Download App
32.35% okA tokaT / Chapter 11: Multo 2

Chapter 11: Multo 2

Maayos pa naman eh, halika na" sabi nito at hinila na ang kamay ko palabas ng pinto.

"Nahahawakan mo rin ako?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya sa akin.

Paikot-ikot lang kaming dalawa dito sa parke, ilang beses rin kaming tinahulan ng mga aso na tinakbuhan lang naming dalawa.

"Ang saya talaga manakot ng mga hayop" tumatawang sabi niya.

"Ikaw ha, mamaya sabihin ng nga kapit bahay namin inaaway ko mga aso nila" natatawang sabi ko sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala hindi nila gagawin iyon" tumatawang sabi pa rin nila.

"Oo nga! Takot lang nila sa'yo." Sabi ko na lalong nagpalakas sa tawanan namin.

Nagtagal pa kaming naka upo sa damuhan, habang pinapanood kung paano matakot at tumakbo palayo ang mga pusa at aso na napapalapit sa amin.

"Takot na takot talaga sila sa'yo" tumatawang saad ko sa kaniya.

"Oo nga eh" sagot din niya.

Nang mapansin ko na tumingala siya sa kalangitan.

"Bakit?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Oras na" nakangiting sagot niya sa akin.

"Ha? Aalis ka na?" Tanong ko sa kaniya.

"Kailangan na eh, hindi na ako maaring magtagal, malapit na akong magising" sagot niya at yumuko.

"Halika na, maglakad na ulit tayo" aya niya sa akin at tumayo na siya. Napasunod naman ako sa ginawa niya.

Naglalakad na kami pabalik sa bahay at hawak pa rin niya ang kamay ko.

Nang mapansin namin ang maraming tao sa tulay na dinaanan namin kanina.

"Anong meron? Wala naman iyan kanina hindi ba?" Tanong ko sa kaniya.

Unti-unti na kaming lumalapit sa tulay.

"Halika tignan natin" aya ko sa kaniya na nakahawak pa rin sa mga kamay ko.

"Ano po ang nangyari?" Ito sana ang itatanong ko sa ale na nasa tabi ko, pero naunahan ako ng babaeng dumating.

"May bangkay daw inihulog sa tulay" sagot ng babae.

"Ano ba iyan? Baka naman biktima nanaman iyan ng mga gang?" Takot na sabi ng babae.

Sa narinig ko ay napatingin ako sa paligid ko.

Unti-unting nagdidilim ang paningin ko.

Ang maliwanag na paligid ay naging madilim.

Nakita ko ang dalawang lalake na paparating may hawak na baril.

Sa kabilang dulo ay nakita ko ang babaeng paparating din may hawak itong supot.

Habang papalapit siya ay unti-unti kong naaninag ang damit niya.

Napatingin ako sa damit ko na suot, pareho kami.

Nakita kong tumigil ang dalawang lalake sa tulay.

"Huwag, huwag kang lalapit. Bumalik ka. Bumalik ka Diane!" Sigaw ko sa babaeng parating.

Ngunit tila wala siyang naririnig, patuloy pa rin siya sa paglalakad.

Habang nakasiksik ang earphone sa magkabilang tenga.

Napatingin akong muli sa mga lalake, unti-unti nilang nilalabas ang baril nila habang papalapit ang dalaga sa tulay.

Nakita ko ng bigla nila itong sunggaban. Pinilit nito ang lumaban, lumapit ako para tumulong pero hindi ko sila mahawakan.

"Diane, takbo na!" Sigaw ko habang umiiyak, habang pinapanood ko ang sarili ko na manlaban sa kanila.

Nakita kitang tumakbo palayo ng matuhod mo ang isang lalake at itulak.

Para lang magulat sa alingawngaw ng isang putok ng baril.

Ramdam ko ang sakit at napahawak ako sa tiyan ko.

Dugo.

Napakaraming dugo.

Napa-upo ako sa sakit, at muling nagliwanag ang paligid.

Nandito pa rin ako sa tulay, pero maraming tao at maliwanag na ulit ang paligid.

"DIANE!" Rinig kong sigaw ng isang babae na ininalingon ko.

"M-mama... mama" tawag ko sa aking ina, at sinundan ng tingin ang tinitingnan niya.

Unti-unti nang inaakyat mula sa ilog ang isang bangkay. Natatakpan na ito ng kumot pero nakalabas ang paa nitong may sapatos.

Lalo na akong umiyak dahil sa kilalang-kilala ko ang sapatos na suot niya. Walang iba kung hindi ang regalo ni mama sa akin noong birthday ko.

"Mama" muling bulong ko habang nakatingin sa kaniya.

Muli akong napatingin sa sarili ko, may bakat pa rin ng dugo ang puting t-shirt ko, halos maging kulay pula na ito, pati sa sapatos kong basang-basa. Tumutulo ang tubig mula sa akin.

Unti-unti akong lumapit sa mama ko.

"Ma, sorry sa pagiging pasaway ko. Kung sana nakinig ako sa iyo na huwag mag pagabi sa pag-uwi, sana magkasama pa tayo" umiiyak kong bulong sa kaniya.

Kahit alam kong huli na, gusto ko pa ring maramdaman niya na mahal ko siya.

"Oras na Diane, kailangan ko ng umalis. Sana maging masaya ka sa pupuntahan mo." narinig kong sabi ng boses sa tabi ko.

Ngumiti naman ako sa kaniya kahit may luha sa mata at muli kong nilingon si mama.

Malinis na ulit ang damit ko at hindi na ako basa. Niyakap ko si mama sa huling pagkakataon.

Inumpisahan ko na ang paglalakad palayo sa tulay.

Sino ang makakapagsabi na ang akala ko na minumulto ako,

Ay ako pala ang multo.

-Anino


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C11
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login