Download App
79.43% No More Promises / Chapter 224: Chapter 23: Defending her

Chapter 224: Chapter 23: Defending her

Ang akala kong natapos ng pangungulit ng bunso kong kapatid. Hindi pa pala. She keeps on telling me na magpakalalaki na raw ako't gamitin ang kagwapuhan ko. Di ko tuloy malaman kung nasa tama pa ba syang pag-iisip o kailangan na ng tulong ng siyensya. Sila ng asawa nya. Kamusta na rin kaya?. Her, on their company?. Revealed na ba?.

"Tigilan mo nga ako Bamblebiee. Yung problema mo sa office nyo, naayos mo na?." bahagya syang natigilan sa pagsubo subalit saglit lang iyon. Kumilos na syang parang wala lang.

"Anong office Lance?. May problema ka sa department nyo anak?." Dad got curious about it. Ang noo ko'y kusang nangunot dahil sa reaksyon ni Dad. Nagtataka at palipat lipat ang tingin samin ni Bamby.

"Wala po." mabilis nyang sagot dito. But knowing Dad. Di ka nya ito titigilan hanggat hindi nasasatisfy sa isinagot mo. "Ang daldal naman kasi." dinig kong bulong ni Bamby nang damputin nito ang table napkin na nahulog nya. Mukha sadya nya itong ilaglag para may dahilan syang iwasan ang titig ng aming Ama.

"I'm asking you Lance. What is it?." Naku naman!. Paano ba to?. Ako ba ang ipinunta nila rito to comfort o ang kapatid ko?. Why asking me mind tricking whatnots of my sister instead of stupid questions?. Tsk.

"I guess Dad. I have no right to speak about her. Just ask her nalang po.." nakita ko kasi ang pandidilat nya sakin ng mata. Kulang nalang lumuwa ang eyeballs nya just to scare me and stop me from revealing things. Di ko din naman gagawin ang iniisip nyang isusumbong sya. We're not kids now. May mga bagay nang kami nalang magkakapatid ang nakakaalam sa ginagawa ng bawat isa. May mga sinasabi din kami sa parents namin but NOT ALL. It's the lightest. The happiest and the embarrassing moment. Iyon pa siguro. Pwede. But when it comes to personal problems?. Mas gusto kong magsabi kay Bamby. I don't know why. Baka nahihiya lang ako o it's not my thing to open up to someone na alam kong higit masasaktan para sakin. Hayaan mo na si Bamby. As long as she is in her sanity. Makakatulong sya sakin. Kahit naman hindi. Actually. She's my good therapist. In all ways.

"Later. Be ready Bamblebiee. Let's talk later. But now. Let's fix your Kuya Lance's matter.." anya. Na sana. After fixing my issues here. Malimutan na ang kay Bamby. "So?. Did you and your in-laws talked about this?." he started off.

Sumimsim ako sa kupita ng wine na nasa gilid ko. After savoring the bitter sweet of it's taste. Saka ko lamang sya sinagot.

"Mommy, I gonna poop.." dinig kong bulong nito sa Mommy.

"Yikes kiddo!. Urgh!!.." hilarious reaction of his Mom. Ang bulungan nila ay hindi literal na bulong dahil dinig na dinig naman namin ni Dad. Maging si Daddy ay napatingin kay Bamby.

"Jesus Bamby!. Teach your son some table etiquette please. Kumakain pa tayo.."

"Dad.. I already did.. Di lang siguro nya mapigilan na.."

"I'm sorry Lolo old.." hinging paumanhin ng bata. Saka na sya tumakbo patungong banyo. His Mom followed his back.

"As I was saying. Nakausap mo ba sila?."

"Not at all.. they are too aloof for me to reach them out."

Napahawak sya ng kanyang noo. It's like. He's frustrated. "Your wife. What's her decision."

Yumuko ako after wiping my lips. "She already cut it off, Dad.."

"Without asking your opinion?!." may halong inis ang dinig ko sa boses nya. "Nagdesisyon sya para sa sarili nya ng di man lang tinatanong kung anong desisyon mo?. My goodness Lance!."

"Dad. It's not that. Whatever her decision may be. That's also mine."

"Iyon din ba talaga ang gusto mo?." hindi ako nakatanggi ng mabilis kung kaya't kinuwestyon nya ito. "O sumang-ayon ka nalang dahil iyon ang mabisa at mabilis na paraan para di kayo mag-away?." I'm no words to say. Honestly. I just realize now what he is pointing out. At tama nga sya. Iyon ang pinaka-iiwasan ko talagang mangyari. "Hindi kayo magtatagal ng asawa mo Lance kung laging sya ang sinusunod mo. Ang sinumpaan nyo ay hindi lang para sa isa sa inyo. Para iyon sa inyong dalawa na kailangan nyong pag-aralan. Wala ba syang concern sa'yo ha?."

"Dad. Wag naman kayong magalit sa asawa ko. We're not there para bigyan sya ng hatol nang dahil lang sa naging desisyon nya. Who knows what she's been through right now?. She's torn between her family and her own family. Nasa level palang sya ng doubting and saying what ifs. Ayokong isisi nalang ito sa kanya dahil ako ang nakapag-isip at may gusto nito. Not her."

"Sorry to interrupt but Kuya. I'm asking. Tumawag na ba sya sa'yo after declining the adaption?." this is Bamby. Kasalukuyang tinutulungan ang anak na isuot ang pants nya na may sinturon.

Hindi ako sumagot. Silence is sometimes a answer. Yes.

"I don't want to stain her name but you know what Kuya, everytime I saw you being sad or cry a river?. I feel like. She doesn't deserve you."

"Kahit pa anak. Your idea or hers. It's still about your marriage. Stop defending her dahil mali din naman sya sa pamamagitan ng pagpapabaya nya sa relasyon ninyo. I'm too disappointed at her. Your Mom is mad, Lance. Pati sya ay nadismaya kay Joyce at sa pamilya nya. Wala man lang daw silang konsiderasyon sa kagustuhan nyong mag-asawa." Daddy became calmer ng bumalik na sa table si Knoa.

"Kaya nga po. Ni hindi man lang nila inisip ang mararamdaman nilang pareho. Susmaryosep!. Buhay nga naman." singit pa ni Bamby. Sinipa ko sya sa ilalim ng mesa. For her to stop. "What!?." malakas pa nyang tanong sakin. Di ko nalang sinagot. Kaasar! Di man lang marunong makisama.

"I'm not defending her. Ayoko lang kasing gumawa ng pagkakamaling pagsisisihan ko rin sa huli."

"What's your plan then?." istrikong saad ni Dad.

"Uwi ng Pilipinas po."

"Sama ako!.." si Knoa ito na ginulo ko lang ang buhok nya sa gilid ko.

"This month Kuya?." April palang kasi. "December ka nalang please. Para makauwi din ako."

"I'm not sure yet Bamby. Pero gusto ko asap para malinawan ang lahat tungkol dito." paliwanag ko.

"Kuya, malinaw ang lahat. Ginagawa lang nilang kumplikado para malito kayo." bat ba ang daldal ng isang to?. Asan ba yung masking tape ko dyan?.

Savage mo Lance ha?. Wag naman. Pakinggan mo kasi sinasabi nya. May punto din kasi. Bat sa aming pamilya. Malinaw ang lahat. Walang kontra-bida. Bakit sa kabila?. Lahat na, mali sa kanila?. Nasaan ang problema?. Sila ba?.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C224
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login