Download App
31.7% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 233: Moss Prison

Chapter 233: Moss Prison

Editor: LiberReverieGroup

Sa kalmadong Decaying Plateau, ginagawa lang ng mga Evil Spirit ang kanilang mga tungkulin.

Naka-upo lang si Diggles sa kanyang trono, tila may pinag-iisipan.

Ang gwardya sa kanyang tabi ay tahimik lang. Magmula nang sundan niya si Diggles, hindi pa niya nakitang umalis ang Overlord sa trono, ni isang hakbang.

Lagi lang itong naka-upo doon, hindi kumikilos.

Walang maaring lumapit sa trono. Kung may magkamaling lumapit, kahit sino pa ito; kamatay ang naghihintay para dito.

Hindi mausisa ang mga Evil Spirit, kusa lang silang sumusunod. Ang salita ni Diggle sang batas.

Walang sino mang nangangahas na kalabanin siya.

Si Deceiver ang kauna-unahang sumalingat dito.

Pero hindi naman kasi siya Evil Spirit.

'Sinusubukan niya sigurong hanapin ang kapatid niya. Kahit na hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari, hindi naman akong mahihiripang hanapin siya.'

Makikita ang pagiging tuso sa mga mata n Diggles. Pumikit siya para kumonekta sa ilang Evil Spirit Envoy sa Feinan nang biglang isang bitak na kulay bahaghari ang pumunit sa kalangitan!

"White Deer Holy Spirit Lorant!" Binuksan ni Diggle sang kanyang mga mata na mayroong matagumpay na ngiti sa kanyang mukha.

"Sa wakas, nakarating ka. Maligayang pagdatin!"

Matapos magbukas ng lagusan, si Loran tang unang lumabas.

Isang dalisay na enerhiyang Heavenly ang dumaloy sa kanyang katawan, at nalinis nito ang isang bahagi ng Decaying Plateau.

Ito ang espesyal na kakayahan ng Heavenly Deer!

Pero sumasama ang lagay ng mga Evil Spirit dahil dito.

Nagmula sila sa masamang enerhiya kaya naman ayaw nila sa kapangyarihan na dala ng Order.

Biglang nagbago ang mukha ni Diggles, pero wala na siyang pakielam sa tikas ni Lorant.

Lalo pa't, sa mga mata niya, ang aroganteng Heavenly Deer na ito ay mabilis na magiging isang tila kabayong sinasakyan niya.

Ang positibo at negatibong enerhiya ay kayang baguhin sa pamamagitan ng isang ritwal. At bilang isang Evil Spirit Overlord, malinaw na bihasa si Diggles sa mga ganitong bagay.

"Ibigay mo sa akin ang Rainbow Stone at ibbalik ko sayo ang mga anak mo."

Makikita ang masamang ngiti ni Diggles.

Pero biglang natigilan ito.

Dahil biglang may lumabas mula sa lagusan pagkatapos ni Lorant!

Isang Elf na maglalaway ang sino man dahil sa taglay nitong potensyal!

Sa pananaw ni Diggles, ang mga blessing na taglay ng katawan ng Elven Prince ay ang pinakamahalagang blessing sa buong mundo.

"Mukhang hindi ka sumunod sa kasunduan natin," sabi ni Diggles, habang masama ang tingin sa dalawa, " Pero wala na akong pakielam."

"Dahil naparito ka sa Decaying Plateau, tatanggapin ko kayo nang tama."

"Sabi mo eh." Sabi ni Ivan.

"Pero wag na tayong magpaligoy-ligoy pa!"

Matatag na bumagsak an Elven War Saint at sumugod patungo kay Diggles na parang isang bala.

Tumalsik ang lahat ng Evil Spirit na nakaharang sa daan nito!

Hindi mabilang ang mga Evil Spirit na napahiyaw sa pagdurusa. Mag-isang gumawa si Ivan ng isang madugong daan patungo kay Diggles.

Tiningnan naman nito si Ivan habang tumatawa. "Hangal na Elf."

"Sa tingin mo kaya mo akong talunin mag-isa sa mundo ko?!"

NAnginig ang katawan ni Diggles at biglang lumabas ang dalawang doppleganger sa harap ng trono nito!

Ang pangunahing katawan nito ay naka-upo pa rin sa trono, hindi pa rin ito kumikilos.

Bjnunot ni Ivan ang kanyang longsword at walang takot namang hinarap nito ang makapangyarihang Evil Spirit Overlord!

Maganda ang pagkakagawa sa longsword at mayroon itong pambihirang disenyong naka-ukit dito.

Kadalasan, hindi gumagamit ng makapangyarihang sandata si Ivan dahil hindi naman niya ito kialangan. Pero dahil umapak siya sa ibang plane para hamunin nag Evil Spirit Overlord, kahit na walang makikitang pangamba sa mukha nito, inilabas pa rin niya ang pinakamalakas na sandata niya!

Ito ang kayamanang iniwan sa kanya ng kanyang ina bago ito namatay, na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya.

Isang god level na sandatang iniwan ng mga High Elves bago umalis ang mga ito sa Feinan. Ang [Glorious Wind].

"Nine Elven Swords?" Napatingin si Diggles.

"Nahulaan mo." Pagkikibit balikat na sabi ni Ivan. "Pero…. sa katunayan, inilabas ko lang ito para makuha ang atensyon mo.

Bago pa man ito matapos sa pagsasalita, isang bulalakaw ang lumabas mula sa lagusan at wlang habas na pinatamaan ang pangunahing katawan ni Diggles nan aka-upo sa trono.

Itinaas ni Ivan nag Glorious Wind at mabagsik na inatake ang dalawang Doppleganger.

"Inheim!"

Nagulat at nagalit si Diggles nan aka-upo sa kanyang trono.

Nang bumagsak ang bulalakaw, bahagyang itinaas ni Diggle sang kanyang kanang kamay at nagpakawala ng walang hanggang agos ng negatibong enerhiya. Sa isang iglap, tatlong barkada ang nabuo sa kanyang paligid.

[Meteor Fall]!

Isa sa mga pinakamalalakas na atake ng mga Legend Monk.

Ang namumula at mainit na bulalakaw na ginamit ni Inheim ay may taglay ng tila makawasak mundo ang lakas nang tumama ito sa mga barikada ni Diggles.

Pero ang inaasahang pagsabog ay di nanganap. Walang hanggan ang kapangyarihan ni Diggles. Sa uanng barikada lang ito nakalusot ngunit agad na napigilan ng ikalawa.

Tila hindi man lang mapanganib, ang isang makapangyarihang tao gaya ni Inheim, para kay Diggles!

Makikita ang mabagsik na ngiti nito. "Mabuti at naisipan mong pasukin ang mundo ko!"

"Gusto kitang pasalamatan, Lorant. Hahahaha!"

Tumayo lang doon ang White Deer Holy Spirit at walang emosyong sinabing, "Sa tingin mo doon na nagtatapos ang lahat?"

"Hindi… Ngayon ang araw na mamamatay ka!"

Isang nakakatakot na presensya ang lumitaw sa gitna ng Rotting Sea sa likod niya.

Lumakas at naging isang malaking puno ang presensyang ito sa loob lang ng ilang sandal!

"Ang Seed of the World Tree? Isang Great Druid?"

Muling napawi ang ngiti sa mukha ni Diggles.

Nararamdaman niyang unti-unting humihina ang kapangyarihan ng Rotting Sea.

Ang World Tree ay isang mahalagang kayamanan. Dahil mayroong dalawang Geat Druid na gumagamit nito, patuloy ito sa paglaki.

Naging isang napakalaking puno nito, halos masakop nito ang kapaligiran nito at dinispatya ang mga negatibong enerhiya. Ang Rotting Sea ay nagsimulang malinis!

"Ang lakas nang loob mong subukang linisin ang mundo ko!" Galit na sigaw ni Diggles.

Ang isa sa mga dopleganger nito ay lumayo sa mga atake ni Ivan at agad na sinugod ang punong ginagawa ng dalawang Great Druid!

Hindi nuya maaaring hayaang lumaki ang binhi ng World Tree sa plane na ito!

Nang biglang isang maitim na ulap ang biglang naging isang malakas na bagyo!

Bahagyang maaaninag ang anino ng isang babae sa loob ng bagyo.

Malakas man ang doppleganger ni Diggles, hindi pa rin nito kinaya ang pwersa ng bagyo at nahigop ito!

Ashes Strom!

Ang lahat ng hihigupin nito ay magiging abo. Ito ang pinakamalakas na Legend Spell na ginawa ni Hathaway. Kahit pa makapangyarihan ang doppleganger ni Diggles, naging abo ito matapos ang tangayin ito nang hindi inaasahan!

Patuloy na lumaki ang World Tree. Sa katunayan ay hindi nito kayang magtagal, lalo pa't hindi naman ito isang tunay na World Tree.

Pero kaya nitong magdulot nang malaking pinsala sa Decaying Plateau sa loob nang maikling oras, kaya rin nitong pigilan ang kapangyarihan ni Diggles. Wala nang kasing lakas nito.

Matapos pukawin ni Ivan at Inheim ang atensyon nito, agad silang bumalik sa nasasakupan ng kapangyarihan ng World Tree.

Doon, nakakakuha sila ng tuloy-tuloy na pagpapagaling at mga bonus sa kanilang lakas.

Muli ring bumalik si Lorant sa kanyang pangunahing katawan at nagsimulang ang mga spell kung saan siya bihasa!

Ang mga Evil Spirit sa Rotting Sea ay namatay na at hindi mabilang ang mga Evil Spirit na nagtakbuhan na parang mga aso!

Noong mga oras na iyon, sumarado na ang lagusan.

Tinitigan lang ni Diggles ang mga Legend.

"Monk, Elf, Wizard, Druid, at isang Heavenly Deer."

"Dederetsohin ko kayo, magmula nang mabuo ang Decaying Plateau, ngayon lang nagpunta ang ganito karaming Legend."

"Hindi dahil sa hindi sila interesado, pero hindi sila naglakas-loob. Mundo koi to, walang hanggan ang kapangyarihan ko rito.

"Para niyo na ring hinukay ang sarili niyong libingan."

Itinaas niya ang kanayng kamay at sumigaw, "Head Knight Douglas! Tawagin mo ang mga sundalo ko!"

Ang nabubulok na Knight ay biglang lumitaw mula sa kawalan at lumuhod. "Masusunod, Lord Diggles."

Naglabas ito ng tambuli at hinipan ito.

Nayanig ang lupa!

Nagsimulang yumanig ang buong Underworld, kasabay nito ang pagdaloy ng kapangyarihan sa mga katawan ng mga Evil Spirit.

Biglang nagsulputan ang mga ito mula sa lahat ng sulok ng Underworld.

Isang higante ang umahon mula sa malayong bahagi ng Rotting Sea at lumapit.

Nang makita ang Higante, biglang nag-iba ang mukha ni Hathaway. "Hindi maganda ito, isang Corrupt Titan!"

"Mukhang mas naging mapanganib ang plano natin."

'Mukhang kumilos na sila!'

Nagtatago si Marvin sa dilim, pinapanuod ang napakaraming Evil Spirit na sumugod patungong silangan.

Pinapatawag na ni Diggles ang mga Evil Spirit.

Ito ang mundi niya, kontrolado niya ang kapangyarihan ng mundong ito. Malaking hamon ang haharapin ng iilang Legends sa paglaban sa napakaraming Evil Spirit.

Sa katunayan, kung alam lang ni Marvin na mayroong binhi ng World Tree ang Migratory Bird Council, hindi na sana ganitong plano ang ginawa niya.

Ang pansamantalang World Tree na iyon ang tanging dahilan kung bakit kinakaya pa ng mga Legend ang labang ito.

Lalo pa at isang Evil Spirit Overlord ang kalaban nila. Kapantay nito ang lakas ng isang mahinang god at narito rin ang pangunahing katawan nito!

Kahit pa umatake ang pitong Legend sa ibang lugar ay baka hindi pa rin nila ito mapatay, lalo ngayon na narito ito sa sarili nitong mundo!

Sa Decaying Plateau, walang makakatapat kay Diggles dahil ang lugar na ito ang mismong nagbibigay sa kanya ng kanyang kapangyarihan. Siya ang hari sa plane na ito!

Hindi siya maaaring patayin!

Kaya naman ang misyon na ibinigay sa kanya ni Marvin ay lumaban hanggang sa makakaya nila.

At ang mismong pagsira sa Decaying Plateau ay si Marvin mismo ang gagawa!

Pero ang pangunahing kailangan nilang gawin ay iligtas ang mga White deer

Sa pagkaka-alala niya, pagkatapog ng Mushroom Brideg, kailangan niyang tumungo patungo sa dakong kanluran ng Decaying Plateau Floating Continent habang nagtatago sa mga nakabantay na Evil Spirit.

At ang pakay niya ay nasa isang lihim na mataas na bundok.

Sa isang lugar na may iba't ibang uri ng lumot!

Bawat lumot ay kasing laki ng dalawa hanggang tatlong tao. Magkakadikit ang mga ito at ang malilit na espasyo sa pagitan ng mga ito ay ginagamit na kulungan.

Ang Moss Prison.

Ang kulungan kung saan ikinukulong ni Diggles mga mahahalagang taong hinuhuli niya.

Matindi ang seguridad sa lugar na ito, dahil mayroong isang 4th rank Half-Legend Evil Spirit Envoy na nagbabantay dito.

Huminga nang malalim si Marvin at sinimulang pumuslit papalapit.


next chapter
Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C233
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login