Download App
71.92% Pagdating Ng Panahon / Chapter 41: Chapter 41: Set up

Chapter 41: Chapter 41: Set up

Sa pick up kami ni Kian sumakay. Ako sa likod. Kaharap ko si Kaka. Driver's seat si KIan at shit naman! Bat di nya nalang dinala sasakyan nya para solo flight sya diba?. Bakit kailangan pa nyang makisakay dito sa bagong kasal?. Kaasar naman talaga!. Yes. Katabi ko po sya. Gayunman. Isang batian lang ang nangyari. Nothing more. Nothing less simula nang isalpak ko sa tainga ang earphones ko. Sa labas na rin ako tumingin. Never na sa gawi nya.

Lakas maka-awkward diba?.

Oo na nga. Hindi ko nga sana gagawin to. Kaso, para patunayan ito sa pride na meron ako. Alang-alang sa pinagmamalaki kong prinsipyo. I have to do this.

Grabeng pride! Di ko minsan maabot!.

"Ang init naman masyado.." reklamo ni Karen. I still put my earphones but I already turned it off. Kanina pa. "Pakilakasan naman ng aircon, babe.."

Babe?. Ewww!. Kadiri ba!?.

Sa front mirror. Sa parte ng side nya. Sa labas din sya nakatingin. Hindi sa likod ni Kian o kahit saan pa. Wala ng iba kundi sa labas din, gaya ko.

"I-full ko ba babe?." tugon naman ng isa sa asawa.

Mga hinayupak!.

Hindi lang basta usap ang ginagawa nila. Parinig na!. Mga walanghiya!.

"Kung pwede nga babe.. malapit na kasi akong matunaw.."

"Hindi ka naman ice cream babe. Bakit ka matutunaw?."

Ice cream?. Matunaw?. equals to awkwardness.

Kung ang iba. Natutunaw sa lalim ng titig o di maalis na mga tingin. Sa amin naman. Nakakalambot ang lamig. Sa haba ng byahe namin. Walang nagsalita samin. Kung may isang bagong biling yelo lang sa harapan namin ngayon. Hundred percent sure, tunaw na.

Ang pinagtataka ko. Bakit di rin sya nagsasalita?. Is he thinking?. What?. Who?. Ako?.

Psh!. ASA ka naman Ken!. Sino ka din sa kanya?. A friend. Yeah. Just a friend. Nakalimutan mo na ba?. May hinihintay sya. At HINDI IKAW YUN!.

"Guys cr na muna tayo.." alok ng dalawa bago sila bumaba. Di ko man lang namalayang huminto pala kami sa isang gasoline station. Tinignan ko ang van ng Eugenio. Wala sila. Baka nauna kami sa byahe o nahuli. Di ko na napansin dahil sa lalim ng iniisip ko.

Nauna akong bumaba. Sumunod naman sya. Sa pangbabae ako dumiretso. Sa kabila naman sya. Pumasok na ako't umihi.

"Ate, hintayin nalang kita sa labas.." ani Kaka.

"Sige.. pakihinaan pala ng aircon nyo.. malapit na akong manigas sa kinauupuan ko."

"Hahaha.." tawa nya lang.

At sa tagal ko sa loob. Nadatnan ko nalang si Poro na nasa labas. Nakapamaywang ang isang kamay sa kaliwang balakang habang ang isa ay sa batok nakahawak.

Anong problema nya?.

Inayos ko muna sarili ko bago naglakad palapit sa kanya. Pero sa malayo sya nakatingin. Sa kalsada mismo. Sinundan ko naman ang tinitignan nya. Tapos sya.

Shems!. Tumalon ang puso ko sa tanawing nakikita. Ngayon ko lang ulit natitigan ng ganito kalapit ang mukha nya. Parang taon na ang lumipas na di namin pagkikita kahit linggo pa lamang yun.

But he noticed me kaya tinignan nya rin ako. "May dumi ba ako sa mukha?." he asked huskily. Napalunok ako sa kaba. Kaba na di ko alam na meron pala ako pagkaharap sya ng ganito. Ngayon ko lang talaga napansin na nakakahiya pala yung ginawa ko.

Umatras ako bigla. Di ko alam na isang hakbang pala iyon papunta sa rest room ng boys. Kaya bagsak sa sahig ang pwet ko. Kingina!.

Napapikit ako sa sakit. Kingwa talaga oo!.. Bakit di ko yun napansin?!. Bwiset! Bwiset!. Mas lalong nakakahiya!.

"Ayos ka lang?." he offered his hand pero di ko kinuha. Yumuko lang ako upang itago ang pagkapahiya sa sarili. Tapos nakita kong nasa magkabilang side na ng mga paa ko ang isang pares ng puting sapatos. Umupo ito upang bigyan ako ng tapik sa braso. "Masakit ba?."

Aba!. Nagtanong pa? Malamang. Nahulog nga ako diba?. Hindi ba yun obvious?.

Tahimik nalang ako. Di ako umoo o umiling. Maliwanag pa naman para makita nya kung paano ako mahulog kanina eh. Why asking?.

"Ganyan din ako e.." bigla ay kwento na nya. Hinayaan ko lang syang tapikin ako habang nagsasalita. "Nahulog tapos di sinalo.. kaya umiyak nung nasaktan.."

Kumunot ang noo ko.

Ano!?.

Kagat ko ang ibabang labi ng umayos na ako ng upo. Di na rin kasi masakit pwetan ko. Mainit na rin ang semento. Kailangan ko ng tumayo. Pero paano?. May hugot pa ang isang to!.

"Ganun yata ang buhay.. hindi lahat ng gusto natin ay binibigay." makahulugan ko ring saad. Umawang tuloy ang labi nya. "Pagdating siguro ng panahon.. sa tamang oras at lugar.. magiging sa'yo rin ang gusto mo.."

"Hindi ba pwede ang panahon ngayon?." I feel like. Nag-uusap kami about our true feelings pero in a very different way.

Pauso lang ba?.

Abnoy!.

"Yan ang di ko rin alam.. depende na rin siguro.."

"Pwede bang sa bahay ka nalang?." sa lahat ng tumatakbo sa utak ko. Sa gulo ng damdamin ko. Sa labo ng pag-asa ko. Bigla kong maririnig ang bagay na to?. Teka. Nananaginip ba ako?. Bangungot! Pakigising nga ako!.

Di ko maiwasan ang pagkunot ng noo ko. "Namimiss na kita.. di mo sinasagot tawag at text ko. Wala ka rin lagi sa gala ng mga kaibigan mo sa Rooftop.. mailap ka rin kapag nasa bahay nyo ako.. iniiwasan mo talaga ako. Bakit?."

Napalunok ako. Heto. Nagtanong na. Anuna?. Aamin na ba?.

Isip Kendra!. Bilis!...

Teka lang!. Nag-iisip pa ako. Masyadong malabo ang utak ko. Wala akong mahagilap na pwedeng isagot.

Nataranta ako bigla saka wala sa sariling tumayo. Nabunggo ko pa ata sya. "Nasaan na sila Karen?. Iniwan ba nila tayo?." ngayon ko lang napagtanto na parang iniwan nga nila kami rito. Mga batang yun!.

"Iniiwasan mo talaga ako Kendra Manalo?." hinawakan nya ako sa magkabila kong mga braso. Para tiyakin na di na ako makakatakas sa tanong nya.

"Hindi kaya.." kabado ako. Di na yata maiaalis iyon kaya ganito ako magsalita. Bulol.

"Alam mo bang, simula nung umalis ka ng bahay... di na naging normal ang tulog ko?."

"Aba malay ko?." di ko namalayan na basta nalang itong lumabas sa labi ko. Grrrr!.

"Alam mo ba kung bakit?."

"Paano ko naman malalaman?. Nasa magka-ibang bahay na tayo."

"Dahil sa'yo.."

Napakurap ako. Tas unti unti nang nagshrink-in sa utak ko ang sinabi nya.

"Ano?." di makapaniwalang saad ko.

"Masyadong maluwang ang bahay simula nung umalis ka.."

"Ang sabihin mo. Naging masikip ang bahay mo. Dahil sakin.."

Umiling sya. "Nagkaroon ng kulay ang bahay ko simula nung lumipat ka dun.."

"Psh.. ang sabihin mo.. naging makalat at maingay ang bahay mo simula nung duon ako tumakbo para takasan ang Mama ko.."

"Bumalik ka na Ken.. Ipapaalam kita kay Tita.."

"May sarili kaming bahay Poro.."

Tumawa sya. "Alam ko.. magkaibigan naman tayo diba?. Wag mo naman sanang ipagkait sakin ang sagutin ang tawag at text ko. O kahit yun nalang.."

Matagal bago ako tumugon. "Hayst.. alam mo Poro.. saka na natin problemahin yang problema mo ha.. ang kailangan natin ngayon ay sasakyan.. alam mo bang tinakasan tayo ng dalawang kasama natin?."

Dito pa lamang sya nagpalinga-linga. Mukhang ito rin ang dahilan kung bakit sya nakatingin sa malayo kanina. Hinahanap ang aming sasakyan.

"Pwede mo naman akong sakyan.." banat nya bigla.

"Ano ka?. Hoy!.."

"Hahaha.. biro lang.." tinawagan ko si Karen at tawang tawa sya nung sinabing nakalimutan daw nila kami rito. May ganun ba?.. Ang sabi pa. Pumara nalang daw kami ng sasakyan dito patungo resort kung nasaan na sila ngayon. Alam nyo yun?. May plano pala silang ganito?. Kung sana, di nalang ako pumayag sa suhol ni Mama. E di sana, ang sarap na ng tulog ko ngayon. Kaasar lang din!.

Bale ang bagsak namin. Jeep. Buti nalang. May laging nakasukbit na pera sa likod ng case ng phone ko. Tipong kahit di ako magdala ng wallet o bag. May mahuhugot ako. Pang-emergency ba. Ang bulong din kasi ng katabi ko. Naiwan daw sa sasakyan ni Kian yung phone at wallet nya kaya. Ako na nagbayad.

Takip silim na nung dumating kami ng resort. Naghahanda na sila ng hapunan ng paulanan nila kami ng mga biro at kung anu-ano.

"Hindi ako natutuwa sa ginawa nyo kanina.." kinalabit ko itong si Karen at sinabi to. Di sya humingi ng sorry. Nagpeace-sign lang ang gaga tapos bumalik na sa tabi ng kanyang asawa.

Gabi. Pagkatapos ng hapunan. Napagplanuhan ng lahat na sa labas na matulog. May dala silang lahat ng tent. Ako. Walang kaalam alam. Itong si Poro naman. Galit dahil wala daw nagsabi sa kanya. "I have extra one here." tinaas ni Mark ang isang kulay berdeng tent. Announcing. "Pero pano yun? Dalawa kayo?."

Oo nga!. Paano na to!.

Naging bubuyog ang lahat. "Ganito nalang." si Lance naman ito. Kapatid pa rin ni Bamby. "What if, kayong dalawa nalang sa tent na yan.."

"Ano kayo?." agap kong saad. Anong tabi?. No way!.

"Bro, wala na bang ibang extra?." marahan lang na tanong ni Poro. Umiling ang lahat.

"Karen, tayo nalang ang partner. Tas sila ni Kian dun sa isa." perfect. Tama. Ganito dapat.

Subalit. "Hindi pwede Ate eh. Sorry.." singit sakin ni Kian na agad niyakap ang kapatid ko.

Bwiset!.

"Ano ba kayo?. Magtatabi lang naman kayo. Ang dumi naman ng utak nyo. May iba pa ba kayong gagawin kapag nagtabi ha?. Di ba matutulog lang?." ani Dennis na nakahalukipkip pa. Seryosong seryoso pa.

Sa inis ko. Basta ko nalang kinuha yung tent sa kamay ni Mark at naglakad para i-set na to.

Kaasar lang. Set up to!. Halata sila masyado!.. Karen!!..


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C41
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login