doesn't deserve the term after she turned her back on them. Kung hindi naging matigas masyado ang puso nito ay wala siguro siya sa sitwasyong iyon.

"Look at me. Your granddaughter. I am...a worthless piece of shit." Napahagulgol si Ruby habang dahan-dahang napapaluhod sa sahig. Yeah, she does feel like shit. The truly worthless kind. Hindi niya inaamin iyon. Madali iyong itanggi lalo kapag magaan ang pakiramdam niya. Kaya nga rin siguro gusto niya na laging kargado siya. To keep the demons that are trying to wreck her mind at bay.

But she doesn't have her juice. So now, she has to deal with reality. And it is saying that she is a worthless junk. Or worthless junkie would be a better description.

"Buwisit ka kasing Aegen ka." Sa lalaki naman nabunton ang galit niya. Ganoon talaga ang irrational anger. Kung sino-sino ang nagiging target. Kung hindi nito kinuha ang stash niya ay masaya sana siya ngayon.

I don't want to have any illegal substances here. Naalala niya ang sinabi nito.

"Eh sino bang may sabi sa iyo na dalhin mo 'ko rito?" sigaw niya.

Natigilan siya nang maalala na para siyang tanga. Nakikipag-usap siya sa wala. Mas maganda siguro kung iyong taong kinaiinisan niya ang siya mismong sigaw-sigawan niya. Para naman may saysay ang effort niya.

Nasaan ba kasi ang kamoteng iyon?

Lumabas ng kuwarto si Ruby para hanapin si Aegen. Hindi kalakihan ang bahay kaya nalibot agad niya iyon. The guy is nowhere to be found. Hanggang sa isang kuwarto na lang ang natitirang hindi na niya napuntahan.

She barged in. Pero disappointed siya. Walang tao roon. Lalabas na dapat siya nang mapatingin sa isang bahaging ng silid. May nakatayo roon. Isang easel na may nakalagay na canvas. Kaya lang, imbes na painting ang nakaguhit sa canvas ay bold X marks ang nandoon na red paint ang ginamit. Parang graffiti lang.

Iginala ni Ruby ang tingin sa silid. Ilang mga kagamitan sa pagpipinta ang nakita niya. Mga canvas, tubes ng pintura, brushes, pencils at kung ano-ano pa. Pero kahit isang tapos na obra ay wala siyang namataan. She looked at the racks and shelves. Wala rin. Kahit nga iyong sketchpad na nakalapag sa sahig ay blangko ang mga pahina.

Sa tingin niya ay ginagamit na studio ang kuwartong napuntahan niya. The light is really good in there. Nanggagaling iyon sa mga naglalakihang bintana roon. Napagawi ang mga mata niya sa isa sa mga iyon. The view is magnificent. Kitang-kita mula sa kuwarto ang baybayin, ang karagatan, ang mga kabundukan. May nakatayo pa ngang stand kung saan nakakabit ang isang telescope.

Wait! What's that? Napatitig siya sa natanaw. Parang tao ang nakatayo sa gilid ng cliff. Nagmamadaling tumungo si Ruby para sumilip sa telescope. It is a powerful one. Mataas ang magnification. Kitang-kita niya sa scope ang mukha ng taong nakatayo sa gilid ng bangin. Si Aegen. And he looks as if he is thinking of jumping into the sea.

Ibinaba niya ang anggulo ng telescope. Malalaking bato ang nasa ibaba ng cliff.

Is he crazy?


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C28
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login