Download App
94.73% Pagdating Ng Panahon / Chapter 54: Chapter 4: Aling Mer

Chapter 54: Chapter 4: Aling Mer

Yes. Kinaumagahan. Nagbaka-sakali nga po ako. But their gate is closed. Nahihiya akong kumatok sapagkat who am I to them? Especially now?. Tiningala ko ang second floor kung saan ang silid ng magkakapatid. If only I had the powers to enter this house without them knowing?. Papasok ako. It's not my intention to bother her or worst for that. Hindi iyon. Gusto ko lang makasiguro na okay lang sya't totoong nagpapahinga.

It's almost ten in the morning. Five more minutes before the big hand of the clock is on the zero.

Alam kong nakikita ako ng mga kapitbahay nila rito pero wala akong pakialam. Actually. Kahit tinitignan nila ako from head to toe. Damn! Who the hell are them too!.

"Hijo?." Someone called me. Sa malayo kung saan sumisikat ang araw. Kaya hindi ko agad namukhaan kung sinong taong tumawag sakin at papalapit. I step back. Nervous. Baka kasi si Tita. Pagagalitan ako.

But when she slowly comes closer to me. Naalala ko na. "Aling Mer?." I remember her. Yung may-ari ng tindahan noon?. Yung pinagbilihan namin ng ballpen?. If I'm not wrong.

"Oo. Tama nga. Ikaw yun hijo.." she stated. Tinuro pa ako. Napansin ko ang madami nang uban sa kanyang buhok. Maging ang kulubot sa kanyang mukha ay hindi na maitago. She's aging. How fast it is.

"Po?. Kilala nyo pa ako?." Lumapit sya sakin at hinila ako patungong tindahan nya raw. Ang kwento nya, sa bahay raw sya ng anak nya natutulog. Ang bahay na may tindahan ang mismong bahay nya. Sya lang mag-isa duon kapag ganitong umaga na dahil may pasok ang anak nyang babae at mga apo dito. Nag-iisa raw kasi nya itong anak. Namayapa na rin ang kanyang asawa. Kaya mag-isa nalang sya duon.

"Bakit ayaw nya pong tumira dito?." I asked because I got curious too. It's like a teleserye. I help her open her sari-sari store.

"Hindi sa ayaw nyang tumira dito. Duon kasi ang bahay ng asawa nya. Nag-iisang anak rin. Kaya nandun sila. "

"Sya po ang pinili nya, hindi kayo?." Malungkot syang tumango.

"Ganun talaga ang buhay hijo. May bagay na kailangan nalang tanggapin kahit ayaw mo sana." The statement she said is like an advice for me. Hindi man sinasadya. Hindi man ako nagsasabi sa kanya. Parang alam na nya. O guni-guni ko lang na may alam sya. O ako lang ito na ganito ang iniisip dahil sa sitwasyon ko. "Ikaw?. Matagal kang hindi nagawi rito?. Saan ka nagpunta?." Pinapasok nya ako sa loob ng tindahan nya't pinaupo ako. She offered me a drink kaya ngumiti ako't tumango na rin. Nauhaw din kasi ako kakatingala sa taas kanina.

"Ah. Zambales lang ho.."

"Ganun ba?. Anong ginawa mo roon?. Ang balita ko pa naman, naghiwalay raw kayo nung dalagang maganda na si Kendra?."

Nalunok ko ng di oras ang soda na dumaan sa lalamunan ko. Lalasahan ko pa sana kaso dahil sa naging tanong nya. Na muntik na ako mabilaukan. Nalunok ko na agad ito.

"Tapos ngayon, dito ka na ulit titira?." She asked again na para bang alam na nyang di ko sasagutin yung nauna nyang tanong.

"Siguro po.." hindi sigurado kong saad.

Dinungaw nya ako ngayon. Sabay abot ng isang piraso ng mamon. Para lumambot pa raw ako.

"Bakit hindi ka sigurado?. Aalis ka ulit?. Saan?."

Why is she asking?.

Pero ano lang kung magsabi ako sa kanya diba?. Parang Lola ko na rin naman sya.

"Actually ho. Patungo po kaming Singapore sa susunod na linggo.."

"Duon ka na titira?!." Medyo nagulat pa nyang tanong.

Nakamot ko ang ulo tapos baba ng bandang batok. I sip again to my soda dahil biglang nanuyot ang lalamunan ko. "Isa nga pong coke.." I know that voice. Her sweet voice. Napatayo ako pero napaupo rin kaagad ng matanaw kung sinong kasama nya.

"Magic sarap pa Kendra. Para isahan nalang ang pagp atunta mo rito. Masyadong mainit pa kapag lumabas ka pa mamaya." It's her Mom's suggestions.

Napayuko pa ako kahit aware akong hindi naman na ako kita sa loob. My heart is pounding so hard. Ang pitik nito ay parang mga paa ng kabayo na nasa mahigpit na paligsahan. Sobra sa lakas. Kabado ako. Takot rin sa totoo lang. Pinagpawisan ako kahit tutok sa akin ang electric fan ng matanda.

"Hindi nya alam na pumarito ka?." Lumakas ang lumalabas na hangin sa electric fan. Mukhang nilakasan nya pa ito. Napansin nya sigurong hindi normal ang pawis ko kaya natanong nya ito.

"Ho?." Parang tanga lang Poro! Nasaan ang pandinig mo?.

Nabingi na siguro sa lakas ng kabob ng puso ko!

"Si Kendra ang tinatanong ko. Alam nya ba kako na aalis ka?. Na mangingibang bansa ka?." Mabilis akong umiling. "Bakit di mo sabihin?."

"Ayaw po akong kausapin eh.." nadurog ang puso ko sa mga oras na sinabi ko ito. It's the realest fact na parang ngayon lang nag-sink in sa akin.

I waited for her words pero walang dumating. Tiningala ko sya. Nakatayo lang sya't nagpapaypay. Hinahayaan na dumaan lang ang electric fan sa akin at hindi sa kanya.

"Susuko ka nalang ba?."

My eyes widen when she utter those words. "Kapag sinabi nya ba sayong ayaw ka nyang makita, di ka na rin magpapakita?. Ganun ba?." My mouth got half open.

"Naku hijo. Bata ka pa nga pagdating sa mga pagsubok sa buhay. Wala ka pang kaalam-alam sa takbo ng mundo." She stated na hindi ko maintindihan.

"Nahihiya po kasi ako." Yumuko akong muli sa ikalawang pagkakataon.

"Walang magagawa yang hiya mo kung lagi mo nalang itong iisipin hijo. Kung gusto mo talaga syang kausapin. Gumawa ka ng paraan. Lagi namang may dahilan ang mga tao kapag ayaw ka diba? Pero kapag gusto palaging merong paraan.."

"Ano pong gagawin ko?." It's now or never. Kung di ako susubok ngayon. Kailan?.

"Bumalik ka ulit duon at sumubok muli. Subok subok lang hijo. Huwag mawalan ng pag-asa." I have that eagerness and hopes in me. Sabi ko nga. Baon ko na yan dati pa. Kaso natunaw lang bigla kahapon. Parang makahiya. Tiklop agad. "Kasi kung di ka gagawa ng paraan ngayon. Baka pagsisihan mo rin sa huli." It's one thing for sure. She's saying me things beyond my expectations. Kahit di nya ako gaanong kakilala o nakilala nya lang dahil sa kapitbahay nya. The genuicity in her is damn obvious. Namiss ko tuloy ang Angkong namin.

Kaya that day. Pinindot kong muli ang door bell nila. Si Tita ang nagbukas. Nagmano ako. Ngumiti at iniabot ang dalang prutas. She accepted it naman. But the poker face is still firm. I'm scared. Felt nervous pero laban lang. Gaya ng sabi ni Aling Mer. Subok lang. Walang mawawala kung di ko subukan.

But Tita said. Kendra just got home from work. Nagpapahinga na raw ito dahil pagod. Kaya ayun. Bagsak ang mga balikat kong lumabas ng bahay nila. Gayunman. Kahit di ko sya nakita o nakausap. Atleast. I did my best na pumunta ruon kahit di nila ako kausapin.


CREATORS' THOUGHTS
Chixemo Chixemo

Happy New Year peeps! Have a blessed year ahead to everyone! Hugs and kisses

next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C54
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login