Download App
49.12% Pagdating Ng Panahon / Chapter 28: Chapter 28: Miss you

Chapter 28: Chapter 28: Miss you

Totoo ngang umalis si Mama pagkababa ko palang. Bagsak ang mga balikat kong umupo sa tabi ng crib ni Kim. Dismayado. Kung bakit sa lahat ng anak nya. Ako pa tong naging gitna?. Sabagay. Mahirap din namang maging panganay dahil lahat kailangan mong gawin upang itaguyod ang pangalan ng pamilya. Isa rin. kung bakit hindi pwedeng magkaboyfriend si Ate at kung bakit, ako nadamay sa hindi pwedeng mabuntis, muna sa rules nila ni Papa. At marami pa. Kung pagtutuunan ko din ng pansin si Karen. Di rin naman madali sapagkat, pag-aaral muna ang dapat unahin nya. Yun lang at wala ng iba. Sadyang naiiba lang sya sa rules ni Papa samin ni Ate dahil sa minsan na nilang naipangako ng Daddy ni Kian na sa darating na araw. Magpapakasal ang isa sa mga anak nila. Luckily. Karen and Kian met each other accidentally. Accidentally nga ba?. Di ko din alam. They like each other kaya di na nahirapan pa ang parents namin to do some things para lang mangyari ang gusto nila. Gayunman. Kahit anong gawin ko. O iisipin dito. Talaga nga sigurong naitadhana ako sa gitna ng dalawa kong kapatid. At ang role ko rito ay ito. Taga bantay ng bahay. Taga ayos ng kung anu-ano. Ano pa bang irereklamo ko?. Mabuting wag ng magreklamo. Tama na ang kalayaang binigay para makapaglibang. Para sakin, tama na yun. Sigurado ka?. Bakit parang may pagdadalawang-isip ka pa?. Naku! Wala ah!. Nagsabi sa'yo?.

Pumikit ako habang kinukuha ang remote control saka in-on ang tv. Pagkatapos ay dinampot ko rin ang phone at nakita ang text ni Poro. "Pumayag na si Tito.. sabay daw kaming kakain mamaya." laman ng mensahe nya. Napanguso nalang ako sapagkat hindi ko maikakaila ang tuwa. Sa kabila ng inis at tampong meron ako. Heto pa rin ako't hindi panawan ng ngiti. Kagat ang dulo ng hintuturo tapos kakagatin ang labi.

"Wow!. Talaga?. Sure kang wala kang sinabi sa kanyang iba?.." mabilis ding tugon ko. Hindi naman masyadong halata si Papa noh?. Halatang halata na gustong-gusto nya si Poro. Si Mama kaya?. Ganun din?. O pakitang tao lang?. And wait. Anong ibig mong sabihin sa tanong mo Kendra?. Ano yan ha?. Linawin mo nga! Na wala syang ibang sinabi kay Papa. Knowing him?. Hula ko'y, maaaring wala nga. Pero si Papa. I have no doubt. Malamang, meron na yun. Gaya ng kanyang sabi.

Hayst... naiinis na naman ako!.

Bakit ba tuwing naiisip kong ganun ang trato nila sa kanya, kumukulo ang dugo ko?. Gusto ko tuloy biglang mag-apply ng trabaho sa BFP kahit volunteer lang para may tubig akong gagamitin para pampakalma ko. Ang weird diba?. Tipong kailangan ko pang gumamit ng iba para pakalmahin ako. Tsk! Para tuloy di ko kilala ang sarili ko.

"Hahaha.. grabe ka.. Wala.. nga lang. Sya ang may sinabi.." reply nya. With emoji na nakangiti. Nagkamot nalang ako ng ulo. Nagdadalawang-isip ako kung magtitipa pa ba ako ng irereply sa kanya o hindi na. Kung oo kasi, ano namang sasabihin ko?. Na malinis na yung damit nya't nasa silid ko?. Naiisip ko palang. Natatanaw ko ng, bura agad yun ng mga hinlalaki ko. Kung hindi naman?. Di kaya maturn off sya sakin kasi biglang walang reply?. Ano ngayon ang gagawin ko?. Ang hintayin nalang ba syang dumating o tatanungin kung, anong gusto nyang ulam?.

"Ano?. May sinabi na naman?.." halos magbuhulan ang mga letrang tinitipa ko sa gigil ko. Ano na naman ito Papa?. Lagi nalang!

"Yup.. at sakin nalang yun. hahaha.. basta kakain ako mamaya dyan.. see you.." he replied.

Napasinghap nalang ako!

"Hayst Kendra naman!!.. Ano ba?.." tumayo ako't nagpaikot-ikot. Iniisip kung anong maaaring sabihin ni Papa sa kanya gayong medyo matagal na kaming di nagkwekwentuhan na dalawa. "Masyado ka namang obvious kapag tinanong mo kung anong gusto nyang kainin pa. Hayst.." pumadyak pa ako na naging dahilan kung bakit nilingon ako ni Kim. "Sorry baby.." inayos ko nalang ang buhok nya para di sya umiyak. Saka nilipat ang channel ng TV sa baby TV. Paborito nya kasi ito.

Tsaka. Tama bang tanungin kung anong gusto nya?. Hindi ba mas tama kung antayin nalang syang dumating kasama ni Papa para di naman masyadong halata na excited ako diba?.

Oo nga. Yun na nga yun. Wag ng magtanong at mag-antay nalang.

"Makakapag-antay ba ako?." tiningala ko ang orasan sa tapat ng TV. Alas kwatro palang ng hapon. Ilang oras pa bago mag-alas otso?. Apat?. Lima?. Tama. Limang oras pa. Anong pwedeng gawin sa mahabang oras na yun?.

Kinuha ko ang notebook ko't laptop. Binuksan ko iyon at sinubukang tapusin ang group study subalit tinitigan ko lamang ito. Wala akong naidagdag. Nabawasan pa nga ata.

"Bahala na nga." pinatay ko ang laptop saka hinila ang crib ni Kim sa gitna kung saan kita sya mula kusina. Magluluto nalang ako ng cookies. Kaya naman sigurong habulin ng limang oras yun no?.

Naghanap ako ng ingredients. Kaso, "Kulang?. Kainis naman!." nadismaya muli ako. Bakit di ko ito napansin man lang?. Naubusan na ako ng stock. Kailangang bumili. Si Mama nasa grocery pa. Kaso, alam kong di nya yun ako sasagutin kapag tumawag ako. Alam nyang baka mamadaliin ko syang umuwi para maglakwatsa. Ganun kasi lagi. Pero iba ngayon. Nagtry ako. Sana sagutin nya.

But sadly. Hindi nya sinasagot. Mukhang nakasilent cp nya. Hay!. Buhay nga naman oo!.

Hanggang sa dumating na sila. Wala akong natapos at nagawa. Nganga!.

"Good evening anak.." si Papa ang unang pumasok. Kasunod nya naman si Poro na kasalukuyang nagtatanggal ng sapatos. At kasunod nya na rin ay si Kian na hawak ang bag ni Karen. Sa likod nya rin ay si Mama na marami ng bitbit na mga supot. Sa wakas. Umuwi na silang lahat. Gusto ko ng magpahinga at ihilata ang likod. Sumakit din kasi matapos ang sandaling upo para bantayan si Kim.

Bumati sya sa kanila. Nakipagkamayan pa kay Kian. Bago sya tumulong kay Mama sa mga bitbit. Mabilis nangunot ang noo ko ng makita ang ngiti ni Mama.

Ang plastik!.

Tapos bumalik na syang sala para batiin naman ako. "Magandang gabi ho, Manang.." umikot ang mata ko sa naging bansag nya. Manang? Heto na naman sya!.

Ngumisi ako. Saka sya tinignan sa gilid ng mata. Nakaupo ito sa tabi ko. Kaliwang bahagi kung saan banda ang crib kanina ni Kim. Nalipat na yun sa gilid. Tabi ng Tv set at kurtinang harang sa kusina. "Magandang gabi rin, Toro.."

"What!?." taka sya.

"Sinabi mong Manang ako eh. E di Toro ka rin..."

Hindi sya umimik. Until. He burst out laughing. "Ahahhahahahahaha.." hindi malakas. Hindi rin mahina. Tama lang para saming dalawa na nag-uusap. "Toro?. Ako?. How?." paputol putol nya pa itong tinanong.

Nangalumbaba sya't gamit ang kaliwa nyang kamay saka sakin na tumingin ng diretso. Hindi sa TV na nakabukas. "Sa gwapo kong to?. Toro?. Hahaha.."

Hayst... gwapo ka nga kaya kita tinawag na ganun para di ako agad mahulog.

Eh?.

"Magkatunog kasi sila ng pangalan mo. Yun lang.." paliwanag ko. Taliwas sa laman ng isip ko. Na "Oo. Sa gwapo mong yang.. Kailangan maging pangit ang pangalan mo para hindi madaling mahulog itong puso ko." ito yun na di ko kayang sambitin sapagkat nasa paligid lang ang pamilya ko. Pangalawa. Di ko din kayang isugal ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa gwapo sya. No way!

"Yun lang?. Bat yung sa'yo, ang layo ng Manang sa Kendra?."

"Isa pang ulit mo.." banta ko. Naging isang linya ang labi ko. Tapos lihim na nguso ang ginawa ko dahil hindi din nito maitago ang ngiti sa labi. Tahimik ding tumatawa.

"Bakit?. Anong gagawin mo?." naiinis talaga ako sa ngiti nya. Para bang natutuwa syang nakikita akong salubong ang kilay tapos halos kasinghaba ng kuko ko ang nguso ko. "Ipagluluto mo ako?." he added.

"ASA.."

"Hahaha.. paliliguan?." ha?. Ligo agad?. Sino naman sya, siniswerte?. Ako nga. Tamad maligo pag nasa bahay lang. Tapos makikidagdag pa sya?. Wala bang tubig sa kanila para di pa nya gustong maligo?. Abnoy din!.

"In your dreams, asshole.." irap ko pa. Tumawa na naman ito.

"Ang sungit mo naman Manang.."

"Wala kang pake.." lumabas si Mama sa kusina tas may kinuhang supot sa may pinto. Agad ding bumalik ng kusina. Dumaan din si Karen sa sala upang umakyat sa taas. Sumunod din si Kian. Tas si Papa. Bumaba para kargahin si Kim. Umalis din pagkatapos. Nagpaalam upang bumili ng coke.

"But, I miss you.." bulong nya. Dito ko sya nilingon. Suot na naman nya ang walang kupas nyang ngiti. "I miss you already, Ken."

Aba!. Inulit pa?. Seryoso ba talaga sya?.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C28
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login