Download App
64.91% Pagdating Ng Panahon / Chapter 37: Chapter 37: Dinner

Chapter 37: Chapter 37: Dinner

Tahimik. Nakakailang na katahimikan ang bumalot bigla sa hapag. Nawala ang halakhak ni Papa at ng Daddy ni Kian ng magsalita si Mama.

"Kung sa ikalawa ng Mayo na nitong taon gaganapin ang kasal?. Hindi ba masyadong madali ang lahat?." sa totoo lang. Nalilito na ako sa kung paano tumakbo ang isip ngayon ni Mama. Para bang hindi ito normal ngayon at nasaniban ng ibang tao. Pakiramdam ko. Hindi sya ang kaharap namin ngayon at ibang tao. Para kasing. Nag-iba lahat ng kilos nya. Pananalita. Prinsipyo. Dignidad at pakikitungo. Lalo na sa aming mga anak nya. Ang pinagtataka ko pa. Bakit nya ito biglang iurong gayong sya ang nagset na ng araw dito?. Pagkatapos kasi ng civil wedding ng dalawa. Isang buwan lang ang pagitan ay sa simbahan na din sila. Paanong nangyari ngayon na naisipan nya na naman isuspende ang kasal at iurong sa susunod na buwan?. What's on her para gawin ito?. Hindi ba sya aware sa ginagawa nya na nasasaktan kaming mga anak nya?. Anong dahilan bakit nagbabago lagi ang isip nya?. Anong nasa likod nito?.

"Hindi na maaaring iurong pa ang nai-set na." may tunog pagkainis ang boses ni Papa. Habang nakayuko syang sumusubo. Sinabi nya na ito. Abala ang lahat sa pagkain. Parang ako lang ang hinde. O baka. Sadya lang nilang maging abala para hindi halatang nadismaya rin sila. Dahil ako. Hindi ko maitago ang pagkadismaya. Gustuhin ko mang itago ito. I can't filter my feelings. "Anong dahilan para iurong mo ito, Alice?." umayos na ngayon ng upo si Papa. Dito lang din nagsitigil ang lahat na kumain.

Bigla ring nanuyot ang lalamunan ko kaya kinuha ko ang basong may laman ng tubig at nilagok ito. Pangalan na ang binanggit. Ibig sabihin lang nun. Seryosong usapan na to!

"Hindi ba, masyado pa silang bata, Jack?." giit pa ni Mama.

Malalim na hininga ang ginawa ni Papa. "Duon din naman ang tungo ng mga bata. Saan pa't patatagalin mo?."

"Tama nga naman si Pareng Jack, Mare.." ani Tito Gilbert. "Tsaka. Nakakahiya sa mga bisita kapag iniurong pa natin ito.."

"Bakit hindi kasi ito pinagdesisyunan ng mabuti?. hindi yung ganitong malapit na ang kasal ng mga bata, saka lang kayo mag-iisip?. Ano ba talaga?. Alarm mo, Alice. Hindi ka pa rin pala nagbabago. Wala ka pa ring isang salita. Hindi marunong manindigan sa mga nasabi na. You know what?. I'm so disappointed on you. Willing pa rin naman ako na marinig sa inyo kung mag-wiwithdraw ba kayo na ikasal ang anak ko sa anak nyo o itutuloy pa to?. Just tell me. It would be beneficial to me and my lovely son.."

Yan na nga ba sabi ko eh.

"Mom?." si Kian.

"Ruffa, stop!." halos sabay na suway ng mag-ama sa kanilang may bahay. "Hindi ka nakakatulong." dagdag pa nito.

"Anong hinde?. I'm just giving them an option here, Gil?. Lalo na't parang napilitan lang sila sa anak natin. it's because of that promised na noong ilang dekada pa nakalipas.." umirap si Tita Ruffa. Nasamid ako. Buti nalang nadampot ko agad ang baso na may tubig para makainom.

"Payag man kayo o hinde. Iurong nyo man ito o itakda... iisa lang ang mahihiling ko.." nagsalita ngayon si Karen. Napatingin ang lahat sa kanya. Maging si Kian ay humarap sa kanya ng buo. "Respeto. Respetuhin nyo rin sana ang desisyon naming dalawa ni Kian. Tinakda nyo man ang kasal na ito noong panahon pa ni Kopong-kopong. Hindi pa rin magbabago ang katotohanan na, mahal namin ang isa't-isa without knowing your promises."

Bravo Kaka!. Yan! Ganyan nga!. Lumaban ka!. Ipaglaban ang karapatan!.

"Yun lang naman po ang gusto namin Ma, Papa.." sa mga magulang namin ito tumingin. Tapos sa parents ni Kian. "Tito Gilbert, Tita Ruffa."

Hindi ko alam kung bakit di na umimik pa ang mga matatanda. Natapos nalang basta ang kainan. Pero bago umalis ang mag-asawang Lim. Nagsalita si Papa. "Tuloy pa rin ang kasal. Walang makakapagpabago nun." pinal na desisyon nito sa kanila. Alam kong pasiring nya rin ito kay Mama.

Umalis na sila. Naiwan si Kian samin. "Still, wanna go out tonight?." bumulong si Poro sakin habang abala kami sa pag-aayos ng mesa. Nagpaalam kasi si Mama na aakyat na. Sumunod din si Papa. Sigurado akong, magtatalo na naman sila. Habang si Kim ay naiwan kay Karen at Kian.

"G!. Tapusin lang muna natin to. Then, let's go.."

Tinapos nga namin ang paghuhugas. Bumaba kalaunan si Mama tapos kinuha si Kim kay Karen. "Ma?." tawag pa ni Kaka dito pero di nya ito pinansin. Mukhang alam nya na rin ang sasabihin nito. Pareho lang sa kay Papa.

Dismayadong umupo ito sa sofa. Tabi lang ni Kian. "Matutuloy pa ba kaya?." bumulong muli si Poro sakin. "Kung kailan malapit na. Saka naman.. hay..."

"Tuloy yan.. sila pa." nilingon nya ako.

"Why are you so sure?."

"Kasi nga, silang dalawa naman ang masusunod dito not our parents." inikutan ko sya ng mata.

"But they did this thing a promised way back, Ken. Baka makakagawa rin sila ng paraan not to do it this time?." tinampal ko sya. "What?." tinaasan nya ako ng dalawang kamay. Defensive.

"Ang nega mo naman!. Basta ako. May tiwala akong ikakasal yang dalawa na yan. Sa ayaw at gusto ng mga taong nasa paligid nila."

Tinignan nya ang dalawa ng mariin saka kinausap ang sarili ng, "Let's see.. Let's invite them to come with us.."

"Saan?. sa Rooftop?. Bar yun Poro?." minor pa si Kaka. Nung January lang din nag-eighteen si Kian. Makakapasok kaya din sila?.

"I know."

"Paano?. Kaka is only seventeen?."

"I have ways, Ken. Trust me." susuwayin ko pa sana sya nang naglakad na ito't umupo sa gitna ng dalawa. Pareho kasing tahimik ang mga ito. Nag-iisip din siguro tungkol sa nangyari kanina.

Sumama nga sila sa Rooftop. Ang sasakyan ni Poro ang ginamit namin. Ngunit si Kian ang nagdrive. Kami ni Kaka ang nasa backseat habang nasa tabi ng driver's seat si Poro.

Di nga kami nagtagal sa labas dahil agad kaming pinapasok ng bouncer. Sa isang mesa. May dalawang brandy ng alak at dalawang mango juice. Nagtalo pa ang magkaibigan kung kanino ang juice. Ang sabi ni Poro. It's for them, with my sister dahil they are still a minor. Matinding tumanggi ang isa at sinabing nasa legal age na sya. Bale ang nangyari. Imbes sakin yung isang bote ng brandy na alak. Napunta yun kay Kian.

"Lagyan nyo naman tong baso namin kahit konti lang.. Makatikim man lang ng alak.." nagmakaawa pa ako kaya sila parehong natawa. Nilagyan nga nila ang baso namin ni Kaka. I'm too happy dahil may alak na ang baso ko. Pero itong bunso ko?. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha.

"Kuya Poro, may extra room ka pa ba sa bahay mo?. Pwedeng matulog duon mamaya?."

Napamaang ako!.

"Anong?. Hoy babae ka!. Anong balak mo ha?."

"Maglalayas tulad mo.." simple nya lang na sabi sabay lagok sa kanyang juice ng dire-diretso. Isang lagukan ang isang baso?. Grabe!. Ngayon ko lang sya nakitang ganito?.

"Gaga!. Wag ka ngang tanga!. Wag kang magdesisyon dahil sa galit ka o naiinis.."

"Desisyon ko ito Ate.. just let me be, this time."

"Pero si Papa, Karen?. Kausapin mo sya. Maiintindihan ka nun.."

"Alam ko. Si Papa pa. Hindi ba pwedeng makitulog lang muna sa bahay ng iba kahit minsan?. Wala kasi si Bamby para mag-overnight sa kanila. Namimiss ko na tuloy sya." malungkot nyang saad. Noong andito pa kasi ang mga Eugenio. Sa isang linggo. Dalawa o tatlong araw ito sa kanila. Umuuwi lang pag pasukan na. Halos duon na nga tumira. Ngayon lang yan, medyo tumatambay sa bahay. Kaya siguro, bagot na. Tumango ako kalaunan. Sabagay. Baka nakasanayan na nya iyon.

Pero bakit sa bahay pa ni Poro?. Anong ginagawa ni Kian sa tabi?.

"Oo nga.. ako rin bro.. gusto kong makitulog sa bahay mo.."

Bumulong hininga si Poro. Parang di makapaniwala. "Bahay ampunan ba ang bahay ko?. Magsiuwi kayo sa kanya-kanya nyong mga bahay. Mga pasaway!."

Ngumisi ako. Napangiwi rin si Kian. Naukit rin sa gilid ng labi ni Karen ang isang nakatagong ngiti. "Bakit si Ate Ken, pwede?. kami hinde?. Special guest lang ba pwede sa inyo?. Bawal ang kaibigan ganun?."

Poro snorted. He even deeply breath. "Parang ganun na nga. Hahaha.." at natawa pa.

"Ay kingwa!. rinig mo ba yun Kaka?." ani Kian sa katabi. "Ibabahay na yata ng mokong na to ang Ate mo?. Ano?. Bugbugin na ba natin?.."

"Loko!.." anya sa kaibigan sabay bato ng isang butil ng mani dito.

"Naku bro!. Pag yan nabuntis ng di pa kasal– ahahahahahahahaha!.." habol pang biro ni Kian.

"Asshole!. Putulin ko kaya yang dila mong unggoy ka!.." tumakbo palayo si Kian. Tawang tawa.

"Oo nga!... pag yan—.."

"Manahimik ka!." pigil ko din kay Kaka. Natawa ito basta. Saka tumayo.

"Naku Kuya Poro!. Panagutan mo nalang.."

"Sabing—.." marahas akong tumayo. Handang hilahin ang buhok nya. Ngunit mabilis itong lumayo sa mesa namin.

"Ahahahhahahahahah!... sa baba lang kami.. dun na rin kami mag-aantay.."

"Karen!.." tawag ko pa sa pangalan nya!.

"Enjoy your date!. byeeeiiiiii!.."

"Asar!." pumadyak pa ako ng todo sa inis.

"Mga batang inosente pero grabe ang utak.. Tsk!. Tsk!. Tsk!.." napailing nalang ni Poro ng umalis ang dalawa. Sinang-ayunan ko na rin ang sinabi nya sapagkat, malayo dapat iyon sa topic namin ngayon. Imbes sila ang kakausapin namin. To give some advice pero mukhang di na nila kailangan yun dahil nagagawa pa nilang tumawa ngayon.

Grabe!. Sige na!. Bahala ka na Karen!. I'll let you decide now!. You have your rights at di ko yun ipagkakait sa'yo, sa inyo ni Kian.

But damn it!.

Di talaga nawawala init ng pisngi ko!.

Anong buntis?.

Paanong mangyayari yun kung pareho kaming may priority?. Parehong may gustong maabot?. At pareho ring, may hinihintay na tao?.

Sandali Kendra. Sino namang tao ang hinihintay mo?.

Sino pa nga ba?. Edi sya!..

Ihhh!. Sino?. Ikaw?. At sya?! Errrr!.. ASA!!.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C37
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login