HIRYUU ISLAND
Cassie's POV
Isang tanghali, nagtaka siyang makita ang tatlong itim na sasakyang nakaparada sa labas ng kanilang bahay. Pagkatapos nang kaniyang pang-umagang klase, umuwi si Cassie sa kanilang tahanan upang gumawa ng tanghalian para kina Mimie at kaniyang tita Lydia.
Meron kayang nangyari? Tanong niya sa kaniyang sarili.
Hindi lang iyon, mayroon pang tatlong lalaking nakasuot ng itim na Amerkana na nakatayo sa harapan ng kanilang tarangkahan, nakahilera ang mga ito at nakatingin sa kalsada.
Lahat ng kanilang kapitbahay na dumadaan ay nai-intimidate sa mga lalaking iyon, hindi maalis-alis ang kanilang paningin at nakabuka ang mga bibig habang nakatitig sa mga ito. May suot din ang mga iyon ng itim na sunglasses na parang katulad sa palabas na Men In Black.
Ano bang nangyayari dito? May lamay ba? Tanong niya ulit sa kaniyang sarili. Huminto si Cassie sa pag-pedal sa kaniyang biseklita.
Nagdadalawang-isip siya kung magtatanong na maaari ba siyang dumaan dahil nakaharang ang mga ito sa tarangkahan. Nais din niyang itanong kung sino sila.
"Maligayang pagdating, binibini!" Pagbati ng mga ito sa kaniya na ikinagulat niya. Kung ganoon ay alam nila na nakatira siya sa pamamahay na iyon.
"Maraming salamat," sagot niya.
Isa sa mga lalaking ala-Men-In-Black ang nagbukas ng tarangkahan. Nagulat man, pumasok siya at ipinarada ang kaniyang biseklita sa may bahagi ng garahian ng kanilang bahay.
May iba pang mga kalalakihan na nakatayo sa iba't-ibang bahagi sa labas ng bahay. "Ano kayang nangyayari dito?"
Nagtataka na talaga siya kung sino itong wari ay napaka-mahalagang panauhin sa kanilang tahanan. Ang presidenti kaya ng bansang ito? At bakit naman kaya mapapadpad ang taong iyon sa maliit na isla tulad nito?
*****
EMPIRE DRAGON HOTEL
Shun's POV
"Mr. Crow, ito na ang mga dukomentong hinihingi mo," inabot ni Rudolf ang itim na folder sa kaniyang boss.
"Okay, maraming salamat," ani ni Shun na hindi sinayang ang oras at agad itong binasa.
"Kung ganoon, totoo pala," ani niya.
"Yes, boss. Sa maraming taon, nagawang ibenta ng ginang ang lahat ng properties ng mga Young. May mga tao na kaniyang kasabwat upang gawing legal ang lahat ng transaksyon," pahayag ni Rudolf.
"Maganda ba ang panahon ngayon?" Tanong ni Shun sa kaniyang assistant.
"Yes, boss."
"Mabuti. Rudolf, ihanda mo ang yate," utos niya.
"Huwag mong sabihing, personal kang maglalayag sa isla?"
"Tayo… ang pupunta," pagtutuwid niya.
"Nai-intindihan ko," ani niya at agad lumabas sa opisina ng kaniyang boss.
Ang islang iyon ay ang pinaka perpektong lokasyon upang ipatayo ang naisip niyang bagong hotel. At bago niya bilhin ang isang bagay o lupa, nais muna niyang malaman ang buong kuwento dito. Pagkatapos ng maiging imbestigasyon, nalaman niya ang tunay na may-ari ay isang minor de edad lamang at isang ulila.
Ang tumatayong guardian nito na si Lydia at anak nito sa pagka-dalaga ay hindi matatawag na pamilya kung patago naman siyang ninanakawan ng mga ito.
At higit sa lahat, masiyado siyang interesado sa buong isla sa simula pa lamang. Gusto niyang pangalanan ang ipapatayo niyang hotel na Dragon Empire Solaris, isang bituin. Perpekto ito sa kaniyang nai-imagine.
"Keir, ihanda mo ang dokumentong kailangang pirmahan."
"Yes, boss," sagot ni Kier na nakatayo lamang sa gilid ng kaniyang mesa. Agad itong umalis ni wala ng ibang salita mula sa bibig nito.
Sina Rudolf at Kier ay pareho niyang higit na pinagkakatiwalaan sa mga pribado niyang gawain. Meron siyang limang private assistants na siyang gumagawa ng mga bagay para sa kaniya, kasama na doon ang kaniyang kapatid sa ama.
Si Blaire ang nag-iisang babae sa kanilang lima at kasal ito kay Meisha. Siya ang kaniyang kapatid na matagal na niyang hinahanap, pitong taon ng nakakaraan simula ng mahanap niya ito.
Kinuha ni Shun ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kapatid. "Blaire, nakarating na ba si Meisha?" tanong niya dito.
"Nasa daan na siya papuntang opisina ngunit may aksidenteng nangyari sa may 4th Avenue, hindi siya makahanap ng shortcut dahil naiipit siya sa traffic," sagot ni Blaire sa kapatid.
"Okay, sabihin mong sa The Peninsula na kami magkikita."
Ang The Peninsula ay sister hotel ng Empire Dragon na nag-oofer ng malaking reception tulad ng engrandeng kasal, birthdays, company parties o kahit pa 'yung mga sikat na show sa telebisyon dahil sa Glass Garden Hall nila na sobrang ganda at romantic ambiance nito sa pang-gabing okasyon.
"Copy," sagot ni Blaire at pinatay ang cellphone para tawagan ang asawa.
Tumayo si Shun mula sa kaniyang upuan at inabot ang kaniyang coat. Pagkatapos itong suotin, lumakad siya patungong elevator habang dumadayal sa kaniyang cellphone, "Daichi, pababa na ako."
Pinatay niya ang kaniyang cellphone pagkatapos sumagot ang kabilang linya.
Pagkatapos ng dalawang oras at naayos ang kaniyang mga appointments, patungo na si Shun sa isla. Kasama niya sina Daichi at Rudolf. Si Daichi ay tumatayong bodyguard at personal driver niya kahit marami siyang mga tauhan na nakakalat lamang at laging handa sa kaniyang tawag kapag kinakailangan.
"Ah, matagal na ring panahon…" sabi niya sa kaniyang sarili habang tanaw ang kabuo-an ng isla.