Download App
95.1% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 699: Valkyrie and Fate Sorceress

Chapter 699: Valkyrie and Fate Sorceress

Editor: LiberReverieGroup

Walang nag-akala na ang isang taong maglalakas-loob na humarap kay Jessica ay si Eve!

Ito ang tagapag-mana ng Valkyrie, na sinusuportahan ang Three Northern Cities. Kahit na nagkaroon sila ng hindi pagkaka-unawaan ni Jessica, pareho pa rin silang tagapagtanggol ng Feinan.

Ito rin ang dahilan kung bakit kahit ayaw ni Jessica kay Eve, hindi pa rin ito nagpunta sa North para maningil.

Kailan lang ay nagpadala si Eve ng liham sa White River Valley. Iniimbita nito si Marvin na magpunta sa Norte para makipagtulungan.

Walang nag-akala na sa oras kung saan pinakamahina si Marvin ay lalabas nga ito… pero hindi para protektahan si Marvin.

Sa halip ay papatayin niya ito.

Makikita sa kanyang reaksyon ang lahat.

Sa isang iglap, ang tatlong Holy Sword ay nagsimulang manginig habang dahan-dahan itong umaangat mula sa kanyang likuran.

Ang bawat Holy Sword ay may kanya-kanyang kwento.

Ang mga kwentong ito ay hindi na makukumpirma dahil sa paglipas ng mga taon.

Pero kahit pa ganoon ay hindi pa rin nababawasan nito ang takot na hatid ng mga Holy Sword na ito.

Nakita rin mismo ni Jessica nang saksakin ng kulay lilang Holy Sword ang puso ni Dark Phoenix, kaya naman napako si Dark Phoenix sa Four Totemic Pillar noong sinusubukan nitong makatakas.

Kumpara sa galit na si Jessica, mas kalmado naman si Professor.

May koneksyon ito sa mas nakababatang henerasyon ng mga Feinan Powerhouse. Makikita ang bakas ng Copper Dragon sa muling pagtatayo ng Three Northern Cities.

Dahan-dahan itong nagsalita at nagtanong, "Bakit?"

Tumingala si Eve at tiningnan ang Copper Dragon na mayroong mahinahong reaksyon sa kanyang mukha. "Siya ang Destroyer."

"Kalokohan!" Hindi mapigilan ni Jessica ang kanyang galit!

"Kahit na magmaang-maangan ka pa, hindi na magbabago 'yon," sagot ni Eve.

"Sa katunayan, bilang isang Fate Sorceress, dapat ay mas nauna mo pang nalaman 'to kesa sa akin."

"Tama baa ko?"

Nanlaki ang mata ng lahat!

Hindi nila nauunawaan kung ano ang sinasabi ng Valkyrie!

Ang tagapagligtas ng Feinan na si Marvin ay ang Destroyer?

Anong ibig sabihin nito?

Marami sa mga dapat ay patakas na ay napatigil at nanatili para manuod.

Tinuturing rin na kalaban ng Astral Sea ang Valkyrie. Tulad ng Three Fate Sisters, nakatanggap ito ng pabor mula sa Plane Will.

Maraming tao ang nakapagsabi na matapos mawala ng apat na Plane Guardian, ang bagong henerasyon ng mga Plane Guardian ay magmumula sa mga natitirang powerhouse ng Feinan.

Ang posisyon ng South Plane Guardian ay muling mapupunta ng Awakened Witch Queen.

Ang East Plane Guardian at magiging ang sikat na si Marvin.

Ang North Plane Guardian at magiging ang Valkyrie Eve.

Ang Ang West Plane Guardian ay ang pinakamalakas sa Three Fate Sisters, si Jessica.

Pero sa pagkakataon na ito, ang inaasahang magiging North Plane Guardian ay sinasabing si Marvin ang "Destroyer"?

Anong ibig sabihin nito?

Ang mga natitirang Divine Servants naman ay ibinahagi ang impormasyon na ito sa kani-kanilang mga God.

Napakahinahon lang ni Eve.

Kumpara sa kalmadong si Eve, tila galit na galit naman si Jessica.

Sa katunayan, nang marinig nito ang salitang "Destroyer". Bahagyang nanginig ang buong katawan nito.

Makikita ang pagkatuliro sa mga mata nito.

Pero sa huli pinilit nitong ilabas ang nais nitong sabihin. "Hindi 'yan makatuwiran! Kinilala na siya ng Plane Will! Nabigyan na siya ng awra ng Child of the Plane, katulad niya tayo, isang Plane Guardian ng Feinan!"

"Maaaring magbalat-kayo ang isang lobo para magpanggap na isa ring tupa," walang emosyong sabi ni Eve.

"Hindi ko alam kung anong klaseng laro ang ginagawa ni Diross, hindi ko rin alam kung paano unti-unting nawala ang Supreme God na dating pinangangalagaan ang kapakanan ng lahat ng nilalang… pero isang bagay ang nalalaman ko, at iyon ay hindi natin maaaring hayaang lalong lumakas ang Destroyer."

"Hindi naman talaga siya galing sa mundong 'to eh!"

Nakakagulat ang mga sinasabi ni Eve pero ito ang katotohanan!

Nanindigan pa rin si Jessica. "Ano naman kung nagmula siya sa ibang mundo? Nag-iwan ba ang Valkyrie ng malinaw na kautusan sayo?"

Nanatiling tahimik si Eve.

Dahan-dahan itong sumagot at sinabing, "Alam ko lang ang tungkol sa pagkakaroon ng Destroyer. Ang misyong iniwan sa akin ng Valkyrie ay hanapin ito at patayin siya."

"Pero hindi ako sigurado kung sino ng aba talaga ang Destroyer."

"Hanggang sa araw na 'to."

Tinuro nito ang Magic Devil Egg at seryosong sinabing, "Alam mo naman siguro ang alamat ng Nine Hells?"

"Pinaghirapan siya ni Diross. Talaga nga bang ang lahat ng ginawa niyang iyon ay para lang palakasin ang bagong henerasyon?"

"Dati nang nahati ang Astral Sea dahil sa pakana ng Lord of Hells. Nahati ito mula sa Ancient Astral Sea at naging Nine Hells at ang kasalukuyang God Realms."

"Mga Angel sila, at sila ang pinakamahusay pagdating sa Order Power. Kung ang Fate Tablet ay mapasakamay nila, ano sa tingin mo ang mangyayari?"

Huminga nang malalim si Jessica bago naninindigang sinabi na, "Si Marvin ay si Marvin. Ang Hell ay Hell."

"Gusto mong malaman ano ang tingin ko sa sitwasyon?"

"Sasabihin ko na sayo, wala akong masyadong pakielam."

"Sa mata ko, si Marvin lang siya."

Mabagal na umiling si Eve.

At bigla na lang itong sumugod, kasabay nito ang tatlong espadang handa rin umatake!

Nabalot ang buong palapag ng Sky Tower ng kabagsikan ng Sword Aura.

Kahit ang mga powerhouse sa dulo ng bulwagan ay napatalon ang puso dahil sa dama rin nila ang awrang ito.

Ang tatlong Holy Sword na ito ay mga mababagsik na espadang hindi na mabilang ang taong napatay!

Mayroong alamat na nagsasabing kapag alam na espada ng Valkyrie kung sino ang pupunteryahin, hahabulin nito ang kalaban hanggang sa mapatay ito!

Galit naman na sumigaw si Ivan at umabante ito para pigilan si Valkyrie!

Sumunod naman ang Sea Elven Queen.

Pero tumuro lang si Eve at kakaibang ngiti na ang gumuhit sa mukha ng anak ng God of Dawn ang Protection.

Sa sumunod na segundo, isang maliwanag na Divine Power na tila liwanag na nagmumula sa bukang-liwayway ang lumabas. Napigilan nito ang dalawang makapangyarhang Legend.

Sa oras na ito, maraming powerhouse ang nakapagtanto.

Ang anak ng Dawn and Protection God ay ang pinakamabagsik sa lahat.

Kahit ang Copper Dragon ay hindi magagawang talunin ito.

Siya lang ang kaisa-isang anak ni Anuba Grant!

Matapos itong mabihag, unti-unti nang nanumbalik ang lakas nito!

Ang tanging rason kung bakit siya nagawang hulihin ni Eve ay dahil sa espesyal na katangian ng tatlong Holy Sword na ginawa talaga para lang pigilan ang mga tulad niya.

Basta sumang-ayon si Eve na pakawalan siya, malamang ay siya na ang pinakamalakas na nilalang dito!

Sabay naman na umatake ang daawang Elf, pero nagawa lang nilang sabayan ang pag-atake nito!

Nang makita ito, lalo pang nagalit si Jessica.

"Ibigay mo siya sa akin," muling sabi ni Eve, seryoso ang mukha nito.

Hindi naman nabawasan ang enerhiyang nagmumula sa mga Holy Sword.

"Hindi ko siya pahihirapan at bibigyan ng maayos na kamatayan."

"Kahit na siya ang Destroyer na nakasaad sa propesiya, naging bayani pa rin siya ng Feinan. Ang pagkamatay niya sa ilalim ng mga Holy Sword ay hindi na masamang kamatayan para sa kanya."

Dalawang salita lang ang lumabas sa bibig ng Fate Sorceress:

"Manahimik ka!"

Muling rumagasa ang kidlat mula sa kalangitan napara bang nakikisabay ito sa galit ni Jessica!

Sa pagharap kay Eve at sa tatling Holy Sword, naging maingat si Jessica at hindi nagpakakampante.

Ipinagkatiwala niya muna si Marvin sa Copper Dragon.

Saka ito umatake para personal na dispatyahin ang kalaban!

Maalab ang naging pagtutuos ng magiging West Plane Guardian at ng magiging North Plane Guardian!

Nakipagsagupaan ang Holy Swords sa Fate Power na yumanig sa kalangitan!


next chapter
Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C699
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login