Download App
68.88% One Night Stand - Season 1 / Chapter 31: ( Adik sa Leeg )

Chapter 31: ( Adik sa Leeg )

Kinagabihan

Nasa kama na si Jen habang nakayakap sa unan at nakatitig sa may bintana banda.

Papasok naman si Carllex na galing ng comfort room at tila nag half bath ito.

Nakatapis lang siya ng tuwalya sa babang katawan nito.

Pasimple niyang gugulatin ang asawa, " pangit! " sabay bulong sa tenga ni Jen na ikinagulat nito at muntik nang makasuntok ng asawa. Tatawanan na lamang siya ni Carllex habang nagbibihis sa kabilang banda.

" tawa ka pa diyan. Patulugin kaya kita sa lapag. " inis na sumbat ni Jen sa kaniya habang sira na ang iniisip nito.

Sasagot naman si Carllex sa kaniya, " ano ba kasi iniisip mo, pangit ko? " usisa niya sa magiging asawa nito. Hindi naman sasagot si Jen at patuloy lang ito sa pagbaling sa kabilang banda. " Jen, " tawag ni Carllex sa kaniya na hindi ikinasagot nito.

Carllex Pov's

Ay, ang pangit na ito kanina pa ako di pinapansin.

Ano kaya ang iniisip nito. Wala naman siyang dapat na problemahin pa.

" hey, " tapik ko sa kaniya na ikinatitig lang niya sa akin. Gusto ata ng kagat nito para pansinin ako. Snober ang pangit na ito. Hindi naman maganda! Ang sarap niyang kagatin.

Ayan oh, hindi ako pinapansin. Ano ba kasi problema nito.

" Jen, " tawag ko sa kaniya na ikinatitig lang niya sabay higa sa kama.

Hala, inisnob na naman ako ng pangit kong asawa. Hmm, kagatin ko kaya ito uli para pansinin ako.

Pasimple akong lumapit sa kaniya sa pagkahiga sabay harang ng mga bisig ko.

" at saan ka pupunta? " taas kilay kong tanong sa kaniya nang bahagyang babangon siya.

" wag mo akong kulitin, wala ako sa mood para makipaglambingan sayo. " sabing taray niya habang pa choosy pa. Pogi naman ako pero bat di siya kinikilig. Iba talaga kapag pangit ang asawa mo. Walang dating sa kaniya ang karisma ko.

Pumatong na ako sa kaniya habang kinikuha ko ang atensiyon niya. Tingnan lang natin kong di mo pa ako pansinin. Dahan dahan akong lumapit sa leeg niya na ikinakaba niya.

" si - sir, maawa ka naman sa leeg ko. " atras niya sabay tago sa unan. Oh diba, may patago tago pa ang pangit na ito. Ang sarap niyang kagatin eh.

Hahabulin ko siya sa kama, pero nagtago uli siya sa kumot. Ako itong loko loko, syempre susulutin ko siya sa kumot. Sa baba niya ako dumaan.

" ay palaka! " pagkagulat niya ng maramdamang nasa tiyan na niya ako. Ngingisi na lamang ako sabay taas ng dress niya sa tiyan nito.

Mas lalo pa siyang kinabahan. Ano ba, ang nasa isip niya at ganiyan ang mukha niya.

Madahan kong hinawakan ang tiyan niya. Idinikit ko rito ang tenga ko at hinalikan.

" hi mga baby, paglaki niyo wag kayong maging pangit ha. Para sabay nating asarin ang mama niyong pangit. " sabay sabi ko ng ganun para inisin si Jen na hindi maipinta ang kaba.

Tatawanan ko na lamang siya at sabay na aakyat sa dibdib niya. Titigan ko ang leeg niya. Nakaka adik ang amoy ng leeg niya. Gusto ko talagang kagatin ang leeg niya kaso naaawa na ako sa pangit kong Jen.

Jen Pov's

Kainis talaga si sir Carllex, ano lang ang naiisip niyang kalokohan.

Wala nga kasi ako sa mood para patulan siya sa mga kalokohan niya.

Ayan oh, ano ba ang hinihingi nito? Kiss ba o kagat? Ay naku Jen, yan talaga ang mahirap kapag nagka asawa ka. Wala pang kasal buntis kana saka ang malala. Yong magiging asawa mo ay galing sa lahi ng mga bampira este adik sa leeg.

Tinitigan ko na lamang siya para kasing engot si sir.

Ano kaya ang pinakain nito sa kaniya ni papa bat ganiyan siya.

" Jen, pwede bang humingi nang... " sabay titig sa leeg ko.

Ay patay! Kagat nga ang gusto niya.

Napahawak na lamang ako sa leeg ko.

Jen, itago mo yang leeg mo at wag mong ilabas.

Dali dali kong kuha ng unan ng biglang hinawakan niya ako sa kamay.

" Jen, sige na oh! " pagmamakaawa niya. Ano ba kasi mayroon sa leeg ko at gusto na naman niyang kagatin?

" ayoko nga, " sabi ko ng ganun habang pasimpleng nagtatago sa kumot.

Parang gusto ko nang iurong ang kasal eh.

Mukhang kawawa talaga ako pag siya ang papakasalan ko.

Ayos na sana yong caring pero bat bampira pa?

Nag iba na lamang ang awra ng mukha niya at umalis sa harapan ko.

Humiga lang siya sa tabi ko at hindi na namamansin sa akin.

Hala, matampuhin ang lalaking ito.

Ayan, nakatitig lang siya sa kisame tapos inunan lang niya ang mga braso niya.

Pambihira, ngayon ko lang siya nakitang ganiyan.

Babangon naman ako, " sir, " tawag ko sa kaniya pero never siyang lumingon. Aba, ako naman ang inisnob ng lalaking ito. Ano bang gusto niya? Ipapakagat ko sa kaniya itong leeg ko?

Aba, ang sakit kaya non at ang hapdi pa.

Ayaw mo akong pansinin. Bahala ka, walk out ko sa kama at lumabas ng kwarto.

Arghh, kainis ang lalaking iyon.

Naabutan ko na lamang si ma'am Jerimy na nakaupo sa sofa at may hawak na libro.

Umupo ako sa tabi niya. Pareho kasi kaming pangit at sigurado akong pareho ang asal ni sir Fierce at Carrlex. " oh Jen, bat andito ka? Di ka pa natutulog? " lapag muna niya ng binabasa niya at tumitig sa akin. Tama nga si sir Carllex, simple lang ang mama niya kaya nagustuhan ito ng papa niya.

Tama nga naman, like father like son! Siguro nagtitiis rin si ma'am Jerimy kay sir Fierce sa asal nitong bampira. Hala, totoo nga dahil may bakas ng kagat yong leeg ni ma'am Jerimy.

" Jen, yang anak ko nagmana yan sa lolo niya. Adik sa leeg, kaya pagsensyahan mo na siya. Sabi kasi, may sari sarili tayong amoy at kapag naakit ang isang tao sa amoy mo. Well, humanda ka dahil mababaliw siya sayo. " sabi niya ng bahagya na tila pinapaliwanag sa akin ang ugali ng anak niya.

Napatango na lamang ako at napaisip.

Teka, stress kaya si sir Carllex kaya gusto niyang makagat leeg ko.

Wala naman siyang ginawa boung maghapon eh.

" ma'am Jerimy, ano ho ang ginawa niya boung maghapon? " ask ko naman baka kasi may dapat akong malaman. Hindi naman kasi nagsasalita si sir Carllex about sa kasal namin saka sa work niya.

Hinawakan na lamang ni ma'am Jerimy ang kamay ko. Then lumapit sa akin na tila may ibubulong. " Jen, mama nalang ang itawag mo sa akin. Saka yang si Carllex wala sa bokabularyo niya ang salitang 'rest! Alam mo ba, nagtatrabaho yan kahit narito at inasikaso niya yong kasal niyo sa munisipyo at in future. " pa alam niya sa kin.

Napatigil na lamang ako. Kaya pala nong kanina hindi ko siya nakita rito. Pero saan siya pumunta? " maiwan ko muna ho kayo, ma. " paalam ko ng ganun. Nahihiya talaga akong tawagin siyang mama pero sinusubukan ko para masanay na ako.

Bumalik na lamang ako sa kwarto. Dahan dahan akong pumasok at sumilip sa pintuan.

Uy, ang pogi kong asawa mukhang tulog na at may hawak pang little box.

Ano kaya yan, para kaya sa akin yan?

Dahan dahan akong umakyat sa kama nang biglang nagsalita siya.

" saan ka nanggaling? " sabi niya saka nabaling sa akin na pahiga na sana ako. Pero dapat ko pa ring sagutin ang tanong niya.

" sa sala, " tugon ko ng ganun na ikinataas ng kilay niya. Oh diba, hindi siya naniniwala.

" anong sala? Just answer me correctly. " saad niyang sabi na tila masungit pa kaysa sa akin. Sus, di lang naka kagat sa leeg ko ganiyan na siya sa akin.

Inirapan ko na lamang siya sabay tago at kumot sa sarili.

Bahala siya no, basta matutulog na ako at masakit na naman likod ko.

" damned, wag mo akong tataguan kapag di pa ako tapos na kausapin ka. " hila niya ng kumot na tila galit siya sa akin. Kainis siya, ano ba kasi kasalanan ko. Bat ganiyan siya?

Napahikbi na lamang ako na wala sa oras. Tingnan lang natin kung di ka umamo na bampira ka. Ipaglilihi ko talaga ito sa sama ng loob. Lagi kasi akong iniinis saka ang sungit niya.

" huy pangit, may kasalanan ka sa akin kaya tumahimik ka! " sabi niya ng ganun na tila kasalanan ko pa.

" ano ba kasi kasalanan ko sayo? " hikbi ko pa sa kaniya. Galingan mo pa Jen ang paghikbi para convincing.

" ayaw mong tumahan? " taas niya ng mga kilay niya.

Nang biglang hinawakan niya ang mga kamay ko sabay sunggab sa labi ko.

Anak nang pating.... Ito ba talaga ang galawan ng mga de la Vega. Kapag hindi tumahan patatahanin sa halik. Huhuhu, kawawa ka naman Jen at napaka ano ng mapapangasawa mo.

Gusto ko lang na sabihin niya kung bakit siya masungit pero sunggab sa labi ang tugon niya.

" ano? Di ka pa tatahan? Gagahasain talaga kita na pangit ka! " saad na pang aasar niya sa akin. Adik nga, gahasain daw Jen? Ay naku, makakatahi na ako ng bibig nito.


next chapter
Load failed, please RETRY

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C31
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login